TRES
Princess Rieka Ridinghood knew there was something wrong with her the moment she realized the world was unnaturally silent.
'B-Bakit...ang tahimik?'
Despite knowing nothing about sounds and speech, Red knew that there was a hole in her chest...
She knew something was wrong with her.
Or, perhaps, wasn't normal?
Hindi niya matandaan kung kailan at paano natuklasan ng kanyang mga tagapag-alaga ang kanyang kapansanan. Ang kondisyong nakapagpabago sa tingin nila sa kanilang "pinakamamahal" na prinsesa.
Sa kabila nito, malinaw pa ring naaalala ni Red ang unang beses niyang suotin ang kanyang hearing aids.
It was the last day of Autumn, with the orange leaves falling back to the earth---meeting their fate with the others in a pile of warm colors. Sa may bintana, tahimik na pinagmasdan ng batang si Red ang paglalagas ng mga dahong ito. Sinundan ng kanyang kulay amber na mga mata ang paglaho ng mga kulay sa kalapit na puno ng palasyo.
Leaving the branches bare and lifeless, looking like corpse of a dead tree that was once filled with life.
It was silent.
Katulad ng mga punong ito, tila ba nawalan na rin ng kulay ang mundo sa labas ng palasyo.
Nakaagaw sa kanyang atensyon ang mga mamamayang abala sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang ilan sa kanila ay tinutulak ang kanilang maruruming karitong naglalaman ng kakarampot na ani. This time of the year, the population was divided into two: farmers who were struggling to provide food for the kingdom and residents who were struggling to earn enough money to serve a decent meal on their tables.
Hunger was common a problem in Eastwood.
Kaya hindi na rin nakapagtatakang natunghayan ng batang prinsesa ang pagharang ng ilang mga pulubi sa isa sa mga karitong ito. Red watched as their pale faces twist in irritation, hopelessness, and malice. Walang bahid ng awa o emosyon sa kanilang mga eskpresyon habang ninanakawan ng paninda ang uugod-ugod na magsasaka.
Puno ng kuryosidad niyang pinagmasdan ang taong pamumunuan niya balang-araw.
Ang mga taong kasalukuyang nagpapatayan para mabuhay...
It was silent.
Just then, little Red Ridinghood felt a light tap on her shoulder. Agad na nilingon ng prinsesa ang isa sa kanyang mga tagapag-alaga. Maya-maya pa, namalayan na lang ni Red ang marahang pagkaladkad sa kanya papalayo sa bintana.
In her fancy red dress adorned with ribbons and black jewels, the young princess vanished into a hallway.
"Prinsesa?"
That weak and unsure voice was the first sound she ever heard. Wala sa sariling kinapa ni Red ang kakaibang bagay sa kanyang mga tainga. Nanlaki ang mga mata ng paslit nang mapagtantong boses pala iyon ng tagapag-alagang naghatid sa kanya rito sa throne room. Naramdaman niya ang mapanuring mga mata ng kanyang ama at ang tagapayo nito. Nakatitig sa kanya ang lahat. Several pairs of eyes watched her like how a vulture would watch the carcass of a dead animal.
Suddenly, the world wasn't silent anymore.
And it terrified her.
"PRINSESA!"
Little Red Ridinghood ran away, back into the dark hallways.
Into the shadows of the elegant palace.
Natataranta siyang bumalik sa kanyang silid. Hinihingal niyang inilibot ang kanyang mga mata, naghahanap ng lugar kung saan siya pwedeng magtago. Nang marinig ng bata ang yabag kanilang mga sapatos, mabilis siyang nagtungo sa bintana at pinilit itong buksan.
Ngunit agad niya rin itong pinagsisihan...
Suddenly, the scene she was watching earlier was unmuted.
Sound.
Noises.
Screams.
Nagkaroon ng tunog ang mundong nasa kabilang bahagi ng bintana kung saan siya nakadungaw kanina.
"GAAAAAAH! T-Tama na...n-nagmamakaawa ako sa inyo... Wag niyo akong p-patayin."
Amber eyes widened in horror when she heard the old farmer begging for his life. Tuluyan nang nanlamig ang katawan ng bata nang makitang gumagapang na ang matanda sa lupa. Nakataob ang karitong tinutulak nito kanina. Marumi at may bahid ng dugo ang kanyang kupas na damit. Beside him, two men wearing tattered clothes held a knife.
