Prologue
Open window, blasting stereo music tapos sagad natin sa 100 KPH ang takbo. Wala naman nang manghuhuli dahil magmamadaling-araw na.
"Ano Kitkat? Game?!"
Hinimas ko ang dashboard ng pulang Vios ko, si Kitkat. Itinodo ko na ang volume ng stereo na kumakanta ng hit single ng Spongecola.
Ibinaba ko ang mga bintana habang sumasabay sa vocals ni Yael.
"Ano'ng na-darama..."
Nililipad ng hangin ang maiksing buhok ko, but I don't mind. Kahit pa humampas-hampas sa pisngi ko ang buhok ko at matakpan nito ang mga mata ko, I don't mind. Magda-drive lang ako hanggang mapagod ako. Inapakan ko pa ang gas, tumunog si Kitkat na parang naghahamon na ng karera.
Shit!120 na pala ang takbo ko!
Pero gusto ko pang bilisan. I like this kind of thrill. I love this kind of thrill lalo na sa mga gabing ganito, sa mga gabing ayaw ako patulugin ng utak ko.
Isinisigaw ko na ang lyrics ng kanta.
Wala na akong pakialam kahit pa pumiyok ako, basta maisigaw ko ang bawat salita. 140 KPH... 160 KPH.
"Kitkat, hataw na hataw, ah?!"
Parang baliw akong pinupuri ang sarili kong sasakyan. Okay na sana ang roadtrip ko, pero bigla na lang kumalam ang tiyan ko.
"Shit! Wala pa pala akong dinner," natatawa kong bulong sa sarili habang unti-unting bumabagal ang takbo.
No choice. Exit na muna ako sa Southwoods para makakain. Ayoko nang magka-ulcer ulit at baka kung anu-ano na namang herbal soup ang ipadala ni kuya Spence. I shook my head and sticked my tongue out nang bigla kong maalala ang lasa ng mga 'yon.
Ugh! Ayoko na ng seaweed soup niya!
Ipinarada ko si Kitkat sa harap ng Jollibee. Isinara ko na ang mga bintana. I was about about to take off my seatbelt when two uniformed enforcers approached my car. Marahang kinatok ng isa ang bintana sa driver's seat.
Shit! Stephanie...
Huminga ako nang malalim. I put my game face on. Puppy eyes, cute smile, paawa face... 3,2,1. Then I opened the window.
"Good eve... ay, good morning po, Chief!" inunahan ko na ng bati ang dalawang enforcer.
"Magandang umaga rin, Miss... ah, napansin ho namin na ang bilis ng patakbo mo. Kanina ka pa namin binubusinahan sa SLEX, pero parang wala kang naririnig," mahinahong sagot ng naka-sombrerong enforcer.
Ngumiti ako sa kaniya. "Chief pasensya na... may hinahabol po kasi ako..."
"Tsk! Lumang tugtugin na yan, Ma'am... may violation kayo. Overspeeding ka. Reckless driving 'yan!" sabat ng mas matandang enforcer.
"Chief, may hinahabol po kasi talaga ako... kaya nagmamadali ako."
Yumuko ako at nagkunwaring sumisinghot-singhot.
"Yan, iiyakan na tayo niyan!" naiinis pa niyang komento.
Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Pero mas tinitigan ko 'yong isa. 'Yong may suot na sombrero. Hindi ako umiimik at dinadaan ko lang siya sa mata-mata acting ko. Kaya ko 'to, maaawa 'to. Wala na akong pampadulas dito dahil pangkain ko na lang ang laman ng wallet ko.
"Miss, lisensya na lang po..." utos niya.
Pucha naman! Hindi umepekto ang puppy eyes ko!
Nagpalinga-linga muna ako bago ko ilabas ang pitaka ko.
"Chief... baka p'wede naman makiusap sa inyo... may hinahabol lang talaga ako dito sa Southwoods." Dinagdagan ko pa ng kaunting hinhin ang boses ko.
Umiling-iling ang mas matanda, mas may malaking tiyan, at mas masungit na enforcer.
"Sino ba 'yang hinahabol mo, Ma'am?" iritado niyang tanong.
"B-Boyfriend ko po..."
Nagulat ako sa sagot ko. Pero wala na akong ibang palusot na maisip.
Natawa ang mas mabait na enforcer. "Miss, masamang maghabol sa lalaki... hayaan mo na 'yon!"
Yumuko muli ako para mag-isip, pero walang matinong napasok sa utak ko. Gutom na talaga ako. My mind was blank... boyfriend, bakit ako maghahabol ng boyfriend? Lahat ng exes ko naglupasay para lang balikan ko sila. Pero ako? Never ako maghahabol sa lalaki!
"A-Ano po kasi... nakikipaghiwalay po kasi siya sa akin, pero hindi ko po kasi kayang mawala siya... " nilagyan ko ng kaunting nginig ang boses ko.
"Lisensya mo, Ma'am... 'wag mo na kaming dramahan," nakasimangot na sagot ng enforcer na mas matanda, may malaking tiyan, masungit, at parang hindi mahal ng asawa niya.
Lumikot ang mga mata ko. Nag-umpisa na akong humiling sa guardian angel ko ng himala, na sana pumasyal si Li o kaya si kuya dito sa Southwoods ng ala-una ng madaling araw para saklolohan ako... pero imposible 'yon!
"O-Okay po..." mahina kong sagot. Dinukot ko ang lisensya ko mula sa wallet.
