Chapter 10



I woke up at 6AM today. Good thing maaga pa. I went to the bathroom to prepare myself. I wore black tank top and nude colored sweat pants paired with black Celine slides. Today is Saturday. I am planning na sumama kay Manang today since she'll be going to the market. Next week will be the club's fair. Adjusted dahil may gusto raw ipabago ang management.



I don't think may kinalaman ang newly elected officers doon. Hindi rin sumabay sa dami ng gawain last week. Especially that there is a big tension on the election happened last week. Kung natuloy iyon ay maaaring maging dahilan pa iyon nang hindi pagsali ng iba sa mga organizations lalo na if the appointed president of the organization is in favor of one party.



To avoid having biases, much better nga na hindi na isabay iyon. Those possible scenarios really happened in our country. May kampihan at madalas vote straight which is not totally applicable especially if not all the candidates in line are suitable to sit in the government. Instead of being in favor of the whole partylist, people should distinguish genuine public servants and those who wanted power to hold some necks on their hand. We shouldn't allow politicians to corrupt our minds saying that they can make everything possible when they win the race.



Better analyzation is a must during election. Hindi dapat tayo nagpapauto sa mga salitang binibitawan nila. Instead of just listening to their promises, people should allow themselves to look at the backgrounds of the candidates. Hindi mukha, hindi kasikatan, hindi kasinungalingan kundi ang kakayanan, kahusayan, at ang nakaraan ang dapat basehan para pumili ng karapatdapat hindi lang sa sarili kundi sa lipunan.



If you just want to vote those people na walang magandang ambag sa lipunan, think about first those less fortunate people. If you can be able to buy basic necessities kahit na sino pa ang nasa posisyon, think about those who can't afford basic needs. 'Cause for those people, basic needs became a privilage to them. Hindi porket kaya mo ay wala ka nang pakialam.



After drying my hair, I went to the kitchen and sighed with relief nang makita pa si manang doon. She's preparing our breakfast when our telephone landline rang. I walked toward the counter to answer the phone. It was a call from mom. I greeted her first.



"Honey, I'm terribly sorry but we need to run some business errands in Malaysia. You don't have to worry since our business is doing well. I think we'll be back after a week or two. I'll call you first when we land in Malaysia." She explained. I have nothing to say. After her words. I just bid a goodbye and dropped the call.



I don't think the business is fine. Halos wala na silang oras sa bahay. Palaging silang magkasamang nagtatrabaho when in fact dad can manage it alone naman. I just want to have some time with them but they always insist that the business needed them both.



Manang comforted me 'cause she knows how sad I am knowing that my parents will be gone in a week or two. Fuck that business, I need a family.



"Hayaan mo na muna, 'nak. Babawi naman siguro sila." Manang smiled at me. With that I immediately asked her if I could be with her sa palengke. "May pupuntahan ka lang siguro roon, anak." She teased me kaya nanlaki ang mata ko at umiling. "No po. I just wanted to help." Mukhang hindi siya naniniwala kahit na anong sabihin ko. Ano bang gustong marinig ni manang? Na I'll be with her just for what? I don't think I wanted to see someone naman.



We arrived at the market. Same route kami nang mga pinuntahan at ending ay sa tindahan ng mother ni Colin. "Manang! Kumusta? Kasama mo pala ang magandang dalagang ito! Naku! Teka at tatawagin ko si Colin! Pamihadong nasa labas iyon. Nagkakargador na naman!" Sabi nito. Napangiti naman ako. I just can't believe na after nang nakakapuyat na gabi sa school kahapon ay nagawa pa niyang pumunta rito. Nagpahinga na dapat muna siya. Umalis naman si Ma'am Clara kaya naiwan kami ni manang sa tindahan niya. Tuloy naman sa pamimili si manang ng mga gulay at prutas.



Nanatili akong nakatayo sa gilid ng tindahan bitbit ang mga pinamili namin. Ilang minuto lang din ay dumating na si Ma'am Clara at nasa likod naman niya si Colin. I looked at him. Malayo layo pa ang pwesto niya pero nakatingin na agad siya saakin. He waved his hands and smiled sweetly. Kapag talaga tumatawa siya, pati mga mata niya ay nakatawa rin.



"Hi." Maikling bati ko sa kaniya. He's wearing black shirt and cargo shorts. May towel din siya sa kaliwang balikat niya. I can still smell his perfume. Hindi siya mukhang nagkargador. Inabutan naman niya ako ng Minute Maid na nasa bote. Binuksan pa niya iyon bago iabot saakin. "Hi, Ms, President." Bati niya pabalik. I accepted the drink. "Merienda tayo? Gusto mo?" I arched my brow. His invitation is very tempting but I'm with manang. "I can't right now. I'm with manang kasi." I explained. Napatingin naman siya sa tindahan bago nagpaalam sa akin. "Pagpapaalam kita." Sabi lang niya bago umalis sa harap ko at lumapit kay manang. Sakto namang tapos na si manang mamili kaya lumapit din ako sa kanila.



