Epilogue

"Li, everything's fine here... patapos na 'yong pag-i-install ng oven sa kitchen. Relax ka lang diyan at uminom ka ng maraming tubig!"

Narinig ko ang malakas na pagbahing ng kaibigan ko sa kabilang linya. Reyna ng kasipagan si Aliyah Tanya kaya kapag ganitong pagkakataon na wala siya, maya't-maya siyang tumatawag na parang allergic siya sa pahinga.

"I'm really sorry, Steph. I wanted to be there, kaso baka mahawa pa kayo sa akin," she said in her nasal voice. Halatang malala ang sipong nagpatumba sa kanila ni Andrew.

"Huwag ka nga mag-sorry diyan! Magpagaling ka na lang, okay?"

"Hmmn," tipid niyang sagot.

"And don't worry, we're still on track. Makakapag re-open tayo on Monday," I said calmly, hoping that it would comfort her.

"Thank you, Steph. I'll see you soon."

Binaba ko na ang tawag at iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng Café Amor. Hindi ko akalaing noong nakaraang buwan lang, naabo ang bubong nito pati na rin ang mga upuang kahoy at lamesa. Itim na itim noon ang mga pader at sira ang lahat ng mga coffee maker machine. Nasunog ang sako-sako naming kape at nabasag ang mga salamin ng bintana. Halos wala nang itinira ang apoy sa amin, pero nagawa pa rin naming bumangon ulit. Ngayon, kaunting remedyo na lang at mukhang Café Amor na ulit ito.

"Saan nga ulit 'tong artificial pink tulips, Steph?" tanong ni Jasper.

Nginuso ko ang pinakadulong lamesa. "Table 6 nga, Jasper. Paulit-ulit? Parang sirang plaka ha?" mataray kong sagot.

"Sungit naman ng Ate ko!" nakangising balik niya.

Nag-init ang tainga ko at mabilis ko pinalipad ang basahang bilog na nakapatong sa counter. Sayang at nakailag si Jasper!

"Buwiset ka talaga! Sabi ko sa 'yo 'di ba, huwag mo ako tatawaging ate!" Malapit na yatang lumuwa ang mga mata ko sa inis.

Tumawa lang siya at mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa Table 6. Mahina rin akong natawa dahil doon. Masaya akong hindi natapos ang pagkakaibigan namin ni Jasper. Masaya akong kasama ko pa rin siya sa Café Amor at masaya akong pamilya ko na siya ngayon.

"Ah, Steph, may bisita ka..."

Napalingon ako kay Shayne, ang bagong manager ng café na nagwawalis malapit sa may entrance.

Nakatayo sa may likuran niya si Lance na palihim namang sinusulyapan si Gail na nagpupunas ng mga lamesa.

Isa pa 'tong mokong na 'to. Ang lagkit tumitig kay Gail na parang laging unang beses niyang nakita si Gail.

Mabilis kong nginitian si Shayne at saka ko nilapitan si Lance. Nasa tabi niya na ako pero nakapako pa rin ang mga mala-bughaw niyang mga mata kay Gail.

"Lance... baka matunaw si Gail niyan," mapang-asar kong bulong sa kaniya.

Napaigtad siya. Halatang nagulat dahil nanlaki ang mga mata niya. Tumikhim siya at inayos ang necktie niya.

"Shall we talk, Stephanie?" he politely asked.

I chuckled at his formalities before sitting at the table closest to us.

Inilapag ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa habang si Lance naman ay muling nagnakaw ng isang mabilis na tingin kay Gail na papasok na sa kusina. Napayuko na lang ako habang umiiling dahil parang ako ang nahihiya sa ginagawa niya.

He cleared his throat, making me look at him.

"So... any update, Lance?" I asked nervously. I automatically clutched the locket of my necklace.

"Stephanie, as I told you last week, what your husband did is a legitimate self-defense. It's not considered a crime and therefore, not punishable by law. Kaya huwag mo nang isipin 'yon. Just focus on your pregnancy. " He ended his explanation with a small smile on his face.

Tumango ako at nginitian ko rin siya. "Salamat, Lance."

"But unfortunately, hindi na natin maitutuloy ang pagsasampa ng kaso kay Mr. Maldonado." Tumuwid siya ng pagkakaupo at ipinatong niya ang magkasalikop niyang mga kamay sa lamesa. "Practically, we can't sue a dead person," he slowly said with his voice laced with concern.

