QUADRAGINTA
The oldest kingdom in Eastwood was decorated in red, white, and gold; every street meticulously adorned with the finest banners flaunting the palace emblem.
Kaliwa't kanan rin ang mga musikerong tumutugtog sa mga lansangan habang nagkakasiyahan ang mga bata sa panonood sa maliit na theatrong kasisimula lang ng kanilang palabas. As ironic as it is, the small theatre performed the tale of a princess who was attacked by the evil Big Bad Werewolf.
But just like any other children's play, everyone knew that a prince will save the princess and the narrator will later on proclaim, "and they lived happily ever after."
The end.
Such a typical story.
Sumalubong naman sa mga panauhin ang mababangong mga tinapay na kagagawa lang gamit ang natitirang harina ng mga panaderya. Kumalansig ang mga barya sa pakikipagkalakalan ng ilang mga residente sa bagong-bukas na tiyangge. In a distance, a group of merchants sold ornaments and paintings at a very cheap price, much to the delight of collectors.
Humalo sa musika ng kaharian ang tunog ng mga karwaheng dumaraan.
Sinundan nila ng tingin ang mga panauhing nagmula pa sa malalayong lupain. Kings, queens, dukes, lords, and even the most charmingly princes in the land! All were dressed in their finest regalia and a traumatizing amount of jewelries.
Papasikat pa lang ang araw, pero patuloy pa rin ang pagdayo ng mga maharlikang nais masaksihan ang mga kaganapan sa koronasyon ni Princess Rieka Ridinghood.
*
There's something she hated more than corsets: a pair of high heels.
Mula noong bata siya, sinubukan na niyang sanayin ang kanyang sariling magsuot ng mga sapatos na may takong (not that she had any much of a choice), pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay magsuot ng ganito kataas!
An inch or two is acceptable, but a devious pair of six-inched heels is different kind of torture!
"Especially when you're in a hurry."
Mahinang napamura si Red at inis na tinanggal ang kanyang mga takong, carrying them instead. Suot ang kanyang gown na may sandamakmak na disenyo at samu't saring mga hiyas na nakaburda sa laylayan, the princess raced down the hallway. Gulat siyang tiningnan ng mga chamber maids na abala sa pag-aayos sa palasyo. Hindi na muna niya binati ang mga ito at nagpatuloy lang sa pagtakbo.
When she spotted a familiar corridor, hindi niya napigilang ngumiti.
'Almost there!'
Red Ridinghood bundled up her heavy skirts. Hindi pa man sumisikat ang araw, hinihingal at pinagpapawisan na siya. Paniguradong magagalit sa kanya si Ms. Felice sa sandaling makita siya nito. Baka atakihin pa ito sa puso kapag nakita niyang sira na ang koloreteng pinaglalalagay nito sa kanyang mukha kanina.
But it doesn't matter, as long as she can accomplish the first part of her plan.
She ran as fast as she could.
Pero nang lumiko sa pasilyo ang prinsesa, tuluyan na siyang namutla nang makita ang kanilang royal adviser.
Nakahalukipkip ito at masama ang tingin sa kanya. Naroon din ang dalawang gwardiyang nakatayo sa kanyang tabi. She recognized these two as the ones who were regularly guarding the cell door.
"At saan ka naman pupunta, kamahalan? The palace plaza is the other way around." Elpidio eyed her suspiciously.
Dala ng kaba, napalunok ang prinsesa. Aksidente niya pang nabitiwan ang hawak-hawak niyang drinking flask sa kanyang kabilang kamay.
Dahil dito, natapon sa sahig ng palasyo ang grape juice.
Sinundan ito ng tingin ni Elpidio, a disapproving look in his eyes.
"Sinabi ng mga gwardiya sa'kin ang tungkol sa madalas mong pagdalaw sa halimaw, kamahalan. Ayoko sanang maniwala sa mga sabi-sabi, pero noong nakaraang linggo lang ay nakita ko pa mismo sa sarili kong mga mata ang pagpuslit mo rito nang hatinggabi! You're lucky I haven't told the king, yet." He finished.
Agad na bumalik sa mga alaala ni Red ang gabing nagpunta siya rito para kausapin si Nyctimus. Her amber eyes glared at him. "Kaya pala walang nagbabantay sa pinto noon... You were watching us?"
