Chapter 22
#RTG22 Chapter 22
Napa-tigil ako sa paglalakad ko nang makita kong kausap ni Sancho si Nanay. Gusto kong lumapit kaya lang ay mas lumamang ang pagtataka ko... Magkakilala nga kaya kami? Siguro? Kasi bakit naman siya mapupunta rito? At bakit niya kakausapin si Nanay?
Ang seryoso naman nilang mag-usap...
"Hey," biglang sabi ni Sancho nang makita niya akong naka-tingin sa kanila. Ngumiti ako sandali. Tumingin ako kay Nanay na mukhang tinakasan ng kulay ang mukha.
Nako, ha! Sinabi ba ni Sancho na binabawi niya na iyong sinabi niya na aayusin niya iyong sa lupa?! Hindi niya na pwedeng bawiin kasi nasabi ko na kina Nanay! Kaya wala na akong pakielam nung pinagalitan ako nung hapon na ako naka-uwi kahit sabi ko sa kapitbahay lang ako pupunta... Ang mahalaga, naipaglaban ko iyong karapatan namin!
"Bakit ka nandito?" agad na tanong ko. Napansin ko na naka-tingin sa akin si Nanay. Maputla pa rin iyong mukha niya. "Nay, ayos lang ba kayo?"
Imbes na sa akin tumingin ay kay Sancho siya tumingin. Walangya talagang mayaman! Talaga bang pumunta siya rito para bawiin iyong sinabi niya?! Walang isang salita! Nagtiwala pa naman ako!
"Hey, let's talk," muling sabi sa 'kin ni Sancho.
"Talk mo mukha mo! Pumunta ka pa rito para bawiin iyong sa lupa?" galit na tanong ko. Kung tutuusin, wala lang naman sa kanila kung babayaran nila kami ng tama! Talagang sakim lang sa pera! Mayaman na nga, gusto pa lalong magpayaman! Kaya walang natitira para sa mga mahihirap na gaya namin!
"What? No," sagot niya. "Inaayos na iyong sa lupa niyo."
"Talaga?"
"Yeah... So, can we now talk?"
Tumingin ako kay Nanay. Si Nanay, tumingin kay Sancho. Si Sancho, naka-tingin lang kay Nanay.
"S-Sige... Ako'y magluluto muna..." sabi ni Nanay kaya naman napa-kunot ako dahil masyado pang maaga para magluto ng tanghalian. Kakatapos lang namin mag-umagahan, e...
Ibinalik ko na lang iyong atensyon ko kay Sancho.
"Ano'ng kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"I just wanna talk."
"Ano'ng gusto mong pag-usapan?"
Nagkibit-balikat siya. "What do you usually do around here?" tanong niya sabay palibot ng tingin sa lugar namin. Iyong kapitbahay namin, medyo malayo pa talaga... Nasa gitna nga kami ng kawalan, e. Minsan, pakiramdam ko mababaliw na ako. Minsan nga kinakausap ko na iyong mga alaga naming kambing, e.
"Tumutulong lang kina Nanay..." sagot ko.
"Wala ka talagang maalala?"
"Wala. Kaya nga kung kaibigan talaga kita gaya ng sabi mo, kwentuhan mo na lang ako."
Hindi nagsalita si Sancho. Naupo siya roon sa naka-tumbang kahoy. Ayoko namang maupo sa tabi niya. Para kasing... parang ang taas niyang masyadong tao. Galing siya sa pamilya ng mga Cantavieja—iyong pinaka-mayaman dito sa Isabela sabi nila Nanay... Tapos iyan pang mukha niya, ang gwapo-gwapo.
Kahit nagbabasa ako ng pocketbook, ayoko naman mag-ilusyon.
"Pano pala tayo naging magkaibigan?" tanong ko sa kanya. "Mayaman ka, e... Paano tayo nagka-kilala?"
Pareho ba kami ng school nung nasa Maynila ako? Pero sigurado ako sa mamahaling school siya nag-aral... Scholar ba ako roon? Ibig sabihin matalino talaga ako? Mahirap maging scholar, e.
Ang dami kong gustong malaman. Sana sagutin niya lahat.
"Same school," sagot niya.
