DECIM
Red Ridinghood heard the strangest sound.
Strange, yet awfully familiar.
'Damn.. Where the hell am I?'
Sa gitna ng kagubatan, nagpalinga-linga ang prinsesa. Pilit niyang inaaninag ang kanyang paligid sa kabila ng kadiliman. Wala siyang ideya kung saang landas siya nanggaling o kung paano siya napadpad sa lugar na ito. All she knows is that her satin red cloak can no longer shield her from the unknown enemy waiting in the darkness.
Nanindig ang mga balahibo ni Red nang lumakas ang misteryosong musika.
An eerie melody that tuned out the erratic beating of her heart.
Huminga siya nang malalim at pilit pinakalma ang kanyang sarili. She tried pulling down the hood of her cloak. Her fingers were still trembling. 'Baka naman tinatakot lang ako ng mga werewolves na 'yon? Shit. Do they really wanna give me a heart attack?!'
"Lycros, tigilan niyo na 'to. H-Hindi na ako natutuwa..."
The music didn't stop.
Dumoble ang kabang nararamdaman ng dalaga. "A-Acontes? Linus? Carteron...?"
No one answered.
"Macednus? Damn..."
Hindi siya pamilyar sa lugar na ito. Posible kayang bahagi pa rin ito ng kagubatan ng Eastwood? Still, something felt off about this place. It sent a shiver up her spine. "I-Imposible namang si Helisson o si Nyctimus ang may pakana nito, hindi ba---SHIT!"
Natatarantang lumingon si Red sa kanyang likuran nang maramdaman ang presensiya ng isang nilalang. Ngunit agad din itong naglaho, bago pa man niya ito matitigan nang maayos. 'What the heck is going on here?' With every passing second, she felt anxiety slowly suffocating her. Halos mabingi na ang dalaga sa lakas ng makapanindig-balahibong musikang nagmumula sa isang wind instrument.
For an unknown reason, it suddenly reminded her of those carved bamboo folk pipes merchants would usually sell in their kingdom during spring.
Nang dumako ang mga mata ni Red sa lupa, doon niya napansin ang isang baraha. "Ano naman ang ginagawa nito rito? Teka! This is one of those tarot cards..." Naguguluhan niya itong dinampot. Sa kawalan ng liwanag, nakakapagtakang unti-unti niyang nakita ang imahe nito. Kumunot ang kanyang noo.
Tila ba inaasar siya ng kung sinumang musikerong patuloy pa ring tumutugtog.
Red Ridinghood felt numb.
'Paano nangyaring may---'
BOOM!
Napabalikwas nang bangon ang prinsesa nang yumanig sa buong kastilyo ang isang malakas na pagsabog. She groaned in pain when her forehead accidentally hit one of the wooden posts on her canopy bed. In-adjust ni Red ang kanyang hearing aids at mabilis na isinuot ang pulang silk robe sa paanan ng kanyang eleganteng kama.
'Ano na naman bang kalokohan ang ginawa ng mga lobong 'yon?'
Huminga siya nang malalim at nagtungo sa may bintana. Remnants of her strange dream were quickly washed away. Ngunit hindi niya pa rin makalimutan ang kakaibang musikang nanatili sa pinakasulok ng kanyang isip.
"Tinatakot mo lang ang sarili mo, Red. It's just a nightmare. Mas maraming bagay ang dapat mong katakutan sa reyalidad."
Taking in a deep breath, Red Ridinghood opened the stained-glass window and scanned the outside of the castle.
Agad na nahagip ng mga mata niya ang makapal na usok na nanggagaling sa isang tore sa kanang bahagi ng kastilyo. White smoke escaped its arched stone window. Sa kabila ng kalumaan ng mga batong bumubuo rito, Red felt an enchantment surrounding that place. Bakit parang hindi niya napansin ang toreng 'yon noon? Well, not that you have time to notice little details when you're being kidna---
"BOO! HAHAHAHA!"
"Damn it! C-Carteron?! Anong ginagawa mo diyan?!"
"Hanging myself. Wanna join me?" He grinned, upside-down. "It's fun."
'Sa labas pa talaga ng bintana ko? Damn this, he's crazy!'
