Chapter 24

#RTG24 Chapter 24

"Nagugutom na ko. Kukuha ako ng pagkain. May gusto ka ba?" tanong ko kay Sancho nang tumayo ako. Gaya ng pangako niya, pumupunta siya sa amin kapag weekend para tulungan akong magreview... Halos isang buwan na rin. Nagpapasalamat ako na kahit wala akong maalala sa ibang nangyari sa buhay ko, nang mabasa ko iyong mga libro ko ay parang biglang naalala ko sila.

Tama si Sancho.

Kaya kong bawiin iyong trabaho ko.

"Tubig na lang," sabi niya habang busy sa pagbabasa ng sagot ko. Dinala niya rin kasi iyong mga luma naming exam at pinapasagutan niya sa akin. Nagsimula kami sa pinaka-una. Dalawang linggo kong pinag-aralan iyong mga subjects ko nung unang taon ko sa law school. Nasa pangalawang taon na kami. Sa susunod, sa third year na kami.

Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Papa roon. Ngumiti siya sa 'kin. Medyo naiilang pa rin ako kapag tinitignan nila ako kasi parang palagi silang natatakot na mawawala ako... Lalo na si Irina na grabe iyong iyak nang nakita ako. Sumasama pa rin ang loob ko sa mga nagtago sa akin... pero sana mawala na 'tong nararamdaman ko. Ayokong bitbitin 'to nang matagal.

"Nasan po si Mama?" tanong ko.

"Nasa palengke at may binili. Magluluto raw ng paborito mo."

Ngumiti na lang ako. Parang halos araw-araw, paborito ko iyong inuulam namin dito. Sinabi ko naman sa kanila na tratuhin lang nila ako nang kung paano nila ako tina-trato dati... pero wala. Parang takot pa rin sila na mawala akong bigla.

"Kailan ka ba talaga babalik ng Maynila?"

Napa-tingin ako sa kanya. "Pinapa-alis niyo po ba ako?"

"Hindi, ah... Nagtataka lang ako... Hindi mo ba gustong makita si Sean?" tanong ni Papa. "At saka... Masyado na yata kayong nagiging close ni Sancho."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero pinagpatuloy ko lang iyong paghahanda ng sandwich para sa amin ni Sancho. Wala naman kaming ginagawa. Nag-aaral lang naman talaga kami kapag nandito siya. Nag-aaral din ako kapag wala siya. Ang kaibahan lang, kapag nandito siya, nagkakaroon kami ng recitation at tinitignan niya kung tama iyong alam ko.

"Tinutulungan niya lang po ako," sagot ko.

"Hindi ba pwedeng sa Maynila na? Para makapag-usap na rin kayo ni Sean?"

"May pamilya na si Sean."

"Asawa ka pa rin niya."

"May anak na siya."

"Ganon na lang 'yun?" tanong niya. "Alam mo ba na ilang beses kitang tinanong noon kung gusto mo ba talagang pakasalan si Sean kasi pakiramdam ko e nagmamadali kayong dalawa... Pero napaka-kulit mo at sumige ka pa rin. Tapos ngayon, ganyan na lang?"

Tahimik lang ako habang tinatapos ko iyong sa sandwich. Kahit si Mama, gusto rin na bumalik na ako sa Maynila... Kailangan ko na raw kausapin si Sean...

"Dati na po 'yun, Pa," sagot ko. "Kung babalik man ako sa Maynila, ang aayusin ko lang e 'yung annulment namin."

Nakita ko iyong pagka-bigla sa mukha niya.

"Ano'ng annulment ka d'yan!"

"Tama lang naman po 'yun para maging legal na sila nung bago niyang asawa," sagot ko. Pinaliwanag sa 'kin ni Sancho na kapag nagfile na raw kami ng declaration of reappearance, automatic daw na magiging void iyong pangalawang kasal ni Sean... Kailangan kong ayusin iyon.

"Ikaw, Isobel—"

"Lyana nga po."

