VIGINTI TRES
Tiningnan ni Elpidio ang maliit na kalendaryong nakapatong sa kanyang mesa. Its bronze frame was decorated with garnet. A stone that wasn't native in Eastwood. This calendar was a gift he received earlier this year after a trip to one of their ally kingdoms. Sino ba naman siya para tanggihan ang "token of gratitude" ng mga maharlika?
"Privileges."
Isang makahulugang ngiti ang pumunit sa labi ng royal adviser kasabay ng paglilipat niya ng maliit na papel. Nang tuluyan na niyang nabago ang petsa, agad na tumayo si Elpidio at lumabas ng kanyang opisina. Tanging ang mahinang tunog ng pagsara ng pinto ang narinig sa bahaging iyon ng palasyo. Hindi na niya kailangan pang tumingin sa kanyang orasan.
He already knows what's on his to-do list this morning.
The royal adviser glared at several chamber maids who clumsily rushed past him. Hindi lingid sa kaalam niyang "pinangingilagan" siya ng mga tao dito. They're just envious of his position.
Higit sa lahat, alam rin niyang ayaw rin sa kanya ng tagapagmana ng kanilang kaharian.
'She doesn't even act like a princess!'
Bumalik sa mga alaala ni Elpidio ang samu't saring kapalpakang ginagawa ni Red tuwing tinuturuan siya ng kanyang mga private teachers. Aminado naman siyang malimit rin niyang pinapagalitan ang batang 'yon. Bakit naman hindi? She was graceful yet reckless. Obedient but sarcastic. Compassionate but irrational.
Trying hard.
And those shouldn't be the qualities of someone who will inherit the throne.
'Pareho lang sila ng ugali ng heneral. Kaya siguro palagi silang nagkakasundo, kinukunsinti rin siya ni Simon.'
Napasimangot na lang si Elpidio sa kanyang naiisip. Gustuhin man niyang isa-isahin pa ang lahat ng kanyang hinaing sa palasyong ito, may kailangan muna siyang gawin.
Elpidio passed by the king's bedroom. He didn't even slow down his pace. Dahil alam naman niyang wala roon ang kanilang hari.
'Where else can we find that miserable king?'
Huminto sa siya bukana ng silid. Walang pagdadalawang-isip siyang kumatok, para ianunsiyo ang kanyang presensiya.
"Kamahalan?"
The king jolted awake, the wine bottle slipping from his grip.
CRASH!
Napapitlag naman ang hari at umubo. Maya-maya pa, para bang hinihingal na naman ito. Sumenyas na lang siya sa kanyang royal adviser para tumuloy.
Napabuntong-hininga na lang si Elpidio.
'Mahirap isipin na nakakayanan pa rin ng matandang ito ang pagpapatakbo sa kaharian.'
Of course, he didn't say that out loud. Wala siyang planong maging susunod na bida sa isang public execution.
The large throne room was lavished in the finest materials fit for the highest governing power in Eastwood. Nakakatawang isipin na noong unang beses niyang makapasok dito (some 40 years ago), hindi mapakali ang mga mata ni Elpidio sa pagkamangha at paghanga.
Ngayon, ni hindi na niya dinapuan ng tingin ang mga dekorasyon at mamahaling kagamitan.
"Ang aga mo yata. Ano ang kailangan mo, Elpidio?"
After bowing down to the old man seated on the throne of gold, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang patpating adviser at seryosong binalingan ang hari...
"Kamahalan, may kailangan kang malaman. Mukhang hindi naging tapat sa'yo ang pinagkakatiwalaan mong heneral."
King Ronan's eyes widened in surprise. Confusion made him sober up a little.
Bumalik sa mga alaala ng royal adviser ang pasikretong pakikipag-alyansa ni Simon sa isang manghuhula. Ipinagkakatiwala ba talaga nito ang paghahanap sa prinsesa sa isang estranghero? Without the king's consent? This is clearly an act of disloyalty. Perhaps, even treason! Paniguradong hindi magugustuhan ng hari kapag nalaman niya ang kalokohang ito.
