Chapter 5 - First
Tinanggal ko ang denim jacket ko at ibinato ko 'yon sa likod ng driver's seat. Nagsuot na ako ng seatbelt at ini-start ko na si Kitkat. Kung kaninang umaga parang ayoko pang umuwi dahil kay Japoy, ngayon naman, uwing-uwi na ako dahil sa mga nakakabaliw na nangyari sa restaurant ni Kuya Spence.
I turned the stereo on. Ilang beses ko inilipat ng istasyon hanggang sa makuntento ako sa kanta. I started humming to the tune of the song para mabawasan ang inis ko. Aapakan ko na sana ang gas pero isang katok sa bintana ko ang pumigil sa akin.
"What?! Ano pa'ng gusto mo, Gabriel!?" naiinis kong sigaw sa kaniya pagkababang-pagkababa ko ng bintana.
"Ikaw. Ikaw ang gusto ko!" nakangising sagot niya at parang nang-aasar pa.
Kumunot ang noo ko. "P'wede ba? Wala na sila Mama at Papa, nasa labas na tayo... hindi mo na kailangang magpanggap na patay na patay ka talaga sa akin!" Pinindot ko na ang power window button para isara ang bintana.
"Wait!"
Hindi ko pinansin ang pakiusap niya. Nagulat na lang ako nang ilusot niya sa bintana ang kamay niya dahilan para maipit ito.
"Tang i—" pigil niyang mura.
Nagpapanic kong muling ibinaba ang bintana.
"Shit! Sorry! B-Bakit mo naman kasi inilawit ang kamay mo!"
"Gusto ko lang mag-usap tayo, Stephanie," nakangiwi niyang sagot.
Bumuntong-hininga ako.
"Okay, sige! Get in!" utos ko.
I quickly unlocked the door. Mabilis din naman siyang umikot papunta sa passenger seat. Minasamasahe niya ang naipit niyang kamay. Mukhang nasaktan nga talaga siya doon.
"S-Sorry, Gabriel."
Hindi ako makatingin sa kaniya, nakatitig lang ako sa kalsada. Pinahinaan ko ang stereo at nilakasan ko ang aircon. Ramdam ko kasing dumudulas ang pawis ko mula sa batok ko pababa ng likod ko. Tensed na tensed ako sa hindi ko malamang dahilan.
"Wala lang 'to, Sstephhanie. H-hindi naman masakit... "
Kinilabutan na naman ako sa pagbigkas niya ng pangalan ko.
"Can you just call me, Maxine?"
"Huh? Bakit... I like Sstephhanie more... mas bagay sa'yo!" nakangiting sagot niya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "It's S-te-pha-nie okay? Hindi Sss-te-phhha-nie!"
"Kaya nga! Sstephhanie."
Shit! Gano'n pa rin!
Napasapo ako sa noo ko.
"I really don't like the way you pronounce my name... parang ASMR!" ismid ko sa kaniya.
He pressed his lips together, trying to maintain a straight face kahit pa halata ko namang natatawa siya.
"Sorry, ganito talaga boses ko, Sstephhanie."
Fuck it!
I crossed my arms in front of me and I looked at him.
"Okay, sige... okay na! Ano'ng pag-uusapan natin Gabriel?" seryosong tanong ko.
"Tungkol sa kanina..." panimula niya.
Tinitigan niya ang mga mata ko. His lips were parted.
"Wait!" Itinaas ko ang kamay ko sa harap niya. Napakurap siya at muling itinikom ang bibig niya.
"Paano mo pala nalaman na nakay Kuya ako?"
Marahan niyang hinimas ang batok niya at napangiwi siya.
"Ah... s-sinundan kita..."
"Ano!" Naihampas ko ang kamay ko sa dashboard sa gulat.
"Stalker! Stalker nga talaga kita!" sigaw ko habang pinandidilatan siya ng mga mata.
"No! Hindi ako stalker!" mariing tanggi niya.
Umirap ako sa kaniya. "Hindi ka stalker, pero sinundan mo ako? Ano ka?"
Napahawak siya sa sentido niya at saka bumuntong-hininga. Binasa niya ang labi niya at muling ibinaling ang tingin sa akin.
"Patapusin mo muna ako magpaliwanag, please..."
Muli akong humalukipkip. Isinandal ko ang likod ko sa upuan at mataray ko siyang sinagot. "Okay, Gabriel... explain everything."
"I was supposed to be engaged with someone else."
