Chapter 8 - Clouds

Warning: This chapter contains references to sexual harassment and self-harm. Reader discretion is advised.

Pangatlong ikot na namin 'to ni Kitkat sa BGC, pero parang ayoko pa ring umuwi. Pakiramdam ko hindi agad ako makakatulog at mapapagod lang ako sa paghahabol ng antok.

Paliko na ako sa may Market Market nang mapasulyap ako sa fuel gauge sa dashboard.

"Shit! Umilaw na!"

Wala na akong choice. Kailangan ko nang umuwi at baka magtulak pa ako nito nang wala sa oras. Pinatay ko ang aircon at nagbukas ako ng bintana. Nagbabakasakaling antukin ako kapag naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa pisngi ko.

Sa banyo agad ako dumiretso pagkauwi ko para maligo. Hindi na ako nag-dinner dahil nabusog naman ako sa pares na libre ni Jasper.

Napahinto ako sa paghuhubad ng damit nang bigla kong maalala ang mukha ni Jasper kanina nang magpaalam ako sa kaniya. Paniguradong nag-aalala siya dahil sa pag-e-emote ko kanina. Kung bakit ba kasi ako napaiyak.

Kailan pa ako naging iyakin?

Dinampot ko ang cellphone kong nakapatong sa coffee table at saka dali-daling nag-type ng message.

'Nakauwi na ako, salamat sa libre!'

Hindi ko pa man nagagawang ilapag ulit ang cellphone ko, isang reply na agad ang natanggap ko mula kay Jasper.

'Bakit ngayon ka lang nakauwi?'

Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Ayoko nang dagdagan pa ang pag-aalala niya. I quickly went back to the bathroom and turned the cold shower on. Ipinatong ko sa gilid ng lababo ang cellphone ko at saka naghanap ng puwedeng soundtrip habang naliligo. I decided to play some random Vanessa Carlton music.

Hindi muna agad ako nagsabon, hinayaan ko munang dumulas ang malamig na tubig sa balat ko. Marahan kong minasahe ang kaliwang palapulsuhan ko. Matagal kong tinitigan ang semi-colon tattoo ko roon—inked when I was nineteen. At that age, I thought I was okay... I thought I was healed from everything, but I was wrong.

Five years later, I am still scared and... scarred. Dark thoughts clouded my mind.

'Try it again'

'Tapusin mo na'

"Tama na, please!" Natabunan ng malakas kong sigaw ang chorus ng kantang galing sa cellphone ko.

Kasabay ng pagdulas ng tubig sa pisngi ko ang pagtulo ng aking mga luha. Palaging cold shower ang ginagawa ko sa gabi kapag hindi ako makatulog. Kung puwede nga lang magbabad ako sa yelo. Gusto kong mamanhid ako at mas mangibabaw 'yon kaysa sa takot at pandidiri na nararamdaman ko sa tuwing makikita ko ang hubad kong katawan sa salamin sa banyo.

"Mamatay ka na!" Sinabunutan ko ang buhok ko. "Sana mamatay ka na, S-Scarface! U-Umalis ka na! Please, leave me alone... ayoko na!" I cried in pain. Hindi ang sakit sa anit ko dahil sa pagsabunot ko sa sarili ko ang iniinda ko. Kung hindi ang sakit sa kaluluwa ko... sa buong pagkatao ko.

Scarface. That devil. I was 16 when it all started. It lasted for almost two years.

I was so bruised and broken that I am so sure my soul died after that.

Inalis ko ang mga kamay ko sa buhok ko. Kumuha ako ng kaunting shampoo habang sumisinghot-singhot pa rin at pilit pinapahinto ang pag-iyak. Marahan kong minasahe ang anit ko at pinalandas ko ang mga palad ko sa maiksi at kulay kalawang kong buhok.

