Chapter 6 - Warning

Natameme ako ng ilang segundo. Alam kong medyo nakanganga ang bibig ko at malamang ay namimilog din ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Jasper.

Ako? First love niya?

"O-Okay ka lang, Mak-mak?" Binitawan niya ang kamay ko. Inilipat niya ang kanang kamay niya sa braso ko. Naramdaman ko ang lamig ng palad niya na siyang nagpabalik ng ulirat ko.

I faked a laugh. Mahina sa umpisa hanggang sa unti-unti kong nilakasan ang peke kong tawa. Napaatras si Jasper nang itinodo ko pa ang plastik kong halakhak—na parang sinasadya ko talagang iparinig sa kaniya.

Nakakunot ang noo niya at naniningkit ang mga bilugan niyang mata. Halatang nagtataka. Halatang medyo na-offend sa pekeng reaksiyon ko.

Nagkunwari akong nagpupunas ng mga luha kahit wala naman talaga. Suminghot-singhot pa ako para mas mukhang mangiyak-ngiyak talaga ako sa kakatawa. Ramdam kong nakapako ang tingin sa akin ni Jasper.

"Uy! Dapat tumawa ka rin, Jasper!" sabi ko sa kaniya kasabay ng magaang paghampas sa braso niya.

Wala siyang reaksiyon. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

"Sige na tumawa ka na... tapos sabihin mong joke lang yon, para hindi awkward..." pangungumbinse ko.

Lalong dumiin ang titig niya sa akin. Tumapang ang mga mata niya at mas naging seryoso ang mukha niya. Malayong-malayo sa itsura niya kanina habang naggigitara at nagpapa-cute sa mga customers sa labas ng café.

"Ayoko, Ma'am Steph."

Nagulat ako sa diretsong sagot niya.

"Seryoso ako sa sinabi ko. Hindi ako nagjo-joke."

Nanlambot ang tuhod ko sa baritonong boses niya. Bumaba ang tingin ko sa sahig. Hindi ko alam bakit ako nahihiya. Hindi ko alam bakit ayokong salubungin ang mga mata niya.

"Seryoso ako. Gusto kita." Inulit pa niya. At malamang, ilang beses niya pang uulit-ulitin ang confession niya kung hindi ako sasagot, kung mananatili akong tuod sa harapan niya.

"Mahal kita, Ma'am Steph... Ma—"

Tinakpan ko ang bibig niya. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at binusal ko ang palad ko sa nakaawang niyang bibig. Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa kamay ko. I saw how his eyes widened because of what I did.

"Shut up, Jasper! Baka marinig ka ni Li!" Nanlalaki ang mga mata ko at alam kong dumidiin ang palad ko sa malambot niyang mga labi.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko sa bibig niya.

"Ano naman kung marinig ni Ma'am Lia, eh totoo naman 'yong sinabi ko... Ma'am Steph." He smiled mischievously. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin ko ang ngiti niya.

Muli na naman akong natameme, pero mabilis ko ring nahanap sa utak ko ang kanina ko pa gustong isagot sa pagtatapat niya.

"Jasper, ten years old pa lang tayo no'n. Ano'ng alam mo sa love-love na yan?!" Pilit ko siyang tinarayan. Itinaas ko ang kilay ko at mabagal kong pinag-krus ang mga braso ko sa harapan ko. I look so stupid. Parang naging de-numero ang bawat galaw ko.

"At ano'ng alam mo sa feelings ko," sagot niya.

"Hmm? Stephanie Maxine Co?" Ginaya niya rin ang lahat ng ginawa ko. Itinaas niya ang kilay niya. He crossed his arms and he leaned closer to me.

Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Itim ang mga mata niya pero parang mas tumingkad pa ang itim ng mga ito sa malapitan. Kulot ang buhok niya at pakiramdam ko sobrang lambot ng mga 'yon. Parang gusto ko silang hawakan. Medyo basa ang mga labi niya. Napalunok ako nang mahagip 'yon ng mga mata ko.

Shit! Ano 'to?

Bigla akong napaatras. Bigla akong kinabahan. Bigla akong kinabahan at natakot. Napahawak ako sa dibdib ko.

Bumaba ang tingin niya mula sa mga mata ko papunta sa dibdib kong hawak-hawak ko dahil sa hindi ko malamang kaba. Sumabay pa ang tiyan ko na parang may lumilipad na kung ano. Parang humihilab. Parang bumabaligtad. Hindi naman ako natatae. Hindi rin naman ako nasusuka.

