Chapter 35 - Moon
Sabi nila, kapag patay ka na, your brain will play your favorite memories in seven minutes—one final look at your life. I always wonder if that would be enough. Maiksi ang pitong minuto para balikan ko ang lahat ng paborito kong alaala... para balikan ko siya.
Seven minutes lang ba talaga, God? Can I ask for more than that?
Kahit na alam kong iisang mukha lang ang makikita ko sa buong pitong minuto, puwede po bang bagalan Niyo?
Remember the girl I was praying for? Gabi-gabi ko siyang pinagdarasal Sa 'yo noon kaya alam kong natatandaan Mo siya. Remember her, God? She's my wife now. But I... I left her.
I know You know I would trade anything just to be with her again. Kahit ano, isusuko ko, makita ko lang ulit siya... o kahit marinig ko lang ang boses niya.
One final look at my moon.
***
I watched myself smiling awkwardly at Maxine, but she's not smiling back at me. Nakataas ang mga kilay niya habang nililipad ng hangin ang mahaba at tuwid niyang buhok. She looked irritated. And now... I know why, but my eighteen-year-old self didn't.
"Maxine, right? Napanood ko 'yong game niyo kahapon. Ang galing mo talaga mag-volleyball 'no? Nilampaso mo 'yong school namin!"
Nakakahiya ka, Gabriel? Just shut up and walk away!
"Kuya, you're making me uncomfortable. Stop talking to me, please. Hindi kita kilala," mataray na sagot ni Maxine.
That's my girl! She should have punched me back then.
"I'm Leonard Gabriel Del Rosario, 18 years old. Ayan ah... kilala mo na ako," my younger self continued.
Napasapo ako sa noo ko at napailing. Maling-mali talaga na kay Hunter ako nagpaturo kung paano ako makakalapit kay Maxine noon.
Wrong move, Gabriel.
Biglang dumilim ang buong paligid. Hindi na ako nakatayo malapit sa gate ng school na pinapasukan noon ni Maxine—nasa ballroom na ako ng isang hotel. Maraming anino. Maingay. Tumutugtog ang mga awit ng Apo Hiking Society, ang paboritong banda ni Tito Royce. Napayuko ako sa suot ko. I wasn't wearing my white bloody shirt anymore. I am now wearing the navy blue tuxedo that my mom chose for me for Tito Royce's birthday from years ago.
I am not just watching my memories—I am in my memories.
"Kinakabahan ako, Gabriel..."
Napasinghap ako nang marinig ko ang malambing niyang tinig. Agad akong napalingon sa kaliwa ko. Malikot ang mga singkit niyang mata at papalapit na sa bibig niya ang kanang kamay niya. Nakasuot siya ng itim at makinang na evening gown. Nakalugay ang mahaba niyang buhok. She's not wearing any make-up but her cheeks were blushing and her lips were red.
"W-What if they don't like me?" She bit her nails anxiously. I gently pulled her right hand away from her scarlet lips.
"They will like you. Trust me." I smiled at her. Flashing my upper teeth.
"B-Bakit ba kasi kailangang ipakilala mo pa ako? Hindi pa naman tayo!" She crossed her arms in front of her. Nagsalubong din ang mga kilay niyang bagay na bagay sa singkit niyang mga mata.
"Kailangan ba'ng tayo na bago kita ipakilala?" nakangiting sagot ko habang nakatitig sa mukha niyang halatang naiirita na. Ang ganda niya pa rin kahit nakabusangot at tiger-look na.
"Ilang buwan na rin naman kitang nililigawan...a-and I want you to meet my Mom and my Step Dad, because I'm serious about us, Maxine," I declared with my raspy voice.
Her eyes softened. Ibinaba niya ang mga nakahalukipkip niyang mga braso at malakas siyang tumawa. Her exposed shoulders were shaking. Bigla namang uminit ang pisngi ko.
Tinatawanan niya ang feelings ko?
"Seryoso ka talaga, Gabriel?" nakangisi niyang tanong sa akin nang humupa na ang halakhak niya.
I cleared my throat and slowly adjusted my bow tie. "Oo naman! Seryosong-seryoso po Ma'am!" I answered loud and clear.
Naningkit pa lalo ang mga singkit niyang mga mata at sumibol sa mga labi niya ang isang nakakatunaw na ngiti. Para akong hihikain sa bilis ng kabog ng dibdib ko.
"Kapag ikaw binasted ko, walang iyakan ha?" she teased with a smirk on her face.
Napahawak ako sa batok ko at mabilis na napailing. "Tsk! Malabo 'yan, Maxine," nakangiti kong balik sa kaniya.
"Malabo kang umiyak?"
"Malabong bastedin mo 'ko!" mayabang kong sagot na nagpaawang ng mga labi niya.
"Para kang tanga! Ang kapal ah!" Kinurot niya ang pisngi ko at kitang-kita ko ang paggusot ng ilong niya. I always find her gorgeous when she does that. I can't help but laugh at her reaction.
"Gabriel, who's this lady?"
I stopped laughing and glanced over my shoulder. My mother, who gifted me my eyes, was watching me intently. She looked curious and concerned.
I miss her. I failed to protect her from that devil, but I am at ease now, knowing that she finally found love in Tito Royce.
Huminga ako nang malalim at nginitian ko siya. "Uh, si Maxine, Mom... nililigawan ko po."
Nagkatinginan sila ni Tito Royce. My Step Dad wrapped his arms on my Mom's waist as if bracing her... or us from what will happen next.
"H-Hi po, Tita. Stephanie Maxine Co po..." halos pabulong na pagpapakilala ni Maxine sa sarili.
My mother shot her a quick look, her thin lips pursed. "Ms. Co... I don't like you for my son." Umiling-iling pa siya.
"Laila..." mahinang pagtawag ni Tito Royce sa asawa. Humigpit ang hawak niya sa bewang ng nanay ko.
Maxine's eyes widened, and she quickly shifted her gaze at me. I took her hand. Napangiti ako dahil ganitong-ganito rin talaga ang lamig ng mga palad niya noon. If only she knew my mom was just playing with her.
"Just kidding, iha!" Mahinhing tumawa si Mom at agad siyang humakbang papalapit kay Maxine para makipag-beso. "You're so pretty! Bagay na bagay kayo ng anak ko!"
Maxine smiled back at her shyly. Her eyes were darting. Napansin iyon ni Mom at mabilis niyang inagaw sa akin ang kamay ni Maxine.
"Oh! Are you still nervous?" she asked gently. "Please don't be, iha. Mahal ko ang mahal ng anak ko..."
Napabungisngis si Maxine. "Grabe naman po 'yong word na 'mahal'. Mukhang crush lang naman po ako ni Gabriel eh," nahihiya niyang sagot. Tinapunan niya ako ng tingin at ngiti. "R-Right Gabriel?"
Hindi ako nakasagot noon at hindi pa rin ako makasagot ngayon. Everything about her makes me dumb and stupid.
"Natameme na si Gab, Laila. Come on! Let's leave the kids," natatawang aya ni Tito Royce kay Mom.
Kasabay ng pagtahimik ko ay ang pagtahimik din ng buong paligid. Mas dumilim ang bulwagan. Nawala ang lahat ng ilaw maliban sa nakatutok sa amin ni Maxine. Maliwanag iyon, pero hindi nakakasilaw. Narinig kong tumutugtog ang paborito kong kanta.
Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka....
"Uy, Gabriel!" Tinapik ni Maxine ang braso ko. "Okay ka lang?"
Hindi ako umimik. Marahan kong inangat ang palad ko at inilahad ko iyon sa harap niya.
"C-Can I have this dance?" my voice trembled.
Yumuko siya para itago ang ngiti sa mga labi niya. Pero mabilis ang mga mata ko, huling-huli ako ang kilig na gumuhit sa mukha niya.
Inabot niya ang kamay ko at bahagyang dumilim ang ilaw na nakatutok sa amin. Mabagal ko siyang isinayaw noon. Mas binagalan ko pa ngayon.
"Hindi lang kita crush, Maxine. P-Panalangin kita," nauutal kong bulong sa kaniya. Nakatitig ako sa mga matang niyang hindi nakakasawang pagmasdan.
"Ano?" kunot-noo niyang tanong.
"You are my prayer," I softly said as I slowly turned her around on the dimmed dance floor.
Pagharap niya muli sa akin, wala na ang kunot sa noo niya, nakangiti na siya.
"Gabriel, I am now your answered prayer," she said like a lullaby.
I don't want to close my eyes or even blink. I wanted to freeze this moment.
Napalunok ako sa sinabi niya. Wala ibang lumabas sa bibig ko kundi pagtataka.
"W-What?!"
Huminto kami sa pagsasayaw. Bumuga siya ng hangin.
"What what?!" she asked, irritated. Crossing her arms.
"Ang slow mo naman, Gabriel!" Gumusot na naman ang ilong niya at humaba pa ang nguso niya.
"W-Wait? Sinasagot mo na 'ko?!" Muntik na akong pumiyok dahil sa pinaghalong kaba at excitement.
Isinampay niya ang mga braso niya sa leeg ko at tinitigan niya ako. "Sinasagot na ni Lord ang panalangin mo..." she declared with her eyes glistening with tears.
"Mahal kita," maluha-luha kong sambit.
"Mahal na rin kita," bulong niya.
Mahigpit ko siyang niyakap. Naamoy ko ang buhok niya. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya. Naririnig ko ang paborito kong kanta habang humihigpit ang pagyakap ko sa kaniya... hanggang sa unti-unting nawala ang musika.
Napakurap ako, at pagmulat ko, nasa loob na kami ng sasakyan ko. Kalong-kalong ni Maxine ang isang bouquet ng pulang roses. Paborito niya ang mga iyon, pero bakas ko sa mukha niya na hindi siya masaya. Nakatulala siya at parang wala sa sariling pinaglalaruan ang dulo ng buhok niya.
That was our first Valentine's day as a couple, yet she seems distracted.
"Maxine, are you okay?" malumanay kong tanong habang nagmamaneho.
"Y-Yes, pagod lang ako sa practice ng varsity kanina..." Sumagot siya, pero hindi niya ako sinulyapan.
"Matulog ka na muna para makapagpahinga ka. Gigisingin na lang kita kapag nando'n na tayo sa restaurant." Nginitian ko siya, ngunit hindi niya napansin iyon dahil nakatulala pa rin siya.
I gently held her hand to at least make her glance at me. But she gasped as my hand brushed hers. Inilayo niya pa ang kamay niya sa akin na para bang natakot siya sa saglit na pagdampi ng palad ko sa kamay niya.
"Is there something wrong, love?" I asked as I fixed my eyes on her.
"W-Wala. S-Sorry nagulat lang ako..." mabagal niyang sagot.
Bumaba ang tingin ko sa leeg niya at napansin kong pigtal ang isang butones ng uniporme niya.
"Ano'ng nangyari sa blouse mo? Kulang ng butones o!"
Napalunok siya sa sinabi ko at mabilis niyang inipon ang mahaba niyang buhok. She panickedly covered her blouse with hair. "A-Ah... s-sumabit kasi sa locker kanina, n-no'ng nagbibihis ako..."
I accepted her lies. I should have known what's happening to her. Boyfriend niya ako, pero wala man lang akong nagawa para sa kaniya. Boyfriend niya ako, pero hindi ko man lang siya naprotektahan sa demonyong iyon!
Binitawan ko ang manibela at kusang huminto ang sasakyan. Hindi ganito ang nangyari noon; nagpatuloy lang ako sa pagda-drive hanggang sa makarating kami sa restaurant kung saan kami naghapunan.
But this time, I stopped driving. Humarap ako kay Maxine at hinawakan ko ang pisngi niya. Napapikit siya sa ginawa ko.
"Sorry, Maxine, hindi ko alam... sorry, love. K-Kung alam ko lang, hindi ka na sana nagtiis ng ilang taon. I am so sorry, love. S-Sorry I failed to protect you. S-Sorry I wasn't able to save you..." Basag na ang boses ko at nag-uunahan na ang mga luha ko. Nahihirapan akong huminga dahil sumisikip ang dibdib ko.
Hindi ko akalaing makakaramdam pa rin ako ng sakit sa lugar na ito.
Nanatiling nakapikit ang Maxine na kaharap ko, para siyang estatwang hindi humihinga. Ipinikit ko rin ang mga mata ko habang dahan-dahan kong inilalapit ang mga humihikbi kong labi sa noo niya.
Sinubukan kong patagalin ang halik na 'yon, ngunit biglang lumiwanag ang paligid. Sa halip na masilaw ako at mas mapapikit pa, unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.
Maiksi na ang buhok ng Maxine na katabi kong nakahiga sa kama. Nakangiti lang ako habang inaabangan ang pagmulat ng mga mata niya. Her long eyelashes flickered and her red lips curved into a smile.
"Good morning, my fiancé," she greeted in her bedroom voice.
At last, my favorite morning before she forgot everything about me.
"Good morning, future Mrs. Del Rosario," I responded and then I softly brushed my lips to hers.
I heard her moan softly before she parted from my kiss. "M-Masakit pa..." she whispered shyly. Napangisi ako sa sinabi niya. Mabilis naman niyang hinampas ang dibdib ko.
"Bakit ka natatawa?!" singhal niya.
Kinagat ko ang labi ko at tinitigan ko ang mga namamaga niyang mga mata. She cried when I proposed to her yesterday, and we were both in tears as we made love for the first time last night. Kaya tuloy, mugtong-mugto ang mga mata niya.
"Ayon kasi agad ang naisip mo, eh kiss lang naman talaga ang gagawin ko..." panunukso ko sa kaniya.
Tumalas ang tingin niya sa akin. Gigil niya akong binato ng unan sa mukha at dali-dali siyang tumayo sa kama, pero mabilis ko rin siyang nahabol. I embraced her and I showered her shoulders with morning kisses. Her soft giggles echoed in our hotel room.
But then the room's red wallpaper started to melt as they were splattered by the heavy rain brought by that storm. Maxine's laughter turned into sobs, and her body trembled in fear as we stood beside my car.
"Tatay mo ba talaga siya? Tatay mo 'yong hayop na 'yon?" Marahas niyang inalis ang mga kamay kong nakayakap sa puson niya at humarap siya sa akin.
Nangatog ako bigla dahil sa tanong niya at dahil basang-basa na rin kami pareho ng ulan.
I grabbed my jacket inside my car. Pilit kong nilalabanan ang pag-iyak habang isinusuot ko sa kaniya ang pula kong jacket para takpan ang punit niyang damit.
"Gabriel, sumagot ka please... t-tatay mo ba talaga si Coach?" Her voice cracked. Dumudulas sa pisngi niya ang pinaghalong luha at tubig-ulan. Paulit-ulit kong pinupunasan ang mga iyon, kahit na alam ko namang hindi iyon hihinto.
Naririnig ko ang malakas na kulog na parang sinasabayan ang nararamdaman kong galit sa dibdib ko.
"Sumakay ka na Maxine... iuuwi na kita..." pagaralgal kong utos sa kaniya.
Umiling-iling siya habang humihikbi. Parang may punyal na unti-unting bumabaon sa puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Para akong pinapatay nang paulit-ulit dahil sa nakikita ko ngayon.
Maxine's hands were shaking as she tugged the sleeves of my polo. Her lips were trembling because of the cold wind. Her tears were pouring non-stop like the rain that night.
"Gabriel, please, sabihin mong hindi totoo... magsinungaling ka na lang please. Parang awa mo na. H-Hindi ko kaya, hindi ko kaya 'to. H-Hindi puwedeng tatay mo siya. Please, G-Gabriel..."
Hirap na hirap siyang banggitin ang pagmamakaawa niya. Pakiramdam ko ay matutumba siya kung hindi lang ako nakahawak sa bewang niya.
Hindi ito kasama sa mga paboritong alaala ko. Please, ihinto Mo na ang gabing ito.
Tumahimik ang buong paligid. Tumigil ang patak ng ulan. Binura ng puting usok ang kalsada, ang sasakyan ko, ang kidlat sa langit, at si Maxine.
Ako na lang ulit mag-isa. Napahawak ako sa ulo dahil biglang kumirot ito.
I absentmindedly looked up... and then there's the sky again, glowing with the waxing crescent moon.
"I love you..."
Napangiti ako nang marinig ko ulit si Maxine. Naglaho ang sakit ng ulo ko. I was transported to a different memory. It's that Christmas Eve at her condo.
"Mahal din kita palagi... Ikaw lang. Simula pa noon," sagot ko sa kaniya.
Pinagsaluhan namin ang gabing akala ko ay hindi na matatapos. Akala ko magsisimula na ulit kami, pero kinabukasan, tuluyan kaming nagwakas.
"Gabriel... see you never."
Her last goodbye echoed in the void I now find myself in again.
Walang pinagkaiba kung dumilat man ako o pumikit. Madilim. Malamig. Tahimik.
I clutched my chest as the air became thinner. Sumisikip ang dibdib ko. Napaluhod ako dahil parang hindi na ako makahinga.
Mamamatay na yata ako.
Natawa ako nang sumagi 'yon sa isip ko.
Tsk! Bad joke, Gabriel!
Mariin akong pumikit at nanalangin.
God, please, huwag Mo namang putulin dito. Give me something I can dream of a million times. I don't want to go like this. Parang awa Mo na, huwag Mong tapusin dito.
Napamulat ako nang maramdaman ko ang magaang pagtapik sa balikat ko.
"There's your bride," bulong sa akin ng pari.
Bigla na lang akong napahagulgol. Hindi naman ako umiyak nang ganito no'ng kinasal kami. But knowing that this would be the last time that I'm going to see her walk down the aisle made me sobbed like a kid.
Tumutugtog ang paborito kong kanta habang marahan siyang lumalakad papalapit sa akin sa altar. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at huminga ako nang malalim.
She was wearing the white flowy dress that we bought an hour before our wedding. Ang mga puting bulaklak na bitbit niya ay binili lang din namin sa labas ng simbahan.
Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na kaba at saya. Ilang hakbang na lang, magiging asawa ko na siya. Ilang hakbang na lang, matutupad na ang panalangin ko. Ilang hakbang na lang... matatapos na ito.
Mabagal akong umiling. Hindi... hindi matatapos ito.
Hinding-hindi matatapos ang ganitong klase ng pagmamahal. Kahit nasaan ako, Maxine, hinding-hindi ako hihintong mahalin ka. At kung sakaling magkita ulit tayo sa sususunod na buhay ko... ikaw pa rin ang pipiliin ko. Ikaw pa rin ang panalangin ko.
"Kinakabahan ka 'no? Puwede ka pang umatras, Gabriel. Tataguan na lang kita ng anak."
Napaigtad ako nang marinig ko ang boses niya. Nagulat ako na magkaharap na pala kami sa altar. Malambing siyang nakatitig sa akin habang hinihintay ang sagot ko sa pang-aasar niya.
"Bakit ako aatras? Tatlong beses akong nag-propose sa'yo, kaya tatlong beses din kitang papakasalan. This is one out of three, love. May dalawa pa," nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Patay na patay ka talaga sa akin ah?" ganti niya kasabay ng isang tipid na tawa.
"Kung hindi pa obvious sa 'yo, sige sasagot na ako ng 'Oo'" nakangisi kong tugon.
Kaming dalawa ni Maxine, ang pari ng maliit na simbahan na iyon sa Iloilo, ang dalawang sakristan, at Ikaw—masaya nating ipinagdiwang ang unang kasal namin ng panalangin ko. Pinangakuan ko siya ng tatlo, pero hindi ko na matutupad pa ang dalawa.
I watched myself smiling warmly at my wife before gently kissing her soft lips.
"I love you, Mrs. Del Rosario," I whispered, pulling her closer for another kiss.
And then, just like the final scene of a movie, everything faded to black.
Tapos na ba ang pitong minuto ko?
***
"Hello?" Narinig kong tawag ng maliit na tinig.
Isang pinto ang biglang sumulpot sa harap ko at iniluwa noon ang isang batang lalaking kamukhang-kamukha ko.
"Hi, are you my angel?" nakangiti kong tanong sa bata.
"Ahuh! Your angel, Lucian!" masigla niyang sagot sa akin.
"Lucian?" My brows furrowed in confusion.
"Light!" bulalas ko.
He giggled. "Yes, just like what Mommy wants!"
"Mommy? Then... y-you are my—"
Napahinto ako sa pagsasalita. Lumuhod ako para magpantay kaming dalawa at mahigpit ko siyang niyakap.
"A-Are you gonna take Daddy away?" papaos kong tanong.
"No. I just want to hug you, Daddy!"
Warm tears started to stream down my face. Humigpit ang yakap ko sa kaniya. I never thought that I would still have this chance to hug him like this.
"Daddy, can you hug Mommy and my baby sister for me?" His small voice echoed.
"C-Can I?" I asked weakly.
I know You know I would trade anything just to be with her again. Kahit ano, isusuko ko, makita ko lang ulit siya... o kahit marinig ko lang ang boses niya.
"Love..." Narinig ko ang malambing na tawag ng asawa ko.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top