"I know," mabilis kong sagot.

He exhaled slowly. "I hope you're okay with this kind of 'justice', Stephanie..."

Napalunok ako sa sinabi niya at bigla akong napaisip. Yumuko ako at hinaplos ko ang nakaumbok kong tiyan bago ako sumagot sa kaniya.

"I think I don't need justice anymore, Lance. Gusto ko lang mabuo ulit... I wanted to heal... and I did. Tinulungan ako ni Gabriel na maghilom. I am more than okay..." I inhaled through my nose. "... okay na ako. Okay na kami ni Lucille. A-Asawa ko na lang ang kulang." My voice cracked.

Saglit kaming binalot ng katahimikan bago muling nagtanong si Lance.

"How was he? By the way..."

Mapait akong ngumiti sa kaniya. "Still the same... It's been a month." Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko.

Gabriel's own father shot him in the head. The bullet went through his skull without hitting anything major but he's still in coma.

"Don't worry too much, magigising din 'yon," nakangiting saad ni Lance.

Suminghot ako at mabilis kong pinunasan ang mga nangingilid kong luha.

"Ikaw? How's your love life... kayo pa rin ng girlfriend mo?"

Napaawang ang mga labi niya sa direstsong tanong ko. He moved closer to the edge of his chair and smiled awkwardly at me.

"What? Why do you ask, Stephanie?"

I chuckled softly.

"Wala lang... kasi kung in a relationship ka pa, hindi ko sasabihin sa 'yo na Tuesdays ang day-off ni Gail. And that she loves ice cream. 'Yong lasang toothpaste? I forgot the flavor..."

"Chocomint!" bulalas niya. Napalunok siya. Mukhang nagulat din siya sa sinabi niya.

Ready na sana sa utak ko ang pang-aasar na sasabihin ko, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko. The alarm went on for a few seconds before I turned it off.

"Ah! I'm sorry Lance..." Tumayo na ako at muling ngumiti sa kaniya. "I-I need to go. Dadalawin ko si Gabriel sa ospital," I said as I put away my phone.

Tumayo na rin siya at muling inayos ang necktie niya. "Take care, Stephanie." He nodded politely.

***

"Ano Kitkat? Game?"

Isinuot ko na ang seatbelt ko at binuksan ko ang radyo. Hindi ko na nga lang puwedeng i-todo ang volume. 'Too much noise is bad for your baby,' that's what Li said. Kaya naman nakuntento na lang ako sa mahinang soundtrip. Pinindot ko ang shuffle button at inapakan ko na ang gas. Then the music starts to play.

Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka...

Napangiti ako habang mabagal na nagmamaneho. The song reminded me of him—our first dance and our first wedding. I exhaled sharply as I locked my eyes on the road. Bumibigat ang mga mata ko dahil sa mga nagbabadyang mga luha, pero pagod na akong umiyak. Isang buwan na yata akong gabi-gabing umiiyak. Ayaw na ayaw pa naman ni Gabriel na umiiyak ako.

I need to be brave for us. At least, kahit para kay Lucille na lang.

Paulit-ulit akong suminghot at ibinaling ko ang atensyon ko kay Lucille.

"Alam mo Lucille, 'yan ang paboritong kanta ng Daddy mo," bulong ko at saka ko mabilis na hinimas ang tiyan ko.

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa pagmamaneho. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko sa side mirror ang isang naka-motor na traffic enforcer na nakabuntot sa akin.

"Bakit nasunod 'yon?"

Bumusina siya—mukhang pinapahinto ako. Bumuntong-hininga ako at saka ko iginilid ko Kitkat sa tabi ng isang flower shop. Ibinaba ko na agad ang salamin ni Kitkat, dahil alam na alam ko na ang susunod na mangyayari. But this time, sigurado akong wala akong violation.

"Good morning, Ma'am!" nakangiting bati ng enforcer. Inilabas niya ang ballpen at ang pang-ticket niya.

"Ah, w-wait lang chief!" awat ko sa kaniya. Muntik pa akong pumiyok. "Bakit niyo ako ti-tiketan? Ano pong violation ko?" kalamado kong pag-uusisa.

