CHAPTER 9: I don't know why
KATHLEEN'S POV
TWO WEEKS HAD PASSED since nung makilala ko ang magulang ni Red Santibanez. And since that night hindi siya nagpakita saakin.. pwera lang ngayon na magpapa-check up ako.
Sa totoo, ang sabi ko sakaniya ako na lang mag isa ang magpupunta pero ang sabi niya gusto niya daw makita ang baby namin. Since ngayon ang schedule ko ng ultra-sound.
kinuha ko ang glasses ko at isinuot ko iyun. Wala lang trip ko lang magsalamin ngayon. Anyway, nakasuot ako ng maternity dress na regalo saakin ni Ma'am Kyla, mommy ni Red at ni Addyson. Sa totoo lang ayaw ko sanang tanggapin kaso ang sabi niya, gusto niya daw bigyan ako ng damit na ganito, lalo na't lumalaki na ang tyan ko.
Tinali ko ang buhok ko ng pony tail at tsaka lumabas ng kwarto ko para hintayin si Red. To be honest, medyo late na siya. Bumuntong hininga ako at tsaka kumuha ng tubig sa fridge.
After 25 minutes dumating na din si Red, kasama ng isang magandang babae. Medyo matangkad ang babaeng kasama niya at meron itong magagandang katawan. Malayong malayo sa katawan ko ngayon. Naka-poker face na hinarap ko si Red. Ngumiti siya saakin.
" Aah oo nga pala Kathleen, siya si... " hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
" Can we just go to the hospital? Late na kasi tayo sa check up ko. " sabi ko at tsaka ko siya nilagpasan at pumasok sa likod ng kotse.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako sakaniya kasi pinaghintay niya ako ng 25 minutes tapos pagdating niya dito meron siyang kasama na ibang babae? Ano to? Nagjo-joke ba siya.
Tatawa na ba ako?
Hindi ko sila pinansin nung pumasok sila sa kotse. Basta ang ginawa ko ay naglagay ako ng earphone at nakinig ng mga soft music. Actually more on ng songs ko sa MP3 ko ay puro pang broken hearted.
Actually hindi naman ako broken hearted sadyang mas maganda lang ang tune ng mga broken hearted songs. Hindi ko alam kung anong oras na kami nakarating sa hospital basta, tuloy tuloy lang ang ginawa kong paglalakad. Hindi ko din pinansin ang pagtawag saakin ni Red. Dahil bwesit pa din ako sakaniya.
Hinagit niya ako sa braso ko at naiinis na tiningnan ko siya " You know I'm super late on my check up, Red wala akong panahon sa mga sasabihin mo " sabi ko.
" Well, gusto ko lang sanang magpaalam kung pwedeng ihatid ko muna si... "
" Just go if you want " sabi ko at tsaka ko siya tinalikuran ulit.
Bwesit siya. Nakakainis siya.
Agad akong pumunta sa office ng doctor ko. Nang hindi nililingon si Red. Nang makita ako ni Doctor Louie ay nginitian niya agad ako. " akala ko hindi ka na dadating aa" sabi niya.
Ngumiti ako ng mapait " sorry po, Doc. Medyo natagalan lang ang service ko kaya po ako nahuli " sabi ko.
Tumango tango lang siya. Chineck niya muna ang pulse rate ko and ang blood preasure ko. Tinanong niya din ako ng kung anu-ano and I'm gladly answer all those question.
" So do you want to see your baby?" he ask me.
Ngumiti ako " Oo naman po" sabi ko.
Iginaya niya ako sa isang kwarto kung saan may makina. Pinahiga niya ako at tsaka kinumutan ang lower part ng body ko then tsaka niya tinaas ang dress ko para makita ang baby bump ko. May inilagay siyang malamig na bagay sa baby bump ko and bite my lower lips. I felt so nervous. Gosh >_<
" Relax. Its just a gell " natatawa niyang sabi.
Hindi na ako nagsalita. Maya maya pa ay may itinapat siyang kung ano sa jan ko and the next thing I knew I heard the heartbeats of my precious baby.
