DUODECIM
"Tsaka lang naalala ng mga tao na may tinik rin ang mga rosas kapag nasaktan na sila ng mga ito."
Natigilan si Red sa kanyang sinabi.
She hated how it made sense.
It gave a perfect explanation on how those pretty maidens got away after stealing from their palace.
Just to recall, may isang beses na nadaan si Red sa west annex patungo sa lumang silid-aklatan. Normal na niya itong ginagawa, pero hindi normal ang tanawing nakita niya noon. Sa likod ng ilang pillars, napansin ng prinsesa ang pasiktreong pag-"entertain" ng ilang mga guwardiya sa mga kababaihang taga-labas. Based from their tight clothes and heavy make-up, Red knew these ladies were from the nearby brothel General Simon once mentioned to her.
'Pero ano naman ang ginagawa ng mga prostitutes sa palasyo namin?'
Deciding to mind her own business, hindi na pinakialaman pa ni Red ang kanilang paglalandian kahit pa alam niyang maha-highblood panigurado si Elpidio kapag nalaman niya ang tungkol dito.
The next day, news spread out like wildfire.
Nahagip ng kanyang pandinig ang pagti-tsismisan ng ilang chamber maids.
"---nawala raw ang mga alahas sa silid ng pribadong silid ng hari!"
"Hindi ba't ang mga guwardiya lang naman ang may access sa kwartong 'yon? Naku, hindi mo talaga mapagkakatiwalaan ang mga 'yon." Pabulong na sagot ng katulong habang inaayos ang higaan ng prinsesa.
From the corner of her eye, she can see one of maids' face twist in disgust.
"Ang sabihin mo, ang dadali nilang nauto! 'Yong mga babaeng kasama nila ang nag-set up 'non. My cousin saw one of those wenches wearing the late queen's earrings earlier this morning at the brothel!"
Well, that explains everything.
Pero bago pa man niya nasabi sa heneral ang kanyang nalaman, malungkot nang ibinalita sa kanya ni General Simon ang tungkol sa naghihintay na bitay sa mga gwardiya.
"Pero naloko lang sila! T-They're not entirely guilty..."
"But they still committed a crime against the king, Princess Red. Kahit na ano pang dahilan nila, binaboy pa rin nila ang palasyong ito at tinalikuran ang sinumpaan nilang tungkulin. There's really nothing we can do."
Nothing.
Matapos ang insidenteng iyon, ilang gabi ring napapaisip si Red kung sino ba talaga ang dapat sisihin sa nangyaring nakawan. Ang mga prostitute bang nanggayuma sa kanilang mga gwardiya o ang mga gwardiyang magpagayuma sa kanilang kagandahan?
'Tsaka lang naalala ng mga tao na may tinik rin ang mga rosas kapag nasaktan na sila ng mga ito.... The world is a messed up place, indeed.' She concluded.
Sometimes love is just another weapon mankind abuses.
"Ma chérie, look at this!"
Huminga nang malalim ang dalaga nang maalala niya kung nasaan siya. Agad niyang itinabi ang rosas at tarot card sa bulsa ng kanyang bestida at hinanap si Macednus.
She spotted him a few roses bushes away.
Nang pupuntahan na sana niya ito, biglang nahagip ng kanyang mga mata ang paggalaw ng isang anino. Red Ridinghood felt a familiar chill ran up her spine, especially when she heard that eerie pipe music again.
"Kaparehong-kapareho ng nasa panaginip ko..."
Hindi na maitago ng prinsesa ang kanyang kaba. Nanlalamig man ang kanyang mga kamay, sinubukan niya pa ring hanapin ang pinanggagalingan nito. Hindi pa rin naaalis ang pakiramdam na para bang may nakamasid sa kanya. But everytime she tries to catch a glimpse of it, nothing was actually there.
"Ma chérie, anong hinahanap mo?"
