Kabanata 17-Masungit

(Pagpapatuloy)

Umuwi si Doktor Victor para mananghalian. Nagitla na lang ako nang bigla siyang sumulpot sa tabi habang kami ay kumakain nila Vida at Sor Veronica.

"Dumulog ka na at kumain, Victor!"

"Opo, Tiya." Si Sor Veronica ang kanyang tinutukoy. Nagtungo muna si Señor Victor sa cusina para maghugas ng mga kamay. Pagkabalik niya ay naupo siya sa kabisera.

Tahimik lang ang aming simpleng tanghalian. Halos walang nag-uusap at dama ko ang hindi mapaliwanag na pakiramdam. Lihim akong sumusulyap kay Señor Victor. Agad naman akong umiiwas ng tingin kapag inaangat niya ang kanyang ulo.

Nang matapos na ang pananghalian ay nag-alok ako na maghugas ng pinagkainan. Pumayag si Vida at sasama na sana ako sa cusina.

"Huwag mo muna siyang pagawan ng kung ano. Baka di makabubuti sa kanya," mariin na wika ni Victor sa kapatid.

Sumimangot si Vida. "Naku Kuya, hindi naman nakakapagod ang aming gagawin!"

"Payo ko, huwag niyong pagurin si Señorita Teresa," strikto niyang sagot.

"Ayos lang po. Kaya ko naman," ika ko.

"Sabi ko, magpahinga ka lang muna. Kakagaling mo lang kanina sa may daungan."

Matalim na tingin ang huling sagot ni Señor Victor bago siya umalis.

"Pasensiya na at nag-away kayong dalawa," paumanhin ko kay Vida.

"Lagi namang masungit iyan si Kuya." Naiinis na humalukipkip si Vida at di maipinta ang mukha. "Tatanda siyang binata sa ganyang lagay! Sino magkakagusto diyan, eh lagi na laang aburido at mainit ang tuktok!"

"Wala kang kasalanan," hinawakan ni Sor Veronica ang aking braso. "Pagod lamang si Victor. Almira, maari ka nang umalis. Kami na lamang ni Vida ang maghuhugas sa cocina."

Nagtungo ako sa salas at dumungaw sa bintana. Tahimik kong pinanood ang mga taong dumadaan sa kalye. Naalala ko ang binatog na aming minerienda kahapon nila Señorita Vida at Veronica.

Aba gutom na naman ako! Sana ay bumili ulit sila ng binatog!

"Mabuti at pumayag sila na di ikaw ang maghugas."

Ako ay nagitla at napalingon. Pumasok sa salas si Señor Victor. Nakapamulsa ang kanyang mga kamay. Naisip ko tuloy ang sinabi ni Vida. Tama siya, mukha nga siyang mainitin ang ulo.

"Wala po kayong mga pasyente sa klinika sa bayan?"

"Bakante ako hanggang gabi."

Naupo siya sa silyang solihiya.

"Nakita ko kayo sa may daungan at namimili ng isda. Agad kong naisip na baka mabinat ka, kaya di na kita pinaghugas."

Aba, bakit kaya siya nagawi doon? Baka siguro napadaan siya at namataan kami ni Señorita Vida.

"Sa... Salamat po. Ngunit mas gusto kong kumikilos para may pinagkaka-abalahan ako. Hindi ko po gustong maging pabigat."

Seryoso ko siyang tinignan. Ngunit sumingkit lang ang kanyang mga mata at tumayo sa harapan ko.

"Nauunawaan kita, ngunit ayaw rin kita na mapasama dahil sa pagiging malikot mo."

"Ha!" Di ko mapigilan ang sarili na matawa.

"Ako pa po ang malikot? Nililibang ko lamang ang aking sarili. Tumutulong ako sa aking makakaya. Gaya ng aking sinabi, ayoko maging pabigat."

"At ayaw kong mapasama kayo ng iyong dinadala. Payong pang doktor lamang, kumain ka ng maayos at magpahinga. Tigilan mo ang pagtulong sa mga gawaing bahay, mayroon namang mga kasambahay gaya ni Aling Belen. Kada isang linggo siya bumibisita para maglinis. At kaya na iyan ni Vida."

Iyon lang ang huli niyang payo. Umalis si Señor Victor na mainit pa rin ang ulo.

Lihim akong natawa sa kanya.

Totoo nga ang puna sa kanya ng kapatid. Baka nga hindi na ito makapag-asawa. Kung ako ang kanyang novia ay wala akong balak na siya ay pakasalan. Baka ipaglihi ko pa sa sama ng loob ang aming magiging anak.

Ngunit bakit ang gwapo pa rin niya kahit na masungit?

Anak, ang lakas ata ng sipa mo habang nagsusulat ako. Sige na, ako ay magpapahinga na. Baka lumalim pa ang aking mga linya sa ilalim ng mga mata.

Sana anak ay huwag kang magaya kay Señor Victor na napakasungit. Nawa'y di ko masagap ang kanyang kasungitan.

- Almira (Teresa)

A/N: Magugutumin lately si Señorita Almira. Pati ako nahahawa hahaha.

Since di naman talaga writer ang character ni Almira, di ganun ka bongga mga diary entries niya. Kasi preggy, hormonal, at laging gutom haha.

Bago pala hashtag ko dito. Sa mga may Twitter diyan, follow me: pinay_blonde

Hashtag natin ay #RecuerdosDeUnaDama.

Salamat po! 😃

P.S. For Doktor Victor's portrayer, he's none other than Atom Araullo! ❤❤❤

Bagay ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top