Napasinghap ako. "What the fuck?!" Halos umangat ang puwit ko sa upuan dahil sa inis ko kay Gabriel.
"Stephanie... please. Patapusin mo muna ako," muling pakiusap niya. Mabilis niyang inihalamos ang palad niya sa mukha niya.
"Fine!"
Muli akong tumitig sa kalsada pero naririnig ko pa rin siya.
"Last week, lumapit ang parents mo kay Mom. Hindi ko alam na batchmates pala sila. Hindi ko alam na magkaibigan pala sila. Kinausap nila si Mom, asking for... money."
"Hmm... sounds like them," bulong ko.
"T-Tapos 'yong Mama mo... she offered your hand in marriage kapalit ng hinihiram nilang pera."
Napailing na lang ako sa sinabi ni Gabriel. Grabe talaga si Mama!
"Tumanggi si Mom sa alok ng Mama mo kasi may iba siyang gusto para sa akin." Huminto siya sa pagsasalita. Mabilis ko siyang sinulyapan at nakita kong lumikot ang mga mata niya na parang kinakabahan.
"And then... ano'ng nangyari, Gabriel?"
Napalunok siya.
"P-Pinilit ko si Mom na pumayag sa alok ng Mama mo, kasi ayoko sa gustong ipakasal sa akin ni Mom... kaya ikaw ang pinili ko."
"Gago ka ba, Gabriel?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at naihampas ko sa braso niya ang palad ko.
Hinuli niya ang kamay ko at mariin niyang kinulong 'yon sa palad niya.
"Pucha! Nag-iisip ka ba?!" singhal ko sa kaniya kasabay ng pagbawi ng kamay ko.
"Ikaw pa pala mismo nagsabi sa nanay mo na ako ang aasawahin mo!"
Gigil na gigil ako. Kung hindi lang sarado ang bintana, malamang narinig na sa labas ang sigaw ko.
"Stephanie... I'm sorry, okay? Wala na akong maisip," nakayukong sagot niya.
"H-Hindi naman natin tototohanin. Kunwari liligawan lang kita. Hanggang sa makahanap ako ng ibang solusyon. Ayoko lang talagang ikasal kay Amber." He sounded so sincere and it affects me.
Naiinis ako sa sarili ko dahil dalang-dala ako sa boses niya at sa mga nakikiusap niyang mga mata.
"S-Sino ba 'yang Amber na 'yan!"
"My first love."
Nagulat ako sa sagot niya. Itinodo ko na ang aircon dahil parang biglang namawis ang mga palad ko sa sinabi niya.
"Ayon naman pala, love mo naman pala, eh! Bakit ayaw mo do'n?" diretsong tanong ko sa kaniya.
"Dahil niloko niya ako," malamig niyang sagot.
"Deserve mo siguro!" I exclaimed with sarcasm.
"Ouch naman!"
He clutched his chest as if it really pains him. For all I know, nagpapa-awa lang 'tong chinitong mokong na 'to para hindi ko siya tuluyang isumpa.
I rolled my eyes at him. "Ang arte ha?!"
Imbis na ma-offend siya sa komento ko, napangiti pa siya.
Ayan na naman ang nakakabuwiset na ngiti na 'yan! Kitang-kita ko na naman ang mapuputi niyang mga ngipin. That killer smile that irritates me!
Pero mabilis ding nawala 'yon. Huminga siya nang malalim at biglang naging seryoso ang mukha niya.
"Look, Stephanie... I'm so sorry. Magpapanggap lang naman tayo, eh. Magpapanggap akong patay na patay sa'yo, tapos ikaw—magpapanggap kang ayaw na ayaw mo sakin. Which is actually true, ayaw mo naman talaga sa akin." Napakamot siya sa noo niya.
"B-Binasted mo nga agad ako kanina 'di ba?!" He smiled nervously.
May kung anong kumirot sa dibdib ko. I would have clutched my chest too because it hurts... it hurts a little. I thought for the first time in my life, someone finally sees me. Joke lang pala 'yon.
Ang dami niya pang sinabing pambobola kanina kaharap sila Papa at Mama, pero hindi naman pala totoo ang mga 'yon. Dapat nga magalit pa ako sa kaniya, pero hindi ko alam bakit hindi ko magawa. Akala ko sa unang pagkakataon sa buhay ko puwede na akong sumugal... na puwede na akong mahalin.
Akala ko lang pala talaga.
"Kahit tatlong buwan lang..."
Napabalik ako sa realidad sa sinabi niya.
