CHAPTER 4: Maternity Test

KATHLEEN'S POV

KINAKABAHAN ako habang hinihintay ko ang result ng PT ko. Pinasubukan kasi to saakin ni Ady para mas makasigurado kami. Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng banyo ko. " matagal pa ba?" rinig kong sabi ni Ady at nung iba pa.


" Sana naghihintay kayo diba? " sabi ko.


" Tigil tigilan mo kami Kathleen Vargas. Tatlong buwan lang tayong hindi nagkita tapos malalaman namin na buntis kana" galit na sambit ni Arra.


Hindi ko na pinansin ang sabi ni Arra at nanglalaki ang mga mata ko ng makita ko ang result ng P.T ko. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nakita kong result. Hindi to pwede... Hindi ako pwedeng mabuntis. Humikbi ako at mukhang naalarma naman ang mga kaibigan ko ng marinig nila ang paghikbi ko.


Kaya halos sirain na nila ang pinto ng banyo ko para lang mabuksan ito. " Guys bubuksan ko na, wag niyo lang gibain ang pinto ng banyo ko" sabi ko.


Wala akong narinig ng kahit na ano, kaya binuksan ko ang pinto. Nakita ko kung paano sila mag aalalang tumingin saakin. Hindi ako nagsalita pero pinakita ko sakanila ang result ng P.T ko.


" Oh my God. " sabay sabay nilang sabi.


" B-B-Baka... m-m-mali lang y-yung r-result. I can't bear a child, hindi n-ngayon na wala pa a-akong m-matinong trabaho para buhayin siya." sabi ko habang umiiyak.


" We can go to our clinic to check. Kathleen. We can't put this aside since its all about the life of your child." sabi ni Ady and somehow I felt that she was serious.


Sabagay kahit sino naman magiging serious kapag pinaguusapan na ang buhay ng isang baby.


" At kailangan din malaman ng lalaking nakabuntis sayo ang about sa baby, para naman may gawin din siya" sabi ni Maine.


" Pero paano kung hindi niya tanggapin?" sabi ko.


Ilang buwan din kaming hindi nagkita ni Red, at isang beses lang naman may nangyari saamin. At imposible naman na hindi siya ang ama ng dinadala ko kasi sakaniya ko lang naman binigay ang pagkatao ko, wala ng iba.


" Sasapakin ko siya at puputulin ko ang itlog at hotdog niya kapag hindi ka niya pinanagutan. No one can hurt my friends. " sabi ni Ady.


Napalunok na lang ako kasi ang dilim ng anyo niya na para bang handa na niyang gawin ang sinabi niya kani-kanina lang.


Bumuntong hininga si Rose at tsaka ako hinawakan sa braso ko. " Wag na lang muna natin i-stress si Kathleen. Hayaan na muna natin siyang magpahinga. " sabi niya.


" That's right. Kathleen go to your room now, and take a rest. Wag kang mag alala sa siguridad ng bahay mo, mag uutos ako na bantayan to 24/7 " sabi ni Ady.


" H-Hindi mo na kailangan gawin yun "


" I insist. Buhay ng magiging inaanak ko ang nakasalalay dito and I want you guys to be safe. " sabi niya. Ngumiti na lang ako sakaniya.


" Tomorrow, go to the hospital. Kailangan mong magpa-check up and after that siguro mas maganda kong kausapin mo na ang ama ng baby mo. " sabi ni Ady.


Marahang tumango ako sakaniya, pero bago siya tumalikod saakin ay nakita ko ang panghihinayang sakaniyang mga mata.


...

...

...

NATAPOS na ang check up ko at sa ngayon ay papunta na ako sa office ni Red Santibanez sa Makati. Sa totoo lang kinakabahan ako sa magiging resulta ng pag uusap namin ni Red. Tatanggapin niya kaya ang batang dinadala ko o hindi?


Nang makarating ako sa kompanya ni Red ay agad akong nagtungo sa kaniyang office. Ang kompanya na pinapamahalaan ni Red ay about sa car industry. Sinabi ng secretary niya na maghintay muna ako ng ilang sandali at binigyan niya din ako ng tubig.


Makalipas ang ilang sandali ay hinayaan na niya akong makausap si Red. Lumunok muna ako bago ako pumasok sa loob. Only to find out na madami siyang ginagawa at binabasang papeles.


I cleared my throat " Umm.. excuse me" sabi ko.