"P-Pakiusap... May pamilya a---AAAAAAH!"
Blood splattered on the pavement, as crimson as her expensive dress.
Hindi makakilos si Red.
Ngayon niya lang napagtantong nakakakilabot pala ang mga tunog. Before, it felt like watching the same movie, over and over again...but this time, the sounds were on full volume. Nakakatawang isipin na sa unang mga sandali niyang makakarinig ng mga tunog, ang musika ng pagmamakaawa at paghihirap pa mismo ang sasalubong sa kanya.
In that moment, Little Red Ridinghood forgot about escaping.
Little Red Ridinghood suddenly wished the world was silent again.
"PRINSESA! Ano bang ginagawa mo? Halika na!"
Nakatulala pa rin ang bata nang muli siyang kaladkarin papalayo sa nakabukas nang bintana. Noong mga sandaling 'yon, tahimik niyang pinanood ang pagbagsak ng huling dahon...
Red Ridinghood stirred in her sleep.
Her eyes fluttered open.
'Where am I?'
Nang magmulat ng mga mata ang prinsesa, agad niyang nakita ang mataas na kisame. Nakasalambitin rito ang isang gintong chandelier. An elegant ornament with small wolf figurines carved at the tips. The soft glow of the orange lights were hypnotizing her.
Hindi ito ang kanyang silid.
Images of werewolves, sharp claws, dark eyes, and creepy smiles suddenly flashed in her mind...
"Shit!"
Napabalikwas nang bangon si Red nang maalala kung nasaan siya. Muling namayani ang kaba sa kanyang dibdib. Napalunok siya. "Kung ganoon, nasa kastilyo ako ng 'Big Bad Werewolves'? Tsk. This is stupid! Imposibleng totoo ito. Imposi---"
"Imposible?"
A deep chuckle followed.
Red froze on the spot, terrified to glance at the owner of the voice. Paano na lang kung isang halimaw na pala ang kasama niya sa silid na ito?!
Soon, the baritone voice filled the four corners of the room, sending a shiver down her spine...
"Ma chérie, nothing is impossible in this castle."
She can feel his eyes studying her, like a predator would to its prey.
Naikuyom ni Red ang kanyang mga kamao para itago ang kaba. 'Paano na lang kung bigla na lang niya akong patayin? Damn this.' Then again, she didn't mind dying. Tutal naman ay malamang nakarating na sa kanyang ama ang balitang patay na siya. Isa pa...
Teka lang!
Her amber eyes widened when she realized something.
"N-Naririnig kita!"
Kasabay nito, wala sa sarili siyang lumingon sa binatang nakaupo sa kanyang tabi. Ngunit imbes na matatalim na pangil, isang kulay pulang rosas ang bumungad kay Red Ridinghood. Kasing-pula ng dugo.
"Isinuot namin sa'yo ang hearing aids mo kanina habang natutulog ka. You're welcome, ma chérie. Don't worry, I didn't do anything to you... yet."
'What the hell?'
Nang mag-angat ng tingin si Red, tuluyan siyang nawalan nang boses nang mapagmasdang maigi ang kausap. A playful yet seductive smirk graced his lips. Ang mga mata nito ay kasing-dilim ng mga aninong nagkukubli ng isang libong mga misteryo. His messy mop of black hair almost concealed these pools of mystery.
At wala siyang suot na pang-itaas.
"What's the matter, ma chérie? Cat caught your tongue?" He chuckled. "Or, do you want me to catch it for you? Pwede rin naman..."
He licked his lips.
Umusog papalayo si Red sa binatang inilalahad pa rin ang pulang rosas sa kanya. Nang mapansin nito ang kanyang pagkailang, huminga nang malalim ang binata at ginulo ang kanyang buhok.
"Aw, come on! I'm harmless. I won't bite. Unless you want me to, of course." Sabay kindat nito sa kanya.
Hindi natinag si Red.
"Sino ka ba?!"
Ngumisi ito nang nakakaloko. "Accept the rose and I just might tell you my name."
Red eyed the flower suspiciously.
