TRIGINTA DUO
This chapter is dedicated to @Rosemarie Agabin
---
Five undead werewolves.
She knew who they are---or who they were suppose to be.
Hindi na namalayan ni Red na nanginginig na pala ang kanyang mga kamay dahil sa takot. Gustuhin man niyang 'wag magpakita ng anumang kahinaan sa harap ng kanilang mga kaaway, she's having a hard time to do so with her exhausted state.
Hindi rin nakatulong na para bang muli niyag naririnig ang boses ni Lycros...
"Originally, there were twelve of us.”
Muling tiningnan ng prinsesa ang limang mababangis na lobong papalapit sa kanila. They had ash-blonde to charcoal gray fur that were awfully similar to the shades of the Big Bad Werewolves. Parang isang nabuhay na bangungot ang kulay pula nilang mga matang kumikislap sa dilim ng gubat.
She suddenly recalled that dream she had in the castle, when a red-eyed werewolf attacked her in the chamber and injured her shoulder.
'I knew it was more than a nightmare.'
Habang tumatagal pakiramdam ni Red ay unti-unting binibiyak ang kanyang ulo. This is all too much to take in one night!
"The princess' safety comes first. Prepare to kill these wolves, men! Kahit anong mangyari, kailangan nating protektahan ang tagapagmana!" Sigaw ni General Simon sa kanyang mga tauhan habang pinapalibutan siya ng mga ito.
Huminto naman ang Piped Piper sa pagtugtog at mahinang natawa. He eyed the group with pity, "That loyalty will only bring you a step closer to your grave, general."
Lalong humigpit ang hawak ng heneral sa kanyang espada.
"Not before I drag you there first."
Kasunod ng mga salitang ito, mabilis na umatake ang mga lobo.
Halos mabingi ang prinsesa nang marinig ang sigaw ng isang gwardyang hindi na makakilos. He screamed as one of the wolves tried to rip off his arm. Sinubukan nitong saksakin ang halimaw, pero hindi na nito kayang hawakan ang kanyang sandata. Soon, Red Ridinghood witnessed as the wolf mercilessly tore the guard's arm.
Like ripping a fabric apart.
"GAAAAAAAAAAH!"
Flesh and blood stained the forest floor.
Agad siyang nag-iwas ng tingin at nanginginig na tiningnan ang kalagayan ng iba.
One guard managed to slice a wolf's neck, pero nagulat lang ito nang mabilis na naghilom ang sugat. Hindi pa man siya nakakabawi, agad siyang sinakmal ng werewolf at kinaladkad patungo sa mga anino.
"T-Tulungan niyo ako! May pamilya ako... May pamilya a-ako...g-gusto ko pa silang makita..."
The guard cried out for help as his nails dug into the dirt, leaving a trail.
Red Ridinghood was about to run to him, pero agad siyang hinila pabalik ni General Simon. There was a stern yet pained look in his eyes.
"Wala na tayong magagawa."
Just in time, she heard the guard's cries became nothing more than an echo.
Kinakabahan siyang sumulyap sa direksyon kung saan ito kinaladkad ng lobo kanina, at halos mangilabot na si Red nang mapansing lumabas na pala mula sa mga anino ang werewolf...
Blood still dripped from its mouth as it licked its pointed teeth.
In that moment, Red couldn't take her eyes off the monster. Hindi tulad ng mga mata ng kanilang mga kapatid sa kastilyo, tila walang bakas ng pag-aalinlangan ang mga halimaw na ito.
Murderous eyes and an even murderous aura fueled by dark magic.
It made her take a step back.
'I-Ibang-iba sila sa mga werwolves na nakilala ko...' she thought in horror.
Suddenly, she was zoning in and out of focus. Lalong sumakit kanyang ulo habang nabibingi na siya sa mga sigawan at tunog ng mga espada't pangil. She wanted to take off her hearing aids, pero alam niyang mas lalo lang siyang mapahamak. Their monstrous growls made her squirm as the music of the bamboo pipe filled the air.
