QUADRAGINTA DUO

Ms. Felice half-heartedly fixed her hair while ordering the maids to clean the stain on her dress.    

“Such a disgrace! Nawala lang ako sandali para hanapin ang panahian ko, nagulo na agad ang iyong ayos? Paano ka mapupusuan ng mga kalalakihan kung ganyang ang hitsura mo, prinsesa?”

Gustuhin man niyang magkumento na kanina pa nga siya hinaharangan ng mga prinsipe mula nang makalabas siya sa plaza, but she kept her mouth shut.

“Naku! Noong panahon namin, puro mahinhin at may mabubuting-asal ang mga prinsesa sa kahariang ito. In fact, your mother was a perfect role model for royal maidens!” the aged woman kept rambling on.

Red couldn’t help but role her eyes.

‘Well, if you haven’t noticed yet, I am not my mother.’

But, of course, for the sake of peace, she didn’t say that out loud.

Mahinang napadaing si Red nang hinalihin nito ang kanyang buhok. From her view in the mirror, Ms. Felice was braiding her hair on top of her head. Patuloy lang ito sa panenermon sa kanya, pero wala na siyang ganang pakinggan pa ang mga ito. Amber eyes fixated on the color of her locks. Mula sa mangilan-ngilang hibla, sa nakalipas na linggo, tuluyan nang naging pula ang kanyang buhok.

Scarlet.

‘May kinalaman siguro ito sa pagpili sa’kin ng Eteilla?’

In her heart, Red already knew the answer. At sinasabi rin sa kanya nitong nag-uumpisa pa lang ang mga kalbaryo niya sa buhay.

The tiara was delicately replaced on her head.

“There. Now, off you go, child! Kanina ka pa hinihintay ng escorts mo.” Anunsiyo ni Ms. Felice bago siya ipinagtabuyan papalabas ng kanyang dressing room. Huminga nang malalim ang prinsesa at inayos ang kanyang sarili. Muli niyang sinulyapan ang kanyang repleksyon sa salamin.

She barely recognized herself. Out of habit, she checked her hearing aids, making sure they were still intact, and flashed a carefully practiced smile.

‘This is it, Red.’

Hinatid na siya ng ilan sa kanilang royal guards patungo sa ceremonial hall kung saan isasagawa ang kanyang coronation. Tinitigan niya ang kanilang ceremonial helmets. It’s a shame she couldn’t see their expressions. Pero mas nakakapanghinayang ang katotohanang sila lang ang narito. Ayon sa kanilang tradisyon, dapat ang heneral mismo ang maghahatid sa kanya. Nang maalala na naman niya si General Simon, naramdaman ni Red ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

Dati, palagi pa siyang binibiro nito. "Kapag naging reyna ka na, baka wala ka nang pakinabang sa'kin. Siguradong uugod-ugod na ako 'non, Princess Red. Ngayon pa lang, maghanap ka na dapat ng mga aplikanteng papalit sa'kin. Hahaha!" Halata ang excitement sa boses ni General Simon tuwing napag-uusapan nila ang tungkol dito. Tuwing ini-imagine nila ang kanyang coronation day.

She hurriedly blinked, and tried to push that sadness aside.

‘Ni hindi mo na naabutan ang coronation day ko, heneral.’

Finally, she was standing in front of the towering oak doors. Naririnig na niya ang ingay ng mga bisita sa loob. Sa labas ng palasyo, alam niyang naghihintay na rin sa kanyang paglabas ang mamamayan ng Eastwood.

Red knew this day will come, but that didn’t make her any less nervous.

The sound of the trumpets blared from somewhere inside, signaling her entrance. Nang pumasok na siya sa loob, the princess commanded an air of silence. Natigilan ang lahat at pinanood ang kanyang prosesyon.

One step at a time.

'Kaya mo 'to, Red.'

