TRIGINTA SEPTEM
“As you’ve predicted, the princess wasn’t alone. That black and white werewolf had been following her since she escaped! Pakialamero,” The Pied Piper said while polishing his bamboo pipe. Maya-maya pa, naaaliw nitong tinitigan ang kanyang sariling repleksyon sa instrumento. “On the other hand, at least we confirmed that Princess Rieka is the chosen one. Mas mapapadali na ang lahat.”
Sa kabilang bahagi ng silid, abala pa rin sa pagbabalasa ng kanyang mga baraha ang fortune-teller. Mula noong gabing ‘yon, hindi pa rin siya nakakabalik sa kanyang shop. Paniguradong pinaghahanap na siya ngayon ng mga gwardiya dahil sa ginawa niyang panghahamak sa heneral. Now that the princess was back at the palace, paniguradong nasalaysay na nito ang mga naganap.
Paniguradong bitay ang naghihintay sa kanya sa sandaling bumalik siya kaharian.
Too bad.
Lancelot knew he should’ve brought his wind chimes.
“Hindi ka dapat maging kampante, Piper. Paniguradong nalaman na rin ng Big Bad Werewolves ang tungkol dito. Ayon sa mga usap-usapan, nagbibigay raw ng hudyat ang Eteilla kapag may napili na ito. The alpha will prepare for our next move. If we rush into action without a concrete plan, mabibigo lang tayo,” Lancelot said without even glacing up at him. Sunod nitong ipinakita ang isang Tarot card…
THE TOWER.
It depicts the scene of a stone tower being struck by lightning. Makikita sa baraha ang imahe ng dalawang taong tumalon mula sa nasusunog at gumuguhong tore. Fear was evident on their faces as they awaited their downfall.
It was a card of chaos and destruction.
‘Kung hindi kami mag-iingat, the tables will definitely be turned against us.’
Hangga’t hindi pa nagma-materialize ulit sa mundong ito si Miss Evelyn at hangga’t naroon ang banta ng piniling dalaga ng Eteilla, they can’t guarantee their victory yet.
Dumako ang mga mata ni Lancelot sa labas ng bintana ng kanilang pansamantalang hideout. Naaaninag pa rin niya ang bakas ng dugo sa damuhan. The large animal tracks on the ground extended beyond the towering trees.
Nakarinig sila ng nakapangingilabot na alulong sa 'di kalayuan. Papalubog pa lang ang araw, pero mukhang sinisimulan na nilang maghasik ng lagim sa kagubatan ng Eastwood.
"No doubt that they'll return with bloody paws again," he commented.
"They're busy hunting," the Pied Piper smirked.
"You mean they're busy 'murdering people'?"
"Isn't that the same thing?"
'Indeed.'
Napabuntong-hininga na lang si Lancelot. Isang linggo na ang nakalipas mula inatake nila ang prinsesa. Sa isang linggong 'yon, patuloy lang silang naghahanda sa pagbabalik ng mangkukulam habang abala naman ang limang werewolves sa paghahanap ng kanilang susunod na magiging biktima.
Unlike their more "civilized" brothers at the castle, these undead werewolves were cold-blooded murders. They kill without any hint of remorse.
Within the weak, Lancelot also noticed how aggressive they've been. Nang sinawaan na silang atakihin ang mga mangangalakal at mga gwardiyang naka-station sa gates ng mga kaharian, they started invading small villages a few miles away from here...
And they wouldn't stop until every last living thing was sliced between their massive canines.
At kahit pa mukhang wala namang pakialam ang kanyang kasama, alam ni Lancelot na napapansin na rin ito ng musikero. Kung naalarma man ito o hindi, hindi nito ipinapahalata.
'Hanggang kailan kaya kayang kontrolin ni Piper ang mga halimaw na ito?'
"I guess we'll have to wait for Miss Evelyn's go signal again," mahinang sabi ng Piper. Nakasimangot ito na para bang hindi pa siya sang-ayon sa ideya. "Oh, well! At least we'll have more time to prepare."
Wala sa sariling tumango si Lancelot.
Dahil hindi pa ito nakakabalik sa kanyang katawang-lupa, nagpapakita lang sa kanilang mga panaginip si Miss Evelyn. Through their dreams, she tells them what to do and blesses them with her black magic. Bilang isang makapagyarihang mangkukulam, her spirit isn't bound to the human body.