She glared at the werewolf that suddenly appeared in front of her. Damn. Kamuntikan na siyang atakihin sa puso! Red silently thanked the heavens that she doesn't have a weak heart. Kung hindi, malamang unang araw pa lang, nakabaon na siya sa ilalim ng lupa.
Muling ibinalik ni Red ang kanyang atensyon sa binata, kahit pa nakaka-distract na makita itong nakasalambitin sa ere nang nakabaliktad. "Yung pagsabog kanina...?"
"Psh. Don't mind that, Your Highness! Malamang 'side effects' na naman ng ginagawang magic tricks ni Nyctimus."
She blinked in disbelief. Bigla niyang naalalang may dala-dala nga palang mga potions at spell books kahapon ang nakababatang werewolf. Ano naman kaya ang ginagawang salamangka ng isang 'yon?
"Hindi ba kayo nag-aalalang baka mawasak ang buong kastilyo niyo?"
"Why should we worry, my fair maiden?
Our brothers' tower is isolated with a charm!
Unless he accidentally gives us a pig's nose again,
In a twisted sense, I see no harm."
Napalingon na lang si Red sa kanyang likuran nang marinig ang boses na 'yon. Tulad ng kanyang inaasahan, nakapwesto na sa kanyang kama ang makata sa kanilang magkakapatid. Linus smiled at her while he laid on his stomach, his hands prompted under his chin. Instead of being impressed, she sighed in frustration.
"At paano ka naman nakapasok dito sa kwarto ko?"
The poetic bastard laughed and stood up. Nahagip ulit ni Red ang medalyon sa kanyang leeg. But before she could even take a better look at it, mabilis siya nitong iginiya papalabas ng silid.
"Secrets are like magic tricks,
that shouldn't be exposed, my dear!
As long as you have me by your side,
There's really nothing to fear..."
Linus rested his hand on her lower back, and smiled at her. Wala nang nagawa si Red kung hindi sumunod sa kanya. Hindi niya alam kung may mahika rin ba ang mga salita ni Linus, o sadyang wala pa siya sa tamang wisyo.
"The fuck?! Your Highness, wait! H-Hey! Tulungan niyo akong bumaba rito! Li---!"
The door slammed shut.
*
Everyone waited.
Nakakatawang isipin na tuluyan nang tumahimik ang kaninang nakabibinging dining hall. Kinakabahang tinitigan ni Red ang anim na kopitang nakataob sa kanyang harapan. Considering her near-death experience with Carteron yesterday, parang ayaw nang isipin pa ng prinsesa kung may mas lalala pa ba roon. Which goblet will she choose today? Sa kanyang tabi, pasimple pang bumubulong si Lycros.
"Is my girl having a hard time? Sige, bibigyan kita ng clue. Second to the last goblet on your right, kitten... Go!" Pangungulit pa nito sa kanya.
'Malamang gusto niyang ang baraha niya ang mapili ko. Tsk. Pasaway talaga!'
Agad namang tumikhim si Acontes. "Cheating, are we?"
Lycros sat properly at itinuon ang atensyon sa beef steak sa kanyang plato na para bang inosente siya sa anumang pagkakasala. Pagak namang natawa si Helisson at marahang umiling, "Kaya kayo laging nag-aaway ni alpha, eh. Besides, Miss Red isn't yours, brother. Stop acting like you own her. She's a woman, not a prized possession."
Red Ridinghood smiled at him in appreciation. 'Well, at least Helisson is a gentleman.'
On the other hand, Lycros pouted and crossed his arms over his chest. "I-I know that! Gusto ko lang naman siyang maka-bonding ngayong araw."
"Err... That's not a valid reason, you know."
"And we don't have all day, my empress."
Dahil dito muling binalingan ni Red ang mga kopita. She grabbed third goblet from her left. Bahala na. It's not like things can go any crazier inside this castle, right? 'Mabuti na lang talaga at wala sina Carteron at Macednus dito ngayon,' isip-isip niya. Speaking of Macednus, hindi pa nga pala niya ito nakikita mula kanina...
Nang buksan ni Red Ridinghood ang kopita, agad na bumungad sa kanya ang nakalahad na tarot card.
"The Lovers...? Sino naman ang---"
"PRESENT, MA CHÉRIE!"