I cut my hair short because of him. Gustong-gusto ko rati ang mahaba at unat kong buhok pero pinutol ko 'yon at hindi na muling pinahaba pa. Ayokong maalala kung paano niya amuyin ang dulo ng buhok ko. Ayokong maalala kung paano niya halikan ang buhok ko. Ayokong maalala kung paano niya hilahin ang buhok ko kapag pinipilit niya akong lumuhod sa harap niya.

"Fuck!"

Mabilis kong inilayo ang kamay ko sa ulo ko nang maramdaman kong dumidiin na ang pagmamasahe ko sa anit ko.

Kinuha ko ang sabon ko at gigil na gigil akong kinuskos 'yon sa balat ko habang humihikbi. Nandidiri ako sa balat ko sa tuwing maiisip kong halos bawat sulok nito ay nahawakan niya. My breasts, my thighs, my lips... every inch of my skin burns every time I remember his touch. The cold water somehow calms me.

Sa tuwing nakikita ko na ang bula ng sabon na inaagos kasabay ng malamig na tubig sa paaanan ko, gumagaan ang loob ko. Pakiramdam ko nahugasan ng sabon at tubig ang mga bahaging nadaanan ng laway niya. Pakiramdam ko malinis na ulit ako.

I smiled bitterly. Naiisip ko na naman ang pampalubag loob ko sa sarili. Hindi niya nakuha ang gusto niya. I am such a fool to think that. Yes, he didn't take my virginity. I was so damn lucky that day when he tried to. I was so lucky. No—I was blessed. My guardian angel saved me that day.

I am still a virgin, but I am not pure anymore. That's what he took from me—my purity. My pure heart. My pure soul. He took it and broke it.

No man will ever love a woman with a broken soul.

Napasalampak na lang ako sa malamig na tiles ng banyo habang humahagulgol. Kalahating oras din siguro akong nanatili sa gano'ng posisyon. Tinanggap ko na sa sarili ko na kahit kailan ay hinding-hindi na ako gagaling, pero minsan gusto kong mangarap.

Baka mayroon?

Baka mayroong lalaking susugal na mahalin ako kahit na ako mismo—hindi ko kayang mahalin ang sarili ko.

Mabilis kong ibinalot ang tuwalya ko sa katawan ko. Binuksan ko ang bedside drawer ko at kinuha ko roon ang huling bote ko ng sleeping pills. Tinaktak ko sa palad ko ang isang tableta... dinagdagan ko pa ng isa... at ng isa pa. Mabilis kong nilunok ang mga 'yon. Humiga ako sa kama at parang unti-unting gumaan ang katawan ko, parang unti-unti akong lumutang sa ulap. Nakakaantok. Kasabay ng tuluyang paggaan ng katawan ko ang pagbigat naman ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

***

Napakamot ako ng ulo nang magising ako sa ingay ng cellphone ko. It was ringing non-stop. Hindi ko alam kung sino ang tumatawag, basta ko na lang itinapat sa tainga ko ang cellphone ko at sinagot ito.

"Hel—"

"Mei-mei! Thank God, you're alive! Kanina pa ako sa labas ng pinto mo. Nakailang pindot na ako sa buzzer mo! Are you drunk or what?!"

Halos mabingi ako sa sigaw ni Kuya Spence. He was panicking and worried at the same time.

"W-Wait Kuya, I'll let you in..."

Nagmamadali akong tumayo pagkatapos patayin ang tawag. Nanlaki ang mga mata ko nang mahulog ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko kasabay sa aking pagtayo. Hindi ko na palang nagawang magbihis pa kagabi.

"Shit!"

Muntik pa akong matisod sa tsinelas ko dahil sa pagmamadali kong pagtakbo papunta sa closet ko. Kung ano na lang ang hinila ko sa cabinet ko at saka isinuot. Purple shirt and orange shorts.

"Hola, Dora!" nakangising bati sa akin ni Kuya pagkabukas ko ng pinto.

Napasimangot ako sa bati niya at mabilis kong sinulyapan ang suot ko. Purple and orange outfit tapos short hair. He was right—Dorang-dora nga ako sa OOTD ko!

"Kuya naman, ang aga-aga mo mang-pikon!"

