Chapter 1



"May tao ba sa loob?" Tanong ko sa mga students na nakapila sa labas ng Office of the Research Director.


We're currently grade 11 and now conducting a fvcking research. Kakasimula pa lang pero super stress na talaga sa mga need ipasa. During checking pa lang, super dami nang need na i-print para sa mga validators. Especially at need na namin ipacheck ang questionnaires.


"Wala ata, Stella." Sagot ni Mica na kagrupo ko. We're not friends actually. But, were in good terms naman. And my friends, ayon magkaka group. Nakakainis dahil kaya raw ako nahiwalay dahil ilalaban kami na best in research! Ayoko! Gusto ko matapos na agad kaya mas okay na magkakagroup kami.



Top 1 kasi ng buong ABM itong si Mica. While, me, top 4 kasi and top 2 at 3 ay nasa kabilang section. Kaya ayun, need magkaka group ang magagaling daw sabi nila.



But, to be honest, I don't think that I'm that kind of student. In fact, I'm not even giving my best. Sobrang nakakatamad! At pinakahuli, gusto ko na makagraduate. I've been already searching na nga for some universities na pwedeng mag-apply eh.



"Konting panahon na lang, college ka na gaga!" That's the line I keep telling to myself.


"Stella, tara na. Baka walang tao sa loob." Pag-awat ni Mica sa mga iniisip ko.


Actually, ayaw naming pumila. Let's just say that we're taking advantage dahil kilala kami ng research director. Kaya para saan pa ang pila? Hindi na namin need iyon. It's all about connections.


Nasa pinto na kami ng office nang biglang bumukas ito at lumabas ang pinakaayaw kong makita sa lahat! Si Mr. Feeling sobrang galing at seryoso na akala mo makukuha lahat! Walang iba kundi si Colin, ang masungit student leader na mula sa STEM1.



"Sorry, Miss. You should fall in line. May pila tayo rito. We all know that need ng lahat magpavalidate. But, follow the rules. May pila tayo. Walang palakasan dito." Sabi ng bwisit na SSG President na 'to at saka umalis. Napanganga na lang ako sa sinabi nya. Hindi nya ba kami kilala? What the fvck did he just said? Palakasan? Hello?! we're the fucking top students of ABM and then 'yon ang sasabihin nya?



I looked at the other students na nakapila and I saw them refraining from laughing! That Mr. Hambog! And just that, my day is ruined.



"Ayaw mo ba talaga bumalik doon at pumila?" Mica asked me.



"No. Let's just wait until 5PM. For sure wala nang pila roon." Of course ayokong pumila. And what? Susunod kami sa sinabi ng bwisit na yon. For sure kapag nakita nya kaming pumila ay tatawanan nya lang kami. He's super nakakainis!



Natapos namin ang research na iyon. Pero ang inis ko sa hambog na president last year ay hindi na ata matatapos! Finally, we're done and now entering the new year. Lapit na magcollege!



From having a smooth enrollment, we're now facing heavier subjects than last semester.



"Fuck that Fundamentals 2! Hirap na hirap na akong mag-journal last sem tapos ngayon need pa i-compute?!" Sheena said. This semester became super stressful than the last semester. Bukod sa three majors, and we also have core subjects. More subjects than the last sem.


"Calm down, Shee. For sure naman na kayang kaya mo yan kasi best in Fundamentals ka last sem." Pang-aasar ni Leslie. Inirapan naman siya ni Sheena.



We're a trio and I'm so thankful to these two because it makes my Senior year more bearable.



"Uy balita ko si Colin ulit ang tatakbong president next school year." Leslie said.



"Diba dapat ay si Carlo, yung pinsan nya. Kaso umayaw raw?" Pagdagdag ni Leslie sabay kibit balikat.



"Alam mo pogi talaga ni Carlo. Sayang di s'ya yung lalaban. Aapply sana akong campaign manager." Sagot naman ni Sheena na parang kinilig pa.



"Gaga di ka kukunin non. Malakas kinukuha nila. Baka kaya si Colin lumaban e kasi s'ya ulit campaign manager nila. Parehas gwapo diba. Sino kayang maiboto?" Natawa si Leslie sa pinagsasasabi nya.



Napairap na lang ako. We're currently here sa library and I want this time to be more peaceful and then pagkukwentuhan nila yung bwisit na sumisira ng araw ko?



"Shut up, Lie. You know na inis si Ella ron then 'yon pa topic natin?" Sagot ni Sheena. Well, that's so true! Ayoko mainis.



"Ewan ko ba sayo, Ella. Bakit ka ba kasi inis doon e mukha namang mabuting guy si Mr. President. Pogi naman s'ya, nakasalamin, matangos ilong, moreno, at higit sa lahat, matalino!" Pagtatanggol ni Leslie sa lalaking 'yon.