Elpidio sneered, "I was at a safe distance. Alam kong ikaw 'yon, kamahalan, kaya 'wag mo nang itanggi ang pagtataksil mo sa kaharian!"
"Pagtataksil?"
Tumango si Elpidio, "You have a relationship with that monster, don't you?! Tinutulungan mo siyang makatakas!" Dinuro-duro pa siya nito, halatang nanggagalaiti sa kanyang natuklasan. "Kaya ka narito!"
This was clearly an act of disrespect. Pero dahil wala sa posisyon si Red para banggitin pa ito, napabuntong-hininga na lang siya. Seryoso niyang hinarap ang royal adviser at marahang nagsalita, "Gagamitin mo itong alas laban sa'kin, hindi ba? Dahil kung intensyon mong siraan ako sa hari, matagal mo na dapat akong sinumbong."
Kilala ni Red ang isang ito. Numero unong sumbungero si Elpidio at hindi nito palalagpasin kahit ang maliliit na bagay. But if he waited this long to call her out and even stressed himself with the preparations for her coronation day, something was definitely amiss.
"I'm pleased to know that our future queen is smart enough," Elpidio smiled mockingly. "Tama ka, kamahalan. May dahilan kung bakit hindi kita sinumbong sa hari. Ano na lang kaya ang sasabihin ng iyong ama kapag nalaman niya ito? Ano na lang kaya ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang ang kanyang unica hija, ang susunod na reyna, ay hindi tapat sa sinumpaan niyang tungkulin sa kaharian? Such a shame, indeed!"
"Just cut to the chase and tell me what you want."
Lalong lumawak ang ngiti ni Elpidio. Kulang na lang talaga ng pitchfork at mga sungay.
"I want to keep my position as royal adviser under your administration."
Hindi makapaniwala si Red sa kanyang narinig. 'So, he's blackmailing me to keep his title? This is just plain crazy!'
Gustuhin mang tumanggi ni Red, alam niyang malalagay lang siya sa alanganing sitwasyon. Paniguradong hindi lang si King Ronan ang madi-disappoint niya, pati na rin ang buong kaharian. Kakalat ang balita at magiging kahihiyan siya ng buong Eastwood. People might never learn to trust her, and she can't allow that to happen.
Not when she's meant to be their queen someday.
Naikuyom na lang niya ang kanyang kamao at napipikong humarap kay Elpidio.
"Fine."
Pumalakpak pa ito at magiliw na nagsalita, "A wise decision, Your Highness! Hindi ka magsisi."
'Ngayon pa nga lang nagsisisi na ako.' She thought.
With nothing else to do, Red Ridinghood started walking towards the dungeons. Hindi pa man siya nakakalapit dito, laking gulat ng prinsesa nang bigla na lang siyang harangan ng mga gwardiya. Nanlaki ang kanyang mga mata at sinubukang kumawala sa hawak ng mga ito.
"Ano bang ginagawa niyo?! Damn it! Let me go!"
Maya-maya pa, lumabas na ang mga escort ni Nyctimus. Takot na pinanood ni Red ang pagkaladkad nila sa werewolf papunta sa kabilang pasilyo. For a fraction of a second, their eyes met. Kalmado lang sumunod sa kanila si Nyctimus habang nakaposas ang kanyang mga kamay. She can even see the silver chains crossed over his bare chest beneath the traditional prisoner's robe.
Alam ni Red kung saan patungo ang pasilyong 'yon.
Lalong nagwala ang prinsesa. Her yells echoed throughout space and bounced off the ridiculously shiny marble floors.
"Bitiwan niyo ako! K-Kailangan ko siyang iligtas! Please, hindi siya halimaw!"
Sa pagkakataong ito, maging si Elpidio ay sinubukan na ring pigilan ang kanilang tagapagmana. He blocked her path. Red bumped into him and attempted to push the bastard away, but it was no use. The guards pulled her back, their apologetic looks masked by the shadows of their ceremonial helmets.
Huminga nang malalim si Elpidio at inayos ang kanyang nagusot na damit.