She's still here.
Watching them.
Unconsciously, Lancelot's eyes drifted to the small red jar on top of an old wooden table. He shuddered at the sight and quickly excused himself. Nang tuluyan na siyang makalabas ng inn, huminga siya nang malalim at bumaling sa direksyon ng palasyo.
Sa kasamaang-palad, hindi niya ito nakikita dahil sa mga punong humaharang sa kanyang tanawin.
A blank expression on his face.
"What will you do now, Princess Rieka?"
*
She cursed under her breath as she felt the air leave her lungs. Gustong-gusto na niyang makakawala sa hawak nila, pero alam niyang bubungangaan na naman siya ni Elpidio mamaya.
'This is fucking torture!'
In the end, Red could only grip the edges of the table as the maids pulled the strings of her corset. Napadaing sa sakit ang prinsesa nang pakiramdam niyang tuluyan na siyang nabalian ng tadyang sa kanilang ginagawa.
Of course, she was just exaggerating.
Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita na naman niya ang pagkadismaya ni Ms. Felice, the aged woman their "thoughtful" royal adviser hired to oversee the preparations for her "appearance". Tumalim ang strikto nitong mga mata at sinipat ang baywang ni Red.
"Have you been following your prescribed diet, Your Highness?"
"I---"
"As a member of the royal family, dapat lagi mong pinananatili ang kalusugan ng iyong pangangatawan. But aside from this, I know you are very much aware that, as a female, you also need to monitor your physical appearance, lalo pa't ikaw ang magiging reyna."
Red faked a polite smile, but gritted her teeth in frustration. 'Bagay sila ni Elpidio! Argh.'
Alam naman niya ang "beauty standards" na tinutukoy nito. Being raised a princess in a conservative kingdom, hindi na nakapagtatakang nabubuhay pa rin sila sa lumang paniniwala at nakasanayang ideyolohiya.
But what's the big deal?!
This is no excuse to force her on a diet (and probably starve herself) just to achieve the ideal waistline for a two-hour event!
Nang makauwi siya kanina mula sa sementeryo, hindi na siya nagulat nang bumungad sa kanya ang kaliwa't kanang mga tanong at pangaral. But before she could even recover, Red found herself being escorted to her bedroom where this awful woman stood carrying an equally awful corset!
Napabuntong-hininga na lang siya.
Hindi na nga niya naramdaman ang sakit nang lalo pang hinigpitan ng mga katulong ang mga tali nito. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya si Laura. Mukhang naaawa na rin ito para sa kanya.
"---sa mga susunod na mga araw, kailangan mo nang limitahan ang iyong kinakain, kamahalan. Drink a cup of green tea in the morning and---"
"An 'ideal physique' isn't a synonym for beauty. Wala akong nakikitang dahilan para baguhin ang pangangatawan o hitsura ko para sa araw ng coronation. As far as I know, ang highlight ng isang 'coronation' ay ang paglilipat sa'kin ng kapangyarihang mamuno sa kahariang ito. Whether or not I fit into this godforsaken corset, does NOT make me any less qualified to be the queen!" She snapped and glared at the woman through the mirror.
Naii-stress na nga siya sa dami ng kaganapan sa kanyang buhay, tapos dadagdag pa 'to? Damn.
Ms. Felice huffed at her rudeness. "Suit yourself! Pero 'wag mo akong sisisihin kapag napahiya ka sa harapan ng mga maharlika. Ang balita ko pa man din ay maraming dadalo upang panoorin rin ang execution ng werewolf na nahuli ng mga gwardiya."
Red Ridinghood was stunned. Teka...tama ba siya ng dinig?
"E-Execution?"
"Yes. Ayon sa hari, bilang paggunita ng iyong coronation, sa pagsapit ng bukang-liwayway, they'll publicly execute that monster! It shall mark the start of the ceremony..."
But Red wasn't listening anymore. Her mind drifted to a certain werewolf who was still chained inside their dungeons.
'Nyctimus!'
---
The night Death took our lamp away
Was not the night on which we groan'd.
I drew my bride, beneath the moon,
Across my threshold; happy hour!
But, ah, the walk that afternoon
We saw the water-flags in flower!
---"The Spirit's Depth", Coventry Patmore
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top