Napaatras sa gulat si Red nang bigla na lang sumulpot sa kanyang tabi si Macednus. The shirtless werewolf held a bouquet of red roses. Nakakunot ang noo nito na halatang nagtataka na sa mga ikinikilos ng prinsesa.
Lalo lang naguluhan si Red Ridinghood.
"Wala ka bang naririnig?"
"Wala naman. Ano ba ang dapat kong marinig? Hmm.. O baka naman may gusto ka nang marinig sa'kin? Hehe! Madali akong kausap, ma chérie! I lo---"
"May tumutugtog ng pipe, Macednus! Kanina pa... Listen! I-It's getting louder."
But the werewolf just stared at her like she was insane. "Umm... Gusto mo bang dahil kita sa infirmary, ma chérie? Baka may gamot diyan si Helisson."
"Ano?! I'm perfectly fine! Bakit ba hindi mo..."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Lumakas lalo ang nakapangingilabot na musika, pero tila ba hindi pa rin ito napapansin ni Macednus. Masama ang kutob niya sa mga nangyayari rito. The panic was rising in her chest, but she forced it down. She can't let it get to her. Baka pagkamalan pa siyang mentally unstable ng mga halimaw na 'to!
"Macednus, kailangan na nating umalis dito. Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyayari, but I can sense that something bad is going to happen... M-Macednus?"
Nang lingunin ng prinsesa ang direksyon ng kanyang kasama, agad siyang nawalan ng boses nang mapansin niya ang histura nito. The bouquet of red roses fell to the ground, crimson rose petals splattered everywhere like blood. Napalunok ang prinsesa at sinubukang lapitan ang werewolf. 'Ano bang nangyayari sa kanya?'
Nakatulala lang si Macednus habang nakatuod sa kanyang kinatatayuan.
His body was stiff.
He stared blankly at nothing.
Those dark pools suddenly felt like an endless abyss trying to pull her in.
"Macednus...?"
Sa isang kisapmata, gumuhit sa reyalidad ang isang bangungot. Hindi makapaniwalang pinanood ni Red Ridinghood ng unti-unting pagbabagong-anyo ng isa sa "Big Bad Werewolves". She stared in disbelief as his body twisted in odd angles, bones cracking into place. Claws ripping through his fingernails. A furry tail emerging from behind.
Napuno ng balahibo ang kanyang katawan. Naglaho ang balat. Nawala ang kinang sa kanyang mga mata. Pumunit sa katahimikan ng rose garden ang kanyang pagsigaw.
Pagsigaw na napalitan ng nakabibinging alulong ng isang hayop.
'What the hell?!' Red Ridinghood backed away, fear and curiosity overpowered her other senses.
Soon, a giant reddish-brown werewolf bared its sharp teeth at her.
Patuloy pa ring tumutugtog ang musika na para bang isang background music sa theatro ng trahedya.
Mapang-asar.
Mapanganib.
"Macednus! S-Snap out of---!"
Before she could even speak another word, the wolf attacked her.
Kamuntikan na siyang masakmal nito. Isang milagro na nga yatang nagawang umilag ni Red sa kabila ng kanyang pagkabigla. Rinig na rinig niya ang malakas na pintig ng kanyang puso, habang pilit niyang hinahanap ang daan papalabas sa munting paraisong ito.
Right now, these enchanted floating rose petals can easily be mistaken as blood drops. The man-eating plants awaited her. The twisted tree branches no longer kept her from reality---it kept her from escaping this damned garden.
She's trapped.
With no other choice, Red Ridinghood tried to retrace her steps and ran away from the beast.
Ramdam niyang nakasunod ito sa kanya.
'Kailangan kong makaalis dito! K-Kailangan kong sabihin kina Acontes ang nangyayari!' Kung normal lang siguro ang sitwasyon, baka magdalawang-isip pa siyang takbuhan ang iba pa nitong mga kapatid (since they're all freaking werewolves!), but it's not like Red has anyone else to run to.
"A-Almost there..."
