TRIGINTA SEX
This chapter is dedicated to RainnieGallardo
---
"Prinsesa?"
Gulat na tawag ng isang gwardiya nang makilala ang dalagang papalabas ng palasyo. Red Ridinghood stopped in her tracks, scanned the place to make sure nobody else noticed, and smiled timidly at the guard. Nakayuko na ito sa kanya biglang pagbibigay-galang.
'Shit! Halatang-halata ba ako? O baka naman dahil sa pananamit ko.' She thought.
Well, it can't be helped. Ito na ang pinakaluma niyang damit na hindi masyadong ipinapangalandakan sa mundo ang pagiging maharlika niya. Sa kasamaang-palad, gawa pa rin ito sa mamahaling tela at may mga hiyas pang nakaburda.
Nope. She definitely wouldn't pass for a commoner at this rate.
"Ano pong ginagawa niyo rito? Nabanggit lang kanina ni Ginoong Elpidio na 'wag ka naming istorbohin sa pag-aaral."
Napabuntong-hininga na lang ang dalaga at tuluyang ibinaba ang balabal sa kanyang ulo para makita siya nito nang maayos.
"I-I feel suffocated inside the drawing room. Hindi ako makapag-concentrate, kaya kailangan ko munang magpahangin." Her amber eyes stared at him innocently. Nagpapaawa. Mukhang mapapasabak na naman siya sa paga-acting. Tsk!
"Alam po ba ito ni Ginoong Elpidio?"
"O-Oo naman! Siya pa mismo ang nag-suggest sa'kin na magliwaliw muna sa bayan."
Of course, not.
Mabuti na lang talaga at busy pa ang royal adviser nila sa mga preperasyon para sa darating niyang coronation sa susunod na linggo. Red fought the urge to smirk in satisfaction as she starts to imagine how freaked out Elpidio will be once he finds out she's missing. Tiyak na maha-highblood na naman ito sa kanya.
Ilang sandali pa, tumango na lang ang guwardiya, kahit na mukhang hindi siya kumbinsido sa pagpapalusot ng prinsesa.
"Alright. Pero baka kailanganin mo ng escort, kamahalan?"
She shook her head politely and covered her head again, "No need. I think I can handle an afternoon stroll on my own."
"Sigurado ka po ba? Medyo magulo ngayon sa bayan dahil sa kumakalat na mga balita tungkol sa Big Bad Werewolf..."
Upon hearing that name, agad na napalunok sa kaba ang prinsesa. Sa hindi malamang dahilan, may kung anong nakapagpabigat sa pakiramdam niya. Something inside her was giving her a warning and it almost made her sick.
"At ano naman ang mga 'balita' na ito?" Red casually inquired, trying hard not to show how affected she was.
Sa pagkakataong ito, ang gwardiya naman ang naglibot ng kanyang mga mata bago sumagot, "Puro takot, pagtataka, at palitan ng mga kuro-kuro ang namamayani ngayon sa kaharian natin, kamahalan. Nang mabalitaan nilang nahuli ng mga gwardiya ang werewolf na 'yon, nakampante ang mga tao... Pero sa hindi malamang dahilan, patuloy pa rin ang pagdami ng mga nawawala at natatagpuang patay sa kalapit na gubat. Everyone thought that the killings will be over now that we captured the legendary monster, but it seems like that's not the case."
Nanindig ang kanyang balahibo nang malaman ang tungkol dito. Bigla na namang bumalik sa kanyang alaala ang sinabi noon ni Lycros sa kanya. That blonde werewolf told her that one of their villagers was found dead. At first she was skeptical about this. Hindi kaya nagkamali lang sila?
Now, all that skepticism flew out of the window.
'Of course the killings won't end... Hindi naman kasi si Nyctimus, o simunan sa kanilang pito, ang pumapatay!'
Somehow, she can feel their enemies slowly closing in on them---like a pack of wolves cornerning a herd of sheep.
Pero imbes na sabihin ito, tuluyan nang nagpaalam si Red sa gwardiya at dumiretso na sa bayan. Sa huli, wala na itong ibang nagawa kundi paalalahanan siya...
"Mag-iingat ka, prinsesa. Hindi biro ang mga nangyayari ngayon sa Eastwood."
*
She can vaguely remember the town as a child.
Not from experience but from her observations and the stories General Simon would often tell her. Tuwing nababagot noon ang prinsesa sa pagbabalanse ng mga libro sa kanyang ulo at pagkakabisa ng paggamit ng tamang kubyertos (base sa karangyaan ng okasyon at uri ng pagkain), the dark-skinned general would always come to her rescue with tales from his daily adventures.