"Talaga?! Saan akong school nag-aral?"
"Brent."
"Brent? Parang tunog mahal..." sabi ko. "Mahal ba 'dun?"
"I think?" sagot niya. 'Di pa sigurado, ah... Sabagay... Iyong mahal sa akin ay malamang barya lang sa kanya...
"Ano'ng tinapos ko?"
Tumayo siyang bigla. Napa-atras naman ako. Ang tangkad niya rin. Ang moreno pa. Siya talaga iyong parang bida sa mga pocketbook na binabasa ko, e... Iyong sa mga haciendero...
"Let's walk?" tanong niya.
"Papaalam lang ako," sabi ko sabay balik sa bahay. Pumunta ako sa kusina kasi sabi ni Nanay magluluto raw siya pero wala naman siya sa kusina... Dumiretso ako sa sala pero wala rin siya. Tapos pumunta na ako sa kwarto. Kakatok sana ako pero natigilan ako nang marinig ko siyang umiiyak.
Mabilis akong lumabas.
"Ano'ng sinabi mo sa nanay ko?"
Naka-tingin lang sa akin si Sancho.
Isa.
Dalawa.
Tatlong minutong naka-tingin lang siya sa akin na parang inaalam niya lahat sa buong pagka-tao ko.
"Masaya ka ba rito?" tanong niya.
Bigla akong natigilan sa tanong niya. Bigla kong nahigit iyong hininga ko sa paraan ng pagtatanong niya. Masyadong... seryoso.
"Ano'ng... ano'ng ibig mong sabihin?"
"Just humor me... Sienna," sabi niya. "Masaya ka ba rito? I need an answer."
"Para saan?"
"Para sa susunod na sasabihin ko."
"Bakit hindi mo na lang sabihin?"
"There are things I want to consider."
"Gaya ng?"
"If you're happy here."
Kumunot ang noo ko sa paraan ng pagsasalita niya. Masyado namang pa-misteryoso ang isang 'to... Bagay na bagay nga siya bilang bida sa mga pocketbook. Ganon din iyong mga bida roon, e. Mga misteryoso... Sabagay, nakaka-dagdag nga naman sa pagiging gwapo nila kasi gugustuhin mong malaman kung ano ang nasa isip nila...
"Importante ba na sagutin ko?" tanong ko sa kanya.
"Very."
"Okay," sabi ko. "Kailangan ko munang makita na maayos na iyong sa lupa."
Bigla siyang natawa. "Some things never change, huh?" sabi niya. Bakit naman ako magbabago? Ito pa rin naman ako... Nawala lang iyong ibang alaala ko, pero ito pa rin naman ako...
"Ano? Deal?" tanong ko.
"Yeah," sagot niya. "But I can't go back to the house. Is it okay with you if we'll just draft an agreement here?"
"Agreement?"
"Yeah... It'll be binding if I sign it."
"Bakit ako maniniwala sa 'yo?"
"Because I'm a lawyer," sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?!"
Grabe! Gwapo na, mayaman din, tapos abogado pa?! Kung hindi lang siya galing sa sakim na pamilya talaga! Pero ang unfair naman sa kanya kung isisisi ko sa kanya 'yun. 'Di niya naman pinili na roon ipanganak... Maliban na lang kung alam niya na ganoon ang nangyayari pero pinipili niyang 'wag makialam. Ibang usapan na 'yun.
"Yeah," sagot niya. "Can you get a pen and paper? Let's draft the agreement... And then you answer my question."
Mabilis akong tumakbo pabalik sa bahay tapos kumuha ng papel at ballpen. Narinig ko pa rin iyong pag-iyak ni Nanay. 'Di bale. Sisiguraduhin ko na tutupad sa usapan ang Sancho na 'yun. Isasaksak ko sa ngala-ngala niya 'tong isusulat niya kapag 'di siya tumupad.
Pagbalik ko roon nagsimula siyang magsulat.
"Lagyan mo ng petsa," sabi ko.
Napa-angat siya ng tingin at bahagyang tumaas ang kilay.
"Para mas malinaw."
Napa-iling na lang siya na parang natatawa iyong mukha, pero sumunod naman siya sa akin. Pinirmahan niya rin iyong naka-sulat. Sanchez O. Cantavieja. Kaya pala Sancho.
