TRIGINTA UNUM
This chapter is dedicated to @Angelica Eparua Batac
---
“Ilang oras na tayong naghihintay rito, heneral. Wala po talaga kaming makitang kahit anong senyales ng prinsesa.”
Para bang nagpantig ang mga tainga ni Heneral Simon nang marinig niya ‘yon. Despite his growing hesitations, pinili na lang niyang ‘wag ipahalatang nangangamba na rin siya sa kanilang kalagayan. Limang oras na silang naghihintay rito, pero hindi pa rin nagpapakita ang tagapagmana. The last thing they need right now is a general who shows uncertainty in his decisions.
“Those who want to head back to the castle can go. Binibigyan ko kayo ng kalayaang umalis para maagang makapagpahinga. ‘Wag kayong mag-alala, hindi ko kayo isusumbong sa hari. Pero sa sinumang gustong manatili rito at samahan kaming maghintay, prepare yourselves for a sleepless night.” The general said and watched his men mumble among themselves.
Mukhang tinitimbang na nila ang kanilang pagpipilian.
“How generous of you, general! Pero paano kung umalis silang lahat?” Lancelot asked as he leaned against a nearby tree.
“Then it’s their decision. We all deserve a right to choose.”
It wasn’t the wisest order he made all night, but it was certainly the most practical one at this moment. Alam ng heneral na ang karamihan sa kanila ay may kanya-kanya ring mga pamilya. Ang iba naman ay kaninang umaga pa naka-duty sa palasyo at wala pang sapat na tulog. May iba namang hindi pa nakakakain mula pa kaninang tanghalian.
Nauunawaan naman ni General Simon na mahalaga ang “dedikasyon” sa paglilingkod sa kanilang kaharian, pero mahalaga ring isaalang-alang ang kanilang mga kalusugan.
After a few minutes, all the guards stood up straight and saluted.
Nagsalita ulit ang cadet na kausap kanina ng heneral, “Nanumpa kaming uunahin ang kaligtasan ng tagapagmana, heneral. Napagdesisyunan naming manatili rito at samahan kayong hintayin ang kanyang pagbabalik.”
Bahagyang nagulat si General Simon. Sa totoo lang inaasahan niyang mag-uunahan pang umalis ang mga gwardiya. Pero nang makita niya ang seryoso nilang mga ekspresyon, the general knew they were all eager to wait until dawn.
That made the old man smile and nod in acknowledgement.
“Your service to the crown is greatly valued.”
Bumalik na sila sa pagmamatyag.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay, hindi maiwasang mag-alala ng heneral. Pumapasok ang samu’t saring mga senaryo sa kanyang isip. Paano kung inatake ng Big Bad Werewolf ang prinsesa? Paano kung kailangan na pala nito ng tulong? General Simon closed his eyes and took in a deep breath.
Just in time, one of his men spoke urgently.
“Heneral, may papalapit sa atin!”
His eyes shot open in alarm. Agad niyang hinawakan ang espadang nakahanda sa kanyang tabi. General Simon glared at the darkness ahead of them where the moonlight couldn’t peek through the shadows casted by the trees.
Pero agad ring siyang napahinto nang maaninag ito.
His eyes widened at the glimpse of a familiar red cloak.
*
Hindi alam ni Red Ridinghood kung saan siya dapat pumunta. Mula nang makalabas na siya sa teritoryo ng Big Bad Werewolves at makalagpas sa lagusan, sinubukan niyang i-trace ang daang tinahak nila noon ni Lycros.
She was already tired and hungry. Nahihirapan na siyang mag-isip. Damn, she can’t even remember which part of the Eastwood forest this place is! Tuwing pinipilit niyang alalahanin ang mga mapang kinabisado niya, sumasakit lang ang kanyang ulo.
‘Dapat pala kumain muna ako,’ she thought in regret and sighed, pulling her red cloak closer to her shivering body.
Kailan pa naging ganito kalamig dito? O baka naninibago lang siya?