Nang iaabot ko na sa enforcer na mas may itsura kaysa sa isa... bigla na lang nabuhay ang brain cells ko. Lumabas galing sa Jollibee ang isang lalaking matangkad, may kulay itim na buhok, chinito, at mukhang mabango.
Nakikinig yata ang guardian angel ko.
Ganyang hulmahan ang type ko... ang bino-boyfriend ng isang Stephanie Maxine Co!
"B-Babe?!" kunwari gulat na gulat ako. I even let out a fake gasp.
Nanlaki ang mga mata ng dalawang enforcer at agad napalingon sa likod nila.
"Babe! Ikaw nga?!"
Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan. Hindi naman ako pinigilan ng dalawang enforcer at parang pinapanood lang nila ang acting ko.
Lumapit ako sa estranghero at agad akong yumapos sa braso nito. Biglang nanlaki ang mga singkit niyang mata pero hinayaan niya ang mga kamay ko sa biceps niya.
"S'ya ba ang boyfriend mo, Miss?" tanong ng mabait na enforcer.
"Y-Yes po!"
Sumingkit muli ang mga mata ng lalaking kini-claim kong boyfriend.
"Ako? Boyfriend mo?" nakangising tanong niya. Pinandilatan ko lang siya ng mata.
"Parang ayaw naman sa'yo ng boyfriend mo, Ma'am!" tukso ng enforcer na malaki ang tiyan.
Hinigpitan ko ang kapit sa biceps ng lalaki.
"Babe, boyfriend pa rin kita... I never wanted to break up with you," I turned my paawa face on. "K-Kaya nga ang bilis-bilis ng patakbo ko kay Kitkat para lang mahabol kita dito... hindi mo ako p'wedeng iwan, babe!"
Tinitigan ko ang mga mata niya.
Shit! Ang gwapo naman nito. At infairness... ang bango! Amoy baby!
Narinig ko ang buntong-hininga ng enforcer na naka-sombrero. Mukhang effective sa kaniya ang acting ko.
"May violation ka ba sa kanila?" Nginuso ni 'babe' ang dalawang enforcer.
Tumango-tango ako.
"Nag-overspeeding ka... b a b e?"
Nagulat ako sa tanong ng lalaki. Pero napangiti ako. Now he's into my acting too. Ang easy to get naman nito! Babe na rin ang tawag sa akin.
"Yes babe... para abutan kita here," pabebeng sagot ko.
Inalis niya ang kamay ko sa braso niya. No! Hindi tayo p'wedeng mabuking.
Pilit kong ibinabalik ang kamay ko sa biceps niya, pero pilit niya ring inaalis 'yon. Bawat kapit ko, hahawiin niya. Narinig ko ang nakaka-asar na tawa ng enforcer na parang hindi mahal ng asawa niya.
"Babe... please naman. Don't do this!" sigaw ko.
Kumapit muli ako sa biceps ng lalaki. Tumingkayad ako at bumulong sa kaniya. "Please, makisama ka naman..."
Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.
"Babe... 'wag mo akong idamay sa violation mo..." he whispered playfully.
"No! Hindi mo 'ko naiintindihan!" mas nilakasan ko pa ang boses ko.
Pinagpantay ko ang mga kilay ko. Suminghap ako at napahilamos ng mukha. Then I sobbed. Kahit ano'ng pikit ko, wala akong mapigang luha kaya nilakasan ko na lang ang tunog ng mga pekeng paghikbi ko.
"Babe, hindi mo ako p'wedeng iwan... hinabol kita kasi may kailangan kang malaman..."
I gulped. "Babe... b-buntis ako."
"Yodeputa!" Narinig ko ang malambing na mura ng enforcer na naka-sombrero.
Inalis ng estranghero ang kamay ko sa biceps niya. Then he gently held my hand.
"B-Buntis ka?" gulat na gulat siya.
Wow! May hidden talent pala si 'babe' sa acting.
"Yes, babe."
Ngumiti siya sa akin. Ang ganda ng mga ngipin niya. Pantay at maputi lahat. Baka artista pala 'to kaya ang galing umarte?
"I can't believe it!" he exclaimed. Nanlaki at nagningning ang mga singkit niyang mata.
"Grabe... buntis ka nga? I-Isang beses lang may nangyari sa atin tapos nabuntis na kita agad?!"
Kumunot ang noo ko sa script niya, pero hinayaan ko na lang.
"H-Hindi nga?" tanong niya.
"Yes, babe... I'm really pregnant," nakangiting sagot ko para in character pa rin.
"Shit! Magiging tatay na ako! I'm so happy, Stephanie!"
Wait, WHAT?! He knows my name?
Nanigas ako bigla. He swiftly pulled me closer and hugged me tightly.
"K-Kilala mo 'ko?" nauutal na tanong ko habang yakap-yakap ng estranghero.
He slowly parted from our hug. "Oo naman! Isang beses lang 'yon... pero kilalang-kilala kita." Tinitigan niya ang mga kinakabahang mata ko.
"Stephanie Maxine Co..." he whispered my full name raspily.
Para akong nakalunok ng piso. Hindi ako makapagsalita. Then I suddenly remembered, dancing... in a club, tipsy dancing, dizzy... a man scooped me out of the dance floor. Lalaking kasing amoy ni 'babe'.
"Tang ina! Ikaw yon?!"
He flashed his white-teeth smile. "Ako nga... wala nang iba."
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top