And just like that, Macednus waltz into the dining hall with a large smile. Wala pa rin itong suot na pang-itaas kaya agad na nag-iwas ng tingin si Red. Mukhang kailangan na nga niyang masanay sa isang 'to. Before she knew it, he was already taking her by the hand and spinning her around. She almost dropped his card.
"M-Macednus! Ano ba?!"
"Love is in the air, ma chérie! Sabi sa'yo susuwertihin ka ngayong araw!"
"Teka, alam mong ikaw ang mapipi---?!"
He placed an index finger on her lips to stop her from talking. May nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi sa kabila ng katotohanang masama na ang tingin sa kanya nina Lycros.
"Hush! 'Wag na nating inggitin masyado ang mga kapatid ko, ma chérie. Samahan mo na lang ako sa hardin. Kanina pa naghihintay ang mga rosas natin."
"R-Rosas?"
"Yeah! Don't worry, they're not carnivores anymore. Pinilit ko silang maging vegetarian 25 years ago, kaya hindi ka nila sasaktan...sana."
Hindi na nabigyan ng pagkakataong magprotesta ang prinsesa nang tuluyan na siyang isinayaw papalabas ni Macednus. The shirtless werewolf was clearly in a good mood this morning.
Nang makalayo na ang dalawa, agad na binasag ni Linus ang katahimikan. Nakasimangot itong sumandal sa kanyang upuan.
"Roses are red, violets are blue...
I want to strangle our brother to death.
How about you?"
"That makes two of us," Acontes sighed and drank from his glass of wine.
"Roses... Roses... Roses... TEKA NGA!" Hindi na nagulat ang iba pang werewolves nang biglang tumayo si Lycros at dinuro ang nananahimik na si Nyctimus. "Akala ko ba walang pinalagay na love spell o sleeping charm si Macednus sa bulaklak na ibinigay niya sa prinsesa kahapon?!"
Kalmadong kinuha ni Nyctimus ang isang maliit na spell book mula sa kanyang cloak at inilapit ito sa isang partikular na pahina. Ipinatong niya ang libro sa mesa at itinuro ang isang spell. Patiently, the youngest werewolf spoke, "Wish."
Isang wishing spell.
Sneaky bastard.
Lalong nag-tantrums sina Lycros at Linus. Napapailing na lang si Acontes at kalmadong nagpaalam para bumalik sa kanyang private room. Carteron was probably still hanging outside Red's window.
Samantala, napabuntong-hininga na lang si Helisson, "Well, I guess we already know what Macednus wished for..."
*
Maririnig ang malakas na iyak ng isang sanggol sa lansangan. Sa kabila nito, patuloy pa rin sa kanilang paglalaro ang mga bata. Their dull-colored clothes held a silent competition. Whose has the most stitches and holes in them? No one can actually tell especially since these clothes were also a couple of sizes too large for their skinny bodies.
Umalingawngaw sa kalye ang kanilang masasayang tawanan, walang malay-malay sa nangyayaring trahedya sa kanilang pamayanan.
Sa di-kalayuan, patuloy pa rin sa paglalako ng kanilang mga lantang paninda ang ilang tindero. The harvest wasn't as good as it was last year, making these crops even more difficult to sell at a justifiable price. In the end, it's all just a matter of who's going to starve who.
The oldest kingdom in Eastwood.
Hindi maitatangging palagi nang kalakip ng bansag na iyan ang labis na pagtitiwala at respeto---ang pagtitiwala at respetong unti-unti nang nawawala para sa kasalukuyan nitong hari.
Sa loob ng palasyo, tahimik pa ring nakaupo sa kanyang trono si Haring Ronan. The century-old throne was still displayed its remarkable details. Sa gilid nito, nagkalat ang ilang bote ng mamahaling alak mula sa wine cellar. Ironically, these were the last bottles of wine their ancestors have kept for a very long time. Kung buhay pa siguro ang dating hari, malamang ikakahiya siya nito.
'If he isn't ashamed of me already.'
Amidst the elegant robes and the golden crown on top of his head, the king knew that a part of him died with the late queen.
Kaya sa kabila ng kanyang hilo at nanlalabong paningin, nahihirapan pa rin siyang alamin kanina kung isang ilusyon lang ba ang heneral na nakatayo sa kanyang harapan. Ngunit nang marinig na niya ang report nito tungkol sa kanyang anak, King Ronan immediately wished his ears were playing tricks on him as a result of being too drunk...