Hindi sumagot ang enforcer. Patuloy lang siya sa pagsusulat. I decided to get out of my car. Baka mas matino siyang makausap kapag nakita niyang buntis ako.

"Chief, hindi naman ako mabilis magpatakbo kanina ah. Huwag mo na ako ticketan, please. Ayoko ng hassle today, may kailangan akong puntahan..." tuloy-tuloy kong paliwanag sa kaniya pagkababa ko ng sasakyan.

"S-Sino po Ma'am, boyfriend niyo po?" nakangiti niyang tanong kasabay ng mabilis na pagsulyap sa akin.

Teka. Parang kilala ko 'tong enforcer na 'to, ah?

Lumiit ang mga mata ko. Unti-unti ring bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi dahil sa kaba. May kakaiba akong nararamdaman.

"Boyfriend niyo, Ma'am?" pag-uulit niya.

"Hindi. Asawa ko po," halos pabulong kong sagot.

Humagikgik siya at mas lalong dinaga ang dibdib ko. Something's not right here. Napahawak ako sa tiyan ko. Tumingkayad ako para silipin ang isinusulat niya sa ticket pero heart doodle ang nakita ko.

What is happening?

"Ayon po ba ang asawa niyo, Ma'am?" Itinuro niya ang puting van na nakaparada malapit kay Kitkat.

Kinawayan niya ang lalaking nakatayo sa likod noon sabay kumaripas siya ng takbo pabalik sa motor niya.

Napakurap-kurap ako. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ako makapaniwalang naglalakad papalapit sa akin si Gabriel. May benda ang ulo niya, pero malapad ang ngiti sa mukha niya. Namumungay ang mga singkit niyang mga mata na tila punong-puno ng pananabik. Para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko. Nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagbilis ng paghinga ko. Napakapit ako sa gilid ng sasakyan ko.

"Shit!" Natataranta niyang mura bago siya tumakbo papalapit sa akin. Bago pa ako tuluyang mapasandal kay Kitkat, nahawakan na ni Gabriel ang bewang ko.

Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya, pero hindi ko mahanap ang boses ko. Nakatitig lang ako sa mga mata niyang nanunubig na. Naramdaman kong dumulas sa pisngi ko ang mainit kong mga luha na mabilis naman niyang pinunasan.

"Hi, Maxine, right?" he asked playfully.

I sobbed as I nodded and smiled at him. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin, para akong tangang umiiyak at tumatawa sa harapan niya.

Bumungisngis siya. "Kamukhang-kamukha mo 'yong asawa ko..."

Napahagugol ako. Nakakainis na wala man lang akong maisagot sa mga korning pick-up line niya dahil nauna na ang pag-iyak ko.

"Y-You look like my... my angel," I managed to say.

Ngumiti siya sa akin. Humigpit ang hawak niya sa bewang ko at siniil niya ang mga labi ko ng mainit niyang halik. Nanginginig ang mga labi ko habang tinutugon ko ang mga halik niya.

Napasinghap ako nang biglang sumagi sa isip ko na nasa gilid nga pala kami ng kalsada. Inatras ko ang mukha ko at pinunasan ko ang mga luha kong dumikit sa pisngi niya.

"Totoo ka ba talaga?" wala sa sarili kong tanong habang nakahawak sa panga niya.

"Nahalikan mo na nga ako, love eh, tapos itatanong mo 'yan?" Mabagal niyang kinagat ang labi niya. "Ah, I see. You want more proof that I'm real..." he said flirtatiously.

Hinampas ko ang dibdib niya at umarte siyang nasaktan. "Hindi iyon ang iniisip ko ha?" depensa ko.

Hinuli niya ang mga daliri kong nakalapat pa rin sa dibdib niya. Malambot niya akong tinitigan.

"I know... inaasar lang kita..." Hinalikan niya ang palad ko at hinigit niya ako para yakapin.

He was quiet while he was embracing me tightly. I let him be.

"K-Kailan ka pa nagising?"

"Kahapon ng umaga, pag-alis mo..."

Kumalas ako sa mga bisig niya at pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Kahapon ka pa gising, pero hindi mo ako tinawagan?" bahagyang tumaas ang boses ko.

"I wanted to surprise you..." malambing niyang tugon.