Pahilim na napangiti si Elpidio.
*
Napalunok si Red nang kamuntikan na niyang matapakan ang isang dwendeng abala sa pamimitas ng mga dahon. She quickly apologized, but the elf didn't even seem to hear her. Tuloy-tuloy lang ito sa kanyang ginagawa na para bang hindi siya kamuntikan nang mapisa ng sandals na doble ang laki sa kanya.
'Mukhang master sa pangde-dedma ang mga dwende rito,' she noted and frowned.
Nang maramdaman niyang nakatingin sa kanya si Helisson, agad na namula ang kanyang mga pisngi.
"Don't take it personally, Miss Red. Hindi lang talaga nila hilig mamansin ng tao."
"Eh, bakit ikaw pinapansin nila?"
"Hindi ako tao."
Point taken.
Hindi na nakipag-away pa ang prinsesa at ibinalik ang kanyang atensyon sa ginagawa ni Helisson. Kakatapos lang din siya nitong painumin ng gamot. With his insistence, she stayed to take a break. Nasa sentro sila ng maliit na village kung nasaan ang mga halamang-gamot at ang kabinet na nakaukit sa katawan ng isang puno. Pinupuno ng kakaibang halimuyak ng mga puting bulaklak ang lugar.
Silently, she watched him crush some odd looking berries using a mortar and pestle. Nakaupo lang sa damuhan si Helisson, devoting his concentration on his work.
Hindi maiwasang dumako ang mga mata ng prinsesa sa makisig niyang katawan.
Helisson was fully clothed, but every time he moved, she can easily imagine his muscles under that regal outfit. His jaw clenched. Sweat dribbled down his chin. Her amber eyes roamed towards his deliciously masculine arms...
Down to his slender fingers and...
She snapped back to reality when the werewolf turned to her, "Miss Red, can you kindly get me a bottle of virgin rose oil from the cabinet?"
V-Virgin...?
"Virgin pa ako, Hel---I-I mean, sure! No problem."
"Umm.. Are you okay?"
"O-Oo naman."
Agad siyang umiling at nag-iwas ng tingin.
'What the fuck are you thinking, Red?!'
Agad siyang tumalikod at nagmamadaling lumayo kay Helisson. She was a bit too eager to get away from him and these not-so-innocent thoughts suddenly popping in her head. Nang marating na niya ang kabinet, sinubukan niyang i-distract ang kanyang sarili.
Virgin rose oil... Virgin rose oil...
Nasaan na ba 'yon?
Nakahinga nang maluwag si Red nang dumako ang kanyang mga mata sa botilyang may naguhit na rosas. A black ink rose against the clear glass containing a pale pink liquid.
"Ito na nga siguro 'yon."
Nang abutin na ni Red ang nasabing bote, mahina siyang napamura nang kamuntikan na niyang masagi ang katabi nito. Thankfully, she steadied the other bottle just in time. Pero nang mapansin niya ang larawang nakaguhit dito, agad na kumunot ang kanyang noo.
'A wolf?'
"Be careful. That's the last bottle of wolfsbane in this castle."
Napapitlag si Red nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang taong-lobo. Nanindig ang kanyang balahibo nang maramdaman ang init ng katawan nito.
"W-Wolfsbane?" She managed to croak out in curiosity.
Still standing behind her, Helisson traced his fingers on her arms, leaving goosebumps on Red's skin. Siya na mismo ang kumuha ng virgin rose oil mula sa kamay ng prinsesa, at bumulong sa kanyang tainga.
"Since I'm a former teacher, let me educate you, Miss Red... Wolfsbane can temporarily poison us. Kapag nainom namin ito, hindi kami makakapag-transform sa loob ng kalahating araw."
A temporary poison, huh?
Hindi napigilang ngumisi ni Red Ridinghood.
'Pero paano ko naman ito...?'
