Chapter 5


"Kaya ka nga sinabayan."


Fuck. Paulit ulit na naman sa isipan ko 'yan. Hindi na nga nakatulog 'yung tao tapos sasabihan pa ng ganyan?! My gosh, Colin!



I'm currently laying on my bed. Hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan mga nagyari sa araw na ito. Bakit n'ya ba ginagawa iyon ay may girlfriend s'ya. Isa pa hindi kami magkaibigan. Hindi rin kami ganoong magkakilala. Tapos nagagawa niya akong ihatid?



Pasado alas-dies na nang makarinig ako ng pagdating ng isang sasakyan. Pamihadong sina mommy iyon. Gusto ko silang kausapin kaya bumaba ako.



"Still awake, baby?" Bungad sa akin ni mommy bago ako hinalikan sa noo. Parang wala silang nakalimutan.



"Can't sleep, mom." Sagot ko sa kaniya. Bigla naman pumasok si dad pagkatapos magparada ng sasakyan. Why do I feel like they're hiding something? This is not their usual time ng pag-uwi. But, everytime na late sila makakauwi, they call me or text me or kahit sina manang dito sa bahay para hindi ko na sila intaying kumain.



"You didn't call. Hindi kayo nagsabing late kayo umuwi." Sabi ko sa kaniya habang naglalakad patungo sa kitchen. Nakasunod ako sa kanila. "You didn't even fetch me." Napatingin saakin si dad. Kita ko ang paglambot ng emosyon niya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking noo.



"I'm sorry, 'nak. Sobrang busy lang sa office." Sagot niya sa akin. Napatango na lang ako. I don't want to ask something since if there is a problem naman ay sila ang nagsasabi saakin. They don't want me to get involve not until I turn eighteen.



"You better sleep na, baby. Maaga pa ang pasok bukas. Here's your milk."Abot sa akin ni mommy ng warm milk na ginawa niya. "I love you... so much." Hinalikan niya ulit ang noo ko bago lumayo. I bid goodnight to them bago umakyat dala dala ang gatas.



Kinabukasan, bumaba ako na nakaalis na pala ang mga magulang ko. Kaya si manang na lang ang sinama ko para kumain ng agahan. Mamaya pang 10AM ang pasok ko kaya mahaba pa ang oras. Nagbasa muna ako ng libro at nagnotes para sa magiging examination namin next week. Literal na magdudusa muna kami bago maranasan ang saya, ang clubs fair.



After writing some notes, nagprepare na ako para sa pagpasok. Pagkalabas ko ay nakahanda na ang isang sasakyan. Ang asawa ni manang ang maghahatid saakin ngayon since hindi na ako maiidaan nina mommy.



"Ella! Nakita mo ba 'yong post sa page?" Bungad saakin ni Shee.


"About what? Kung hindi school related, not interested." Sagot ko sa kaniya bago umupo.


"Nagpost na ng candidate for election and guess what?" Sabi naman ni Lie.


"Ano?" Bigla kong sagot sa kanila. Bakit parang ang aga naman? Dapat ay ipopost iyon same week ng clubs fair.


"Ayan hindi ka kasi nag-online! Pero isang partido pa lang ang nakapost." Sagot naman ni Shee bago inabot sa akin ang cellphone n'ya.



It was the ACTS party, partido nina Colin.



I scroll the post to see the other candidates at mas nagulat ako sa nakita ko.



COLIN YMIER VELASQUEZ as Vice President and his cousin Josh Carlo Velasquez as President.



"Tama na 'to? Baka fake news 'to ha." Sabi ko sa kanila habang binabasa pa pababa ang post. Marami ang familiar faces na mga dating ssg na at lalaban ulit ngayon.



"Tama talaga 'yan! Tingnan mo page ng partylist nila!" Pagpapatunay ni Shee saakin.



But, akala ko president ulit s'ya. Bakit bumaba s'ya ng posisyon. Pinag-uusapan pa rin iyon nina Lie at iniisip nila kung sino ang magiging campaign manager ng partido nina Colin. Dating si Carlo iyon pero kung siya ang tatakbong presidente, sinong papalit? Wala na akong kilalang malakas humatak ng botante sa school na ito. Kilalang kilala si Carlo dahil mayaman din sila. Bukod sa itsurang mayroon siya, may maipagmamalaki rin ang pamilya nila.



"Ella, okay lang ba if solo ka maglunch ngayon? May group paper kaming tatapusin. Hindi kasi nareply yung pabuhat tapos absent pa! Mamaya ka pasa nito diba?" Tanong saakin ni Shee. Magkagroup sila ni Lie at buti na lang ay tapos na ang amin.



"Go lang! You have the whole lunch to finish that. I'll eat at the cafeteria na lang or sa kubo sine I have baon naman." Sagot ko sa kanila. Sorry pa nang sorry si Lie saakin pero ayos lang iyon. Mahalaga ay makapagpasa sila on time dahil ako rin naman ang mag-aabot noon after class sa subject teacher.