"Three months lang Stephanie, mapaniwala ko lang si Mom na gustong-gusto talaga kita, na mahal kita, na sincere ako sa'yo para hindi niya na ako ipilit kay Amber... tapos p'wede mo nang sagutin 'yong Japhet," dagdag pa niya.
"Jasper!" angil ko.
"Right, si Jasper!"
Dinukot niya mula sa bulsa niya ang cellphone niya at marahan niyang inabot 'yon sa akin.
"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko.
"Ah... I need your number," nahihiyang sagot niya.
Mabilis kong tinaype ang number ko at ibinalik ko ang cellphone niya.
"Thank you, Stephanie."
Nginitian niya ako pagkaabot ko no'n pero hindi ko magawang ngumiti pabalik sa kaniya.
Paglabas niya kay Kitkat, itinodo ko na agad ang volume ng stereo. Inapakan ko na ang gas at hindi ko na liningon pa si Gabriel kahit sa side mirror. Sinabayan ko ang tugtog kahit hindi ko alam ang lyrics. Hinuhulaan ko lang. Nakakatawa na alam ko ang susunod na mga salita kahit unang beses ko pa lang narinig ang mapanakit na kantang tumutugtog.
I've never had my heart broken by an—
"Angel..." mapait kong dugtong sa awit.
***
Pagkatapos ng araw na 'yon, hindi ko na ulit napanaginipan pa si Gabriel. Inubos ko na lang din lahat ng energy ko sa nalalapit na soft opening ng Café Amor sa susunod na buwan. Hindi ko na rin masyadong inabala si Li dahil alam kong sobrang busy din nila ni Andrew for their upcoming 'wedding'.
Paminsan nagtetext si Gabriel ng mga random na 'Goodmorning', 'Kumain ka na ba?', at 'Goodnight' pero never ako nagreply. Hindi naman nababasa ng mga magulang namin ang palitan ng mga text namin so bakit ko pa sasagutin?
"Best wishes, Li!" sabay taas ko sa baso ko na may lamang red wine.
Alam kong kasal-kasalan lang ang gaganapin bukas. Hindi na nga ako inimbitahan ni Li roon dahil after two years maghihiwalay din naman sila ni Andrew, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-organize ng bachelorette/despida party para sa bestfriend ko.
"Baliw ka talaga, Steph! Deal lang naman 'yon! May paganito ka pa!" Nakangisi siya sa akin at inis na inis na hinubad ang sash na may nakasulat na 'bride' na pilit kong isinuot sa kaniya kanina.
"Uy, 'wag mong hubarin! Wala pa tayong picture!" awat ko sa kaniya. "Saka huwag ka ngang pakipot diyan! Crush mo naman si Andrew," pang-aasar ko kasabay ng pagsundot sa tagiliran niya.
Humagikgik naman siya. Halatang kinikilig sa biro ko.
Mukhang nahanap na ni Li ang katapat niya.
***
A month after Li's wedding, binuksan namin ang Café Amor. That day, pareho-pareho kaming kinakabahan—ako, si Li, at si Jasper.
"This is it, Steph, Jasper. Our first day!" nakangiting sabi ni Li habang magkakaakbay kaming tatlo sa gitna ng café.
"Sana marami pong bumili, Lord!" dasal ni Jasper. He was smiling too. Kitang-kita ko ang mga dimples niya.
"Sana hindi kami ma-stress!" nakangising ambag ko sa pep talk.
Sa POS muna pumiwesto si Jasper. Ni-refill niya ang thermal paper at tahimik na binilang ang mga baryang panukli sa mga customer. Samantalang ako naman ay isa-isang inayos ang mga naka-display na donut at cakes sa bread stand.
"Li, ano nga ulit? One free donut ba for every purchase or dapat dalawang drinks ang bibilhin para magka-free?" tanong ko kay Li na hirap na hirap isuot ang dilaw niyang bandana. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang ayusin 'yon.
"Thanks, Steph," she said as I fixed her hair. "One is to one, Steph. One donut, one drink."
"Ah, okay... gets."
"Okay ka lang ba, Steph?" humarap siya sa akin at mabilis na sinipat ang mukha ko.
"Of course! Ano ka ba!"
Bumalik na ako sa likod ng checkout counter at nagpaalam naman si Li para balikan ang mga pinapalamig niyang macarons sa kusina.
"Kaya niyo na rito, Jasper?"
"Opo Ma'am Lia, all goods!" mabilis na sagot ni Jasper na may kasama pang pag-thumbs-up.
