VIGINTI QUATTOUR
This is the first time she saw him like this.
"S-Shit!"
"Hold still, alpha. Medyo masakit lang 'to. Parang kagat ng langgam..." Helisson said while fixing his arm. Sa isang iglap, napapitlag ang prinsesa mang marinig ang tunog. Bones snapping into place.
"GAAAAAH!"
Red sighed. 'Kagat ng langgam? What a lie.'
Kasabay nito, humagalpak naman nang tawa ang kapatid nilang nakasalambitin sa kisame. With an upside-down grin, Carteron's eyes darkened in mischief. "Sana sinabi mo kung gaano kalaki 'yong langgam. HAHAHAHAHA!"
Helisson shrugged and finished wrapping their alpha's broken arm.
"This should heal within the day. As the pack doctor, I advise you to rest."
Napabuntong-hininga na lang si Acontes. Sa kabila ng bilin sa kanya ni Helisson, sinubukan pa rin niyang umupo sa kama, kahit pa halatang nahihirapan pa rin itong kumilos. “Tsk! We don’t have time to wait for my recovery. Call the others. May kailangan tayong pag-usapan,” Acontes spoke, trying to sound unaffected with his injury. “Bukod sa nangyari kanina sa sementaryo, may nakalap rin akong impormasyon sa Tartarus tungkol sa mangkukulam…”
Red Ridinghood saw the alpha winced in pain.
“You should just listen to Helisson, you know. Mas makakabuti kung magpahinga ka muna,” suway ng prinsesa. Err…not that she’s concerned, of course.
Pero napailing na lang si Acontes. His dark eyes bore into hers, in an attempt to intimidate her.
“Believe me, my empress, I’ve handled injuries worse than this. Wala kayong dapat ipag-alala. Bumalik ka na lang sa kwarto mo.”
Too bad Red wasn’t in the mood to feel intimidated.
Imbes na umalis, humalukipkip ang prinsesa at sinamaan ng tingin ang taong-lobo. She knows exactly what he’s doing. Gusto na naman nitong isawalang-bahala ni Red ang mga nagaganap sa labas ng kastilyong ito, giving her a false reassurance that she has nothing to worry about. Inaasahan ba talaga ng mga lobong ito na malilibang siya sa pagfi-fieldtrip sa kanilang teritoryo?
“Hindi ako babalik sa kwarto ko nang hindi niyo ipinapaliwanag ang sitwasyon sa’kin,” pagmamatigas niya. “I’m the princess and the heiress to the throne of our kingdom. May karapatan akong makialam kung sa tingin ko ay may kinalaman ito sa nasasakupan ko.”
Sa kabila ng matapang niyang pananalita, hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Talking back to a werewolf wasn’t really in her field of expertise.
In all honesty, ayaw pa sana niyang gamitin ang kanyang titulo para lang makakuha ng matinong paliwanag sa mga misteryong ito, but her patience was really wearing thin. Habang tumatagal siya sa lugar na ito, pakiramdam ni Red ay may nangyayaring kakaiba sa kanya. Well, if the strange nightmares and her constant headaches gave any indication.
Nagkatinginan sina Helisson at Carteron, bago ibinaling ang kanilang atensyon sa kanilang panganay na kalamado lang nakatitig sa dalaga.
“Wala ka bang nararamdamang kakaiba nitong mga nakaraang araw?”
That question caught her off guard. ‘Paano niya nalaman?’ Sa hindi malamang dahilan, biglang dumoble ang kabang nararamdaman ng prinsesa. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Bumigat ang kanyang pakiramdam. Three pairs of werewolf eyes stared at her, impatiently waiting for her response.
Among these, Acontes’ eyes stood out like a mirage of a distant memory.
Red Ridinghood was about to tell them the truth when images flashed in her mind.