"A-Anong sinabi mo, heneral?"
Despite his exhaustion, General Simon managed to stand upright and repeat his words. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng kondisyon ng hari, hindi pa rin nababawasan ang respeto nito sa kanya. He's probably one of those few servants left who still remains loyal to the king.
"The princess is missing, Your Highness. Hanggang ngayon, patuloy pa rin namin siyang hinahanap sa kagubatan kung saan idinaos ang seremonya," he stated calmly, masking the hesitation in his voice.
Agad namang tumayo ang hari, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. The Princess Enlightenment Ceremony should've ended a day ago, pero hindi na ito masyadong pinagtuunan ng pansin ni King Ronan. It's hard to keep track of time when you're drunk to the point of passing out. Isa pa, hindi rin naman niya masyadong napapansin noon ng presensiya ng kanyang anak sa malawak nilang palasyo. Rieka wasn't the type of princess who would bless anyone with her attention, anyway.
Now that her daughter's missing, it almost feels something snapped in him.
"Paano nangyari ito? Pinagkatiwalaan ko kayong bantayan siya!"
"She didn't use the guiding rope. Narinig namin siyang sumigaw, pero huli na ang lahat nang marating namin ang lugar. Tanging ang kandila at basket na lang ang nahanap namin."
For the first time in almost two decades, his fatherly instincts kicked in. Inaamin naman ng haring kailanman ay hindi siya umaktong "ama" kay Rieka. Her mother's death greatly affected him, making King Ronan forget about his other obligations---to the crown, to his daughter, and to himself. Sa sinabi ni General Simon, hindi niya maiwasang mag-alala. Pero sa kabila nito, pinilit pa rin niyang ihanda ang kanyang sarili sa iba pang posibilidad.
"Nahanap niyo ba ang kanyang tiara?"
It was a customary tradition for the royal-blooded to bid a silent goodbye. Kung sakali mang may nangyaring masama sa prinsesa, huling obligasyon niyang ipaalam sa hari kung makakabalik ba siya o hindi. Right now, aside from being a father, he was also the king.
And it's the king's job to, at least, bring assurance to his kingdom.
'Kung hindi makakabalik si Rieka, tuluyan nang mawawala ang kinabukasan ng mamanahin niyang kaharian,' isip-isip ng hari.
Sandaling natahimik ang heneral.
Tila ba malalim ang kanyang iniisip. Dahil dito, dumoble ang kabang nararamdaman ni King Ronan. The void inside his chest grew and the guilt felt almost unbearable. Mukhang isa-isa na ngang binabawi ng mga diyos ang mga biyayang ibinigay sa kanya. How did a misfortunate man became a king, anyway?
But General Simon's next words rekindled his hope, like a new flame to an old candle.
"She didn't leave anything behind except her pair of shoes. She didn't run away from her obligations. Ipinapangako ko, kamahalan, hahanapin at ibabalik namin sa ating kaharian ang prinsesa... Ibabalik namin ang tagapagmana, at itataya ko ang buhay ko para sa misyong ito." Mariing sabi ng heneral.
King Ronan felt a wash of relief. Bukod sa kanyang royal adviser, lubos niyang pinagkakatiwalaan ang heneral. Ilang taon nang naninilbihan sa kanilang pamilya si General Simon, kaya't wala itong rason para magsinungaling sa kanya.
"Ibalik niyo rito si Princess Rieka..." King Ronan cough, making his servant rush to his side. Muli niyang naramdamam ang kanyang panghihina dala ng sakit at katandaan. Habang inaasikaso siya ng mga ito, hindi niya maiwasag dumungaw sa labas ng bintana at pagmasdan ang paglagas ng kalapit na puno.
A harsh wind blew.
The last leaf fell to its final destination.
'...dahil hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ako magtatagal.'
---
The nymph in vain bestows her pains
That seeks to thrive where Bacchus reigns;
In vain are charms, or smiles, or frowns,
All images his torrent drowns.
Flames to the head he may impart,
But makes an island of the heart,
So inaccessible and cold,
That to be his is to be old.
---"Song", Anne Kingsmill Finch
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top