"I only promised not to tell your father of your little 'mistake'. Pero hindi ibig sabihin nito ay pahihintulutan kitang gawin ang gusto mo, kamahalan. With the king's health condition, our kingdom needs a queen."
Sinamaan niya ito ng tingin. Minsan talaga gusto na niyang ipakain sa totoong mga halimaw ang kanilang royal adviser. But, then again, maybe undead werewolves are picky eaters too.
"Bullshit! You're a fucking bastard, you know that?! Bitiwan niyo ako!"
Elpidio smiled wearily. "Bilang katiwala ng pamilyang ito ng ilang dekada, hindi kita hahayaang bigyan pa ng kahihihiyan ang kaharian natin, Prinsesa Rieka. This is for the best."
He turned to the guards holding her and nodded. Ilang sandali pa, tuluyan nang naglaho ang mga sigaw ni Red habang iginigiya na siya papunta sa plaza.
*
The execution will start in a few minutes.
At kahit pa hindi tumingin si Red sa mga orasan, base sa dami at ingay ng mga taong nagkukumpulan sa espasyong nasa harap ng palasyo, alam niyang papalapit na nang papalapit ang sandaling kinatatakutan niya.
With several escorts on either side of her, Red knew there was no way out of this. Hindi niya pwedeng takasan ang mga ito at sinigurado 'yon ni Elpidio.
"Magpasalamat na lang tayo at wala rito si Ms. Felice, kamahalan. Tiyak na pagagalitan ka niya kapag nakita niyang nadumihan ang damit mo!" Laura said while still trying to dab the stains on the hem of her grown. Natalsikan pala ito ng grape juice kanina.
Lalong bumigat ang kanyang pakiramdam.
Agad naman itong napansin ng kanyang right-hand maid.
"May problem ba, prinsesa?"
Red Ridinghood let out a shaky breath and forced a smile. "Wala. Napuyat lang ako kagabi."
"Naku, anong oras ka na po ba natulog, kamahalan? Naikwento nga ng ibang mga katulong na nakasindi pa rin daw ang mga ilaw sa kwarto mo hanggang hatinggabi."
"It's nothing... hindi lang ako makatulog nang maayos."
Laura nodded. Hindi nakaligtas sa paningin ni Red ang awa sa mga mata nito. Ilang sandali pa, idinagdag nito, "Being kidnapped by that monster must be a traumatic experience for you. Pero ligtas ka na po ngayon, kaya wala ka nang dapat pang ipag-alaala, kamahalan."
Kung ganoon lang sana kadali ang lahat.
Dumako ang mga mata ni Red sa paligid. Nang makalabas na sila sa pinto, sumulubong sa kanila ang makukulay na banderita. Sa pagkakataong ito, nakuha na niya ang atensyon ng mga tao.
Everyone, from local fruit vendors to dukes in foreign fabrics, turned to gaze at her. A hundred pairs of eyes watched her descend the stone staircase in amazement, carefully taking in her royal presence. Ang ilan naman ay yumukod para magbigay-galang sa kanya.
It made her so fucking uncomfortable.
Pakiramdam ni Red ay magkakaroon ulit siya ng panic attack anumang oras mula ngayon. 'If I don't accidentally trip on my heels and embarrass myself first,' she duly noted and tried to smile.
Keep that regal posture. Hold your chin up high. Smile like a princess.
Damn, it made her sick.
Naaaninag na niya ang malawak na platform at ang maliit na stage kung saan binibitay ang kanilang mga kaaway. May isang lalaking nakatayo sa gilid nito, natatakpan ng puting maskara ang kanyang mukha. Yes, this must be the executioner the king was talking about. Sa balcony ng kanilang palasyo, natatanaw niya ang kanyang ama kasama ang ilan sa kanilang mga panauhin. Gold and red tapestries glimmered under the first rays of sunshine.
From down here, King Ronan looked more like those kings carefully sketched in children's books.
He was clad in layers of silk robes, with a golden crown adorning his gray hair. Amber eyes, that probably looked similar to hers when he was younger, held a certain fortitude that made him look even more intimidating. Naroon ang awtoridad sa kanyang tindig at ang lakas sa kabila ng nanghihina niyang pangangatawan.