Bumalik sa kanyang isip ang blangkong mga mata ng kanilang “alpha”. Ang malamig na simoy ng hangin at tanawin mula sa bangin. Para bang minumulto pa rin si Red ng memoryang nakita niya sa Chamber of Chained Memories. Ang dugo, ang kadiliman, at ang mabigat na pakiramdam na hatid nito. Natataranta siyang umatras, hanggang sa nasagi na niya ang isang plurera.
It crashed to the floor, jolting her out of the vision.
“Hey! Kung magbabasag ka ng gamit, sabihan mo naman ako, Your Highness. I'd be more than willing to help ya. HAHAHAHA!”
Para bang tuluyan nang nabingi ang dalaga.
Nakatitig lang siya kay Acontes. His eyes were narrowed, almost like he was trying to figure out her deepest and darkest secrets. Habang tumatagal para bang nahihirapan na siyang huminga sa presensiya nito.
Nang hindi niya pa rin sinagot ang tanong, muling nagsalita ang alpha…
“Kung nararamdaman kang kahit ano, sabihin mo ito agad sa’min. I’m serious, my empress,” he emphasized. “In order to save your kingdom, I need you to be honest with us---”
“Honest?”
Red Ridinghood couldn’t believe what she heard. Gusto niyang matawa. Do they even know what “honesty” means in the first place? They’re fucking crazy!
“At paano ako magiging ‘honest’ sa inyo kung ni hindi niyo nga sinasagot ang mga tanong ko? Tell me, Big Bad Werewolves, how can you expect me to be honest with the monsters who kidnapped me? Bago niyo asahang magpakatotoo ako sa inyo, siguraduhin niyo munang nagpapakatotoo kayo sa’kin!” Red Ridinghood finally snapped.
Inaamin naman niyang nitong nagdaang mga araw, unti-unti siyang napalapit sa mga lobong ito. Sa pagiging “honored guest” niya sa kanilang palasyo, unti-unti niyang nakilala ang pitong magkakapatid. In some way, she even felt empathy for them. Hell, she even pities them for their curse! Pero sa kabila ng lahat ng ito, naroon pa rin ang “trust issues” ng prinsesa. Naroon pa rin ang maliit na boses na nagpapaalala sa kanyang hindi siya dapat nandito. Hindi siya dapat nakikihalubilo sa mga nilalang na kagaya nila.
She doesn’t belong here.
She doesn’t know why she’s here…
That’s why Red Ridinghood can never fully let her guard down. Dahil sa sandaling tanggapin na niya ang reyalidad na ito, alam niyang hindi na niya pwedeng balikan ang dati niyang pagkatao.
Can you really blame her?
She was raised inside a palace, with the weight of their whole kingdom’s future on her shoulders.
Hindi madaling talikuran ang pagkataong sinusubukan niyang panindigan...
*
“…Bago niyo asahang magpakatotoo ako sa inyo, siguraduhin niyo munang nagpapakatotoo kayo sa’kin!”
Nag-iwas ng tingin si Acontes, alam niyang nasa katwiran ang prinsesa. But as much as he wanted to explain everything to her, he can’t. Hangga’t hindi nila nasisiguradong si Rieka Ridinghood nga ang dalagang pipiliin ng Eteilla, hindi nila pwedeng sabihin sa kanya ang anumang sensitibong impormasyong pwede niyang pagsisihan balang-araw.
‘As the alpha, the safety of this pack is my priority.’
And part of being “alpha” meant considering every possible scenario to come up with a “wise” decision. Isang ugaling natutunan na niyang isabuhay sa ilang taon na niyang pamumuno sa kanilang magkakapatid.
Acontes met her amber eyes.
The princess gave him a pointed look. A look of defiance and demand; of fear and ferocity; of cleverness and curiosity. Sa lahat ng mga dalagang dinala nila rito sa kastilyo, tanging si Red Ridinghood lang ang may lakas ng loob na kwestiyunin ang kanyang mga desisyon.
‘But that’s not enough to confirm if she really is the one.’