" So as you can heard, the heartbeat of your baby is doing great. " sabi niya.
Hindi ko siya pinansin. This is the first time I heard his heartbeat, at mas lalo akong naiyak ng makita ko ang baby ko sa isang monitor.
" This is your baby. Ms. Vargas. its healthy" sabi niya.
After few minutes ay natapos na din ang check up ko. Sinabi lang naman saakin na kailangan ko pa din ipag patuloy ang pag inom ko ng pampakapit at pagkain ng healthy, and also wag daw ako magpapakapagod at magpapaka-stress dahil makakasama daw yun sa baby ko.
Inihatid ako ni Doc Louie sa labas ng hospital at siya na din ang pumara ng taxi saakin. Nagpasalamat lang ako sakaniya at tsaka umalis na.
NANG MAKARATING ako sa bahay ko, of course ano pa bang aasahan ko.. wala naman akong kasama kaya walang sasalubong saakin. Pumasok ako sa bahay ko at tsaka tuloy tuloy na pumunta sa kusina para gumawa ng pagkain namin ni baby ko.
Maya maya lang ay biglang may nagdoorbell. Kunot noo na nagtungo ako dun at tiningnan kung sino ba ang kumakatok. At nang makita kong siya lang yun, agad ko yung binuksan. Hinihingal siya at pawis na pawis na para bang nakipag marathon siya kung kanino.
Idagdag pa na naamoy ko sakaniya yung pabango ng babaeng kasama niya. " Anong kailangan mo?" tanong ko.
" Where did you go?" tanong niya.
" Sa hospital.. diba nga hinatid mo pa ako dun" sarcastic kong sagot tsaka ko siya tinalikuran at nagpunta sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa ko.
" bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko kanina " sabi niya mula sa likod ko.
" Bakit may sasabihin ka ba?" walang buhay kong tanong sakaniya.
" Can you just answer my question."
Nakangising hinarap ko siya " Can you just answer my question"
" Wag mo akong inisin, Kathleen sagutin mo ang tanong ko."
Inirapan ko siya " Kasi wala ako sa mood na kausapin ka, actually hanggang ngayon. Kung itatanong mo lang saakin kung anong nangyari sa check up ko. I'm gladly say na healthy si baby. "
Yung pagkainis sa mukha niya unti unting nawala. Nang malaman niyang healthy ang baby niya. Mapait na ngumiti ako. Mukhang sa baby lang siya my concern. Sabagay, bakit naman siya magkakaroon ng concern saakin?
Ano ba niya ako?
" Santibanez, pwede bang lumayas kana sa bahay ko. Hindi naman sa pinapalayas kita pero ang sabi kasi ng doctor, wag daw ako magpaka-stress ee"
" Hindi naman kita ini-stress aa" sabi niya.
Ngumiti ako sakaniya " Naamoy ko sayo ang mabahong pabango ng kasama mo kanina. And it make my head hurts. Kaya kung ako sayo.. Lumayas kana sa pamamahay ko kung ayaw mong sipain kita palabas ng pinto."
" Kathleen may nagawa ba ako? Kanina pa kasi iba ang mood mo? Hindi naman ganyan ang pakikitungo mo saakin diba" mahinahon niyang sabi saakin.
" Why don't you ask yourself while you're making your way out of my house, Santibanez?"
" Kathleen."
" Don't Kathleen, Kathleen me! Just get out on my house. "
" Kathleen sabihin mo naman saakin yung problema" Aakmang hahawakan niya ako pero iniwas ko ang kamay ko. Na ikinagulat niya.
" Just leave me alone, Red. I just want to be alone"
May kung anong emotion ang dumaan sa mata niya bago siya tumalikod saakin at naglakad palabas ng bahay ko. Tears spring on my eyes ng marinig ko ang kaniyang sasakyan palayo sa bahay ko.
Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Hindi naman ako ganito ee. Nagsimula lang naman to nung makita kong may kasama siyang ibang babae and worst naamoy ko pa sakaniya yung pabango niya.
And every time I imagine them making love... my heart break into pieces and I don't know why.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top