She mentally debated with herself before deciding to take the risk. Nilakasan niya ang kanyang loob at agad na hinarap ang binata. With her left hand, she pulled Helisson by his shirt's collar and kissed him.
Helisson was surprised.
But it didn't take long before he finally responded and pressed her against the tree cabinet.
Warm and gentle kisses quickly escalated into a passionate wild fire.
Her legs felt weak under his touch.
'Ano bang ginagawa ko?! Damn. I-I should really pull away now...' Pero sa hindi malamang dahilan, hindi ito ginawa ng prinsesa.
Mukhang nahihirapan na ring panindigan ng werewolf ang kanyang pagiging gentleman.
A low growl escaped the pack doctor's lips.
'Damn it, Red! Snap out of it!'
Pero hindi na niya ito kailangang gawin. Sa isang iglap, biglang sumulpot ang isang dambuhalang lobo at mabilis na kinagat sa kanyang damit si Helisson.
"H-Hey!"
Maya-maya pa, namalayan na lang ni Red na kinakaladlad ng lobo papalayo sa kanya ang manggagamot. Red Ridinghood blinked in surprise, her cheeks still flushed in embarrassment.
The wolf's golden fur already gave her a hint on who this is.
"Lycros?"
His forest green eyes glared at her.
Kung anuman ang ipinunta ng lone wolf dito, mukhang hindi ito natuwa sa naabutan niyang eksena. Ni hindi pa nito binababa ang kanyang kapatid na sinubukang magpumiglas sa kanyang hawak. After a moment, Helisson sighed and craned his neck to stare up at him.
"Who is it?"
The wolf growled in irritation. Para bang wala nang planong makipag-usap.
But that didn't stop Helisson from continuing. "You hate this place, brother.. Hindi ka pupunta rito nang walang importanteng sasabihin. Tell me, who's the idiot who got himself injured this time?"
The wolf's eyes stared down at him.
They didn't need to exchange any words to communicate. Mukhang totoo nga ang nabasa niyang may telepathy ang mga taong-lobo. Pero agad ring nawala ang pagkamangha ng prinsesa nang marinig ang pangalan ng kanilang alpha...
"Acontes?"
Sumeryoso ang ekspresyon ni Helisson.
Hindi rin makapaniwala sa kanyang narinig si Red. Masama ang kutob niya sa sitwasyong ito. Among all the werewolves inside this castle, Acontes is the last one they expected to need medical care.
Nang maibaba na ni Lycros ang kanyang kapatid, hindi na rin ito nag-abala pang ligpitin ang kanyang mga gamit. Helisson's eyes flickered to the white flowers near the tree-cabinet, turned to her, and smiled apologetically, "Nakalimutan ko palang ipatanggal ang mga 'yan kay Mr. Sniffles."
Ano?
Dumako ang mga mata ni Red sa mga puting bulaklak na kanina pa humahalimuyak sa paligid. Napangiwi na lang ang prinsesa nang mabasa ang maliit na karatulang nakalagay roon...
LUST OF THE VALLEY
a fragrance for relaxation, pleasure, and sexual stimulation.
'What the heck? Bakit naman may ganitong bulaklak rito?!'
The golden wolf scoffed, clearly still jealous.
Huminga nang malalim si Red Ridinghood at inayos ang kanyang red cloak. Isinantabi na muna niya ang kanyang kahihiyan at sinundan ang magkapatid. They have an emergency at hand! This is no time to worry about flowers. But then again, this can be an advantage...
'At least may excuse na ako kung bakit ko ginawa 'yon.'
Without anyone looking, Red Ridinghood pocketed the bottle of wolfsbane.
---
Reader of poems, lover of poetry—
in case you thought this was a gentle art
follow this man on a moonless night
to the wretched bed he will have to make:
The Gaelic world stretches out under a hawthorn tree
and burns in the rain. This is its home,
its last frail shelter. All of it—
Limerick, the Wild Geese and what went before—
falters into cadence before he sleeps:
He shuts his eyes. Darkness falls on it.
---"My Country in Darkness", Eavan Boland
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top