CHAPTER 1: Bridal Shower

KATHLEEN'S POV

SABI NGA ng matatandang kasabihan, sa haba haba nga naman ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy. Kaya ito ako ngayon nasa bridal shower ng kaibigan kong si Rose. Malapit na kasing siyang ikasal kaya napagpasiyahan ng mga kaibigan namin na mag daos kami ng bridal shower para sakaniya.


Sa totoo lang lima lang naman kaming nandito ngayon sa apartment ni Maine kung saan ginaganap ang bridal shower ni Rose. No boys allowed ito na ikinais ni Ady kapatid at kakambal na mapapangasawa ni Rose. " Bakit ba kasi no boys allowed. Ano kayang silbi nitong bridal shower natin kung walang boys na mag i-entertain saatin. Tssh sana pala ng bar na lang tayo. " lasing na sinabi ni Ady.


" Alam mo naman na may pagka-k'j yang kapatid mo ee.. " sabi naman ni Maine at binigyan pa ito ng isa pang shot ng hindi ko alam na alak.


" Tssh, tama ka jan girl, hindi ko nga alam kung kapatid ko ba yun ee.. Ikaw Rose, sigurado ka na bang papakasalan mo yung hambog at K'J kong kapatid? " tanong niya.


Ngumisi naman si Rose " Oo... alam mo Ady.. tama na yang pag iinom mo" saway nito sakaniya.


Inirapan siya ni Ady " tssh Letse ka Rose. Dapat talaga may mga lalaki dito ee, dapat may ibang batuta ang pumasok jan sa pussy mo Rose, dahil kapag kasal kana sa Kuya ko. No other buddy can entered your pussy" sabi niya.

Napanganga ako sa sinabi ni Ady kay Rose, pero si Rose mukhang hindi naman na-offend sa sinabi ni Ady na tumawa lang.

Seriously? Para sa isang babaeng katulad ni Ady napaka bastos ng bunganga niya. Iniisip niya ba talaga na dapat bago magpakasal, kailangan makipag-sex sa ibang lalaki?


Ano kayang klaseng utak meron tong si Ady -_-


Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala sainyo. Ako si Kathleen Vargas. Yun lang naman ang dapat niyong malaman saakin dahil wala naman kainte-interesanting nangyayari sa buhay ko. Anyway, ang look ko ngayon ay hindi na katulad lang dati, dahil minimake-over ako nila Maine at ni Arra. Tinanggal din nila ang salamin ko kasi hindi naman talaga malabo ang mata ko.


For them sagabal lang yun sa mukha ko. Kaya kahit ayaw ko man tanggalin yun, ee no choice baka kasi magratatat naman ang mga kaibigan ko sakin. And that's not good kasi ang sakit sa tenga. -_-


" Alam niyo girls, nabobored na ako sa ginagawa kong selfie. Can we just move to a bar ?" tanong ni Arra. " Kailangan kasing magising ang natutulog kong wild cells"


" Ay friend gusto ko yan.. " sabi ni Ady. Tumayo siya at pumalakpak " Let's go mga alagad at dun tayo mag hahasik ng kagandahan sa bar. " sabi niya at humalakhak na parang mangkukulam.


Bumuntong hininga na lang ako at tsaka ako tumayo sa pagkakasalampak ko sa sahig. Hindi naman ako lasing pero nahihilo ako. Siguro mahina talaga ako sa mga ganito. Natatawang sumunod na lang si Rose saamin pero napansin kong nagtext siya bago siya tuluyan lumabas.



hmmm -_- may masama akong kutob ngayon gabi.






NAKARATING KAMI sa pinakamalapit na bar at halos magpaka-wild na sila Arra, Maine and Ady sa dance floor, kung tutuusin nga parang sila lang ang nag-eenjoy saamin ee, kasi ang soon-to-be-bride namin na kaibigan ay kasalukuyan nang nakahiga dito sa pwesto namin. Hindi ko naman siya maiwan iwan since baka ano pang mangyari sakaniya. Mamaya ma-rape pa to at hindi matuloy ang kasal nila, konsensiya ko pa.


Nag angat ako ng tingin ng biglang may naglapag ng baso sa harap ko. " I'm sorry but I didn't take this order " sabi ko sa waiter.


" Aah Ma'am pinabibigay lang po nung lalaking yun " sabi niya at tsaka tinuro ang lalaking nakaupo kasama ang grupo ng lalaki.


