Kabanata 6-Totoo

Tinignan ako ni Doktor Procopio. Pagaling na raw ang aking mga sugat. Ngunit kumakapal ang aking balat dahil nagiging pilat na ang mga ito.

Tinanong ko rin siya kung anong ibig sabihin ng pagsusuka at pagtigil ng buwanang dalaw.

"Marahil ikaw ay nagdadalang-tao."

Nagdadalang-tao. Hindi maari ito.

"Nakipagsiping ka ba dati, maitanong ko lang?"

Wala sa isip ko na ako ay tumango.

Hindi ko na ito mababawi pa.

"Babalik pa rin ako para ikaw ay tignan. Ngunit sensitibo na ang iyong kondisyon. Kailangan itong malaman ng Madre Superiora."

"Huwag po!"

"Hija, tanggapin mo na ikaw ay magiging ina. Ako ay nagagalak."

Umalis si Doktor Procopio.

Hindi naman siya nag iskandalo nang malaman niya na hindi na ako kasing-linis gaya ng kanyang inaakala.

Ngunit ano na lang sasabihin ng aking mga kasama?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top