It all rang in her ears.
Death surrounded her.
'No one's gonna save me... No one's gonna save us.'
Natigil lang ang kanyang paghakbang nang matapakan niya ang isang bagay. Tinitigan ni Red ang espadang nasa lupa, pinintahan ng dugo ang talim nito. One of the guards must've dropped it earlier.
Amber eyes stared hard at the blade.
"Prinsesa!"
Boses ng heneral.
Kasabay nito, mabilis na dinampot ni Red ang espada at hinarap ang kulay abong lobong sumulpot sa kanyang likuran. Mabilis siyang umilag nang umatake ito sa kanya, she cursed under her breath and twisted her body to drive the sword into its side.
Pero parang hindi man lang nakaramdam ng anumang sakit ang lobo dahil sunod naman siya nitong kinalmot sa braso. Red Ridinghood staggered away, clutching her bleeding arm.
Agad na naalarma siya nang matanggal pa ang kanyang hearing aids. Anxiety rose in her chest. She tried not to panic as the world became muted.
"D-Damn it!"
Wala siyang naririnig.
Sinubukan niyang hanapin ang mga ito, pero naramdaman na niya ang presensiya ng halimaw sa kanyang harapan. Soon, Red Ridinghood was face to face with the gray wolf, who seems to be the leader of this undead pack.
Sinubukan siyang lapitan ng natitirang mga gwardiya, pero agad silang hinarangan ng iba pang werewolves. She couldn't hear them but she knows they were shouting her name. Maging si General Simon ay hindi na makakawala habang kagat ng isang lobo ang kanyang binti. Ang ilan naman sa kanilang mga tauhan ay tuluyan nang naging bangkay at pinagpipyestahan na ngayon ng mga halimaw. Ripped limbs and exposed meat. Blood showered the forest grounds.
The gory sight made her pray that this was all just another nightmare.
A bitter smile on her lips.
'Nobody will ever be stupid enough save me now.'
A sad truth.
Gustuhin man niyang umasang magkakaroon ng milagro at susulpot na lang bigla ang Big Bad Werewolves, alam niyang imposible 'yon. Paniguradong apektado pa rin sila ng kanilang "weaknesses". Isa pa, tuluyan na siyang hinayaang tumakas ni Acontes, kaya hindi na sila mag-iisip pang sundan si Red.
"I guess this is how my story ends..."
She couldn't even hear her own voice.
The gray wolf neared her, sharp teeth and claws ready to strike.
Her back was against a tree. Alam niyang wala na ring saysay kung tatakbo siya papalayo.
Everything happened to fast.
Inside her chest, her heart pounded wildly, and exhaustion was finally taking its toll on her. In a split second, the gray wolf attacked. Nakatitig lang ang dalaga sa matatalim nitong ngiping tiyak na babasag sa kanyang bungo.
Pero hindi na naramdaman pa ni Red ang sensasyong 'yon...
Huli na nang mapansin niyang tuluyang nakakawala si General Simon sa pagkakagat ng lobo, tumakbo papalapit sa kanila, at pumagitna sa kanila ng halimaw.
"G-General...?"
Everything semed like it was in slow motion. Her amber eyes widened in shock as she stared at the scene before her. Kitang-kita ni Red kung paanong bumaon sa leeg ng heneral ang mga pangil ng lobo. Tumagos at pumunit sa laman. Hindi pa rito nagtatapos ang kanilang kalbaryo. Hindi niya marinig ang pagdaing sa sakit ng heneral, pero alam niyang wala na rin itong saysay dahil tuluyan nang sumagad ang mga ngipin ng werewolf.
Her fatherly figure gave her a pained smile...
Before the wolf's jaws locked into place.
Before the force was enough to rip General Simon's head off.