What the fuck is this?

"Liligawan kita!" He declared.

Napakurap-kurap ako sa narinig ko.

"Pucha! Lahat na lang ba gusto akong ligawan?!" Halos mapabalikwas ako sa sinabi ko.

"Ano?" Napatuwid siya ng tayo dahil doon.

"W-Wala, Jasper!"

He cleared his throat. "So... p'wede ba akong manligaw sa'yo, M-Ma'am Steph?"

Sinadya niyang bagalan ang tanong niya, lalo na no'ng binanggit niya ang pangalan ko. Pagkatapos nginitian niya ako, labas pa ang dimples. Halatang nagpapacute. Halatang sanay na sanay mambola.

"Bahala ka!" Masungit kong sagot na sinabayan ko pa ng pag-irap sa kaniya.

Ayokong magpadala sa pagpapacute niya. Hinding-hindi ako magpapa-akit sa mga dimples niya.

Narinig ko ang pagngisi niya. "Talaga? Kung bahala ako... e, 'di boyfriend mo na ako?"

"Gago!" singhal ko sa kaniya.

Uminit ang pisngi ko at malamang namumula na ang mga ito. I softly bit my lower lip.

"You're blushing... Ma'am Steph," pang-aasar niya. Lumawak pa lalo ang ngiti niya at lumalim ang mga dimples niya.

I exhaled softly. Humakbang ako papalapit sa kaniya. Napayuko ako saglit nang marinig ko ang tunog nang magbanggaan ang dulo ng mga rubber shoes namin. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at tinitigan ko ang mga mata niya.

"Jasper... I don't believe in love," I said slowly.

Gusto kong marinig niya ang bawat salita. Gusto kong ma-realize niya na walang love at hindi love ang nararamdaman niya sa akin.

Lumikot saglit ang bilugan niyang mga mata. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Yumuko siya nang bahagya para magpantay ang mga noo namin.

"I'll make you..." warning niya na parang nagpahinto sa tibok ng puso ko.

Marahan siyang lumakad papalayo sa akin. Itinago niya ang gitara niya sa case nito. Inayos niya ang sintas ng sapatos niya. Sinuklay niya ng kamay niya ang buhok niya. Isinukbit niya ang gitara niya. Marami na siyang nagawa pero ako—WALA. Nanatili akong nakatayo kung saan siya nagtapat. Pilit kong itinitago ang halo-halong kilig, kaba, takot, at... saya.

Totoo na ba 'to? Someone finally sees me... for real.

***

"Stephanie Maxine Co!" Nakapamewang si Li at pinandidilatan ako ng mata.

"Hello? Earth to Steph!" Kinaway-kaway niya pa ang kamay niya sa harap ng mukha ko.

"Li! K-Kanina ka pa riyan?" muntik na akong pumiyok sa pagmamadaling magsalita.

"Obvious ba?" sarkastikong sagot niya.

I quickly scanned the café for Jasper. Kanina lang inaayos niya ang gitara niya pero wala na siya sa puwesto niya kanina.

"S-Si Jasper, Li?"

"Nasa kitchen..." Napatingin siya sa bandang likuran ko. "O, 'yan na pala..." Tinuro ni Li ang likod ko.

"Hanap ka ni Steph, Jasper!"

"Naku... si Ma'am Steph, miss na agad ako!" Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong nakangisi siya.

Tawang-tawa naman si Li sa sagot niya. "Jasper, huwag mong jojowain 'to, masasaktan ka lang... lagpas isang dosena na pinaiyak nito!" biro niya.

"Ma'am Lia, salamat sa warning pero hindi ko po type si Ma'am Steph!" sagot ni Jasper.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko napigilan ang sarili kong tignan siya. Nagmartsa ako papalapit sa kaniya, gigil na gigil sa sagot niya kay Li.

After niya mag-confess, hindi niya pala ako type?

"Ano'ng pinagsasabi mo riyan!" iritadong bulong ko sa kaniya.

"Why? Gusto mo sabihin ko kay Ma'am Lia na mahal ki—"

"Shut up!" I cut him off and walked away.