Sa sitwasyon niya ngayon, alam niyang hindi siya dapat magtiwala sa mga halimaw na ito. Despite her feisty personality, Red knew her kind heart will be the death of her. Iyon nga mismo ang naglagay sa kanya sa lugar na ito! 'But then again, they managed to find these...' Wala sa sarili niyang kinapa ang kanyang hearing aids.
Napabuntong-hininga si Red Ridinghood.
"If you trick me, I'll slap you."
Marahan niyang kinuha ang rosas mula sa kamay ng binatang nakatitig lang sa kanya. Napadaing sa sakit si Red nang masugatan pa siya ng mga tinik sa tangkay nito. Bago pa man siya makapagreklamo, his deep voice rang in her ears, like a dark melody meant to touch her broken soul...
"Macednus. My name is Macednus, ma chérie."
Weird name. But then again, it seems like each of the brothers have their own degree of "weirdness"---in a dark and twisted kind of way.
She nodded. "Well, Macednus...pwede mo bang ipaliwanag sa'kin kung bakit buhay pa rin ako? I was honestly surprised to realize I'm still breathing." Walang pag-aalinlangan niyang tanong sa binata.
Macednus chuckled, "Oh, ma chérie! If you're asking why you're not chunks of meat or a bag of bones yet, tanging si Acontes lang ang makakasagot niyan."
"Acontes?"
"He's the alpha of this castle. Come and follow me... I'm sure my brothers are dying to meet you too, darling."
There was something sinister in his eyes.
Hindi matandaan ng prinsesa kung kailan siya tumayo mula pagkakaupo niya sa malambot na kama. Naramdaman na lang niya ang malambot na carpet sa kanyang talampakan. An expensive crimson carpet, the same shade as the red rose nestled between her pale fingers. Hindi na niya alintana ang mantsa ng dugong iniwan ng natamo niyang sugat dito. Right now, the dark-haired princess felt numb as she follow one of the werewolves...
'Werewolves. Yes, you're now in a castle filled with heartless werewolves. Ano ba 'tong napasok mo, Red?' Isip-isip niya habang patuloy na naglalakad patungo sa naghihintay sa kanyang kamatayan.
Dinala siya ni Macednus sa unang palapag, sa isang pasilyong nasisinagan ng ilaw mula sa moon-shaped lanterns na nakahira sa makabilang gilid ng pader. Nakakatawang ispin na elegante pa ring tingnan ang nakakalibot na parteng ito ng kastilyo.
'He'll probably bring me to a chamber, then slit my throat for fun.'
Hindi na nga magugulat si Red kung iyon nga ang plano sa kanya ng magkakapatid.
Just then, they stopped in front of a tall stone arch, an entrance to a dark tunnel up ahead.
Kasabay nito, narinig ni Red ang ilang kakaibang tunog. Umalingawngaw sa kadiliman ang mahihinang kaluskos at pagkabasag ng ilang kagamitan. Sinundan ito ng isang malakas na pagsabog. Nanindig ang balahibo ng dalaga sa kanyang narinig.
"A-Ano 'yon?"
Macednus smirked, "Mas mabuti pang 'wag mo nang alamin, ma chérie. The castle doesn't like visitors at this hour."
Napalunok ang dalaga.
Dumako ang kanyang mga mata sa tunnel na nasa kanilang harapan. Mula rito, naaninang ni Red ang matamlay na liwanag sa kabilang dulo nito. May pitong lumulutang na kandila sa lagusan, ngunit, kapansin-pansing magkakalayo ang mga ito. At, sa haba ng lagusan, hindi sapat ang pitong kandila para masinagan ang kabuuan nito.
The light of seven candles separated in the tunnel of eternal darkness.
Sa hindi malamang dahilan, namuo ang takot sa dibdib ni Red Ridinghood. But before she could even take a step back, Macednus was already standing behind her. She can hear him smirking in amusement, a hot breath against her neck.
Soon, he whispered against her ear, not even bothering to mask the danger in his tone.
"Seven candles. Seven werewolves. This is our way of introducing ourselves, ma chérie...will you let a pack of monsters guide you to salvation?"
---
The people
who consider you weak
have not yet noticed
the wolf hiding
behind your eyes,
nor the flames
inside your soul.
Let them think
you are weak
and do what
wolves and fire
do best.
Surprise them
when they least expect it.
---"Wolf and Flame", Nikita Gill
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top