"Sigurado ka bang iuuwi mo ang anak ko?" Tanong ni manang habang papalapit ako sa kanila. "Opo, maniwala po kayo kahit po hanggang hapon lang po sana." Sagot naman ni Colin. Napakunot ang noo ko kaya hindi ko maiwasang hindi magtanong. "Hanggang hapon ang alin po?" I looked at manang to seek some answer but she only smiled at me! "Wala. Tara hatid na natin si manang." Pag-anyaya naman ni Colin. Binalikan niya ang mga pinamili namin kanina sa pwestong kinatatayuan ko bago nagsimulang maglakad. I also helped manang sa mga veggies at fruits na binili namin.



Pagkarating sa sakayan ng trike ay inilagay ni Colin ang mga pinamili bago nagpaalam kay manang. Akmang sasakay na ako nang hilahin ni Colin ang kamay ko. Napakunot ang noo ko. "Why? Uuwi na ako." Sabi ko sa kaniya. He smiled at me. "Hindi pa. Gagala tayo." Sabi niya bago nagpaalam ulit kay manang. "Iuuwi mo iyan ha! Kapag hindi, naku yari ka sa akin." Pagbabanta pa ni manang. "S'ya una na ako mga anak. Ingat kayo ha." Paalala pa niya.



I thanked manang and bid my goodbye to her. Naakaalis na ang sinasakyan ni manang kaya napatingin ako kay Colin. He was smiling from ear to ear while looking at me. Ramdam ko pa rin na hawak niya ang kamay ko kaya napatingin ako roon. Bigla akong nahiya kaya inalis ko iyon dahil na rin sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.



"Saan tayo?" I asked him. I can't look at him properly. I can still feel this fast beating of my heart. "Papayag ka ba?" Tanong niya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. I need to calm myself first. "Papayag saan?" I asked him again. "Isang oo lang, ako na ang bahala." I don't know but trusting Colin feels like allowing him to be part of myself, to be part of my world. I just nodded. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang baba ko para mapatingin sa kaniya.



"Ako ang taya kaya ako ang bahala. Promise kapag hindi mo nagustuhan ihahatid na kita." Pangako niya bago ngumiti. I can feel him tucking my hair behind my ear. Sa halip na kumalma ang puso ko, hindi ko na alam. Pakiramdam ko hinahabol ako ng sampung aso dahil sa bilis ng tibok nito. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatinaod naman ako sa kaniya. Palabas na kami ng palengke. Hindi ko alam kung saan kami patungo. Ang alam ko lang ay nagtiwala ako sa kaniya ngayon.



Sumakay kami sa sakayan ng jeep papuntang San Pablo. Hindi ko alam kung anong pupuntahan namin doon. Dagdag pa na 500 pesos lang ang dala ko! Siya ang nagbayad sa amin at nanatili sa tabi ko. Naghihintay pa na mapuno ang jeep bago tumakbo papuntang San Pablo. Medyo mahaba ang byahe dahil dadaan pa ng bayan ng Tiaong ang jeep. Marami rin ang bumaba at sumakay pagkarating ng Tiaong.



Nang makarating kami sa bayan ng San Pablo ay hinawakan niya ang kamay ko at bumaba sa kanto. HIndi ako masyadong maalam sa mga lugar lugar lalo na at hindi naman ako madalas gumala sa San Pablo. "Lunch tayo?" Pag-anyaya niya sa akin kaya tumango na lang ako. Buong oras na naglalakad kami ay hawak niya ang kamay ko. Nasa gilid ko rin siya kung saan mas malapit siya sa daan. Hindi ko na pinansin iyon dahil hindi ko alam ang lugar na ito kaya nagpatinaod na lang ako dahil takot akong mawala.



"May alam akong lugar dito. Masarap na kainan iyon." Sabi naman niya. Naglakad pa kami ng kaunti bago huminto sa isang kainan. Maganda ang ambience ng lugar. Mahangin din ang lugar na kinatatayuan ng kainan. Iginiya niya ako sa isang table.



The place looks like a carinderia but better place and ambiance. Perhaps the owner didn't just want to serve good food but to make the place more alluring. Colin ordered our food since I don't have any idea what they serve. I just trusted Colin.



