QUINQUAGINTA DUO

The second portal led her to a familiar place. 

Nang magmulat ng mga mata ang prinsesa, agad niyang nakilala ang lugar. Kamuntikan na sana niyang isipin na hindi naman siya naglakbay sa nakaraan kung hindi lang sa maliliit na pagkakaibang nakikita niya.

Yes, it was still that towering gothic-inspired castle with arched windows and pointed turrets, but it was a little less...

Gloomy?

'I don't know even know how to describe it,' Red though and glanced around.

Agad na nakapukaw sa kanyang atensyon ang kaliwa't kanang mga katulong na abala sa paglilinis at pag-aayos ng mga kurtina. Nakatayo siya sa gitna ng pasilyo, pero katulad nang nangyari sa naunang lokasyon, para bang hindi sila nakikita ng mga ito. They even passed her as if she wasn't even existing!

'Pero bakit naman ako nakikita ng Big Bad Werewolves?'

Hindi niya pa rin maiwasang magtaka. Sa huli, napagdesisyunan niyang baka nga dahil lang ito sa mahika ng Eteilla at sa "koneksyon" niya sa magkakapatid. It's convenient and creepy at the same time.

"Ngayon, saan ko naman mahahanap ang susunod na Tarot card?"

Sinimulan nang maglibot ni Red. Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa loob ng mga silid. Hindi tulad ng magugulong hallways, walang katao-tao sa loob ng mga ito.

Reminding herself of her time limit, mabilis na lumabas ang prinsesa.

Noon niya narinig ang ingay na nagmumula sa courtyard. Napangiti na lang siya.

'Found them!'

Tumakbo si Red sa kinaroroonan ng tatlong prinsipe.

Pero mabilis ring napalitan ng takot ang kanyang ekspresyon nang makita ang eksena.

"YOU CHEATED! Ako dapat 'yong nanalo kanina sa frisbee! You're a scum, ya know that?!"

"Ikaw kaya ang nandaya! Don't turn the tables on me, or else I'll tell Socleus you stole his socks last week!"

"Argh! You're a damn brat, Thyreus!"

At sa pagitan ng pag-aaway ng dalawang binata, nagkakarambulan pa sila. Sunod-sunod na mga suntok, tadyak, at paninisod ang bumungad kay Red nang nakilala niya ang isa sa dalawang nag-aaway. Even in his puberty days, Carteron still looks creepy. Hindi pa nakatulong na may hawak-hawak pa siyang lubid habang nakikipagbuno sa kapatid.

Napapailing na lang si Red at tinabihan ang kapatid nilang kanina pa nananahimik sa isang tabi.

"Kanina pa ba sila nag-aaway?"

The younger version of Nyctimus looked up at her. He looked no more than 12 years old. Noon lang napansin ni Red na wala pa itong suot na hood.

His blue eyes were innocent.

"Opo."

The young Nyctimus' white hair was neatly swept back and his perfectly ironed suit was buttoned up.

Bunso talaga.

Napangiti na lang si Red at agad na inisip ang Nyctimus na nasa kastilyo.

["Ang galang mo pala noon, Nyct? I'm surprised."]

["Life has a lot of surprises, Princess Rieka."]

"HAHAHAHAHA! Buti nga sa'yo!"

The other one squirmed under his brother's weight before kicking him in the "illegal" zone.

Carteron yelped in pain, cursing a string of profanities.

"You were saying? Hahaha!"

Natawa na lang ang binatilyo. Spiked hair and a rebellious glint in his eyes.

'Thyreus, huh?'

Maya-maya pa, nagulat na lang si Red nang lumapit ito sa kanya. Humalukipkip si Thyreus at sinimangutan siya.

"Are you the new maid? Kuhanan mo ako ng juice. Nauuhaw na ako."

Hindi yata nagkamali si Carteron na tawaging isang brat ang isang 'to. She was about to call out his behavior when she saw the Tarot card stuck on the frisbee he was holding. Nang makita niya ang imahe at ang salitang "JUDGEMENT", alam na agad ng prinsesa na ito nga ang hinahanap niya.  'Bakit ba kung saan-saan na lang napapadpad ang mga barahang 'to?' Isip-isip ni Red.

["Six minutes."]

Dahil dito, wala nang nagawa si Red kung hindi tumakbo pabalik ng kastilyo at magpanggap na isang katulong. As much as she doesn't like Thyreus' attitude (mas maala pa nga yata ito kaysa sa iba), Red doesn't want to use force on him. Hindi niya maintindihan kung paano gumagana ang mahika ng Eteilla, kaya mas mabuti nang limitahan niya ang kanyang mga aksyon.

A moment later, she was already presenting him a tray with...