"Lyana," sabi niya. "Alam mong hindi papayag ang Mama mo sa annulment na ganyan. Tinanong ka namin nang maraming beses noon dahil 'di kami pabor sa mga ganyan. Kapag kasal, kasal. Baka hatakin ka bigla ng Mama mo sa simbahan sa mga sinasabi mo."

Ngumiti ako sa kanya.

"Kaya nga po may annulment at divorce kasi hindi porke kasal, kasal," sagot ko sa kanya. "Dalhin ko lang po 'to kay Sancho," sabi ko bago umalis sa kusina.

Nakita ko na nandun pa rin si Sancho at tahimik na nagche-check ng mga sagot ko. Nilapit ko lang iyong sandwich sa kanya at kinuha niya iyon nang hindi inaalis iyong mata sa binabasa niya. Habang hindi pa siya tapos, kumuha na lang ako ng panibagong reviewer. Nasa 3rd year na kami pagkatapos nito.

Sabi ni Sancho, ito na raw iyong pinaka-mahirap... pero sabi niya, kinaya ko raw noon kaya kakayanin ko pa rin ngayon.

"I think you're good with 2nd year subjects," sabi niya pagkatapos niyang isara iyong booklet. "Also, I have to go."

"Agad?"

"Yeah... Pupunta pa ko sa Isabela. Aayusin ko pa 'yung sa lupa niyo."

Natahimik ako. Ayoko na talaga silang isipin. Para lang silang bangungot na gusto kong kalimutan.

Tumayo na si Sancho. Kinuha niya iyong bag niya at nilagay doon lahat ng gamit niya. Kita ko na pinapanood ni Papa iyong bawat galaw namin. Alam ko naman na iniisip niya na si Sancho iyong dahilan kung bakit ayokong bumalik agad sa Maynila para kausapin si Sean... pero mali siya roon.

Ayokong bumalik agad dahil may bata na kasali sa usapan.

May anak si Sean—ayokong maki-agaw.

Kaysa panoorin kami ni Papa ay sumunod ako kay Sancho nang naglakad siya palabas. Napapa-ngiti talaga ako kapag nakikita ko iyong sticker sa likod ng sasakyan ni Sancho. Maliit lang 'yun. 'Yung scale of justice. Gusto ko rin nun kapag naayos ko na iyong lisensya ko.

"Sancho," pagtawag ko. Tumingin siya sa 'kin. Sobrang moreno niya talaga... Nangangabayo din kaya siya? Sabagay... may hacienda nga pala iyong pamilya niya.

"Yeah?"

"Natanong mo na ba iyong sa license mo."

"Yeah. Last week," sagot niya. "Yours is a special circumstance, so kailangan nating pumunta sa Manila. You'll have to pay some penalty, as well kasi hindi na-renew 'yung license mo."

Napa-awang iyong labi ko.

"Do you wanna talk to Sean kapag pumunta kang Manila?"

"Okay," sagot ko.

"Really?"

"Oo. Kinukulit na rin ako nila Mama na kausapin siya. Mabuti na na magkita kami para masabi ko na sa kanya na kailangan namin ng annulment—"

"Annulment?" nabiglang tanong niya.

"Oo. Kasi may iba na siyang pamilya. Iniisip mo ba na isisiksik ko iyong sarili ko sa kanya, sa bago niyang asawa, at sa anak nila?"

Naka-awang lang iyong labi ni Sancho sa pagka-bigla sa sinabi ko. Mahigit isang buwan na nang nakita niya ako. Kahit minsan ba ay nagsabi ako sa kanya na gusto kong makipagbalikan kay Sean? Hindi ba ako naging malinaw na ayoko na? Na gusto ko lang bawiin iyong trabaho ko? Na hindi na kasama si Sean sa gusto kong balikan?

"Okay," sabi niya. "But do you think Sean will let you go just like that?" tanong niya na unti-unting naging dahilan kung bakit umawang ang labi ko. "Know what? Let's just wait for next week and we'll see what will happen."

Mabilis na binuksan ni Sancho iyong pintuan ng sasakyan niya.

"Sa tingin mo hindi siya papayag?"

"I have no idea," sagot niya.