"After nito,may isa pa tayong pupuntahan. 'Yon yung pinaka mahalagang mapunntahan natin." Colin said while waiting on our food. I just arched my brow since I don't really know where we'll go after. He laughed and teased me about trusting him today. "Baka crush mo na ako ha." Pang-aasar pa niya kaya inirapan ko siya. Good thing the food was served after a minute. It is fried rice with crispy pork belly and mixed veggies. I looked at him thinking that this food might be too pricey and I just let him pay for me. "H'wag mong isipin 'yon. Dig in." He just shrugged his shoulders like he knows what I am thinking.



If the food cost that high, I can probably say that it was worth it. The food was great. I can sense Colin looking at me while enjoying my food. I didn't look at him since I needed some time to finish and enjoy the food. "This was freaking great!" I said after finishing the meal. He smiled at me. "Halata nga. Hindi mo nga ako pinansin e'." Sagot naman niya sa akin. Inirapan ko siya kaya lalo siyang natawa. "I need time to enjoy the food." I defended myself. Kaya lalo pa niya akong inasar.



After that lunch, Colin guided me out of the place. I'll definitely go back here. I want to experience their different meal offers. Naglakad kami hanggang sa marating namin ang simbahan ng San Pablo. "Daan muna tayong simbahan?" He asked me and I nodded. We entered the church and I was mesmerized by what I was seeing. It is my first time visiting this place. The church looks old but it doesn't affect the beauty of the altar and the aisle. Napakaganda ng pagkakagawa hindi lang ng struktura sa labas kundi pati na rin ang loob nito.



Nauna si Colin sa akin sa loob at nakita ko siyang nasa gilid ng aisle malapit sa altar. Dahil sa mangha ay hindi ko na napansin na malayo na pa siya sa akin. Napatingin ako sa kaniya. Halatang hinihintay niya ako kaya naglakad nagsimula akong maglakad sa aisle. Nakaabang siya sa akin at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil pinagmamasdan niya ako habang naglalakad. Nagmukha kaming nagpapractice ng isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako nagpatinag sa mga tingin niya kaya naglakad ako at nanatiling nakatingin sa kaniya. He even smiled at me nang malapit na ako sa kaniya.



"Ganda." I blushed dahil iyon ang bungad niya sa akin. Iginiya niya ako at sabay kaming lumuhod. I prayed for everything that I am wishing for. I thanked God for all the grateful things that happened to me. I even prayed for my family, friends, for the people I am grateful for, and lastly, for Colin. I thanked God for having him beside me. For making me less worried about everything. Ever Since we started to build this kind of relation, he can totally divert all the thoughts bugging in my mind. He can make me feel at ease because of his simple smiles, laughs, and jokes. And Lord, I am always grateful for having this man beside me. May you shower him with all the love and things he deserves in life.



I signed a cross before looking at the man beside me. My eyes widened when I saw Colin looking at me. "Stop admiring the view." I jokingly said to him. "Ganda nga e'." He replied, smiling widely. I blushed a bit, that's why I averted my gaze away from his eyes. Gosh! Buong araw niya ata akong aasarin!



Pagkalabas namin ng simbahan ay pumara siya ng tricycle. "Sampaloc Lake po, Manong." Sabi niya bago nag-abot ng bayad. I insisted on paying for us but he always didn't allow me. Ilang minuto rin ay nakarating kami sa lugar. And if I am mesmerized with the beauty of the church earlier, I can feel that I am hypnotized with the beauty of this place. It looks like a park beside the lake.



Maraming tao at halatang pasyalan talaga ang lugar na ito. The lake looks calm. May mga students, families, at mga barkada na gumagala sa park. Bumaba kami ng trike at iginiya ako ni Colin sa daan palibot ng lake. Pababa ang lugar patungo sa mismong lake. May daan paikot ng lake at tumigil kami sa rentahan ng bike.



I looked at Colin making him realize that I don't know how to ride a bike? He looked at me confused. Lumapit ako ng bahagya sa kaniya at tumungo naman siya na parang nag-aabang sa sasabihin ko. "I don't know how to ride one." I shyly said. He smiled at me bago humarap sa lalaking nagpaparenta ng bike. "May sidecar po kayo? Ayun na lang po kukunin namin. Ayaw ko pong mapagod itong kasama ko." Sabi niya sa lalaki. "Oo. Naku! Bagay na bagay iyon sa inyo." Bigla pang sabi ng lalaki. Ramdam ko na namang namula ang mukha ko.