***

I skipped dinner. Magdadalawang buwan na akong mag-isa sa unit ko kaya dalawang buwan na ring hindi nagagamit ang induction cooker ko sa kitchen. Hindi ako magaling magluto, hindi kagaya ni Li. I can live with cup noodles, Spam, corned beef, sardinas, tocino, at beef noodle soup ni Kuya Spence sa loob ng isang taon. Kahit 'yon lang ang paulit-ulit kong kainin—solve na. Simula nang lumayas ako sa bahay, inalis ko na sa katawan ko ang pagiging mapili sa ulam. Basta 'wag lang ang seaweed soup ni Kuya.

Nag-microwave ako ng popcorn at nagbukas ng in-can na beer. Weird combination. Pero 'yon ang trip ko kapag nagpapalipas ng gabi at nagpapa-antok. Sumalampak ako sa sahig at isinandal ko ang likod ko sa paanan ng couch. Gusto kong maramdaman ang lamig ng tiles sa mga binti ko. Binuksan ko ang TV at naghanap ako ng puwedeng panoorin pampaantok.

"Jasper..." Narinig kong sabi ni Alice Cullen.

"Pucha!" naibato ko ang remote. "Pati ba naman dito sa bahay, Jasper pa rin!"

Sinungkit ko ng paa ko ang remote na lumusot sa ilalim ng mesa. Agad kong inilipat ng channel. Ayoko na manood sa HBO dahil Twilight ang palabas at nandoon si Jasper.

Paulit-ulit kong inilipat ang channel pero wala akong trip panoorin. Puro romance at chick-flicks ang palabas. Nakakaumay.

Pinatay ko ang TV at lumagok ako ng alak. Gusto ko sanang tuloy-tuloy na dumaloy ang malamig na beer sa lalamunan ko pero natigilan ako nang biglang tumunog ang buzzer ko.

"Sino naman kayang bwiseta ko? Alas-nuebe na!"

Tumayo ako at pinagpagan ang shorts ko, may mga nahulog kasing cheese powder galing sa popcorn.

Tamad na tamad akong naglakad papunta sa pinto at mabagal ko ring inilapit ang mata ko sa peephole.

"Shit!"

Muntik na akong matisod dahil sa bilis nang paghakbang ko paatras. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko—nasa labas si Gabriel, may dala-dalang cake at bulaklak.

Pucha! Ang korni!

Mabilisan kong sinuklay ang buhok ko. Bumuga ako ng hangin. I shook my hands and pat my cheeks three times. Pigil na pigil ang tawa ko nang pagbuksan ko siya ng pinto.

He was wearing plain sky blue long-sleeves polo paired with khaki pants. Mukhang galing pa ng trabaho.

"Congrats, Stephanie!" Ayon agad ang bungad niya pagbukas ko sa pinto.

"H-Ha? Saan?"

"Sa opening ng Café Amor!" Nakangiti niyang sagot. "Sinabi ng kuya mo sa akin..."

Hindi ko pa man siya inaalok na pumasok sa loob, tuloy-tuloy siyang humakbang. Huminto siya saglit sa may likod ng pinto at mabilis niyang hinubad ang Sperry loafers niya. Mabagal niya 'yong sinipa para dumikit sa pader.

"For you..." Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng red roses. Siguro lagpas isang dosenang rosas 'yon.

Nag-aalangan akong tanggapin. Hindi ako mahilig sa bulaklak o kahit sa cake. Hindi ako fan ng mga ganitong gestures.

"Salamat." I faked a smile.

Sunod niyang inabot ang cake. Nginitian ko lang ulit siya. Pagkatapos mabilis akong tumalikod para ipatong ang mga binigay niya sa dining table.

"Sit—anywhere you want..." alok ko sa kaniya habang naglalakad papunta sa lamesa.

Nagulat na lang ako nang paglingon ko, sa sahig din siya sumalampak.

"Dinner mo 'to?" May bahid ng pang-iinsulto ang boses niya habang nakatingin sa bowl ng popcorn sa tabi niya. Dumakot siya ng ilang piraso at shinoot 'yon sa bibig niya.

"Ah... hindi... midnight snack," sagot ko.

Kumunot ang noo niya at mabilis niyang sinulyapan ang mamahaling wrist watch niya. "Wala pang midnight, ha?"

"Paki mo?!" balik ko sa komento niya.

"Sungit naman..." He chuckled.  Pabagsak akong umupo sa couch sa tapat niya.

"Bakit hindi mo pala sinasagot ang mga text ko?" seryosong tanong niya.

"Bakit ko naman kailangan sagutin?"

Napakamot siya ng noo sa pagtataray ko.

"Stephanie... paano maniniwala si Mom niyan kung hindi mo sasagutin ang mga text ko..."