"Edi go! Jowain mo!" Napalakas ang pagkakasabi ko noon kaya ending napalabas kami ng library. Nakakainis naman kasi si Leslie tapos ngayon tatawa tawa s'ya kasi nasira na naman ang library time ko.



"Kung alam ko lang na iinisin mo ako, sana di na lang ako pumayag na sumama kayo!" Medyo asar kong sabi sa kanila kaya mas lalo silang tumawa.



Naglakad na kami palabas ng shool at saktong naandoon na ang sundo ng dalawa kong kaibigan. We bid some goodbyes kaya naiwan akong mag-isa sa labas. Mas okay pa saakin na makitang nauuna silang umalis just to make sure that they are safe before leaving the school.



It is almost 6PM na yet wala pa akong narereceive na texts from my dad or mom if they gonna pick me up. Fuck! I don't even know how to commute tapos hindi nila ako susunduin?!



I waited until I couldn't just stand here and wait for them.



I tried to call mom and even dad but none of them answered. It's already 6:30PM na pero wala pa rin. I can't stay here any longer. I have to find ways.



I walked back and forth until I received a message.



"I'm sorry, dear. Sudden meeting happened. We can't pick you up. Try to commute, anak. We're so sorry."



It's from mom. I don't know what to feel. Commute? Are they serious?! Hindi nga nila ako tinuruan ng ganyang bagay tapos sasabihin mag commute? WTF?! Halos palagi na lang late sila sumundo pero dumadating naman. Not until today.



I'm fighting the urge to cry since I have to do something. Lowbat na ang phone ko. I can't call my friends. For sure they're currently having dinner with their family.



Aalis na sana ako sa tapat ng gate until I heard someone calling me.



"Miss Gutierrez." Lumingon ako kung sinong tumawag sa akin. At nagulat na lang ako nang makita iyon.



It was Colin. The SSG President, Colin Ymier Velasquez. Riding a motorcycle.



"Why? What do you need?" Sagot ko. Why did he called me? Ngayon pa talagang wala akong sundo? Nakakainis na talaga!



"What are you still doing here?" Tanong niya. Napakunot ako ng noo.



"What do you care? School mo na 'to?" Inis kong sagot. Uwing uwi na ako!



"Sungit mo talaga."



"What did you said?!" Inis na talaga ako sa taong 'to.



Napailing siya at what? Did I just saw this guy smile at me? Itong hambog na ito na hindi naman marunong tumawa.



"Susunduin ka ba?" Tanong niya. I don't know what to say. Nanatili akong tahimik.



Sa gitna ng katahimikang iyon ay walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang ako sa daan at nagbabakasakali na may dadaang tricycle.



"Sabay ka na sakin." Sagot ng katabi ko. Sa sobrang gulat ko ay napatingin ako sa kanya at lalong nanlaki ang mata ko nang makitang nakangiti siya habang iniaalok ang helmet nya.



I was hesitant if I should accept his favor. I don't like him. He's so masungit and hambog. But I was left with no choice. Una, hindi ako marunong sumakay or mag commute. Pangalawa, my phone is off. And the worst things ay pagabi na. What if wala na palang trikes na nadaan sa ganitong oras?



Kinuha ko sa kanya ang helmet at sinubukang isuot iyo. After that, hinawakan niya ang helmet na nasa ulo ko just to make sure na maayos ito.


"Medyo magugulo ang buhok mo kapag tinanggal mo 'yan mamaya." Sabi nya na parang nagpapaalala siya saakin.



"Pero hayaan mo at maganda ka pa rin naman." Bulong niya na pero kahit bulong iyon, rinig mo iyon kaya inirapan ko siya at tumawa na naman siya! Gusto ba talaga nitong naiinis ako lagi?!



Kinuha niya sakin ang mga gamit ko at inalalayan akong makasakay. After noon ay umayos siya ng upo ay saka ko kinuha ulit ang mga gamit ko. Paano ba naman kasi siya makakapagdive kung hawak niya iyon.



Nakaready na ako ngunit hindi pa rin niya pinapaandar ang motor.



"Hello?! Kung gusto mong makauwi na tayo ay patakbuhin mo na yang sasakyan mo!" Medyo stress na ako kasi I think we're ready na for almost a minute pero walang nangyayari?



"May nakakalimutan ka pa." Sagot niya kaya napakunot ang noo ko.



"What-" Naputol ang sasabihin ko nang kinuha niya ang isa kong kamay at inilagay sa bewang nya.



Hindi ako nakapagsalita. I could even hear the loud beats of my heart. Naririnig n'ya kaya? Fuck?! Why my heart is beating so fast parang baliw.



"Kapit, MIss Gutierrez, para safe kitang maiuwi." Sagot niya bago paandarin ang sasakyan.



So this is how my day will end huh. 


---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #romance