Dumating naman ang sidecar na color red. There's a heart design in front. "Tangina bagay nga." Sambit naman ni Colin kaya siniko ko siya. Inalalayan naman niya ako paupo bago pumwesto sa bike. Nagsimula siyang mag pedal paikot ng lake. Ang ganda ng paligid. Maraming puno at marami ring mga upuan. I just enjoyed the view. I looked at Colin everytime to make sure if he's okay and I always saw him smiling at me, also enjoying the place.



Malawak ang lake. Malayo kung gagamitan ng bisikleta. Pansin ko na medyo bumabagal na ang takbo namin. "Pahinga ka muna." Sabi ko kay Colin. Tumango siya bago pumarada sa isang tindahan. Pinanood ko siyang bumili ng tubig at inabot sa akin ang isa. We took a rest for a bit bago siya nagsimulang mang bike ulit. Hinawakan ko ang tubig niya dahil wala kaming dalang bag.



Finally, the whole ride around the lake ended. Ibinalik namin ang sidecar at naupo sa bench sa tapat ng lake. Kitang kita ang pawis ni Colin kaya inabot ko sa kaniya ang panyo ko. "Punasan mo na lang ako. Pagod na'ko." Pagdadahilan niya. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya hindi ko alam kung pupunasan ko siya. Ilang segundo pa ang lumpias at hindi niya kinukuha ang panyo. Napanguso siya kaya wala akong nagawa kundi ang punasan ang pawisan niyang mukha. He smiled at me but I rolled my eyes on him. "Arte mo." I stated. "Ganda mo." Bwelta naman niya. Pagkatapos noon ay ibinulsa ko na ulit ang panyo at pinagmasdan ang lawa.



Nanatili ang katahimikan sa amin. Parehas naming pinagmasdan ang lawa. Tahimik at tila walang problema. As long as I can feel him beside me, the safest place I know. Habang pinagmamasdan ang lawa at dumaan sa mga mata ko ang mga bubbles galing sa laruang hawak ng mga bata. I watched the kids laughing while running around the benches we're sitting on. Mukhang nabaling din doon ang atensyon ni Colin. Nagulat naman kami nang madapa ang isang bata sa harap namin. Agad iyong inalalayan ni Colin at pinagpagan ang suot na damit nito. The little girl giggled na tila hindi nasaktan sa pagkakadapa niya. "Kuya! Play with us. You too. Ate! Come here let's run po!" Paghila sa amin ng batang babae. Wala kaming nagawa kundi ang makipaghabulan sa mga bata. The place filled up with tiny giggles. Hawak na ni Colin ang bubbles na laruan kaya hinabahabol ng mga bata ang mga bubbles at puputukin iyon. I smiled while running with the kids. Their laughs filled my heart with joy. Colin is now standing a bit far from us since he's making bubbles.



Sobrang daming bubbles kaya napatigil ako at pinagmasdan ang ganda. The lake, the kids, the peacefulness of the place, lahat lahat na. Napapikit ako habang nakakaramdam ng labis na saya.



I heard someone approaching us. It was the nanny of the kids. Kinuha niya ang dalawang batang babae at nagpasalamat sa amin. Nakalapit na rin si Colin sa pwesto namin at inabot sa mga bata ang laruan. He even slightly pinched the kids cheeks that made them giggle.



"Uwi na tayo?" I asked Colin after having a rest. "Pagod ka na?" He asked. I nodded and felt him guiding me somewhere. Paakyat kami patungong park sa taas. Naglakad kami habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nnagyari nitong nakaraang araw. Pati mga naging eksena nila sa debate ay nabanggit niya. Masyado siyang madaldal kaya hindi ko inaakalang ang seryosong tulad niya ay makakausap ko ng ganito.



After walking and admiring the place, plus talking about things that happened this past few days, we decided to go. We rode a trike to the town proper and then, rode a jeepney back to our town. It took us almost an hour to travel. Sumakay ulit kami ng tricycle para naman makauwi sa bahay. Sa buong byahe namin ay madalas s'yang magkwento. He even tells me a joke.



Pagkarating ko sa bahay ay almost 6PM na rin. Bumaba siya bago ako bumaba ng sasakyan. I faced him and was ready to bid goodbye. "There's a small celebration tomorrow. Sa Aquawoods iyon. Kasama buong partylist." He stated. I arched my brow, resisting myself to smile. "What are you implying for?" I smirked at him. He chuckled." I was asking if you would like to come? You know... you're a huge part of this win." He smiled at me. Fuck... I can feel it... I can feel the hard pounding of my heart. "I... I'll try." I answered shortly. He just nodded and smiled at me. He caressed my hair gently.



I was about to walk when he said something that made my heart beats terribly as fuck.



"Can I be your boyfriend?" 



-- hny!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #romance