I leaned forward and fixed my eyes on him. "Gabriel... ikaw 'yong 'nanliligaw' dito, wala kang karapatang mag-demand," mariin kong sagot.

Saglit siyang napatitig sa akin pero bigla rin siyang yumuko na parang may nakita siyang hindi niya nagustuhan. Natigilan ako at bigla akong napahawak sa dibdib ko.

Nawala sa isip ko na naka v-neck pala ako at malamang kanina pagyuko ko para tarayan siya, nag-hello sa kaniya si Susie at Susan!

"Shit! Nakita mo? Nakita mo?!" Natataranta kong tanong sa kaniya.

Nakayuko lang siya at wala sa saraling nilagok ang naiwan kong in-can beer kanina.

"Akin yan!" sita ko sa kaniya. Mabilis akong lumapit sa kaniya at parang batang inagaw ang lata. Ubos na nang mahawakan ko. Naibato ko 'yon nang malakas sa sahig dahil sa inis ko.

"Wala akong nakita, Stephanie..." mabagal niyang sagot.

"Promise, wala... parang wala ka rin naman kasi no'n..." dugtong niya.

Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. Dali-dali ko siyang hinablot patayo.

"Umuwi ka na nga sa Mama mo! Bastos!" sigaw ko.

Imbis na mainis siya sa ginagawa ko, humagalpak pa siya ng tawa. He gently removed my hands from his arms. Pero hindi ako nagpatalo, hinawakan ko muli siya sa braso at pilit ko siyang itinayo. Then I held his wrist and I started to drag him. I can feel him resisting in the first few steps... then he suddenly stopped resisting.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang gumaan ang mga hakbang ko dahil sa kusa niyang pagsunod sa akin.

"Stephanie..."

Inalis ko ang kamay ko sa palapulsuhan niya. Napaharap ako sa kaniya.

"Black tube mo lang ang nakita ko... other than that—wala na. S-Sorry sa gagong joke ko..." he said with sincerity.

What the hell? Bakit biglang namungay ang mga singkit at matapang niyang mga mata?

Yumuko ako, hinawakan ko ang neckline ng shirt ko at sinilip ko ang panloob ko. Right! Naka-tube ako! Wala nga siyang makikita!

Shit! Ang OA ko!

"S-Sorry," I whispered.

"Huwag ka mag-sorry, Stephanie... deserve ko 'yong inis mo kanina..."

Lumapit siya sa may pinto, itinukod niya ang palad niya sa likod nito at inumpisahan niya nang magsapatos.

"U-Uuwi na rin ako..." paalam niya sa akin habang isinusuot ang kanang sapatos niya, pero bigla siyang napahinto na parang may nakalimutan siya.

"P'wede ba tayong mag-selfie?"

Napalunok ako sa request niya. 

"A-Ano... proof lang para kay Mom," pahabol niyang paliwanag.

Hindi niya na naisuot ang kaliwang sapatos niya at agad siyang lumapit sa akin. Inilabas niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng pants niya.

Magkadikit ang braso namin, ramdam ko ang tela ng polo niya. His left hand was holding his phone in front of us, while his right hand was placed on his back.

"W-Wait lang... I'll get the flowers!" wala sa sarili kong nabanggit.

His mother needs proof that he's really courting me.

Bumalik ako sa tabi niya na yakap-yakap ang red roses na binigay niya sa akin kanina.

"Game?" nakangiting tanong niya.

Tumango lang ako at humarap sa cellphone. Hindi ko na nararamdaman ang tela ng polo niya sa braso ko. Napalitan na 'yon ng kati ng bouquet wrapper.

Tatlong sunod-sunod na click ang ginawa niya. Dadagdagan pa sana niya pero biglang namatay ang phone niya—lowbat. Hindi ko alam kung nakangiti ba ako o hindi sa mga pictures na 'yon. Wala na rin naman akong pakialam.

Para sa Mama niya lang 'yon.

"By the way, Stephanie... alam na ni Amber ang tungkol sa'yo..." he said as he finished putting on both of his shoes. He quickly moistened his lips and continued to speak.

"I need to warn you about her... medyo may saltik kasi ang babae na 'yon," natatawa niyang sabi sa akin.

Inilapag ko ang bouquet sa couch. Hindi ko na matiis ang kati ng wrapper nito.

"Bakit Gabriel? Tingin mo aawayin ako ng ex mo?" I let out a soft chuckle.