Her amber eyes darted to the glass windows. Mula rito, natatanaw na niya ang mga taong nakaabang sa labas. Kung hindi man nila naririnig noon ang tungkol sa tahimik na prinsesa, tiyak na laman na siya ng mga usap-usapan ngayon.

When Red Ridinghood reached the front of the hall, one of the guards bowed and handed her a magnificent cape made from black and white fur. She nodded in appreciation and draped it over her shoulders.

“You have done an excellent job," she thanked the guard and raised her chin.

Sa gilid ng kanyang mga mata, napatakip ang bibig ng ilang mga panauhin. Namutla ang lahat, sabay tingin sa mga putaheng hinahatid ng ilang mga katulong sa kanilang mga mesa. Malamang ay naalala na naman nila ang parusang ipinataw niya kanina kay Nyctimus. Indeed, everyone was shocked with her morbid suggestion, and so she ordered one of the guards to do the dirty work.

‘Ang akala ba nila ay nagbibiro lang ako?’

A sinister smile spread on her red lips as she touched her new cape.

Maging si King Ronan ay mukhang nabalisa sa kanyang nakikita. Hindi pa rin ito makapaniwala sa kanyang ginawa. Umubo pa ito at pinilit 'wag ipahalata ang kanyang karamdaman. Makalipas ang ilang sandali, he quickly recovered from the wickedness of the recent events. 

"Mabuti pang simulan na natin ang seremonya, bago pa ulit may mangyaring hindi inaasahan." Mariing sabi ng hari.

Makalipas ang mahigit kalahating oras ng pagbabasa ng matandang lider ng king's council sa sinaunang kasulatan tungkol sa order of succession (para siguraduhin ang kanyang "eligibility" bilang tagapagmana ng trono), Red Ridinghood found herself absent-mindedly reciting the oath she rehearsed a few days ago.

Everyone watched her.

Everyone waited.

For a moment, Red thought she'd mess up or forget a line. Pero nang nginitian siya ng kanyang ama, alam niyang tama lang ang kanyang ginagawa.

She stood facing the crowd as the king was finally renouncing his power to the next generation.

He removed his crown.

Maingat nilang isinilid ang korona ng hari sa glass case, kung saan hihintayin itong maangkin ng kung sinumang mapapangasawa ni Red Ridinghood balang-araw.

And for the finale, which is also the most important part of the ceremony, King Ronan took a similar crown from the other glass case and walked towards her. Tulad ng korona ni King Ronan, yari sa rin sa ginto ang koronang ito. Symbolizing an equality of power. But unlike its male counterpart, rubies and diamonds adorned this crown, making it look more feminine and elegant.

A beauty beyond every princess' dreams.

Minsan na niyang nakita ang koronang ito sa mga larawan ng namatay niyang ina.

The queen's crown.

At sa sandaling mailapat na ito sa kanyang ulo, magiging ganap na ang paglilipat ng kapangyarihan. Magiging ganap nang reyna si Red Ridinghood ng kahariang ito.

She took off her tiara and lowered herself, kneeling on the cushion they provided earlier.

Her heart pounded inside her chest.

But before the crown could even touch her, napuno ng sigawan sa labas ng ceremonial hall. Sa isang iglap, nagkagulo ang mga bisita at napuno ng takot ang coronation day ng prinsesa. King Ronan's eyes widened as he demanded, "Anong nangyayari?!"

Just in time, one of the guards rushed into the room. Hinihingal ito at halatang natataranta.

"K-KAMAHALAN, INAATAKE TAYO!"

"At sino naman ang aatake sa'tin?!" King Ronan looking displeased.

But all that displeasure shifted to fear when the guard answered.

"W-We're being attacked by werewolves!"

---

And then we wake. Or do we? Sleep endures
More than the morning can, when shadows lie
Sharper than mountains, and the cleft is real
Between us and our kings. What sun assures
Our courage, and what evening by and by
Descends to rest us, and perhaps to heal?

---"The Deepest Dreams", Mark van Doren

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top