"Naalala mo 'yong kinuwento ko sa'yong anak ng blacksmith noong nakaraan?" Minsan na nitong tanong sa kanya.
She nodded, intrigued, "Yung hinabol ng mga aso dahil pumuslit siya sa bakuran ng kapitbahay nila habang sinusundan ang isang rainbow? Of course!"
"Talaga? Noong nakaraang buwan ko pa yata naikwento 'yon, ah. You have a sharp memory, Princess Red."
She waved her hand in dismissal. "Oh, you know I remember every story, general."
And she did.
Red Ridinghood remembers every story---every prologue, every chapter, every epilogue, and even the authors' end notes at the back of those old fiction books.
Hanggang ngayon, para bang naririnig pa rin niya ang malakas na tawanan nila ng heneral matapos nitong ilahad ang mga kwentong baon niya para sa prinsesa.
And right now, it seems like her ears are playing tricks on her.
Pilit niyang hinahanap ang tunog ng tawanan hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa pinagmumulan nito. She smiled when she saw a few merchants laughing (probably because of an inside joke), pero agad ding namatay ang tunog nang makita siya ng mga ito.
Puno ng paghihinala ang kanilang mga mata.
'Nakilala ba nila ako? Damn it!'
She quickly lowered her head and vanished into the crowd. Sumasabay na lang siya sa agos ng mga katawang mukhang hindi rin sigurado kung saan pupunta. Bukod sa kumpulan ng mga tao, wala na siyang makita bukod sa mga tindahan ng mga damit at sapatos sa di-kalayuan. Sanga-sanga ang mga daan at parang mga bubuyog ang ingay ng mga tao sa pamilihan.
She's lost.
'Saan nga ba 'yon? Kakaliwa ba ako o...' Red tried to visualize the map, but later on discovered it was no use.
Bakit ba kasi hindi na lang siya nagpasama sa gwardiya kanina?
Mahinang napamura ang prinsesa. Here she is, lost in the kingdom she'll inherit within a week. At base sa isang linggong lumipas mula nang malaman niya ang petsa ng kanyang coronation, Red knew that another week will pass by in a blink of an eye.
Akmang kakaliwa na sana siya nang makasalubong niya ang dalawang kababaihang may bitbit na mga sisidlan ng alahas.
'Probably some jewelers,' Red Ridinghood thought.
Agad naman tumigil sa pagkukwentuhan ang dalawa nang makita siya. For a moment, the princess was worried that they'll recognize her and call the guards to drag her back to the palace.
"Miss! Umm... Mukhang naliligaw ka yata?" The one with a ruby necklace around her neck asked. Sinipat din nito ang kanyang suot. "Dressed in those clothes, surely you're not going to the Beer Barrel, are you?"
"H-Huh?"
Nagkibit naman ng balikat ang isa nitong kasama, sabay turo sa daang pinanggalingan nila. "This road takes you to that beer house near a brothel, and I dare say, it isn't a pretty sight. Kung mahina ang sikmura mo, baka nasuka ka na rin sa amoy ng alak doon."
Red scrunched up her nose at the thought. Sapat na ang mga babala sa kanya noon ng heneral tungkol sa ganoong klase ng mga lugar. Huminga siya nang malalim at ngumiti sa dalawang dalaga.
Thankfully, it looks like they have no idea she's the princess.
Hindi na nakakapagtaka dahil hindi naman siya lumalabas ng kastilyo. She thinks only a few villagers actually know what the mysterious and silent "Princess Rieka Ridinghood" looks like.
"Salamat. In any way, can you take me somewhere? Hindi ko kasi alam kung saan ang daan."
Nagkatinginan ang dalawang alahera at napangiti.
*
Hindi alam ni Red kung pinagsisishan na ba niyang nagpasama siya sa kanila o hindi.
She read stories about opportunists in disguise and how they can approach you in different forms. Right now, it seems like they took the form of two jewelers...
"May nakapagsabi na ba sa'yong bagay mo ang garnet? These garnet earrings will look perfect on you! You have lovely red hair," one of them, who introduced herself as Debby Labitad, cooed while presenting her the earrings.
'Mukhang mauubos pa ang dala kong salapi nito.'
Bago pa man makapagsalita si Red Ridinghood, agad namang tinawag ni Arianne Apodaca (if she remembers her name correctly) ang isang pilak na pulseras na may pulang rhinestones.
"Bagay na bagay rin sa'yo 'to, miss! May charms din ang alahas na ito. Tiyak na mas iibigin ka ng nobyo mo kapag isinuot mo ito!"
Agad na naisip ni Red ang isang werewolf. His face suddenly flashed before her eyes. An amused smile on her lips.
'No, I don't think the alpha will be happy seeing me wear anything silver...'