Napanganga na lang si Red at nanghihinang kumapit sa puno. Nanginginig na ang kanyang buong katawan sa takot at gulat sa mga nangyari. Ni hindi na niya nakayanan pang alamin kung saan iniluwa ng lobo ang ulo ng heneral. Meanwhile, General Simon's headless body laid before her in a pool of blood and she couldn't do anything...
Nang dumako ang mga mata ni Red sa musikero at manghuhula, napansin niyang aliw lang silang nakatitig sa kanya.
Hindi na niya napigilan ang kanyang mga emosyon.
"Y-You killed them...you kill him..." She gritted her teeth in anger. Alam niyang nagsasalita siya, at wala na siyang pakialam kung hindi niya naririnig ang sarili niyang boses. Nakakuyom na ang kanyang mga kamao. "YOU FUCKING MONSTERS! SANA MABULOK KAYO SA IMPYERNO!"
Red fell on her knees, her legs finally giving up. Nang matanaw niya sa di-kalayuan ang kanyang hearing aids, she weakly crawled to retrieve them. At kahit pa bumalik na ang kanyang pandinig, nanghihina pa rin siya sa nasaksihang bangungot.
The Piped Piper smirked. His mocking voice was the first sound she heard. "Now, now...where are your manners, Princess Rieka? Ganyang pananalita ba ang itinuro sa'yo sa palasyo? What a disappointment you are..."
Right now, she wanted nothing more than to shove that bamboo pipe into his eye sockets.
But her flood of emotions stired something inside her. Maya-maya pa, naramdaman ni Red ang paninikip ng kanyang dibdib. Muling sumakit ang kanyang ulo, pero ngayon, parang minamartilyo na ito. Nahihirapan siyang huminga.
'A-Anong nangyayari sa'kin?'
At nang mag-angat ng tingin ang prinsesa, nagulantang na lang siya nang makitang nakatayo sa kanyang harapan ang isang matandang babae. She looked like she was in her early sixties.
Nakapusod ang puti na nitong buhok habang nakatitig ang itim nitong mga mata sa kanya.
Pure black.
She wore an assortment of fabrics and animal skins, covering her wrinkled body. Sa hindi malamang dahilan, agad na naramdaman ng prinsesa ang malakas nitong kapangyarihan.
"Sino ka?" She asked, struggling to keep her voice firm.
Isang nakapangingilabot na ngiti ang iginawad nito sa kanya.
And in that moment, she knew who she was...
"M-Miss Evelyn."
Ang mangkukulam na may nagpasimula ng lahat ng ito.
Samantala, nakatitig pa rin sa kanya ang Piped Piper at ang fortune-teller. Tila hinihintay ang susunod niyang gagawin. Bathed in the moonlight, Red Ridinghood dared her eyes to look at the witch again...
Pero ang bumungad sa kanya ay ang naudlot niyang kamatayan.
The gray wolf's enormous mouth was ready to swallow her whole.
Kasabay ng sigaw na kumawala sa kanyang bibig, lumitaw ang isa pang lobo mula sa kanyang gilid.
In a flurry of fur, the gray wolf was knocked away from her.
Gulat na tinitigan ng prinsesa ang lobong nagligtas sa kanya. Napasinghap na lang siya nang maaninag ang kakaiba nitong anyo. Standing before her, the majestic wolf's fur was separated into black and white. Ang kanyang kanang bahagi ay puti, habang itim naman ang kaliwa. It reminded her of a yin and yang. Its piercing blue eyes stared back at her---as blue as the full moon watching from the sky.
Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, agad na nakilala ni Red ang kanyang tagapagligtas.
"Nyctimus..."
The wolf didn't bother acknowledging her and faced their enemies. Ngayon niya napagtantong pinatay na nila ang lahat ng mga gwardiya.
Nakapalibot ang limang mababangis na lobo sa kanila. Nyctimus blocked her from them, baring his massive canines at his reincarnated brothers. Mabilis na pinulot ni Red ang isang espada at nanghihinang tumayo. Hinigpitan niya ang hawak dito.