Nabuhayan ng pag-asa ang prinsesa nang matanaw na niya sa wakas ang archway na pinanggalingan nila kanina. Sa kabila ng pananakit ng kanyang mga binti, hinihingal pa rin niyang pinilit bilisan ang kanyang pagtakbo. Her red cloak billowed behind her as her raven locks danced in the wind.
She can worry about muscle cramps later. Right now, she needs to escape a werewolf!
From the corner of her eye, something moved.
Sa isang iglap, namalayan na lang niyang ibinalibag na pala siya nito sa kabilang bahagi ng hardin. Agad siyang napamura sa sakit nang bumaon ang ilang tinik sa kanyang balat. "Fuck! D-Damn this..." Red Ridinghood's hearing aids fell off. Natataranta niya itong hinanap, ngunit nang matitigan niyang maigi ang lupa sa hardin, doon niya napagtanto ang isang nakakakilabot na katotohanan.
The rose bushes were growing on top of human skulls on the ground.
Their empty sockets stared blankly at her, making her inch away in horror.
Heart-shaped red roses growing from the skulls of the broken hearted.
'What the hell is this castle?!'
Hindi pa man siya nakakabawi sa kanyang natuklasan, agad siyang nanlamig nang maramdaman ang presensiya ng tinatakasan niyang lobo. If Red had her hearing aids, she would surely hear an animalistic growl escape the reddish-brown wolf's mouth.
Blangko ang kulay itim nitong mga mata.
Hindi na niya makita ang binatang naghatid sa kanya sa rose garden na ito...
Ang binatang kani-kanina lang ay ibinabahagi ang kanyang mga saloobin tungkol sa pag-ibig.
"M-Macednus, ano bang nangyayari sa'yo?!"
Now, Red Ridinghood will surely be murdered in this surreal dimension. Her crimson blood will be artistically spilled on these roses, making them a shade redder. Iniisip pa lang ito ni Red, gusto na niyang matawa.
'At least, sa huling pagkakataon, may pakinabang naman ako sa mundo.'
Red Ridinghood almost choked when the wolf suddenly dragged her by her red cloak. Mabilis siya nitong kinakaladkad na parang isang lumang basahan. Gumagasgas ang ilang tinik sa kanyang mga binti. Nasasakal na siya.
"H-Hindi ako makahinga..."
Red forced herself to think straight, but she found it difficult to do so with the lack of oxygen. Sinubukan niyang magpumiglas pero sadyang mas malakas ang higanteng lobo.
Ilang sandali pa, nararamdaman ni Red ang unti-unting panghihina ng kanyang katawan.
"M-Macednus, please...t-tumigil ka na..."
She couldn't hear her own voice.
The last thing she remember is when Macednus tossed her against one of the trees. Naramdaman ni Red ang pagdaloy ng sakit sa kanyang buong katawan nang tumama ang likod niya rito. Nang maaninag niya ang matatalas nitong mga pangil at ang papalapit nitong anyo, she tried her best to crawl away.
'Bakit ba ito nangyayari sa'kin?'
The princess gritted her teeth in frustration. She forced herself not to cry. Princesses don't cry, right? Bullshit. Kung mamamatay siya sa loob ng kastilyong ito, they should, at least, give her some answers. Dahil mas nakakainis kasing isipin na mamatay ka nang hindi mo man lang alam kung bakit ka napahamak.
'Just like a flame of a candle extinguished without even knowing which direction the wind came from.'
Nanlalabo na ang kanyang paningin.
Nananakit na ang kanyang kalamnan.
But just when the world around her vanished, she spotted several pairs of leather shoes running towards them.
---
The wine of astonishment
is house wine at my house.
The whiskey of it is a sauce
we savor. The cocaine
of thy judgment also
is rock crystal, blow
to blow the mitral valve.
Truly is the heroin
of thine excellency said
to be deep brown, shit
pure enough to stop the heart.
---"Monster Minded", Brooks Haxton
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top