Tumaas ang kilay niya sa akin. "Ano'ng maaga? Alas-dose na kaya!"

"What?!"

Napasapo ako sa noo ko. What have I done? Ito na naman ba ulit ako? Ilang tableta ba ang ininom ko kagabi? Isa lang naman yata.

"Uy, Mei-mei! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Kuya nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.

Hindi ako sumagot at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Napatitig ako sa sahig at doon ko lang napansin ang kulay pulang pet cage na nasa may paanan niya.

"A-Ano 'yan?" Napaatras ako nang biglang may tumahol galing sa loob ng pet cage.

"Oh, that one?" Nginuso ni Kuya ang tinutukoy ko.

Marahan siyang yumuko. Maingat niyang inilabas mula sa pet cage ang isang maliit na tuta. Chocolate brown ang makapal nitong balahibo. Ang maliit nitong ilong at maging ang mga mata nito ay chocolate brown din.

"Meet Coco, Mei-mei." Yakap-yakap ni Kuya ang aso at marahang hinihimas ang likod nito.

"Ang cute niya, 'di ba?" Inangat ni Kuya si Coco at nagpapadyak ang maliliit nitong paa sa hangin.

Kinuha ko si Coco kay Kuya. "Hello, Coco!" malambing kong bati sa aso.

Dahan-dahan ko siyang inilapag sa couch. Sumunod din naman agad sa akin si Kuya Spence sa loob. Hindi lang pala aso ang dala ni Kuya, may isang malaking paper bag din siyang puro pagkain galing sa Oriental Delights ang laman. Dumiretso siya sa ref at agad inilagay ang mga pasalubong niya roon.

Aliw na aliw naman ako kay Coco na panay ang kiwil ng buntot habang pinapaamoy ko ang palad ko. Maya-maya pa umupo ito at bahagyang tumagilid ang ulo. Pinagmamasdan ako, parang kinikilatis ako. Minasahe ko ang ulo niya at isang maliit na hikab ang ipinalit niya roon.

"Kuya, saan galing ang Shih Tzu na 'to?" Patuloy pa rin ako sa paghaplos sa ulo ni Coco.

Kuya Spence giggled. "Loka! Hindi Shih Tzu 'yan! Lhasa Apso 'yan!" natatawang sagot niya.

"H-Ha? Akala ko Shih Tzu..."

Umupo si Kuya Spence sa harap ko bitbit ang isang baso ng tubig. Ininom niya muna 'yon at saka sumagot.

"Galing sa manliligaw mo, kay Gabriel!"

Naningkit lalo ang mga mata ako sa sinabi ni Kuya Spence. Napahinto ako sa pagkamot sa ulo ni Coco. Lumapit si Coco sa hita ko at ginawa niya 'yong unan.

"Bakit naman niya ako bibigyan ng aso?"

"Para may kasama ka raw dito..." mabilis na sagot ni Kuya.

"Bakit ikaw ang nag-abot?"

"Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya, eh!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya. Tawag? I can't even remember receiving any calls from Gabriel since the last time that we saw each other.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ang call logs ko.

Pucha! Twenty one missed calls—lahat galing sa kaniya. Hindi ko na napansin kung ilang messages pero marami rin, simula kagabi hanggang kaninang madaling araw.

'Stephanie, ginulo ka ba ni Amber?'

'Stephanie, she's crazy, okay?'

'Stephanie, sagutin mo naman ang tawag ko.'

'Stephanie, mahilig ka ba sa aso?'

'Stephanie... are you okay?'

Napahawak ako sa sentido ko. Hindi ko man lang narinig na tumunog ang cellphone ko kagabi. Hindi ko man lang nalaman na nag-aalala pala siya. Malamang nakarating na sa kaniya ang ginawa ni Amber kahapon sa Café Amor.

"Hindi mo pa ba sasagutin si Gabriel?" may bahid ng pang-aasar ang boses ni Kuya.