Pareho lang kaming parang tuod na nakatayo sa checkout counter ni Jasper. Pinipilit kong sabayan ang playlist ng café just to ignore the silence and awkwardness between us.
Maya-maya pa'y tumunog ang wind chime sa main door ng café. Isang matandang lalaki na may nakaipit na dyaryo sa kili-kili ang nakangiting pumasok sa Café Amor.
"First customer, Mak—"
Napatingin ako kay Jasper. "Ah... first customer, Ma'am Steph..." bahagyang lumungkot ang tono niya.
"Good morning, Sir! Welcome to Café Amor! What can I make for you today!" nakangiting bati ko sa matanda.
"Ah! Cappuccino...." Mabilis niyang sinulyapan ang apron ko. "Stephanie..."
Nginitian ko siya at agad kong inihanda ang order niya. Si Jasper naman ay nakangiti ring inabot ang sukli ng matanda sa buong two-hundred pesos.
Tahimik itong umupo sa pinakagitnang upuan ng café. Tahimik niyang binasa ang dyaryong bitbit niya. Agad din siyang umalis pagkaubos ng kape niya at ng free donut.
Pagkatapos no'n, hindi na ulit tumunog ang wind chime ng café.
"Shit! Tanghali na, wala pa ring bagong nadating!" Nakangalumbaba ako sa lamesa at nakabusangot.
Si Li ay paulit-ulit na nagmamartsa sa harap ng lamesa kung saan ako nakaupo. Si Jasper naman ay nakasandal lang sa counter.
"Ano'ng kulang, Steph? Okay naman marketing natin 'di ba?" nag-aalalang tanong ni Li.
Nagkibit-balikat lang ako. Sa totoo lang, hindi ko rin kasi alam kung ano'ng isasagot ko.
"P'wede po ba akong sumaglit sa bahay, Ma'am Lia? May kukunin lang po ako..."
Nagulat ako sa sinabi ni Jasper. Halos magluksa na kami ni Li sa nilalangaw na opening ng café, tapos aalis pa siya?
"At ano namang kukunin mo?" taas-kilay kong tanong sa kaniya.
Bahagya niyang ginulo ang buhok niya at nahihiya siyang ngumiti sa akin. "Panghatak ng customer, Ma'am Steph..."
"G-Go ahead, Jasper," nag-aalangang pag sang-ayon ni Li.
Tumango lang sa akin si Jasper at tipid na ngumiti. Gusto ko rin sana siyang ngitian pero pinigilan ko ang sarili ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalapit siya sa motor niya. Nagmamadali niyang sinuot ang helmet niya bago pinaharurot ang motor niya.
Wala pang kalahating oras, isang hingal na hingal na Jasper ang bumalik sa café. May sukbit-sukbit siyang acoustic guitar sa kanang balikat.
Nagkatinginan kami ni Li.
"Para saan 'yan, Jasper?" usisa ng bestfriend ko.
"Ma'am Lia, manghaharana po sana ako sa labas. Baka sakaling magka-customer tayo," nakangiting sagot niya. Nakalabas ang mga dimples niya at parang may kakaibang kinang ang mga mata niya.
"Wow! That's actually a good idea..." mangha-manghang sagot ni Li. "Right, Steph?"
"Oo," tipid kong sagot.
Hindi pa siguro nakakatatlong kanta si Jasper, nag-umpisa nang maglapitan sa kaniya ang mga tao. Noong una, mukhang mga curious lang ang mga nanonood. Pero habang kumakapal ang mga tao, nahahalata ko na ang pagkamangha nila kay Jasper, lalo na ang mga babae na nagpakangisi at tila kinilig-kilig pa. Hindi ko gaanong marinig ang pagkanta ni Jasper, pero alam kong maganda ang boses niya... kahit noon pa.
Bawat kantang matatapos niya, ituturo niya ang café sa likuran niya. Marami siyang nauuto para bumili sa café. Mabentang-mabenta ang karisma niya. Tuwang-tuwa naman kami Li.
Sa bawat paglingon niya sa likod niya, nahuhuli ko rin ang mga panakaw niyang sulyap sa akin .
"Parang timang. Nagpapacute pa!" iritableng bulong ko habang bising-busy si Jasper sa paghaharana ng mga tao sa labas.
"Miss... miss..."
Nagitla ako nang makita ko ang isang babaeng halos ka-edad ko sa harap ng counter na mukhang kanina pa ako tinatawag.
"Ah... Hi Ma'am! What's your order po?" natataranta kong bati sa kaniya.
"Iced Coffee po, medium!"
"Okay, anything else po?"
"Ah... ano po'ng pangalan ni kuya sa labas, ang cute po kasi," kinikilig na tanong niya. Bahagya niya pang sinuklay ang dulo ng unat niyang buhok.
"Ah, 'yong kulot po, Ma'am?"
"Opo, 'yong may dimples. Ang ganda po kasi ng boses tapos ang guwapo!" she said, blushing.
"Ah, si Procorpio po 'yon!"diretsong sagot ko.
"Po? Procorpio?! B-Bakit parang pang-oldies po 'yong name niya?"
Nawala bigla ang pamumula ng pisngi niya. Halatang nagulat siya sa sinabi kong pangalan.
"Ewan ko, tanong mo sa mama niya!" I gulped. Napasobra yata ang katarayan ko... katarayan?
Nagtataray nga lang ba ako o binabakuran ko si Jasper?
"Shit! Stephanie!" akala ko sa isip ko lang sinabi 'yon.
"Po? Miss? Did you just curse?" Nanlaki ang mga mata ng babae.
"Ah... Hindi po! A-Ano po'ng name niyo, Ma'am?" mabilis kong bawi.
"Mel"
"Mel for Melanie?" Nakangiti kong tanong habang sinusulat ang letter 'M' sa baso.
"Mel for Melchora!" malakas niyang sagot.
Tumalikod ako para hindi niya marinig ang pigil kong bungisngis.
***
Pagod na pagod kami nang araw na 'yon. Hindi ko akalaing dudumugin kami ng mga tao. Napilitan na nga lang kaming isara ang café dahil naubusan na kami ng fresh milk.
Pagkatapos kong tulungan si Li na magligpit sa kusina, kinuha ko na ang bag ko sa locker para magpalit muna ng damit bago umuwi.
Pinihit ko ang doorknob ng banyo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jasper na nakatalikod at naghuhubad ng pang-itaas niya.
"Ay Shit! Tangina! Fuck!" sunod-sunod kong mura.
Napalingon siya. Nanlaki ang mga mata niya at humakbang siya papalapit sa akin pero mabilis ko ring ibinagsak pasara ang pinto.
I leaned on the wall. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ipinatong ko ang kaliwang kamay ko sa dibdib ko habang mabagal akong nag-i-inhale exhale.
Ilang segundo ang lumipas at lumabas na si Jasper sa banyo, bagong palit ng damit.
"Sorry Ma'am Steph... nakalimutan kong isara ang pinto," he shyly ruffled his hair.
"Wala ka naman nakita 'di ba? Likod ko lang?" nakayuko niyang tanong.
Hindi ako makasagot. Kahit gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na marami akong nakita. Nasa likod pa rin niya ang mga peklat ng latay ng latigo ni Mang Dante sa tuwing itinitakbo niya ako papunta sa poso. Sa tuwing itatakas niya ako noon. Sa tuwing ililigtas niya ako.
Hindi ako makasagot. I was numbed because of all the pain I've caused him... sa batang si Japoy. Sa batang si Japoy na iniwan ko.
"Ma'am Steph, okay ka lang?"
Naririnig ko siya pero hindi pa rin ako makasagot.
"Mak-mak, ayos ka lang?"
Natauhan ako bigla sa tawag niya sa akin.
"Jasper... no'ng n-nawala ako. Na-rescue ba agad kayo?" nag-aalangang tanong ko.
"Kalahating taon pa."
I gasped. Bahagyang dumulas ang likod ko sa malamig na pader na sinasandalan ko.
"Shit! Dapat pinilit ko kayong isama..." I stammered. Kahit gusto kong lunukin lahat ng kaba at takot sa boses ko para hindi ito manginig—bigo ako.
"Ano ka ba? Maigi nang una kang nakaalis do'n. Hindi ka safe do'n. Saka wala kaming mayaman na magulang na tutubos sa amin..." He chuckled bitterly.
"I'm sorry..." nanginginig pa rin ang boses ko.
"Mak-mak, kalimutan mo na 'yon, okay? Tapos na 'yon,"
Hinayaan kong tawagin niya ako sa palayaw na nakasanayan niya sa dalawang buwang magkasama kami noon sa Tondo.
"I tried to, Jasper. Binaon ko na 'yon sa limot... kung bakit ba kasi—"
"Hinanap kita?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at ipinako niya ang mga bilugan niyang mata sa akin.
"Sorry kung hinanap kita, hindi ko kasi kayang kalimutan ang first love ko."
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top