"Malamang..."

Natawa ako sa sagot niya pero mabilis ding naputol 'yon nang biglang mamatay ang lahat ng ilaw.

"Fuck!" malutong na mura ko kasabay ng pagpikit ko.

I'm scared of the dark. I'm terrified of it. Kusang nanginig ang mga kamay ko, ang buong katawan ko. Pilit kong kinakapa ang phone ko sa bulsa ng shorts ko, pero wala!

"Shit... shit... shit!" paulit-ulit kong mura.

Napasigaw ako nang biglang may humawak sa mga nanginginig kong kamay.

"It's me, Gabriel!"

Unti-unting sumisikip ang dibdib ko at rinig na rinig ko ang paghahabol ko sa sarili kong hininga. Nagdilat ako ng mga mata pero sobrang dilim pa rin. Takot na takot ako dahil parang nakikita ko na naman siya—si Scarface. Unti-unti siyang lumalapit sa akin. Madilim ang paligid pero kitang-kita ko ang mukha niya. Ang peklat niya sa mukha niya. Ang ngiti niya. Ang malaki niyang ngiti na punong-puno ng pagbabanta, punong-puno ng babala. May mangyayaring masama sa akin. Alam kong ayon na ang kasunod ng ngiti niyang 'yon.

"Stephanie... hinga lang, breathe..."

I heard Gabriel's raspy voice and it was shaking. I could sense that he's worried at scared at the same time. Pagkatapos, naramdaman ko ang pag-angat ng paa ko sa sahig.

Is he carrying me?

Hindi ko alam kung paano niya ako nagawang buhatin hanggang sa makarating kami sa kusina gayong pareho kaming walang makita sa dilim. Ipinatong niya ako sa dining table. Naramdaman ko ang mga palad niya sa balikat ko.

"W-Wait here, Stephanie..."

"No!" I choked out.

"Huwag mo akong iwan...p-please, Gabriel..." I begged. Tears were running down my face. I tugged the side of his polo. "Please... Gabriel, don't go..." Nakakahiya sa kaniya, pero wala akong magawa kung hindi ang magmakaawa.

"Hey, babalik ako..." I felt his hand touching my cheeks, wiping my tears. "Promise, saglit lang. Sit still." Naramdaman ko ang hininga niya sa tapat ng mukha ko. Narinig ko ang paghakbang niya palayo sa akin. Muli akong pumikit at itinakip ko ang mga nanginginig kong palad sa mukha ko.

Narinig kong may nabasag sa bandang kaliwa ko pero hindi ko 'yon pinansin. Patuloy lang ako sa pag-iyak.

Maya-maya pa, biglang sumilip ang liwanag.

I slowly opened my eyes. Nakahawi na ang lahat ng black-out curtains sa unit ko. Nakatayo sa harap ko ang hingal na hingal na si Gabriel. His eyes were sleepy and his thick brows furrowed with concern.

"T-Tahan na... tignan mo Stephanie... " Mabilis niyang sinulyapan ang bintana sa may gawing kaliwa ko. "Full moon ngayon, ang liwanag ng buwan 'di ba? Ang ganda-ganda ng buwan..." His voice was so comforting.

Napatingin din ako ro'n habang mabilis kong pinupunasan ang mga luha ko. Ayon na yata ang pinakamagandang buwan na nakita ko sa buong buhay ko.

"Okay ka na ba?" mahinang tanong ni Gabriel.

"Y-Yes," I softly answered. Lumuwag na ang paghinga ko pero nanatili ang mabilis na tibok na puso ko. But I know it's not because of fear anymore... it's because of something else. Something so foreign to me.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Gabriel. Iniilawan ng liwanag ng buwan ang mga mata niya. They glistened because of that. His chest was moving up and down. Halata ko ang pagod niya dahil sa pagtakbo niya sa dilim kanina para lang buksan ang lahat ng kurtina. I could also see that he's sweating but my eyes stopped scanning his body the moment I saw his left shoulder. Nanlaki ang mga mata ko at ilang segundong napatitig doon bago ako nakapagsalita.

"M-May sugat ka!"

Naaninag ko ang kaunting dugo sa balikat niya. I felt guilty.

"Wala lang 'to Stephanie... maliit lang 'to. Sorry ha? Nasagi ko 'yong cabinet mo kanina... nabasag ko nga yata." He smiled at me.

That smile that seems to be brighter than the moon.

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top