Wala nang nagawa ang prinsesa kung hindi maglakad nang maglakad…nang maglakad. Bahala na. Ang mahalaga naman ay tuluyan na siyang nakatakas sa kanila. Nakalayo na siya sa panganib. Babalik na siya sa dati niyang buhay at kakalimutang nangyari ang lahat.
Pero bakit parang ang bigat sa puso?
In the silence, she heard it…
Carteron’s boisterous laughter as he hang himself from the ceiling; Macednus calling her his “ma cherié” as he gives her another red rose; Linus’ soothing voice as he talks to her in lovely rhymes; the satisfying sound of the mortar and pestle as Helisson mixes his medicinal herbs; the occasional explosions in Nyctimus’ tower as he casts another spell; the clanking of an empty wineglass as Acontes sits down at the head of the table; and Lycros’ whistling as he leisurely walks with her and watches her from the corner of his enchanting green eyes.
All the sounds she’s hearing in the silence made her stop in her tracks.
Nang lumingon si Red sa paligid para hanapin ang pinagmumulan ng mga tunog, lalo lang siyang nalungkot nang mapagtantong mag-isa na nga lang pala siya. Pagak na natawa ang prinsesa. Hindi kaya nasira na nang tuluyan ang hearing aids niya? Kung anu-ano tuloy ang naririnig niya.
It’s really fascinating how sounds can spark a memory that feels like it happened a lifetime ago.
But right now, she felt lost…
And whenever she felt lost, she felt lonely.
“Tama na, Red. P-Please…tama na. Sa huli, ikaw lang din ang mahihirapan, eh.” She begged herself before dragging her legs deeper into the dark forest.
Sumasakit na ang kanyang mga paa. Parang anumang oras mula ngayon ay bibigay na ang kanyang mga tuhod.
Soon, she saw them.
Amber eyes lit up like a candle when she saw the familiar outline of the palace guards. Bumilis ang pintig ng puso ni Red sa saya. Naaninag na niya ang heneral at ilang mga kabayo mula sa kanilang royal stables.
‘Finally.’
The princess felt her eyes sting with unshed tears as she walked towards them. 'M-Makakabalik na ako sa palasyo...' Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito.
Nang tuluyan na siyang matanaw ng heneral, she smiled wearily.
"PRINCESS RED!"
He called with a mixture of relief and surprise. The guards even cheered upon seeing their long lost princess.
Walang pagdadadalawang-isip niyang tinakbo ang distansya, hindi niya ininda ang pananakit ng kanyang katawan sa pagod at lamig. She clung on to her satin red cloak and her last shred of sanity.
They were finally reunited.
Damn. Ang buong akala talaga niya hindi na niya makikita si General Simon o sinumang taga-palasyo. Heck, right now she wouldn't even mind if she sees Elpidio's irritating face again!
"Heneral!"
Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ng nakatatandang heneral. Magmula noon, pangalawang ama na ang turing ng prinsesa sa kanya. Bukod sa mga libro, ito lang talaga ang nakakausap niya nang matino sa ilang taon niyang pamumuhay sa palasyo.
"H-Hindi ka naman isang ilusyon, 'di ba? Or did I accidentally fell asleep while we were waiting?" He furrowed his eyebrows. Kapansin-pansin na parang mas matanda na itong tingnan ngayon kahit pa higit isang linggo lang siyang nawala.
"No, this isn't a dream nor an illusion, general. I'm alive..."
"That's good," he sighed. "Nagsasawa na rin kasi akong i-bully si Elpidio nang mag-isa."
Mahinang pa silang natawa. Sa kabila nito, General Simon was almost in tears as he worriedly checked her for any wounds. Agad niyang napansin ang sugat nito sa kanyang pisngi.
"Teka, anong nangyari sa'yo? At saan ka ba nanggaling?"
Napalunok si Red sa kanyang tanong. Ayaw na muna niyang balikan ang mga nangyari. Hindi niya pa kayang alalahanin ang magkakapatid, dahil hanggang ngayon, nakokonsensiya pa rin siya sa ginawa niya sa kanila. Nang hindi siya kumibo, the general understood that she needed time to compose herself again.
He respected that.
Nang pormal na niyang inanunsyo sa kanyang mga tauhan ang "tagumpay" nila sa pagsagip sa prinsesa, sinimulan na siyang igiya ng heneral sa mga kabayo. She was silently thankful that she didn't need to walk all the way back to their kingdom.
"Do you want us to escort you to the nearest healer in town?"
"You know how much I hate those places." Umiling si Red. "I think I just need to rest for a few days... Paano niyo mga pala nalaman na nandito ako?"
Sa totoo lang, kanina pa rin siya nagtataka. Nagkataon lang bang napadpad sila sa gubat ngayong gabi ng full moon? Pero kung ganoon, bakit parang kanina pa siya hinihintay ng mga ito? It was too much of a coincidence and her curiosity wasn't giving her a break.
Agad namang tumigil sa paglalakad si General Simon na para bang ngayon lang nito naalala ang isang bagay.
"Tinulungan kami ng isang manghuhula."
"Manghuhula?" She asked suspiciously.
The general nodded, "Si Lancelot. Siya ang nagsabing sa'ming darating ka ngayong gabi. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka namin mahahanap. Teka, nasaan na ba..."
Nagpalinga-linga sa paligid ang heneral. Maging ang mga gwardiya ay nagtaka nang bigla na lang naglaho na parang bula ang fortune-teller.
Red Ridinghood was about to say something when she heard another familiar sound.
One that brought a chill to her bones.
The music of a bamboo pipe.
Bumaling sila sa pinanggagalingan ng musika. Gulat nilang nakita sa kanilang likuran ang isang lalaking nakasuot ng damit pang-musikero. She identified his medieval clothes by his colorful breeches and tunic.
'A-Anong ginagawa niya rito...?'
Kung iba lang siguro ang sitwasyon, baka mamangha siya sa taglay nitong talento.
But it's hard to be impressed by the music that you constantly hear in your nightmares.
Nang huminto ang musikero, nahigit ni Red ang kanyang hininga nang tumitig ito sa kanya. Isang mapaglarong ngiti sa mga labi nito.
"It's a pleasure to finally meet you, Princess Rieka."
Bumigat ang pakiramdam ng dalaga at muling sumakit ang kanyang ulo.
The musician continued, "Hmm.. I hope you don't mind if we entertain you tonight, princess. Isipin mo na lang na isa itong welcome party! Para ipagdiwang ang pagbabalik ng pinakaiingatang tagapagmana ng kahariang malapit nang gumuho."
Maya-maya pa, dumako ang mga mata ni Red sa isa pang lalaking katabi nito. He wore the casual peasants' clothes that she usually saw villagers wearing inside their kingdom. Walang-gana lang nitong binabalasa ang kanyang Tarot cards. His shoulder-length black hair was pulled into a ponytail.
'This must be the fortune-teller they were talking about.'
General Simon narrowed his eyes.
"Lancelot, anong ibig sabihin nito?!"
The man named Lancelot randomly took a card out from the deck and showed it to them.
"Binalaan na kita noon, heneral. I told you that the princess is alive...but I didn't specify for how long."
DEATH.
General Simon cursed under his breath, angered by his betrayal. Sa isang kisapmata, agad na hinanda ng mga gwardiya ang kanilang mga espada. Their sharp double-edged swords caught the moonlight from the full moon. Agad naman siyang hinala ng heneral sa kanyang likuran.
"Stay back, Princess Red. Kami nang bahala rito."
Maya-maya pa, umalingawngaw muli ang musikang nagmumula sa bamboo pipe.
And as the Piped Piper played his melody under the full moon, the shadows around them danced and took the form of five giant werewolves ready to attack.
---
I was the girl
that never
followed the sun,
because I always
belonged to the
moon.
I'm forever that
girl that was
hypnotised, by
skeletons, fire,
and doom.
---B. Vigil
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top