'It looks like sobriety made him look several years younger,' she thought in amusement. At kahit na hindi na niya naabutan ang kanyang ina, she couldn't help but imagine them standing on that same balcony.
Hand in hand, the king and the queen governing over this historical land.
Napangiti na lang ang prinsesa.
Maya-maya pa, narating na nila ang pinakaunahan. Katulad ng kanyang hiniling, may nakahanda nang upuan para sa kanya, ilang talampakan lang ang layo mula sa platform. Naupo roon ang prinsesa habang nakatayo naman sa di-kalayuan si Laura at ang kanyang mga escort.
While waiting for the execution to start, Red Ridinghood scanned the crowd. Hindi na siya nagulat nang makita roon ang ilan sa mga maharlikang dumayo pa sa malalayong lupain.
Kung nandito sila para saksihan ang execution ng werewolf o para makipagplastikan sa kanya pagkatapos ng kanyang coronation, she doesn't care.
Red just rolled her eyes when a prince smiled charmingly and waved at her. Obviously flirting.
Whether he was interested in her or interested on being the next king, still, she doesn't care.
'Only the alpha has captured my full attention.'
Red paused.
Damn. This is not the time to think about him!
Napabalik na lang sa kasalukuyan si Red nang biglang umingay ang paligid. From the corner of her eye, she saw someone being pushed towards the stage. Everyone gasped at the sight. Murmurs rumbled across the sea of people. Agad na nakapukaw sa kanyang atensyon ang pamilyar nitong hitsura.
White hair, pale skin, and ocean blue eyes. Sa kabila ng kaguluhan, nanatili pa ring kalmado ang werewolf.
Kasunod niya ang ilang mga gwardiyang may bitbit na maliit na baul.
Alam ni Red kung anong laman nito. A few days ago, she even helped Elpidio check the contents of that metal box.
'An assortment of torture weapons specifically designed for werewolves.'
She shivered at the thought.
Tahimik na pinanood ng prinsesa ang pagsubsob nila kay Nyctimus sa sahig ng stage. Sinipa pa siya ng isang gwardiya sa tagiliran. Umalingawngaw sa paligid ang pagdaing nito sa sakit.
No one cared.
Red Ridinghood sat still and watched as King Ronan rose from his seat.
Namayani ang nakabibinging katahimikan habang hinihintay ng lahat ang sasabihin ng kanilang hari.
"For generations, the myth of the Big Bad Werewolf inspired fear, especially for the maidens of royal families. Ilang dekada nang naging isang alamat ang pagdakip at pagpatay nito sa mga prinsesang mula sa iba't ibang kaharian. A monster lurking in the woods... a monster that even attacked my own daughter, Princess Rieka Ridinghood, a month ago during the Princess Enlightenment ceremony."
Walang nagtangkang magsalita, pero nararamdaman ni Red ang pagdako ng kanilang mga mata sa kanya. She pretended she wasn't bothered.
"But the gods have heard our prayers and, with a twist of fate, Princess Rieka returned to us. Sa kasamaang-palad, kalakip ng tagumpay na ito ay ang sakripisyo ng ating magiting na heneral at ang ilan sa aming mga tauhan sa palasyo." The king continued, "It is with great luck that we have finally captured the beast that had brought terror to our peaceful kingdoms. Today, we lit a new candle for the next generation; the most-awaited coronation of our beloved princess. And with this, we shall mark our legacy by killing the Big Bad Werewolf!"
Napuno ng palakpakan ang paligid. Nanghiyawan pa ang ilan. Lumakas ang mga kwentuhan at kinailangan pang suwayin ng mga gwardiya ang mga tao. It seems like everyone was excited to see their prisoner die.
The princess remained silent.
Pinanood lang ni Red kung paano lumapit ang executioner kay Nyctimus. Sa kanyang tabi, mayabang na ngumiti ang royal adviser habang inaabot nito ang baul...
*
Elpidio spared a glance at her, a smug look on his face.
'Such a foolish girl, indeed.'
Dahil alam ni Elpidio ang tungkol sa kanyang pagbisita kay Nyctimus, sinigurado nitong hindi magagalaw ng prinsesa ang anumang bagay sa loob ng baul. He made sure the weapons weren't tampered with. Ang akala ba nito ay hindi niya alam na may hidden agenda si Rieka nang nagboluntaryo itong tumulong sa mga preperasyon?