Paano ko sasagutin, eh hindi naman totoo! Ang hindi ko lang din magets kay Gabriel, bakit kailangan pang um-effort nang ganito. Bakit kailangan pa niyang magregalo sa akin eh, isang malaking palabas lang naman ang lahat. Nagsasayang lang siya ng pera!

"Kuya... ayoko nang mag-boyfriend! Hayaan mo siyang manligaw hanggang mapagod siya. Titigil din 'yon!" halos pasigaw kong sagot kay Kuya.

Dumilat nang bahagya si Coco, siguro'y naingayan sa boses ko.

"Ang sama mo, 'no?!" nakangusong komento ni kuya.

Natawa lang ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagprotesta pa dahil alam ko namang totoo 'yon.

***

Sabay kaming nananghalian ni Kuya sa unit ko. Pagkatapos kumain, umalis na rin agad siya dahil paniguradong kailangan na siya sa restaurant. Buong hapon lang natulog si Coco sa couch. Antok na antok siya at parang tamad na tamad din makipaglaro sa akin.

Tuwing day-off ko, madalas naglilinis lang ako ng buong unit. Isinasabay ko na rin ang paglalaba at pag-go-grocery, pero dahil marami namang dalang pagkain si Kuya, hindi ko kailangang mamili ngayon.

Humiga ako saglit sa kama pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin ni Kuya Spence. I dialed Gabriel's number.

"Sstephhanie!"

Ang lakas ng boses niya! Kinilabutan na naman ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko.

"Gabriel... t-thank you kay Coco!"

"Nandiyan na pala siya? You're welcome!"

Then there was silence. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Natameme na ako.

"A-About Amber... puwede ba kitang puntahan sa unit mo bukas? Gusto ko lang linawin ang lahat, Stephanie."

"Fiancée mo ba siya?" diretsong tanong ko.

"Yes and no..."

My eyebrows furrowed at his answer. "Ano?! Ang labo ha?"

"Basta bukas! I'll explain everything!" nagmamadali niyang sagot at saka niya pinatay ang tawag.

Inabutan na ako ng dilim sa pag-va-vacuum at paglilinis ng buong unit ko. Binuksan ko ang ref at nag-mini-mini-minimo sa mga ulam na dala ni Kuya kanina. Tumapat ang daliri ko sa sweet and sour pork at agad kong ininit 'yon sa microwave. Si Coco naman ay busing-busy sa pagngatngat ng buto ng bakang galing sa tanghalian namin ni Kuya kanina.

Ala-siyete pa lang pero nanunubig na ang mga mata ko sa bawat paghikab ko habang nagwawalis sa kuwarto. Naglatag ako ng dalawang bagong basahan malapit sa paanan ng kama para kay Coco. Hindi ko pa siya puwedeng itabi sa kama at baka roon siya dumumi.

Hindi na ako uminom ng sleeping pills dahil paniguradong masarap ang tulog ko ngayon. Buong hapon ako naglinis, kaya alam kong ihehele ako ng pagod ko.

***

"Stephanie, come here..." utos niya sa akin. He pat his lap. He was asking me to sit on his lap.

"A-Ayoko na po," nanginginig ang boses ko. It was so dark but I can clearly see his sinister grin.

"Do you want the whole school to see this?!" Itinutok niya sa mukha ko ang cellphone niya. It was me, sitting on the same couch he's sitting right now. It was me, wearing nothing but my underwear. Nakakalat sa sahig ang blouse at palda ko.

I was paralyzed. Gustong-gusto kong tumakbo pero hindi ko magalaw ang mga paa ko. Gustong-gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas galing sa akin.

Then I heard Coco—whining. Mabilis akong nagmulat ng mga mata. Dinidilaan niya ang kamay ko at siguro narinig niya ang pag-ungol ko dahil sa bangungot ko. Niyakap ko si Coco habang unti-unting bumibigat ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan... sa panaginip ko pa lang.

Kahit nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa kakaibang takot na bumabalot sa akin, pinilit ko pa ring tumayo. Naghilamos ako ng mukha sa banyo at saka mabilis na nagbihis ng pantalon at itim na sweatshirt.