" Just say what you need to me, can't you see that I'm busy" sabi niya ng hindi man lang ako tinitingnan kahit saglit.


I rolled my eyes " Kitang kita ko naman kung gaano ka ka-busy pero sana naman diba, tumitingin ka sa kausap mo" inis kong sabi sakaniya.



Parang slow motion nahumarap siya saakin and the exact moment that our eyes meet. I held my breathe. Napatayo siya sa pagkakaupo niya " Anong ginagawa mo dito?" hindi makapaniwalang tanong niya saakin.


Napakamot ako ng batok ko, at inilabas ko ang envelop tsaka ko iniabot sakaniya yun. Nanginginig pa ang kamay ko ng mailagay ko iyun sakaniya. Taas kilay naman niyang kinuha iyun at binuksan tsaka binasa. After ilang minutes.


" So are you saying that your pregnant? " sabi niya. Nag nod lang ako " Then congratulation" walang buhay niyang sabi.


Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya at napapikit nalang ako ng aking mga mata. " Are you fucking kidding me? Congratulation you say? " sabi ko.


" Yes ! ano bang gusto mong sabihin ko ? Gusto mo bang sabihin ko na ninong ako ng magiging anak niyo"


" How dare you? Sa tingin mo ba pumunta lang ako dito para sabihin sayo na may baby na ako ? Nasaan ang utak mo ngayon Santibanez? Bakit hindi mo ata ginagamit."


" I'm not the father of your child, Kathleen" sabi niya.


Natigilan ako sa sinabi niya " Kung iniisip mo na ako ang ama ng anak mo, pwes nagkakamali ka. Ilang buwan din tayong hindi nagkita tapos bigla kang magpapakita saakin at sasabihin mong nabuntis kita?"



Hindi ako nagsalita at pinakatitigan lang siya. Bumuntong hininga siya at may kinuhang kung ano sa ilalim ng lamesa niya pag katapos ay sinulatan niya ito at iniabot saakin. " Kung kailangan mo ng pera, then ito. Hindi mo naman kailangan ipaako saakin ang anak ng ibang lalaki mo" sabi niya.


Tinitigan ko siya. Anong tingin saakin ng lalaking to. Kung kani-kanino lang nagpapagamit? Naiinis na kinuha ko ang tseke niya at pinunit ko iyun sa harapan niya. " What the fuck Kathleen" inis na sambit niya.


" Alam mo Santibanez. Kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko na anak mo nga tong nasa sinapupunan ko, bakit hindi mo na lang ako ipa-check sa kung sino man ang kilala mong doctor kung may ibang lalaki bang gumalaw saakin bukod sayo. " Natigilan ako at pilit na pinakalma ang sarili ko " Sa totoo lang wala naman talaga akong balak sabihin sayo ang about dito ee, but you deserve to know about my baby. But right now your being an asshole. Damn you " I said and with that iniwan ko na siya sa loob ng letseng opisina niya.


Nakakabwesit siyang lalaki siya. Hindi pa siya naputulan ng kaligayahan niyang lintek siya. Urgh. Marahan kong hinaplos tyan ko. " Don't worry baby, kung ayaw sayo ng ama mo then ayaw din natin sakaniya, di natin siya bati." sabi ko.


Nang makalabas ako sa opisina niya; agad akong pumara ng Taxi, aakmang sasakay na ako ng biglang may humawak sa braso ko para pigilan ako. Nakataas ang kilay kong hinarap siya.


" Pwede bitawan mo ang braso ko. " sabi ko.


" Where do you think your going?" tanong niya.


" Maliligo ako. " I said na ikinanuot ng noo niya. Bumuntong hininga ako " Bakit ba kasi nag tatanong ka na obvious naman ang sagot. Malamang uuwi na ako" galit na sabi ko.


" No. " sabi niya at tsaka niya ako kinaladkad papuntang parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. " sakay"


Ginawa ko lang ang gusto niyang gawin ko. Buong byahe namin tahimik lang kaming dalawa and sa totoo lang wala naman akong kaalam alam sa pupuntahan namin. Nagpunta kami ni Red sa isang hospital and he talk someone out there to do some test on me.



Hinayaan ko lang silang gawin ang gusto nila. Since wala naman akong magagawa dahil ako naman ang nagsabi na magsagawa kami ng test para malaman niyang sakaniya nga tong baby na dala dala ko.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: