Chapter 4 - Price

"Steph! You're embarrassing! Umahon ka nga riyan!" nanginginig na sigaw ni Mama. Gigil na gigil siguro siya ngayon. Malamang salubong ang kilay niya at pinandidilatan ako ng mata.

Si Kuya Spence naman ay parang kinikiliti dahil sa hindi niya maubos-ubos na tawa. Tahimik lang si Papa—baka nakanganga siya at gulat na gulat sa eksenang nakikita niya ngayon.

Marahan kong inahon ang ulo ko pero hanggang dalawang dangkal lang ang kaya kong ilayo mula sa pundya ni Gabriel. Nang pinilit kong ilayo pa ang mukha ko, sumakit bigla ang anit ko.

Shit! Sumabit pa yata ang buhok ko sa zipper niya.

"P-Puwede bang pakitanggal ng buhok ko..." nakapikit kong pakiusap sa kaniya.

"Ayokong ako ang magtanggal... baka kung ano pa'ng mahawakan ko!" dagdag ko habang mariin pa ring nakapikit.

"Stephanie Maxineeee!" saway ni Mama na nagpadilat sa akin, pero mabilis din ulit akong napapikit.

Shit! Hindi ko kaya ang view na 'to. Namamawis ang mga palad ko sa view na 'to!

Ilang ulit ko pang pilit inilayo ang ulo ko sa crotch ni Gabriel, pero ang sakit talaga sa anit kaya hindi ko na lang din pinuwersa.

"Huwag kang malikot..." he said in his raspy voice.

Naramdaman ko ang mga daliri niyang abala sa pag-alis ng ilang hibla ng buhok ko sa zipper niya.

"Ayan... tapos na."

"T-Thanks," tipid kong sagot.

Muli akong lumusot sa ilalim ng lamesa at gumapang papunta sa kabilang dulo nito. Hindi ko kayang ilabas ang sarili ko sa harap ni Gabriel. Baka itulak na naman ako ng guardian angel niya at sa ibang bahagi naman ng katawan niya ako masubsob.

Habang nasa ilalim ng lamesa, naririnig ko pa rin ang tawa ni Kuya at ang iritadong pagpapaypay ni Mama na may kasama pang mga pabulong na reklamo kay Papa.

"Yang anak mo talaga, Steve! Nakakahiya kay architect!"

Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Kuya Spence. Hinawi pa ni Kuya ang ilang hibla ng buhok ko palayo sa mukha ko. Then he smiled at me, teasingly.

"Mei-mei, future asawa mo raw 'tong poging architect na katabi ko."

I scoffed. "Tsk! Baka future kaaway—"

"Future kaaway sa kama!" bulong ni Kuya na sinundan pa ng pabebe niyang hagikgik.

"Tangina! Hindi 'no!" kontra ko.

Napatayo si Mama sa kinauupuan niya dahil sa pinaghalong inis at gulat sa malutong kong mura. Nanlilisik ang mga singkit niyang mata. Hinawakan ni Papa ang braso niya at marahan siyang hinigit nito para muling umupo.

"Monica... please, calm down," mahinanong saway ni Papa.

Mama exhaled loudly. Tiniklop niya ang kulay purple niyang pamaypay pero masama pa rin ang tingin niya sa akin. Parang kinukurot niya ako sa singit sa isip niya.

Papa cleared his throat. "Steph... this is Architect Leonard Gabriel Del—"

"I know him!" mabilis kong sagot kay Papa.

Biglang nagbago ang timpla ng mukha nila ni Mama, nagkatinginan silang dalawa at agad napangiti. Lalo si Mama, nakakatakot ang malaki niyang ngiti.

"You know him, Steph? Magkakilala na kayo?" usisa ni Mama.

"Yes, Ma... nagkita kami sa—"

"Sa The Twilight Lounge­ po" sabat ni Gabriel.

"Sa club sa may Alabang? Bakit ka nakarating do'n, Mei-mei?" tanong ni Kuya Spence.

"Ah... nagpa-antok lang," nakayuko kong sagot.

"So... you're clubbing again, bar hopping... umiinom ka na naman? You're back at your—"

"I just had a few drinks, Pa. Kaunti lang po ininom ko no'n. Gusto ko lang makatulog that night..."

Itinikom ni Papa ang kamao niya at hinawakan ni Mama 'yon. Siguro kung wala si Gabriel ngayon, katakot-takot na sermon na naman ang inabot ko. Naramdaman ko ang pagpako ng tingin sa akin ni Gabriel. For a few seconds, we were all quiet.

Marami akong kasalanan sa mga magulang ko at siguro top one na ro'n ang pagiging alcoholic ko dati. No, top three siguro 'yon. From when I was eighteen to twenty-two, walang gabi na hindi ako umiinom. Wala akong pakialam kahit may pasok ako sa school kinabukasan, total hindi naman ako nalalasing. Every Friday laman ako ng iba't-ibang club at bar. For years, naitago ko 'yon sa kanila... kahit kay Li... kahit kay Kuya Spence, pero hindi kay Yaya Luding na isinumbong ako kay Papa. Ang ending, lumayas ako sa bahay, sa pangalawang pagkatataon... at hanggang ngayon—hindi pa rin ako bumabalik.

I left that house but they still check-up on me from time to time. Gusto nilang malaman kung lasenggera pa rin ba ako o mag-aasawa na ako. 'Yang dalawang bagay lang na 'yan. Naniniwala kasi si Mama na magtitino lang daw ako kapag nag-asawa na ako... just like her.

"She's right, Sir. Hindi po siya lasing no'n...."

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang magsalita si Gabriel, breaking the silence. Lumipat ang tingin ni Papa sa kanya.

"I introduced myself to her..."

—Tinangay mo ako palayo sa dance floor.

"Had some small talk with her..."

—Dinala mo ako sa bahay mo...

"I asked for her number, Sir..."

—We slept together in your bed...

"Pero hindi niya po ibinigay sa akin..."

—Then, we woke up naked.

That's what happened!

"Aaminin ko po... no'ng nakita ko siya that night, hindi na po siya maalis sa isip ko..." Sinulyapan niya ako at biglang uminit ang pisngi ko. 

"That's why pumayag din po agad ako sa gusto ni Mom... because it's her." Then he flashed his smile at me.

That same smile that night no'ng naging instant boyfriend ko siya. Para akong makahiya na biglang nalanta at biglang napayuko sa ngiti niya.

Shit! Stephanie! Ikalma mo!

Halos malaglag ang panga ni Kuya Spence sa narinig niya kay Gabriel. 

"Sana all, Mei-mei!" impit na tukso niya sa akin.

I cleared my throat. Nag-angat ako ng tingin kila Papa at Mama.

"Pa... Ma... Please, stop this nonsense. I'm sorry, pero hindi ako papayag sa gusto niyo!"

"We don't need your approval, Steph," masungit na sagot ni Mama.

"What the fuc—"

"Gusto lang namin mailagay sa ayos ang buhay mo, Steph. Hindi ganiyan!"

Pinasadahan ng tingin ni Papa ang fringed black shirt ko na pinatungan ko ng denim jacket. Parang tumagos sa buto ko ang mapanghusga niyang mga mata.

"You're twenty-five at parang wala pa ring direksyon 'yang buhay mo..." dagdag pa niya.

"Twenty-four, Pa. I'm just twenty-four... at p'wede ba? Huwag niyo nang i-sugar coat! Magkano na ako, Papa?"

Napalunok si Papa sa tanong ko. Napahawak naman si Kuya Spence sa hita ko kasabay ng pag-iling niya na para bang binabalaan niya akong huwag nang ituloy ang sasabihin ko.

"Tell me, Pa, magkano ang inutang niyo kila Gabriel para sa paluging negosyo niyo at pumayag kayo sa arrangement na 'to?" Nanginginig ang boses ko.

"Five million," diretsong sagot ni Mama.

Five million? Pucha! Ang mahal ko pa rin pala!

Napasandal ako sa upuan. The next thing I knew, I was biting my nails. Marahang inilayo ni Kuya Spence ang kamay ko sa bibig ko.

"Mei-mei... relax."

"Kaya ko po silang bayaran, Ma!"

Nagulat ako sa sarili kong boses. Tumawa nang mahina si Mama—isang mapang-asar na tawa.

"Are you sure, Steph? Hindi ka nga makabili ng matinong sasakyan! Wala ka ngang ipon! Because you chose to invest on that small coffee shop instead of helping your own brother here. Saan ka kukuha ng five million?!"

"Monica..." malumanay na awat ni Papa kay Mama. Inakbayan niya si Mama at may ibinulong siya rito. Nahihiyang tumingin si Mama kay Gabriel.

"I'm sorry, architect... you have to hear all of these." Nginitian ni Mama si Gabriel, pero hindi ito ngumiti pabalik sa kaniya.

Napayuko ako hindi dahil sa nakakahiyang marinig lahat 'to ni Gabriel, pero dahil totoo lahat ng sinabi ni Mama.

"I'm sorry... A-Alam kong sobrang disappointed pa rin kayo sa akin, pero hindi ko po akalaing aabot sa ganito. I don't want to marry him... I'm sure napipilitan lang din siya... right, Gabriel?" I gave Gabriel a quick glance, waiting for his confirmation.

"No. Hindi ako napipilitan, Stephanie."

Inatras ni Kuya Spence ang upuan niya. Narinig ko na naman ang nakakangilong langitngit ng silya sa sahig at ang pigil na hagikgik ni Kuya. I can now see Gabriel's face clearly. Mas nakikita ko na ngayon ang singkit niyang mga mata na binagayan ng mga makapal niyang kilay. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil mukhang seryoso ang mga mata niya. Seryoso at hindi nagsisinungaling.

"Tsk! P'wede bang tigilan mo 'yang mga pick-up lines mo! Sa ibang pamilya ka na lang bumili ng asawa!" halos pasigaw kong sagot sa kaniya.

"Stephanie, that's enough!" Papa's voice thundered. Napayuko ako sa utos niya.

"It's okay, Sir... hindi ko naman po p'wedeng pilitin si Stephanie kung ayaw niya sa akin..."

"Buti alam mo!" I sarcastically agreed.

Narinig ko ang tipid niyang tawa. "Why? Do you like someone else?"

Napalunok ako sa tanong niya.

"Wala ka namang boyfriend 'di ba? At least, that's what you said, the last time we sleep—"

Naihampas ko ang palad ko sa lamesa at pinandilatan ko siya ng mata.

"TALK... the last time we talk?" he corrected.

Kitang-kita kong nakaangat ang gilid ng mga labi niya. I know he intentionally said that. Para ano? Para i-korner ako? Para pumayag ako sa gusto nila? Kung si Li nga tinakbuhan si Marcus sa engagement party nila... ako pa ba?

I've been through hell and back. Hinding-hindi ako titiklop sa'yo, Gabriel!

"I like someone else, Papa!" I choked out.

Napasinghap si Kuya Spence. "Mei-mei, you haven't told me that earlier!"

"You like someone else? Huh?" nangungutyang tanong ni Mama.

"Yes, Ma... I like someone else. Hindi pa kami, pero nililigawan niya ako!"

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at nasabi ko 'yon.

Shit! Stephanie! Nagpatong-patong na ang mga kasinungalingan mo.

Napahawak si Papa sa sentido niya. Muling binuksan ni Mama ang pamaypay niya at nagpaypay siya nang mabilis. Nililipad ang bangs niya at kitang-kita ko ang ilang butil ng pawis sa noo niya habang kumakalansing  naman ang mga charm bracelets na suot niya.

"Hindi ba, sinabi niyo sa akin dati... never kayong makikialam sa love life ko. I can choose whoever I want. May napili na po ako... kaya hindi ako puwedeng ma-engage kay Gabriel. I like someone else and it's not him!"

"Like?"

Narinig ko'ng bulong ni Gabriel. Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya. May pausbong na ngiti sa mga labi niya.

"Like pa lang, 'di ba?" he asked, smiling directly at me. Hindi ako sumagot.

"Nanliligaw pa lang 'di ba?" he added, playfully.

Hindi pa rin ako sumagot. Nakatingin lang ako sa pilyong ngiti niya.

"Sir, Madam..." He looked intently at my parents.

"Ayoko na rin pong ituloy ang deal... let's call off the engagement. Ako na pong bahala magpaliwanag kay Mom."

Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. I heaved out a long deep sigh. 

Infairness, mabait naman pala siya. Akala ko sasakyan niya ang power trip ng mga magulang ko.

"But, architect... 'yong p-pera?" nag-aalalang tanong ni Mama.

"That will push through, Madam... 'wag po kayong mag-aalala. May kaunti lang pong magbabago sa terms and conditions," mabagal niyang sagot kay Mama. Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin.

"T-Thank you, Gabriel."

Nag-aalangan ako kung narinig niya ang mahinang pagpapasalamat ko. Pero hindi ko na inulit 'yon at nginitian ko na lamang siya. Isang pilit na ngiti.

"Ano'ng pangalan niya?" he asked.

"H-Ha?"

"Yong suitor mo... ano'ng pangalan niya?"

Ipinatong niya ang mga siko niya sa lamesa at tumuwid siya ng upo. Mukhang interesado talaga siyang malaman ang tungkol sa imaginary suitor ko.

"Ah...si... si... Jasper."

Napayuko ako bigla sa binanggit kong pangalan.

He chuckled softly. "Jasper... totoong tao siya?"

"Of course!" Inirapan ko siya ng mata. "Ano'ng ibig mong sabihin, nagsisinungaling ako?"

"Naninigurado lang ako, Stephanie... naninigurado lang ako sa kakompetensya ko," mabagal niyang sagot.

"Kakompetensya?" natatawa kong tanong.

Hindi niya pinansin 'yon at muli siyang humarap kila Papa. He gently touched his chin as if he's about to say something major.

"Gusto ko rin pong ligawan ang anak niyo, Sir."

"Ano?!" Napatayo ako sa upuan ko. Pilit akong hinihila ni Kuya Spence para umupo ulit, pero hindi ako nagpapigil. Hinawi ko lang kamay niya.

"Hindi ako papayag na ligawan mo ako!" singhal ko kay Gabriel.

Tumayo rin siya. Mabilis niya lang akong tinignan, pero binalewala niya ang protesta ko.

"Five million, Madam... it's all yours, just let me court your daughter..."

Ang laki ng ngiti ni Mama at gano'n din si Papa. Kahit hindi sila magsalita, obvious na obvious sa mga mukha nila ang isasagot nila. Kung sabagay, kasalanan ko rin naman kung bakit naubos ang pera nila. I clenched my fist. Inihanda ko ang sarili ko sa magiging sagot nila.

"What if hindi ka sagutin ng kapatid ko?" mapaghamong tanong ni Kuya.

"Deal is still on... sa inyo pa rin ang five million."

Nanlaki ang mga mata ko. Wala sa sariling naihampas ko ang kaninang nakatikom kong palad sa lamesa. Umurong ang baso at pitsel dahil sa lakas ng palo ko.

"P'wes, binabasted na kita! Ngayon pa lang, basted ka na!" sigaw ko kay Gabriel.

He just laughed and then he moistened his lower lip.

"That's unfair, Stephanie... hindi mo pa nga ako nasusubukan, basted na agad? Wala pa nga akong ginagawa, basted na agad?" Bahagya niyang ginulo ang buhok niya.

"H-He's right, Steph... give him a chance..." gatong ni Papa.

I chuckled bitterly. "Naririnig niyo po ba ang sinasabi niyo? Five million just for him to court me? Sino'ng tangang maniniwala do'n? It's an indecent proposal, Pa. Binebenta niyo ako sa lalaki na 'yan!"

Tinignan ko nang masama si Gabriel. He was still smiling—like an angel. At bwiset na bwiset ako sa ngiti niyang 'yon.

"Stephanie... have you forgotten kung bakit nalugi ang negosyo natin?"

Parang nabingi ako sa tanong ni Mama. Sabi ko na nga ba, she will bring that up.

"Never, Ma. Never ko nakalimutan 'yon dahil palagi niyong pinapaalala sa akin. That was fourteen years ago, pero tangina! Araw-araw niyong pinapaalala 'yon!"

Sumisigaw ako pero naginginig ang boses ko, parang bigla ring bumigat ang mga mata ko. Gulat na gulat si Mama sa sinabi ko at napahinto siya sa pagpapaypay. Mabilis kong sinulyapan si Gabriel, wala na ang ngiti sa mukha niya.

"Hindi ko makakalimutan 'yon, Ma! Hindi niyo rin makalimutan 'di ba?! Iniisip niyo na sana hindi niyo na lang ako tinubos sa mga kidnappers na 'yon. Sana hinayaan niyo na lang ako sa sindikato na 'yon! Sana hindi na lang sila tumawag sa inyo... asking for that twenty million!"

"Stephanie!" Napatayo na rin si Papa dahil marahil sa galit at gigil sa sinabi ko.

Hindi ko na napigilan ang mga bumibigat kong mata. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Naramdaman ko ang palad ni Kuya Spence sa likod ko. Nagulat ako na nakatayo na rin pala siya sa likuran ko.

"Mei-mei... kuya's here," bulong niya.

I ignored him. Ibinaling ko ang tingin ko kay Gabriel. Wala na akong pakialam kung nakikita niya akong umiiyak. Wala na akong pakialam kahit tumulo pa ang sipon ko sa harap niya.

"So Gabriel, sigurado ka na ba sa presyo mo? You can go as high as twenty million. I'm worth at least that... you can buy me at twenty million and I can give you everything you want!" I shouted in between sobs.

"Mei-mei... stop saying that, please..." alo ni Kuya.

"No. Mali ka, Stephanie..." Nagulat ako sa seryosong sagot ni Gabriel.

 Nagmamadali kong pinunasan ang mga luha ko.

"You're worth more than that... you're priceless..."

Muling sumibol ang ngiti sa mga labi niya. Kusang napatid ang mga luha ko. Kusang kumalma ang puso ko. That moment froze in time. Gabriel's words. His angelic smile. That weird, warm, feeling that weakens me and strengthens me at the same time. Hindi ko alam kung ano'ng tawag do'n.

Parang ayoko ring malaman.

"I'm sorry, Stephanie... ikaw dapat ang tinatanong ko... not your parents." Huminga siya nang malalim.

"Can I court you, Stephanie?"

For a second, I was too stunned to say something.

"Nililigawan na nga ako ni—"

"Jasper, right? Then... may the best man win," nakangising sagot niya.

Parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Ang mga singkit niyang mata na parang hinihintay ang sagot ko ay mariing nakatitig sa akin.

"P'wede ba kitang ligawan, Stephanie Maxine Co?"

Hinawakan ni Kuya Spence ang nanlalamig kong palad. Ilang beses niyang pinisil-pisil ang palad ko na para bang inuutusan akong sumagot.

"Ah..."

Mabilis kong sinulyapan si Mama at Papa. Nakaupo na si Papa, mahigpit niyang hawak ang kamay ni Mama. Parehong bahagyang nakabuka ang mga bibig nila at tila naka-abang sa isasagot ko.

"Yes, Gabriel."

Ngumiti muli siya at sa unang pagkakataon, hindi ako tumiklop na parang makahiya. Hindi rin ako nabuwiset sa ngiti niyang 'yon.

Pucha! Pucha talaga!

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top