"Dito ka lang muna sa bahay, okay? Aalis lang ako saglit." Nakatitig ako sa mga mata ni Coco na tila nakikinig din sa bilin ko. Hindi niya na ako hinabol pa ng ilapag ko sa sahig ang buto ng bakang kanina niya pa pinaglalaruan.

Lagpas alas-otso na ng gabi at malamang isang malaking pang-iistorbo ang gagawin ko pero wala na akong ibang alam na puwedeng puntahan. Ayokong mag-stay sa condo. Ayokong bumalik sa kama ko. Ayokong matulog.

Nakadalawang katok pa lang ako pero mabilis na binuksan ni Jasper ang pinto ng apartment na inuupahan niya.

"I'm sorry. W-Wala akong ibang mapuntahan. I'm sorry Jas—"

Hindi ko na natapos pa ang nahihiya kong paghingi ng tawad sa kaniya. Mabilis niya akong hinigit papasok ng apartment niya. Pabagsak din niyang isinara ang pinto. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa akin. His naked chest was moving up and down. He looks so worried. Halatang nasa kalagitnaan na siya ng pagtulog dahil magulo ang buhok niya.

Ikinulong niya sa mga palad niya ang pisngi ko. "Namumutla ka!? Okay ka lang ba?!" Naramdaman ko ang hininga niya sa pisngi ko. Kitang-kita ko ang paglikot ng mga mata niya na parang may hinahanap siya sa mukha ko.

Umiling lang ako. Ramdam kong nanunubig na ang mga mata ko.

Hindi ko kayang magsinungaling. Hindi ko kayang sabihing okay lang ako kahit parang may gumagapang na uod sa balat ko at parang bumabaligtad ang sikmura ko tuwing maiisip ko ang bangungot ko kanina.

"Shit! Bakit, Steph? Ano ba'ng nangyari?" Nakatikom lang ang bibig ko habang hinahanap sa isip ko ang mga tamang salita. Inalalayan ako ni Jasper hanggang sa makaupo ako sa sofa niya.

Hindi ko na iginala pa ang paningin ko sa apartment niya basta sapat na sa akin na maliwanag at maaliwas ang paligid ko ngayon. Sapat na sa akin na nandiyan siya.

"Puwede mo ba akong samahan? Kahit saan... huwag lang sa unit ko. Ayoko pa'ng umuwi. Ayoko pa'ng matulog," my voice was shaking. Begging. I hate hearing that from me.

Isang malambot na ngiti ang ibinalik sa akin ni Jasper.

"Sige, magbibihis lang ako."

Iniwan namin si Kitkat sa harap ng paresan ni Aling Isay kung saan kami kumain kahapon. Kagaya kahapon, sa tagiliran niya lang ako nakakakapit at kagaya rin kahapon, inilipat niya ang mga kamay ko sa tiyan niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Bahagya kong itinigilid ang ulo ko at nilakasan ko ang tanong ko para mas marinig niya ako kahit pa nakasuot kaming dalawa ng helmet.

"Sa ulap!" sagot ni Jasper.

Hindi ko alam kung ano'ng meron sa sinabi niya pero unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa saya. Ganito rin ang pakiramdam ko noon kapag sabay kaming tumatakbo papunta sa may poso kung saan hindi na kami masusundan ni Mang Dante. Takot pumunta si Mang Dante roon.

Ang kuwento nila samin noon, doon daw sa may poso naduraan ng Cobra si Mang Dante sa mukha kaya nabulag ang isang mata nito. Hindi na muling umapak pa si Mang Dante sa may poso dahil sa phobia nito sa ahas.

Saglit kong nakalimutan ang takot na iniwan ng bangungot ko. Tatakas na naman ulit kami ni Jasper. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya at naramdaman kong ipinatong niya ang kaliwang kamay niya sa likod ng mga palad ko.

Hindi na ba ako masusundan ni Scarface sa ulap?

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top