Nang mahuli ng prinsesa ang kanyang sarili, she quickly shook her head. What the fuck? Saan naman nanggaling 'yon?!
"Hala, ayaw mo? May iba akong designs dito---"
"N-No, it's not that... May naalala lang ako. Sige, bibilhin ko na."
The two jewelers grinned at her and cheered.
"YEHEY!"
Napapailing na lang si Red habang inilalabas ang mga gintong barya sa kanyang silk pouch (mukhang masisimot nga ang laman nito). Sa totoo lang, hindi na niya kailangan ng mga alahas. She doesn't even wear them! Well, aside from her tiara which she occasionally wears, as required. Bukod doon, nakatambak na lang sa isang silid ang mga alahas na namana niya sa yumaong reyna.
No, she doesn't need jewelry.
But it's the least she can do to repay these two girls for helping her.
Isa pa, alam naman niyang mahirap kumita sa panahon ngayon, lalo na kung hindi naman "necessity" ang binibenta mo. Who on earth would prioritize a diamond necklace instead of a decent meal on their table?
Habang papalapit na sila sa kanilang destinasyon, naaninag ng mga dalaga ang ilang mga gwardiyang may itinutulak na kariton.
At first Red thought it was a pile of garbage, but then she saw the outline of several skulls.
Upon closer inspection, she realized that they were carrying a cart of bones. Napahinto siya sa paglalakad at napatakip ng kanyang bibig. Her amber eyes followed their procession to the graveyard.
'S-Saan naman nanggaling ang mga 'yon?'
Napabuntong-hininga naman ang dalawang alahera at marahang ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon.
"Unti-unti nang nauubos ang populasyon ng kaharian natin... Parami na nang parami ang mga natatagpuan nilang patay sa gubat. I think they try to guard the borders as best as they can, pero magmula nang mamatay ang heneral, humina na ang depensa natin," Arianne explained while eyeing them.
Debby frowned, "What are you talking about? Ni hindi natin alam kung sino ang kalaban natin. Walang ideya ang palasyo kung paano nangyayari ito. That drunkard can't even manage his own kingdom... Sana lang mas umayos ang lagay natin kapag namana na ng prinsesa ang trono."
"Sana. Kaso walang paramdam ang tagapagmana, eh. I really doubt she can do something about this."
"Well, I guess we're all doomed."
While Red Ridinghood listened to their conversation, hindi niya maiwasang manliit sa kanyang sarili. Muli na naman siyang sinampal ng mabigat na reyalidad ng tungkuling mamanahin niya. Nakasalalay na sa kanya ang kinabukasan ng kahariang ito at ng lahat ng mga taong naninirahan dito.
They were all depending on her.
That made her feel uneasy.
Nang tuluyan nang makaalis ang mga alahera, nanghihina siyang nagtungo sa sementeryo. Hindi na siya nahirapang hanapin ang libingan. The dirt was still fresh, indicating someone's recent burial. Nang mabasa ni Red ang pangalang nakaukit sa lapida, her knees finally gave in.
Hindi na niya napigilan ang mga luhang dumausdos sa kanyang mukha.
Ang bigat sa dibdib. Habang tumatagal, para bang lalo siyang nasasakal sa mga nangyayari. How can she pull herself together in a week? Can she even be a good queen? Ano nang gagawin niya ngayong nakumpirma nang siya ang pinili ng Eteilla? Fuck this. Her head was spinning with all these thoughts.
Dahil sa isang linggong lumipas mula nang makabalik siya sa kanilang kaharian, lalong lumala ang sitwasyon. Ano ba ang dapat niyang gawin, manatili rito at mamuno bilang reyna para mailigtas ang kanyang nasasakupan o bumalik sa kastilyo ng mga werewolves para wakasan ang sumpang pinag-ugatan ng lahat ng ito?
She felt ike she was on that tightrope again, desperately trying to balance her messed up life; desperately trying to avoid the fall.
Between a queen and a maiden who was destined to break a curse, who is she?
"Ang sabi mo noon, ang katapatan sa tungkulin ang pinakamahalagang maiaambag natin sa kahariang ito....but what happens when you're torn between two obligations?"
Only silence answered her.
Huminga nang malalim si Red Ridinghood at inilapat ang kanyang noo sa malamig na lapida. Her body was trembling as she sobbed and released all the tears she kept for a week.
A miserable smile on her dry lips.
'Sometimes, I wish I could rest in peace too, General Simon.'
---
My hands have not touched pleasure since your hands, --
No, -- nor my lips freed laughter since 'farewell',
And with the day, distance again expands
Voiceless between us, as an uncoiled shell.
---"Exile", Hart Crane
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top