“Let’s not argue about this, my empress. Sa sandaling may maramdaman kang kakaiba sa sarili mo, agad mo itong i-report sa akin,” mariin niyang sabi. Authority laced his voice. “Alam kong mahirap magtiwala nang hindi mo nakikita ang landas na nilalakaran mo, pero sa ngayon, wala na tayong ibang magagawa kung hindi ipagpatuloy ang paglalakbay.”
For a moment, Acontes didn’t know to whom those words were being addressed to…
Sa prinsesa ba o sa kanyang sarili?
*
Red Ridinghood had enough of this.
‘Bukod sa mahirap magtiwala, my future isn’t the only one at stake right now,’ the princess thought and exited the room. Bago siya tuluyang makalayo sa presensiya ng magkakapatid, hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagdako ng mga mata ni Helisson sa kanyang balikat.
Mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan para ilihim sa kanila ang mga bangungot.
Who knows what they’ll do to her? She’s not gonna take the risk.
Nang lumiko siya sa isang pasilyo, napapitlag na lang ang prinsesa nang kamuntikan na niyang mabunggo ang binatang sumulpot na lang bigla mula sa kung saan.
“Damn it, Nyctimus! Mabuti na lang talaga wala akong sakit sa puso…”
Katulad ng inaasahan niya, hindi ito kumibo. Natatakpan pa rin ng hood ng kanyang cloak ang kalahati ng kanyang mukha kaya wala rin siyang ideya sa reaksyon nito. Ni hindi nga niya alam kung nakikita siya nito o hindi! ‘Paano na lang kaya sila nagkakaintindihan ng mga kapatid niya?’ she couldn’t help but wonder.
Hindi pa rin kumikilos ang werewolf. Hindi na nga rin siguro magugulat si Red kung hindi na rin pala ito humihinga.
“Umm… Sige, alis na ako.”
Well, this is awkward.
She tried to walk past him, but he quickly caught her arm. Nagtatakang tinitigan ni Red ang salamangkero. Agad ring napalitan ng takot ang kanyang ekspresyon nang mapansin ang hawak nito.
‘Shit.’
Red Ridinghood paled when she realized he was holding a familiar bottle.
Wolfsbane.
Nang binitiwan na ni Nyctimus ang kanyang kamay, kinapa ng dalaga ang kanyang bulsa. Nang makumpirma niyang iyon nga ang gamot na ninakaw niya sa infirmary, napalunok sa kaba ang prinsesa. Kabado siyang nagpalinga-linga sa paligid, sinisiguradong wala nang ibang werewolf ang nagpapagala-gala rito.
“I-I can explain,” she started, even though she doubts he’ll believe her.
Mukhang ito na nga ang katapusan ng kanyang kwento.
Kaya ganoon na lang ang gulat ni Red Ridinghood nang kusang inabot ni Nyctimus ang bote ng wolfsbane sa kanya. Kasabay nito, may kinuha rin siyang nakatuping papel mula sa kanyang bulsa at ibinigay rin ito sa prinsesa. Agad na kumunot ang kanyang noo. Hindi ba siya nito pipigilan?
“What the hell are you doing…?” Red asks in disbelief.
Nagkibit naman ng balikat ang bunso sa magkakapatid.
“Good luck.”
Sa isang kisapmata, biglang naglaho sa kanyang kaharapan si Nyctimus. Naguguluhan man, binuklat ni Red ang papel at binasa ang nakasulat doon. Her jaw almost dropped when she realized they were detailed counter measures against them---The Big Bad Werewolves.
A list of their weaknesses.
The princess couldn’t believe her eyes…
“Is Nyctimus... helping me escape?”
---
"Hope" is the thing with feathers --
That perches in the soul --
And sings the tune without the words --
And never stops -- at all --
And sweetest -- in the Gale -- is heard --
And sore must be the storm --
That could abash the little Bird
That kept so many warm --
I've heard it in the chillest land --
And on the strangest Sea --
Yet, never, in Extremity,
It asked a crumb -- of Me.
---"Hope Is the Thing With Feathers," Emily Dickinson
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top