"Pero may pamilya na siya!"

"I really don't wanna discuss that with you, Lyana. Discuss that with your husband," sabi niya pa bago tuluyang sumakay sa sasakyan niya at nagdrive palayo.

* * *

Halos hindi ako naka-tulog nang maayos simula nang sabihin sa akin ni Sancho na hindi lang ako ganoong basta pakakawalan ni Sean... Paano nga kung hindi siya pumayag? Pero paano kung ayaw ko rin?

Paano kung hindi kami magka-sundo?

Iyon lang ang nasa isip ko hanggang sa dumating ang linggo at sinundo ako ni Sancho. Ilang ulit binilin sa akin nila Papa na kung hindi ako kina Sean matutulog ay doon ako sa condo ni Irina... O kung ayoko rin doon ay maghotel ako mag-isa.

Ano ba sa tingin nila ang gagawin sa akin ni Sancho? Si Sancho ang nangunguna sa pagpilit sa akin na makipag-ayos kay Sean.

"Yan lang dala mo?" tanong niya sa maliit kong bag.

"Uuwi din ako pagnaayos na iyong sa lisensya ko."

"Si Sean?"

"Sandali lang 'yun."

Hindi na nagsalita pa si Sancho pagkatapos nun. Halos natulog lang ako buong byahe dahil pinilit kong tapusin iyong sa natitirang coverage ng Tax kagabi. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang hihingin sa akin kapag nirequest ko iyong renewal ng lisensya ko... Baka biglang pakuhanin ulit ako ng test.

Halos mabali ang leeg ko nang maka-rating kami sa Maynila. Dito! Dito ako dapat! Hindi sa bukid na puro kambing ang kausap! Sisiguraduhin ko talaga na makaka-balik ako sa trabaho ko! Sabi ni Sancho ay magaling daw ako. Kailangan kong galingan para tanggapin ulit ako sa dati kong trabaho.

"Ang ganda naman dito..." namamangha kong sabi nang magsimulang lumitaw iyong nagtataasang buildings.

"Really? I prefer the province."

"Syempre. Sa hacienda ka naka-tira, e."

"No. More like I don't like the traffic and pollution," sagot niya. "Gusto mo bang kumain muna o dumiretso kina Sean?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Sean?!"

"Yeah... I asked around. Nasa bahay siya ngayon. Mahirap kasing makita 'yun dahil nasa trabaho palagi."

Hinawakan ko iyong dibdib ko na nagsimulang bumilis ang tibok. Ipinikit ko ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim. Hindi ko siya pwedeng takbuhan palagi... Gusto kong dito sa Maynila tumira. At kung gusto kong mangyari iyon, kailangan kong maka-usap si Sean at masabi sa kanya iyong gusto kong mangyari...

"Paano kapag nandun iyong pamilya niya?"

"I'll talk to him first, then. Okay lang ba sa 'yo na iwan muna kita sa coffee shop tapos pupuntahan ko si Sean?" tanong niya. Tumango na lang ako. Mukhang kinausap pa yata ni Papa si Sancho na dalhin agad ako kay Sean.

Hawak ko lang iyong kamay ko. Akala ko ay ibababa lang ako ni Sancho sa coffee shop, pero nagpark din siya at sumama sa akin sa loob. Humanap siya ng pwesto para sa akin. Umorder din siya ng kape at cake.

"Bakit?" tanong ko nang bumalik siya dahil lumabas na siya kanina.

"Here," sabi niya sabay abot ng jacket sa akin. "Don't talk to anyone. Babalik agad ako."

Naka-tingin lang ako sa kanya nang mabilis siyang tumalikod at naglakad palabas... habang naiwan ako roon na hawak iyong jacket niya.

Ano'ng... nangyayari?

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Mabilis akong umiling. Hindi. Kailangan kong pag-isipan kung ano mismo ang sasabihin ko kay Sean pagdating niya.

Halos pinaglaruan ko lang iyong cake sa harapan ko habang nagpa-practice ng sasabihin ko kay Sean pagdating niya. Kailangan ko lang maging malinaw. Kailangan ko lang sabihin sa kanya na naiintindihan ko kung bakit nagpakasal siya sa iba... pero kailangan ko rin na intindihin niya ako na kailangan ko ng annulment...