May benda pa ang ulo niya at mukhang nanghihina pa talaga siya. Hindi ko nga alam kung talagang na-discharge na siya o baka tumakas lang siya sa ospital. Knowing him, hindi malabong gawin niya 'yon.

"Gabriel, I think you should go back to the hospital," I said as I looked directly at his droopy eyes.

"No... okay na ako," he insisted.

Sesermunan ko pa sana siya pero natigilan ako nang bigla niyang hawakan ang tiyan ko.

"Hi, Lucille, ang laki mo na... Daddy's back." Nanginginig ang boses niya habang hinihimas ang tiyan ko.

"I-I met your brother. H-His name is Lucian."

Natulala ako sa sinabi niya. Inilipat niya ang tingin niya sa akin at mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Marami akong ikukuwento sa 'yo, love. But for now, we need to go, baka ma-late na tayo... "

Hindi ko na nagawang magprotesta pa sa sinabi niya. He dragged me headfirst towards his car. From time to time, he will look back at me just to flash his white-teeth smile. Ang dami ko pang gustong sabihin sa kaniya. Ang dami ko pang gustong itanong sa kaniya, pero para akong sira-ulong nakangiti lang habang tinatangay niya.

I guess that is how I love him. I love him, before even knowing that I have loved him before. I love him, before even knowing his family. I love him, before even knowing what real love means. I love him, recklessly.

"S-Saan ba tayo pupunta, Gabriel?" I asked as he put on my seatbelt.

"Sa second wedding natin!" masigla niyang sagot. Pagkatapos ay isinuot niya na rin ang seatbelt niya.

"H-Ha?" Halos mahulog ang panga ko sa sinabi niya. "S-Second wedding? Y-You planned a wedding overnight?"

He laughed. That sexy laugh that I missed so much.

"Aliyah planned a wedding overnight!"

"A-Ano?!" Napasapo ako sa noo ko. "M-May sakit si Li, p-pa'no niya magagawa 'yon?"

Muli siyang humalakhak at mabilis niyang hinalikan ang noo ko.

"Sorry, love. Kasabwat ko sila ni Andrew dito... pati na rin 'yong enforcer kanina," he said with a grin on his face.

I punched his chest. "Para kang tanga!"

Napahawak siya sa ulo niya. Mariin siyang napapikit at napayuko. Dinalaw ng kaba ang dibdib ko. Natataranta kong inangat ang mukha niya.

"Gabriel, o-okay ka lang?"

Hindi siya sumasagot. Nakapikit pa rin siya at nakahawak sa sentido niya. Napalakas yata ang paghampas ko sa dibdib niya.

"Gabriel, uy!"

Nagmulat siya ng mga mata at malamig niya akong tinitigan. Nanuyo ang lalamunan ko.

"Gabriel, huwag ka namang ganyan..."

Lumikot ang mga mata niya na tila ba kinikilatis niya ang nasa harapan niya.

"Gabriel, kilala mo ako 'di ba?" nag-aalangan kong tanong. Kinakabahan ako dahil sa mga nababasa kong mga nangyayari sa mga pasyenteng naka-experience ng head trauma.

"Gabriel, do you know me?" I asked with my shaking voice.

Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Pinag-ti-tripan ba ako ng asawa ko?

"Oo naman, kilalang-kilala kita... Stephanie Maxine Co - Del Rosario," he answered before sealing my lips with a tender kiss.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at tinitigan niya ang mga naluluha kong mga mata.

"Mahal na mahal kita, Maxine. Hinding-hindi kita makakalimutan. Forever in my mind, always in my heart," mabagal niyang sinabi habang pinapalandas niya ang kaliwang palad ko sa dibdib niya, malapit sa puso niya.

"Mahal na mahal din kita, Gabriel. At ngayon, wala nang dahilan para pilitin kong kalimutan ka... at siguro kahit makalimutan ka ng isip ko, maaalala ka pa rin nito." Dinampot ko ang kaliwang kamay niya at inilapat ko iyon sa dibdib ko.

Nagtagpo ang mga namumungay naming mga mata at muli naming pinagsaluhan ang isang matamis na halik.

So, this is how he loves me—completely, unconditionally, fiercely. A love so profound that it defies death itself, longing to bring me home once more.

***

MsLynLuna

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top