"Grape juice?! Ew." Thyreus huffed. "Sinabi ko naman dating ayoko ng ganyan, 'di ba? How incompetent can you servants be? Dapat sa inyo tinatanggalan ng trabaho o binibitay."

Red forced a smile and held out a cup.

"Masarap naman 'to, ah? Come on, give it a---"

He slapped the cup from her hand. Grape juice spilling on the grass.

Carteron being his annoying self, laughed his ass off.

"HAHAHAHAHA!"

Napanganga na lang si Red Ridinghood. Damn! Tumakbo pa siya kanina sa kusina para kunin ito! Mabuti na nga lang at nagagawa niyang hawakan ang mga gamit na nakapaligid sa kanya. Ngayon naman, mag-iinarte pa ang isang 'to?

'Dapat pala JUDGEMENTAL ang baraha niya.' Naiinis na isip ng prinsesa.

["Three minutes!"]

"That's it! Nyct, hawakan mo muna 'to." Red immediately gave the tray with the remaing cups to the young prince as she stormed towards Thyreus.

Mabilis na hinigit ni Red sa braso ang prinsipe.

"Lapastangan! Baka isumbong pa kita sa---"

"Wala akong pakialam kung magsumbong ka! From what I know, you were raised with good manners, right? Sa inaasta mo ngayon, hindi ko nakikita ang isang prinsipe. Nakikita ko lang ang isang spoiled brat na walang galang sa mga taong nakapaligid sa kanya!" Red Ridinghood spat out of frustration. "Wala kang karapatang tawagin ang sarili mong isang prinsipe."

Kung may kinaiinisan siya bukod sa high heels at corsets, that'll surely be royals who act like they own the whole damn world.

Dahil dito, natigilan ang tatlong prinsipe sa kanyang sinabi.

Thyreus frowned.

"Stupid maids. Wala kayong karapatang pagsabihan ako dahil wala naman kayong alam tungkol sa'min!"

In his anger, he thrusted the frisbee at her and walked back to the castle. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga at tiningnan ang Tarot card sa frisbee.

JUDGEMENT.

'Kung alam lang sana nila,' she thought.

Kinuha na lang niya ang baraha at tumakbo pabalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi na niya pinansin ang paghagalpak nang tawa ni Carteron at ang tahimik na pag-ubos ni Nyctimus ng grape juice. She dashed into the hallway, just in time to see the stone archway appear.

["One minute!"]

Sa kabila ng biglaang pananakit ng kanyang ulo, bumalik sa kasalukuyan ang prinsesa nang puno ng pag-asa.

Two out of three.

*

The third portal she crossed made her feel uncomfortable.

Sandali niyang inilibot ang kanyang mga mata sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang kagubatang nasa teritoryo ng kastilyo. It was a good thing she familiarized herself with some of the trees and plants here before her escape.

'Pero ano naman ang ginagawa ko rito?'

Sa di-kalayuan, naririnig na niya ang boses ng magkakapatid.

Napangiti na lang si Red Ridinghood at tumakbo sa pinanggagalingan ng ingay.

But after a moment, she realized she wasn't going anywhere.

Kahit anong takbo o lakad niya, para bang hindi siya umaalis sa kanyang pwesto. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at pilit hinanap ang portal, pero wala na ito roon. 'Anong nangyayari rito?!' Red started to panic when the branches seemed to twist and tangle, enclosing her in a circular patch of land.

A dead and disastrous silence mocked her.

Bumigat ang kanyang pakiramdam.

Noong mga sandaling 'yon, naging malinaw na sa kanyang wala siyang mapapala sa lugar na ito. Hindi niya mahahanap dito ang anuman sa tatlong nawawala pang baraha. Bumalot ang kaba sa puso ni Red nang marinig ang yabag ng mga paa.

'Damn it!'

She spun around, just in time to see an old lady approach her.

Tuluyan nang natuod sa kanyang kinatatayuan si Red nang makilala niya ito...

"M-Miss Evelyn."

The grandmother-like witch smiled at her with rotten teeth. An dark aura surrounding her. Sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili at kausapin ni Nyctimus, pero para bang may humarang sa telepathy spell. Hindi rin niya makausap ang sinuman sa Big Bad Werewolves.

Hindi siya makahingi ng tulong.

That made her even more terrified.

That made the evil witch's eyes lit up in delight.

"Oh, maiden, what a big heart you have! It's a shame those silly werewolves will soon shred it into pieces..."

---

My head cocked toward the sky,
I cannot get off the ground,
and, you, passing over again,

fast, perfect, and unwilling
to tell me that you are doing
well, or that it was mistake

that placed you in that world,
and me in this; or that misfortune
placed these worlds in us.

---"The Lost Pilot", James Tate

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top