Tumayo ako para pumunta sana sa CR nang agad akong matigilan nang makita ko si Sancho na may katabing lalaki na kabaliktaran niya—hindi siya moreno kagaya ni Sancho at mas singkit iyong mata niya.

Agad siyang humakbang palapit sa akin.

Humakbang ako paatras.

"Sob..." pagtawag niya sa akin.

Tumingin ako kay Sancho, pero likod niya lang ang nakita ko habang naglalakad siya palayo sa amin. Napa-balik ang tingin ko sa lalaki sa harapan ko. Asawa ko siya. Pero wala akong maramdaman bukod sa gusto kong humingi ng annulment mula sa kanya.

"Gusto mong maupo?" tanong ko dahil naka-tayo lang siya at naka-tingin sa akin na kagaya ng paraan ng pagtingin sa akin ni Sancho, ng mga magulang ko nang una nila akong makita... Na para akong bumangon mula sa hukay.

Umupo siya, pero hindi niya inalis ang tingin niya sa akin.

"Sinabi na ba ni Sancho sa 'yo kung ano iyong nangyari?" tanong ko dahil nakiusap ako na kung pwede ba ay siya na ang magpa-liwanag. Kasi ayoko ng pag-usapan. Parang nagdidilim kasi ang paningin ko tuwing naaalala ko kung paano nasayang iyong 4 na taon ng buhay ko dahil sa ibang tao.

Tumango siya.

"Sob—"

"May pamilya ka na, 'di ba?" Nakita ko na nasaktan siya sa sinabi ko. "Hindi ako galit. Tama naman si Sancho—"

"Can we not talk about him?"

"Okay," sabi ko. "Ano'ng gusto mong pag-usapan?"

"I... I don't know..." sabi niya habang naka-tingin sa akin na parang hindi pa rin maka-paniwala. "Sob... I looked for you everywhere..."

Naka-upo lang ako roon at nakikinig sa lahat ng sasabihin niya. Ayoko naman na sabihan ako ng mga magulang ko at ni Sancho na unfair ako. Makikinig ako kay Sean. Hindi ko lang alam kung mababago ba niya iyong desisyon ko.

"I didn't want to believe you were dead... but everyone told me that you're gone... that no one could've survived that crash—"

"But I did."

Natigilan siya.

"Buhay ako, pero may bago ka ng pamilya," sabi ko habang diretsong naka-tingin sa mga mata niya. "Gusto ko ng annulment, Sean."

Umawang ang labi niya.

"What?"

"Alam ko na ngayon na nandito na ako, mapapa-walang bisa iyong kasal niyo ng bago mong asawa. Kailangan natin ng annulment para makapagpakasal na kayo para sa anak mo—"

"Wait," sabi niya kaya naman natigilan ako. "You were gone for 4 years—"

"4 years and you replaced me—"

"Because I thought you were dead!"

"But I'm not. Let's get an annulment. Paki-usap."

Agad siyang tumayo. Ako ang natigilan nang makita ko kung paano nagsimulang mamula iyong paligid ng mga mata niya.

"Please stop talking like I replaced you just like that," sabi niya habang pabigat nang pabigat ang luha sa mga mata niya. "I looked for you... everywhere I looked for you... I thought you were dead, Isobel. I fucking mourned for you. I fucking blamed myself for what happened," pagpapatuloy niya bago punasan iyong mga mata niya. "But here you are, you just came back and you're already asking for a fucking annulment."

Huminga ako nang malalim.

"May iba kang pamilya," pagpapaalala ko sa kanya.

"I thought you were dead..."

"Doesn't change the fact that you have another family," sabi ko sa kanya at saka tumayo na rin. "May kailangan pa akong ayusin. Mag-usap na lang tayo ulit sa susunod," pagpapatuloy ko bago mabilis na lumabas at doon, nakita ko si Sancho na naka-abang sa bawat hakbang ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top