Nakasuot siya ng leather jacket na itim at sa ilalim nun ay kulay itim din na damit. Kumunot tuloy ang noo ko. Hindi ba niya alam na dapat mga light ang pina-partner sa mga dark color? Tssh. Inirapan ko lang siya at tsaka inilagay sa gilid ng lamesa ang alak na ibinigay niya saakin.


" Ganyan ka ba talaga sa lahat ng lalaki? Napakasungit mo naman "


Nag angat ulit ako ng mukha, and only to find out na nandito na sila Jack, Red, Blue, Alden Santibanez and Miguel Lopez barkada ni Red.


" Kailangan ko bang maging mabait sa lahat ng lalaki?" tanong ko kay Red na siyang nagsalita kanina.


" Hindi naman, sadyang ... " hindi ko na siya pinatapos at iniabot ko na lang sakaniya yung alak na binigay saakin nung lalaki sa malayo. Nagtatakang tiningnan ko siya kaya inirapan ko siya.


" Kung nanghihinayang ka sa alak na yan, why don't you drink it ? Hindi yung para kang nanay ko kung magdada" mataray na sabi ko sakaniya.


Aakmang magsasalita pa sana si Red nang biglang kinuha ni Miguel ang baso sa kamay ko and he drink it straight. Sinamaan siya ng tingin ni Red na ikinangisi lang ni Miguel.


" Tsh ! Tama na nga yang pag liligawan niyong dalawa jan, We need to stop Ady for being wild baka kung ano pang mangyari sa pinsan ko" nag aalalang sabi ni Blue.


" Dude, tinalo mo pa ang daddy namin. Ady can handle herself. Baka nakakalimutan mo na sa tyan palang kaming tatlo nila Red, wild na yan si Ady " natatawang sabi ni Jack, tapos marahang iniangat ang ulo ni Rose at pinaunan sakaniyang hita.


Tiningnan ako ni Alden tapos tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya. Ano naman problema ng hambog na to?


" Bakit hindi mo sila pinigilan na sumayaw?" tanong niya.


I rolled my eyes on him " I'm not there mother. They can do whatever they want."


" Aren't you their friends?" tanong niya saakin.


" Friend nila ako. Bat that's their lives. Kung iintrigahin mo lang ako ng kung anu-ano Alden. Put that aside of your head. Mind your own business " sabi ko at tsaka ako tumayo.


Tiningnan lang nila akong lima na para bang may tumubong sungay sa ulo ko. I rolled my eyes to them. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng tinatarayan at binabara sila?

" What do you think your doing ?" tanong saakin ni Red ng makita niyang tinanggal ko ang jacket ko.

Kinunutan ko siya ng noo. Ano naman masama sa pagtatanggal ko ng jacket? Wala naman masama aa. and beside nakasuot naman ako ng t-shirt sa loob aa. " Are you blind?" I ask him.

" No. "

" If your not, then obvious naman yung ginagawa ko diba? Excuse me" sabi ko at tsaka ako ng punta sa pinaka malapit na banyo para mag hilamos. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at medyo hindi ako satisfied sa looks ko. Nakasuot lang ako ng white fitted blouse na kitang kita ang hubog ng dibdib at bewang ko tapos a three inches below the knee black skirts. And a boots na pilit na pinasuot saakin ni Ady kanina. Ang buhok ko ay nakatali ng pony tail pero naka-braid ito.


I bite my lower lips at tsaka ko tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko at hinayaan itong malaglag. Sinuklay ko din ang buhok ko gamit ang kamay ko.


Ngumiti ako ng pilit sa salamin at tsaka ko napagpasyahan na lumabas na sa banyo at bumalik kung nasaan ang pwesto namin. Hindi ko pinansin ang mga lalaking nakatingin saakin at deretsiyo lang ang tingin ko sa mga kaibigan kong nasa lamesa na at umiinom ulit ng alak. Nang makita ako ni Ady at ng iba pa, ay sabay sabay nalaglag ang mga panga nila.

Agad naman kumunot ang noo ko sa reaksiyon nilang lahat. Nang makalapit ako sakanila " Baka mapasukan ng langaw yang mga bibig niyo kapag hindi niyo sinirado yan" walang buhay kong sabi at tsaka ako naupo sa tabi ni Maine na hindi pa din makapaniwalang tiningnan ako.


" Pwede ba guys, stop staring like I turn into monster with three horns in my head. " naiinis kong sabi.


Sabay sabay silang tumikhim at sabay sabay din silang iniabot ang mga inumin nila. Kinuha ko ang baso ko at dahan dahang ininum ang nakalagay na alak dun.


They're all weird, and I wondered why I stock with them.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: