TRIGINTA TRES
This chapter is dedicated to @Kimberly Bantolinao Ducusin
---
Matagal-tagal na rin mula nang magising ang prinsesa sa silid na ito.
Her amber eyes scanned the velvet curtains. Sunlight was already creeping through. Sunod na dumako ang kanyang mga mata sa mga kagamitang nakapalibot sa kanya---a portrait of herself when she was twelve, a vanity mirror that was already covered in dust, a wooden dresser coated in faded white paint. Huminga siya nang malalim at tamad na bumangon.
It's funny how much she forgot about the little details she used to be so familiar with.
"Anong oras na ba?"
Red Ridinghood's voice echoed in the room. Mukhang masyado pang maaga, dahil halatang hindi pa pumapasok ang kanyang right-hand maid para gisingin siya. O baka naman nasanay na itong wala siyang ginigising na prinsesa tuwing umaga?
She's been gone for more than a week, but felt like an eternity.
And as much as she just wants to acquaint herself with her bed all day long, she can't.
May kailangan pa siyang puntahan.
Kaya sa kabila ng pananakit ng kanyang katawan, Red Ridinghood stood up. Nang mapansin niya ang pulang cloak na nakatupi sa paanan kanyang kama, she sighed at how damaged it looked.
'That was my favorite.'
Red Ridinghood passed by the mirror; she was about to start her morning routine when she saw something odd in her reflection.
Agad na napahinto sa paglalakad si Red at gulat na tinitigan ang kanyang buhok. Sa unang tingin, kulay itim pa rin ito...pero kung titingnan nang maigi, a few strands of her hair had a different color.
"S-Since when did I have red hair?"
*
Inside the great hall, Red Ridinghood was in the middle of slicing into her cormarye---a rather large chunk of pork coated in flavorful sauce and usually served during a royal feast---when their royal adviser's voice called her attention.
Kamuntikan na niyang nakalimutang nakaupo nga pala ito sa kanyang gilid, abala sa kung anumang isinusulat nito sa kanyang talaan. Ni hindi man lang siya nito tiningnan.
"Now that you're well rested, the king wishes to inform you about your upcoming coronation on the 13th."
Agad na nabitiwan ni Red ang kanyang tinidor. As a consequence, it made a distracting noise inside the great hall. Sinubukan siyang lapitan ng mga katulong, pero agad rin silang napaatras sa boses ng prinsesa.
"Coronation?!"
"I believe your hearing aids are working properly."
"Pero hindi ito ang napag-usapan namin ni ama! H-Hindi ko pa kayang pamunuan ang kaharian! And wait... The 13th day of the month is...two weeks from now!"
"Yes. May problema ba, kamahalan?"
What the fuck?
Hindi na talaga makapaniwala si Red sa mga naririnig niya. "This is too sudden! Don't get me wrong, handa kong tanggapin ang responsibilidad ko...p-pero hindi ba parang masyado pang maaga?"
Elpidio stopped writing and glared at the fork on the ground. Maya-maya pa, ibinaling na nito ang mapanghusga niyang mga mata sa prinsesa. Isang pilit na ngiti sa kanyang mga labi.
"Indeed, we all know you are not 'capable' to rule this kingdom. Ayon sa tradisyon, pormal lang na mapapatunayan ang abilidad ng isang prinsesa sa oras na mapagtagumpayan na niya ang Princess Enlightenment Ceremony," nagkibit ng balikat si Elpidio at bumalik sa kanyang ginagawa. "Pero dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari at sa lumalalang komplikasyon sa kalusugan ng hari, nagpasya siyang baliin ang nakasanayan at ilipat na sa'yo ang titulo sa lalong madaling panahon. You are the rightful heiress, after all."
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Red ang "bitterness" sa tono ng royal adviser nang sabihin niya ito. 'Mukhang masama pa ang loob niya,' isip-isip ng prinsesa. Umirap na lang siya sa inaasta ni Elpidio at sumagot, "Maraming mas importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin ngayon, and a rushed coronation isn't one of those! I don't even have the faintest idea on how to lead our kingdom yet, and now you're all expecting me to be the queen in two weeks?!"
Sa kabila ng sinabi niya, alam ni Red na may mas malalim pang dahilan sa kanyang pagtutol. She tried to push that into the deepest and darkest corners of her heart.
Iritable namang humarap sa kanya si Elpidio. "Are you questioning the decision our king? Dapat nga magpasalamat ka't maagang ibinibigay sa'yo ang karangalang ito, Princess Rieka."
"Karangalan?" She wanted to laugh. "Isang mabigat na tungkulin ang ipatong sa balikat mo ang buhay at kinabukasan ng libu-libong tao!"
"So, you are now 'hesitating' to be the queen?"
"I'm not!"
Because it was true. Alam ni Red Ridinghood ang kanyang responsibilidad. Iyon nga ang dahilan kung bakit siya bumalik dito sa kanilang kaharian. Pero hindi naman dahil tinanggap na niya ang kapalaran niya ay kailangan na niyang akuin ito agad-agad! It's all too sudden.
Red came back her to give everyone the assurance that the throne will not be left empty, but she wasn't even aware that they were expecting her to fill the spot in the next two weeks!
Isang dismayadong tingin na naman ang nakita niya sa mga mata ni Elpidio. Hindi na ito bago. Palagi naman niyang nakikita ang "disappointment" sa mga mata nito---at sa iba pang mga taong nakapaligid sa kanya. She got used to it by now, but to be honest, it still stung...
"I will inform the king about your 'reaction' immediately."
Red stood up, her amber eyes glaring at him.
"No need. Ako na mismong kakausap sa kanya ngayon."
Matapos 'non, tuluyan na niyang iniwan ang kanyang almusal at ang bwisit na royal adviser sa great hall. Kung ganitong eksena lang din ang sasalubong sa'yo sa umaga, nakakawala talaga ng ganang kumain.
Nang makalabas na siya sa silid, agad naman siyang nilapitan ng kanyang right-hand maid na kanina pa naghihintay sa labas ng pinto.
"Mukhang sinisira na naman po ni Ginoong Elpidio ang araw mo, kamahalan," the younger girl murmured. Sinabayan na siya nito sa kanyang paglalakad.
Sumulyap naman si Red sa kanya bago bumuntong-hininga. "Araw-araw naman. He probably missed ruining my life, kaya bumawi siya ngayon. Kapag naikwento ko na 'to kay General Simon, siguradong tatawanan lang namin..."
Hindi na natapos ng prinsesa ang kanyang sinasabi.
She stopped in her tracks when realization hit her.
Bumigat ang kanyang dibdib nang maalalang wala na nga pala siyang pwedeng pagkwentuhan tungkol dito. Bumalik na naman sa mga alaala niya ang huling mga sandali ng heneral nang iligtas siya nito. The wolf's teeth snapping his neck, the blood spilling all over the forest floor, the pained smile on his face...
Red tried to shallow the lump in her throat.
"Prinsesa, ayos ka lang po ba?"
Napabalik na lang sa kasalukuyan si Red nang bigla siyang tanungin ng katulong. What was her name again? Laura? Anyway, Red forced a smile on her face and nodded, "I'm fine... I think I just need some time alone. Pwede mo ba akong pagdalhan ng pagkain? Some pastries and a goblet of grape juice will do."
Laura quickly nodded. "Masusunod po. Iyon lang ba, kamahalan?"
"Yup! Pakihatid na lang sa silid ko. I still need to talk to my father first. Thank you."
After bowing, the maid quickly made her way back to the kitchens. Mabuti na lang hindi na nito kinuwestiyon ang pinapagawa niya. Hindi nga naman siya nakakain nang maayos dahil sa pag-walk out niya, so she could use that as an alibi if anyone asked.
With that thought in mind, the princess then turned to another hallway. Silently hoping that the king was sober enough to talk to...
*
Nang makarating na si Red sa throne room, kamuntikan na naman siyang matisod sa bote ng alak.
'What the hell? Ang aga-aga na naman!'
Napasimangot na lang ang prinsesa at hinanap ang kanyang ama. Inaasahan na niyang makikita niya itong humihilik sa kanyang trono habang may hawak pang bote ng wine, kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya itong nakatayo malapit sa bintana.
He was looking out the window, with satin robes resting on his shoulders. King Ronan looked like he was deep in thought, staring at something only he can see. Nakapatong sa trono ang ginto nitong korona.
That's odd.
Bago pa man siya makapagsalita, inunahan na siya nito.
"Sinabi na sa'yo ni Elpidio ang tungkol sa coronation, kaya ka narito, hindi ba?"
At least it saves her the trouble of opening the topic. Lumapit ang prinsesa, maingat niyang iniwasan ang mga nagkalat na bote. Nang ilang talampakan na lang ang layo nito sa kanya, agad siyang nagsalita.
"Alam ko ang responsibilidad ko. I was raised knowing this day will come, and I have no plans on abandoning our kingdom... Pero hindi pa po ako handa, ama. This is too sudden for me. Kakabalik ko lang, at muntik pa akong mamatay kagabi! I don't think I can pull myself together in two weeks' time."
No, she wasn't ready for this yet.
And after what happened last night, lalong dumami ang mga katanungang nabuo sa isipan niya.
Humarap sa kanya ang hari. His tired eyes were becoming noticeable. Bakas na rin ang katandaan sa kanyang mukha, at hina ng kanyang pangangatawan. Soon, King Ronan sighed, as if this conversation was a mistake from the very beginning.
"It's not a matter of how 'ready' you are, Rieka; It's a matter of doing what needs to be done. Sa ilang henerasyon ng pagsasalin ng trono sa pamilya natin, hindi talaga naiiwasan ang kaba ng mga tagapagmana. Pero sa huli, doon rin naman ang hantong nitong lahat. Rest assured, after a couple of months, you'll learn to adjust."
Pagkatapos nito, umubo ang hari. Agad siyang kumapit sa bintana para alalayan ang kanyang sarili. Given that his voice and posture still held some strength, pero ngayong nakikita na ni Red nang maigi ang kanyang ama, she noticed he was paler than usual.
Wala sa sariling dumako ang mga mata ni Red sa trono.
She tried to imagine herself sitting on that ornate century-old throne, with the golden crown on her head and the finest robes draped on her.
Pero alam ni Red na higit pa rito ang pagiging reyna.
'Can I actually do it? Am I prepared to be the queen?'
"I just...need more time. If we can postpone the coronation---"
"Rieka," King Ronan spoke in a warning tone. "Pinagpaplanuhan na namin ni Elpidio ang lahat. Nagpadala na rin ako ng imbitasyon sa iba pang mga kaharian. Naghahanap na rin kami ng mga prinsipeng maari mong pagpilian para maging asawa."
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabanggit 'yon.
"A-Asawa?"
The king nodded, "Your coronation comes first. I am not requiring you to marry someone right away. Pero mabuti na ring maghanap na tayo ng 'candidates' para maging katuwang mo balang-araw. Besides, someday, you will need to bear a child to ensure our kingdom's legacy."
"Bakit ba hindi niyo muna hiningi ang opinyon ko tungkol dito? Argh!"
"Ginagawa namin kung anong makabubuti sa'yo at sa kaharian! So, I am expecting you to cooperate with us and fulfill your duties as the heiress."
Red wanted to pinch herself to make sure this isn't another nightmare. Mukhang kahit anong pakiusap niya, hindi na niya mababago ang mga plano nila. Sa huli, wala nang nagawa si Red kung hindi umalis ng throne room at dumiretso sa kanyang silid.
She slammed the door, not bothering about shitty "good manners" anymore.
Their expectations are slowly suffocating her.
Huminga siya nang malalim, at sinubukang pakalmahin ang kanyang sarili...
"What the hell is happening to my life?"
---
My head knocks against the stars.
My feet are on the hilltops.
My finger-tips are in the valleys and shores of
universal life.
Down in the sounding foam of primal things I
reach my hands and play with pebbles of
destiny.
---"Who Am I?", Carl Sandburg
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top