No, he wasn't one of the wisest persons in this palace for nothing. Basang-basa na niya ang mga kilos ng dalaga. Sa huli, hindi ito nagtagumpay para galawin o nakawin ang mga kakailanganing gamit.
Nothing can go wrong today.
Absolutely nothing.
Pero nang akmang bubuksan na nila ang baul para simulan na ang makasaysayang public execution...
"A-Ang susi...n-nasaan ang susi?"
Namutla si Elpidio. Natataranta niyang hinahanap ang susi sa kanyang bulsa. He swore he kept it there!
While he was searching for the key, everyone waited.
Cold sweat dripped from the sides of his face. Sa bawat minutong lumilipas, the king was looking even more impatient. Maging ang ibang maharlika ay mukhang naguguluhan at naiinip na.
"Teka lang po, kamahalan...n-narito lang 'yon kanina..." he kept mumbling. "Nasaan na ba 'yon?! N-Nawawala talaga..."
Maya-maya pa, bago pa man makapagsalita si King Ronan, nagulat ang lahat nang tumayo si Princess Rieka at naglakad papalapit sa platform.
Dahil nakaupo siya sa pinakaunahan, huli na noong tinangka siyang pigilan ng kanyang mga escorts.
Elegantly, she turned to the audience with an offended look, and persuasive amber eyes.
"What is this? It seems like our royal adviser doesn't want to give justice for our fallen men... Ayaw niyang matuloy ang execution. He's a traitor!"
What?!
Elpidio gritted his teeth in frustration. "Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo, ka---"
Bumaling si Princess Reika sa kanya. "Pero hindi ba't ikaw lang naman ang may hawak ng susi? Nakita ko mismo noong tinutulungan kita sa preperasyon. Palagi mo lang itong dala-dala. And I think even the guards can testify that you carry that key everywhere you go. What now? Are you trying to sabotage the ceremony, Elpidio?"
"Sabotage?! You must be insane!"
"Ang halimaw na 'yan ang kamuntikan nang pumatay sa'kin! Pinatay niya ang mga tauhan natin! P-Pinagkatiwalaan ka namin.... How could you?" Her voice broke, as if she was reliving the trauma of whatever happened to her in the woods.
Lalong lumakas ang mga bulungan.
Nakatuon na ang atensyon ng lahat kay Elpidio. Nang bumaling siya sa hari, bakas ang pagkadismaya sa mukha nito.
"Kamahalan, maniwala ka sa'kin, hindi ko alam kung anong nangyari sa---!"
"We'll settle this issue later. For now, you've caused enough trouble... Paalisin niyo riyan si Elpidio!" Sigaw nito sa mga gwardiya.
Namalayan na lang ng royal adviser na tinatangay na siya papalayo ng mga ito. He was stunned! Siguradong siyang nasa bulsa niya lang kanina ang susi. Palagi itong nasa bulsa niya. He even checked it earlier this morning before...
Realization hit him.
Dinapuan niya ng masamang tingin ang prinsesang tahimik lang siyang pinapanood.
'That ungrateful brat!'
Yes, the princess fooled him into thinking she was going to save the werewolf earlier.
Ang tunay na dahilan kung bakit siya nagpunta sa dungeons ay dahil alam niyang inaasahan ni Elpidio ang kanyang pagdating. And while she was yelling and trying to break free from their grasp to "save" the prisoner, Red found an opportunity and secretly fetched the key inside his pocket without anyone noticing.
'Kaya pala.'
Red Ridinghood volunteered to a help him with the preparations a few days ago just to get an idea on where he usually keeps the key.
Epidio was an organized man with predictable habits.
And the princess used that against him.
---
She is beauty,
She is pain.
Taste her smoke, her bile,
The blood of most innocent love
Stained upon her bitter lips.
She is a death sentence,
Written in kisses which burn
A passionate and toxic flame,
Dyed a purple hue to coronate her
Within every lonely heart
Which begs for the silent, final reckoning.
Stars fade, and dreams are made empty
Beneath her royal hand.
She is everything,
She is nothing.
---"The Red Queen", James Roberts
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top