"Okay na?" tanong niya.
"Sandali. Babasahin ko lang."
Tumango siya. Nagsimula akong magbasa, pero ramdam ko pa rin iyong lalim ng tingin niya sa akin. Tumalikod na lang ako para makapagbasa ako nang maayos. Mukha namang maayos ito...
"Okay na ba? Kulang pa ba?" tanong niya.
"Paano kung i-deny mo na sinulat mo 'to?"
Inirapan ako. Aba! Mahirap na! Mga tuso pa naman ang ibang tao!
"What more do you want? You want me to sign with my blood?"
"Tss! Naninigurado lang!"
"I promise—"
"Ano namang panghahawakan ko sa pangako mo?"
Natigilan siyang muli.
Ang... lalim niya talagang tumingin.
"I did my part," sabi niya. "Now, answer my question."
"Alin? Na kung masaya ba ako?"
"Yeah. Are you happy? Here? Please answer honestly."
Tumingin ako sa paligid. Iyong pinaka-malapit naming kapitbahay, halos isang kilometro ang layo. Iyong mga kambing, hindi naman sumasagot kapag kinakausap ko. Mas matatakot naman ako kapag sumagot sila. Sila Nanay naman, ayaw akong sagutin nang maayos.
"Kailangan ba masaya? Nandito ako. Kailangan ako ng magulang ko."
"You didn't answer my question. Please be responsive."
Agad na kumunot ang noo ko... Saan ko ba narinig iyong ganyan?
"Bakit ba kailangan mong malaman kung masaya ako?"
"I did what you asked me to do. Just answer my question."
"Di ako masaya. Nababagot ako rito. Pero ano'ng gagawin ko? Alangan namang iwan ko ang mga magulang ko?"
Agad siyang napa-pikit. Parang ang lalim ng iniisip niya.
"Di ka masaya?"
"Hindi nga, 'di ba?"
"Okay..." sabi niya habang tumatango. "I have one more request."
"Ano'ng kapalit?"
Parang namangha iyong mukha niya. "Dapat may kapalit?"
"Walang libre sa mundo."
"Okay," sabi niya na may maliit na ngiti sa mukha. "Ano'ng kapalit?"
Sinubukan kong mag-isip, pero wala akong maisip... Nakuha ko naman na iyong gusto ko para sa lupa nila Tatay... Iyon lang naman talaga ang gusto ko...
"Wala pa akong maisip... Saka ko na lang sasabihin," sagot ko.
"Noted," sabi niya. "Now, for my request."
"Okay. Ano 'yun?"
"I need to see if..." sabi niya sabay hinto. "You have a scar on your lower right abdomen."
Agad na napa-awang ang labi ko. Bakit... bakit niya alam iyon?
"I just need to know if you have a scar—"
"Bakit mo alam 'yun?" mabilis kong tanong habang pabilis nang pabilis ang tibok ng dibdib ko. "Bakit mo alam 'yun? Bakit din Lyana ang tawag mo sa 'kin nung una mo kong makita? Sienna lang ang pangalan ko. Bakit may Lyana, Sancho?"
"Just please show me the scar!" mataas ang boses na sabi niya kaya naman napa-atras ako. Biglang napa-awang ang labi niya. "I'm sorry... Shit. I'm sorry for shouting... This is just... This is incredibly frustrating for me."
Tumingin ako sa kanya.
Bakit ako naiiyak?
"Sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan? Wala akong maalala sa nangyari sa akin dati," sabi ko habang unti-unting nanlalabo ang paningin ko...
"I know..." malambing ang boses niyang sabi. "Please... just please tell me if the scar's there..."
Dahan-dahan kong itinaas iyong damit ko para ipakita sa kanya iyong peklat sa bandang kanan ng tiyan ko. Naka-tingin ako sa mukha niya habang unti-unting lumalalim iyong paghinga niya. "Bakit mo alam iyong tungkol dito, Sancho? Iyong tanong ko naman ang sagutin mo."
Umigting na naman ang panga niya. Parang bigat na bigat siya sa dinadala niya sa buhay sa paraan ng pagsuklay niya sa buhok niya.
