Kabanata 8-Ikinukubling Katotohanan

(Medyo SPG)

Ako ay nagdadalang tao.

Sin duda. Ano pa nga ba ang ibig sabihin ng pagduwal tuwing umaga, pagsakit ng ulo, at pagtigil ng buwanang dalaw? Bukod pa diyan, parang may kung anong mabigat ang namumuo sa ibabang parte ng aking sikmura. Ito ba ang dahilan ng pagsikip ng aking mga blusa't saya?

---

Kung langit sa akin ay ipagkait
Dito sa piling mo'y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
Nasaan ka, pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag


Naalala ko ang gabing may nangyari sa amin ni Julian. Dumalaw siya sa aming tahanan habang wala ang aking ama at ina. Nag-uusap kami sa kwarto at saktong magpapaalam na siya. Bababa siya ng bintana, ngunit bago niya nagawa iyon, ay nag-iwan siya ng isang mapusok na halik.

Hindi na namin napigilan ang aming mga sarili pagkatapos. Naglakbay ang aming mga kamay sa iba't ibang parte ng aming mga katawan habang pinagdurugtong kami ng malalalim at nag-aalab na mga halik. Unti-unti naming inaalis ang aming mga saplot hanggang sa nalaman ko na lang na pareho na kaming nakatitig sa katawan ng bawat isa.

Ipinakita ko sa kanya ang hindi niya dapat makita, lalo na nasa bawal kami na relasyon. Aking hinayaan ang kanyang mga kamay na lakbayin ang aking katawan na nauuhaw para sa kanya. Kusang-loob ko binigay ang aking sarili ng walang alinlangan.

Nakita ko ang kanyang kabuuan. Nasa isipan ko pa rin ang kanyang makisig na pangangatawan at kung paano niya inangkin ang aking buong pagkatao ng gabing iyon. Dahan-dahan niya akong nilusob at doon ko naramdaman ang nagbabaga niyang pag-ibig nang aming marating ang rurok ng kaligayahan.

Nakalimutan ko ang daigidig sa kanyang mga bisig. Hindi ko pinagsisisihan na sa kanya ko binigay ang aking pagkababae.

Ngunit sa mga huling pangyayari ngayon ay mukhang nag-iba na ang ihip ng hangin.

Ito na ba ang aking parusa dahilan ng aking kapusukan?

---

Wala na akong ibang magagawa kundi sabihin ito kay Sor Monica.

Ako sana ang lalapit sa kanya ngunit inunahan na niya ako. Kakagaling lang niya dito sa kwarto para ako ay kumustahin.

Nalaman na niya ang katotohanan sa aking kondisyon.

Inaakala ko na magagalit siya sa akin, ngunit nagpakita pa rin siya ng kabutihang-loob.

"Magagalit po ba sa akin ang Panginoon dahil sa aking kasalanan?"

"Hija, may mga mali tayong nagagawa kung minsan, at ito ay magsisilbing aral para sa atin. Mas importante na alagaan mo ang iyong sarili para sa buhay na nabubuo sa iyong sinapupunan. Hindi ka paparusahan ng Panginoon sa iyong pagkakamali; bagkus, mas gusto Niyang makita kang bumangon at ayusin ang iyong buhay."

Gumaan ang aking kalooban sa mga salita ni Sor Monica.

Nagpapasalamat ako na nauunawaan niya ito, ngunit paano naman ang mga taong nakapaligid sa amin?

Sa aking ama at ina, sana patawarin nila ako sa katotohanang kinubli sa kanila.

Kay Julian, sana ay nandyan ako sa mga nalalabi mong araw na puno ng paghihirap at pagdurusa. Sana tayong dalawa na lang ang parehong namatay. Wala man lang akong nagawa kundi pumayag sa kagustuhan ni Senyor Sebastian para lang ikaw ay palayain sa piitan.

Patawad Julian. Ako pa ang naging dahilan ng iyong pagpapatiwakal. Nalaman ko lang kay Sor Veronica ang balita, na halos isang buwan na ang nagdaan.

Labis na mabigat ang aking puso.

-Teresa (Almira)

A/N:

Featured song: "Init sa Magdamag" (Lines borrowed from that song. Credits to the writer)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top