After all the hell's she's been through, Red is not just gonna sit around and play the damsel in distress!
Napailing na lang ang Piped Piper sabay sulyap sa barahang hawak ni Lancelot.
"The Eight of Cups means departure. This means it's time to go! Hanggang sa susunod nating pagkikita, prinsesa."
Wait...what?
Bago pa man makakilos sina Red, umalingawngaw muli ang musika ng bamboo pipe sa huling pagkakataon ngayong gabi. Kasabay nito, umatras at bumalik sa kadiliman ang mga lobo. Nyctimus tried to chase them, but they were already gone. Nang sumulyap naman si Red sa musikero at manghuhula, naglaho na rin pala ang mga ito.
They were left all alone.
A princess and a werewolf, surrounded by corpses.
"Bakit naman sila aalis...?"
This is odd.
Pero nang marinig nila ang yabag ng mga kabayo at ang boses ng kanyang ama, agad na natigilan ang prinsesa.
"Rieka?"
Gulat silang lumingon sa direksyong pinanggagalingan nito. From a distance, they can see the outline of the king and the royal adviser who were mounted on their horses. Kasama nila ang iba pang mga gwardyang may bitbit na mga sulo.
"Sabi ko naman sa'yo, kamahalan. Tama lang ang desisyon nating sundan sina General Simon! Ilang oras na't hindi pa rin sila bumabalik! Baka mamaya kung ano pang gawin ng traydor na iyon sa tagapag..."
Hindi na natapos ni Elpidio ang kanyang sasabihin nang tumambad sa kanila ang tanawin. They all froze upon seeing the dead bodies around them.
"R-Rieka, anak!"
Red knew she should be happy he made an effort to search for them... but she's not, dahil agad na tumalim ang mata ng hari sa kasama niyang lobo. Napagtanto ng dalaga kung ano ang iniisip nito. Mukhang iba ang interpretasyon nila sa eksena. Well, she can't blame them.
When you see your daughter with a bloody sword facing a giant wolf in the middle of a dozen dead bodies, it was easy to make up the story.
'This must look so wrong..'
Red Ridinghood let go of the weapon and quickly ran up to them.
"Ama, hindi siya kaa---"
"HULIIN ANG HALIMAW!"
It was too late.
Namalayan na lang ni Red na tinatalian na ng mga gwardiya ang werewolf. Hindi na ito nanlaban. Her amber eyes were apologetic. Sa pagsagip sa kanya ni Nyctimus, siya pa ngayon ang napahamak.
"Mag-uutos na lang ako ng kukuha sa kanilang mga bangkay. Mabibigyan din natin ng hustisya ang kanilang pagkamatay." Nanlulumong sabi ni Haring Ronan habang nakatitig sa ulo ng heneral. Sunod nitong sinamaan ng tingin ang nahuli nilang werewolf.
Red panicked. "A-Anong gagawin niyo sa kanya? He sa---!"
"Hindi mo na kailangang intindihin ito. We'll handle this. Ang mahalaga ay ligtas ka na, anak." Mahinang sabi nito sa kanya.
But with all the events that happened tonight, she doubts she'll ever be safe again. Ramdam niyang hindi pa dito nagtatapos ang mga trahedya.
'No, this is only the beginning.'
Soon, Red Ridinghood made their way back to their kingdom, leaving the dead bodies of their loyal servants in the silent forest...
---
When I am dead, my dearest,
Sing no sad songs for me;
Plant thou no roses at my head,
Nor shady cypress tree:
Be the green grass above me
With showers and dewdrops wet;
And if thou wilt, remember,
And if thou wilt, forget.
I shall not see the shadows,
I shall not feel the rain;
I shall not hear the nightingale
Sing on, as if in pain:
And dreaming through the twilight
That doth not rise nor set,
Haply I may remember,
And haply may forget.
---"When I Am Dead, My Dearest", Christina Rossetti
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top