"I know because you were absent for 3 weeks when you had the surgery," sabi niya.
"Iyong sa Lyana?" tanong ko.
Matiim siyang naka-tingin sa akin.
"Do you wanna know why she's crying?" tanong niya.
"Sino? Si Nanay?"
"She's not your mother."
Agad na umawang ang labi ko.
Agad na sumikip ang dibdib ko.
"I had to ask if you're happy here... I probably would've left you alone... But then..." sabi niya sabay tingin muli sa akin. "You have a life waiting for you in Manila, Lyana... Your family's still waiting for your return."
Napa-hawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng pagtibok nito.
"Hindi totoo 'yan..." mahinang sabi ko.
"I'm not lying," sabi niya. "She's crying because I just confronted her. She admitted to me that her husband hit your car. Lumipat sila dito sa Isabela dahil alam sa lugar nila—sa lugar niyo, sa Vizcaya—na wala silang anak dalawa... Tinago nila iyong nangyari sa 'yo dahil natakot sila na makulong."
Agad akong napa-upo.
Bigla akong nakaramdam ng pagka-hilo.
"Do you want me to continue?" tanong niya.
Hindi ako naka-sagot.
Nanlabo ang paningin ko.
Tuluy-tuloy iyong pagbagsak ng luha.
"Niloloko mo lang ako..."
"Ang tagal kitang hinanap..." mahinang sabi niya.
"Bakit nila ako lolokohin?"
"Didn't you just hear me? Natakot sila na makulong—"
"Bakit hindi ako hinanap ng totoong pamilya ko kung nagsasabi ka ng totoo?!"
Sumisigaw ako, pero kalmado lang siya. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit. Kung totoong ginawa nila 'yun, bakit?! Apat na taon! Niloko lang nila ako ng apat na taon! Natakot silang makulong?! Pero paano iyong buhay ko?! Paano iyong totoong pamilya ko na naghihintay sa 'kin?!
"Are you calmed down?" tanong niya.
Umiling ako habang tumutulo ang luha.
"Please calm down first," sabi niya.
"Hindi. Sabihin mo sa 'kin."
"Okay... but, at least, sit down..." sabi niya at saka ako umupo sa tabi niya. Naka-tingin na naman siya sa mukha ko... "They looked for you..." sabi niya. "But aside from the car wreckage... it seemed like you disappeared from the face of the earth..."
Napa-takip ako sa mukha ko gamit ang kamay ko.
"Sinungaling ka..."
"Why would I lie?"
"Hindi ko alam..."
"Didn't you wonder? Why did you understand the documents? You wanna know why? Because back in Manila, you worked as a fucking lawyer," sabi niya kaya naman napa-tingin agad ako sa kanya. "This... this isn't your life... You're bored here because this isn't what you're used to..."
Agad akong tumayo.
Ang gulu-gulo!
"May pamilya akong naghahanap sa akin? Abogado ako? Ano pa?" tanong ko nang tumingin sa kanya. "Ano pa'ng sasabihin mo sa 'kin?"
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
Hindi iyon naka-takas sa paningin ko.
"Ano pa'ng dapat kong malaman, Sancho?" tanong ko sa kanya. Hindi agad siya makapagsalita. "Sancho—"
"You're married."
Agad na umawang ang labi ko.
"Kasal... ako?"
Tumango siya.
"Ano'ng pangalan niya? Nasaan siya? Hinahanap niya ba ako?" sunud-sunod na tanong ko. Kasal ako. May asawa ako! May anak ba kami? Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Gusto kong magalit dahil sa ginawa ng akala kong mga magulang ko! Pero mas lumalamang sa akin ang kagustuhan na malaman kung sino talaga ako... kung ano ang buhay ko bago mangyari lahat ng 'to...
"Sean," mahina niyang sabi habang naka-tingin sa mga mata ko. "But it's been 4 years, Lyana... We all thought you were dead... You were proclaimed dead," sabi niya habanag palalim nang palalim ang paghinga ko.
"Ano'ng... ano'ng ibig mong sabihin?" natatakot na tanong ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"He has a new family," sabi niya at mabilis na tumigil ang mundo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top