I decided to eat lunch at the kubo. Mas tahimik dito at kadalasan na hindi pinupuntahan. Maraming puno sa paligid at may mga swing din. It looks like a playground for elementary students here. Medyo malayo rin sa building ng highschool kaya hindi madalas pinupuntahan. Perfect place para mag-aral o maghanap ng katahimikan.



After I ate, nag desisyon akong umupo muna sa swing. Marami namang puno kaya hindi direktang natatamaan ng araw ang lugar na ito. I was busy reading my notes on my phone when someone called my name.



"Stella." I heard that familiar voice. Kilalang kilala ko ang boses na iyon. Ang boses na lagi na lang ginugulo ang isipan ko.



Umupo siya sa katabi kong swing kaya nilingon ko siya. "What are you doing here?" Tinaasan ko siya ng kilay.



I saw him smirked bago nagsalita. "Maniniwala ka bang hinahanap ka?" Tanong niya bago lumapad ang ngiti. Tangina talaga.



"Stop with your bullshit. Do you need something?" inirapan ko siya bago nagsalita.



"Wala naman. Kumain ka na?" Tanong niya. He looks so calm. Tipong para kang hinehele sa tuwing titingin ka sa mga mata niya.



"Yeah." Maikli kong sagot bago nag-iwas ng tingin. Kanina pa siya nakatingin saakin.



"Asan mga kaibigan mo? Mag-isa ka rito?" Tanong niya ulit. Daming tanong ha! Pasalamat ka pogi ka!



"Dami mong tanong. Mukha bang may kasama ako? Uso manahimik ha." Pabalang kong sagot sa kaniya. I heard him chuckled kaya tinaasan ko siya ng kilay.



"Taray mo naman! Ganyan ka ba sa lahat?" Natatawa pa rin siya. Bakit ba mukhang tuwang tuwa siyang napipikon ako?



"Uso magshut up." Sagot ko sa kaniya bago tumingin sa mga punong sinisilungan namin. Nanatili ang katahimikan sa amin. Tila narito talaga kami para magpahinga. Hindi siya nagsasalita kaya hindi rin ako nagkusang magsimula ng usapan namin. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kaniya.



"Nagleak ang candidates ng partido namin." Bigla niyang basag sa katahimikan. Napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin din pala siya sa itaas.



"Hindi ko alam kung sinong nagpost. Hindi pa namin naaayos. Pero deleted na ang post." Pagkukwento niya pa. Tinutukoy niya ba ang post sa page ng partylist nila. "Hindi ko alam kung paano babaguhin. Nakita na ng karamihan 'yon. Maiissue kami kung may magpapalit ng position." So, it means na hindi pa iyon ang position talaga nila.



"What happened?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya saakin bago umiling.



"Tangina kasi ni Carlo. Hindi ko alam kasi siya ang naghahawak ng account na iyon. Baka na hack siya o naiwan niyang bukas sa phone n'ya iyong page na iyon habang nakikipaglandian siya. Dali kasing masindak ng magaganda." Napailing pa siya sa sinabi niya bago tumungo.



"Do you think sinadya ni Carlo?" Tanong ko sa kaniya bago tumingin sa mga paa ko.


"Hindi niya magagawa iyon. Mapapagalitan siya sa kanila. At malilintikan siya saakin." Sabi naman niya bago ngumiti ng kaunti. Nilingon ko uli siya at sabay na nagtama ang mga mata namin.



"Hindi ka na tatakbo silang president?" The fuck? Bakit ko ba itinatanong iyon?!



"Gusto mo ba?" Kalmado niyang tanong saakin. Hindi ko alam ang mga sasabihin ko. Kahit na masyado siyang seryoso bilang president noon, hindi naman maipagkakaila na magaling siya. His job was to make the students' life better at school. His projects provide students with their needs lalo na in terms of academic struggles. He's also part of those students na kayang kumontra sa pamamalakad ng paaralan kung nakikita niyang may problema ang mga mag-aaral. Determinado siya at may paninindigan. A great student leader like him can be the success of any school.



"Magaling ka. Marami ang naniniwala sayo." Sagot ko sa kaniya at tumungo ulit dahil hindi ko na kinakaya ang mga tingin niya. Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pag-itan namin.



"Naniniwala ka ba?" Nagulat ako sa tanong niya kaya binalingan ko ulit siya ng tingin. Kanina pa ba siyang nakatitig?



"Oo naman. Kahit na nakakainis ka. Magaling ka bilang presidente." I honestly said.



"Gusto mo bang tumakbo ako bilang presidente?" Tanong niya saakin. I was honestly shocked with that question. Why do I feel that nasa akin ang desisyon?



"Kapag um-oo ka, tatakbo ako ulit." Dugtong pa niya nang biglang tumunog ang bell kaya napatayo nako at tumakbo patungong building namin. Hindi na ako nakapag paalam sa sobrang gulat sa mga sinabi niya. I could even feel the loud beat of my heart.



Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kaya mabuti pang umalis na lang. I don't even know how to treat him. This is the first time na mandalas niya akong kausapin. Galit ako sa kaniya noon. Madalas siyang strikto sa mga gawain. Lalo na sa aming mga presidents. Parang kahit imposible naman ang ipinapagawa niya sa amin ay gusto niyang magawa nang maayos. In fact, hindi rin maganda ang trato niya sa mga academic achievers na malakas sa teachers. And now bigla siyang ganito sa akin?



Nakarating ako sa room namin na iyon lang ang iniisip. Pawis na pawis pa ang aking mukha dahil sa pagtakbo kanina. Tinanong pa ako nina Shee kung ayos lang ba ako. Buti na lang at kasunod ko ang subject teacher namin kaya hindi na sila nag-usisa pa saakin.



"Tara merienda sa baba bago umuwi?" Pag-aya ni Lie sa amin pagkatapos ng klase. Um-oo naman kami ni Shee dahil mukhang may gusto silang pag-usapan.



"Deleted na yung post. Sabi ni Trina kanina mukha raw may sabotage. I don't think naman may bumaliktad sa grupo nina Colin. Yare sila kay Carlo kapag nagkataon!" Pagsisimula ni Lie saamin. Gusto kong matawa sa sinabi niyang yari ang sasabotahe kay Carlo kung siya naman ang may kasalanan.



"Gaga! H'wag kang maingay. Baka marinig ka. Alam mo namang pinatahimik na ng partido nila ang problema." Pagsuway naman ni Shee kay Lie.



"May narinig ba kayo kay Colin? Hindi raw nagparamdam buong lunch sabi nung candidates kanina sa partido niya. Narinig ko noong bibili ako ng lunch." Tanong naman ni Lie. Nakakunot ang noo ko pero hindi ako sumagot. Anong sasabihin ko? Na kasama ko si Colin noong lunch? No way!



"Alam mo kapag may nakarinig sayo papanoorin na lang kitang busalan nila." Banta naman ni Shee. Natawa ako habang kumakain.



"Kanina ka pa tahimik, Ella. Lalim ng iniisip mo nitong nakaraang mga days." Pagpansin saakin ni Shee. Wala naman akong ibang iniisip bukod sa parents ko at sa mga sinasabi ni-



"May balita ka kay Colin?" Biglang tanong sa akin ni Lie. I was shocked by her question.



"Why sa sakin nag-aask? We're not that close. The last time I checked, I hated that guy." Hated?! Really, Stella?!



"Wih?" Pang-aasar nilang dalawa kaya napailing ako.



Nasa gate na kami pero ang usapan nila ay tungkol pa rin sa issue sa partylist nina Colin. Pati nga mga girlfriend at boyfriend ng mga kandidato ay napag-usapan na nila. Wala naman akong pakialam sa mga taong iyon as long as hindi nila pinapakialaman ang buhay ko ay ayos lang. Mabuti pang huwag makisali dahil karamihan ay hindi ko kilala.



Sinundo ako ngayon pero hindi ng mga magulang ko kundi ang asawa ni manang. Buti na lang talaga walang ibang trabaho ang asawa ni manang kundi ay hindi ko na naman alam kung paano makakauwi. Hindi pwedeng nagkataon lang laging nandyan si Colin para ihatid ako. Hindi pwedeng umasa lang ako. Maybe I'll ask manang to teach me how to commute.



After dinner, I went back to my room. I don't have anything to do. Maybe I'll scroll through social media lang since weekend na bukas. Binuksan ko ang facebook ko. Actually, I'm not really fond of Facebook since so many people are using this platform and it has become toxic. People always share things they didn't know if it is fake or not. People comment on everything they want even if it could affect someone's feelings. This platform became an opportunity to those people that want to corrupt the minds of the users.



I opened my account and saw the new friend request. It is from Carlo. What's with him? I clicked the requests and saw Colin. I stalked his profile. He's wearing a white polo and black pants paired with white sneakers. His background is a field with growing flowers that look like daisies. He doesn't have a lot of photos but the only photo that caught my attention is the photo he posted on mothers day. It was a photo of him with his mom. His mom looks like a girl version of him.



I accepted his request after scrolling on his account. Few moments later I received a notification from Instagram and Twitter.



Colin Ymier requested to follow you on Twitter.


Colin Velasquez followed you on Instagram.



Napakunot ang noo ko sa notifications. Really, Colin? Sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso ko, nagawa ko pang mapangiti bago buksan ang twitter. I saw his account as a request sa account ko. I accepted it bago siya i-followback. Nakarequest din iyon pero mas nagulat ako nang wala pang ilang segundo ay naka accept na rin agad ako. Kaunti lang ang followers niya. Halatang mga malalapit lang talagang tao ang nakakakita ng tweets nya. I scrolled on his feed and saw his latest tweet seconds ago.



Colin Ymier @/Colin_Ymier

Accepted na! Saan kaya ang request para maging boyfriend mo? 



---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #romance