Chapter 34 - Endgame

Warning: This chapter contains strong language, depictions of violence and abuse. Reader discretion is advised.

Mahapdi na ang parehong palapulsahan ko dahil kanina ko pa sinusubukang pigtasin ang cable tie na nakagapos dito. Hindi ako makababa sa amoy sigarilyong kama na kinauupuan ko dahil nakatali rin maging ang mga paa ko. Hindi ako makasigaw dahil sa tape na nakatakip sa bibig ko, pero mag-isa lang ako sa maliwanag na kuwarto—wala si Scarface. Ito na ang pagkakataon para makatakas ako.

Pinilit kong makalapit sa may ulohan ng kama. Gigil na gigil kong kinuskos sa kanto ng bakal na headboard ang cable tie, nagbabakasakaling mapigtal ito. Hingal na hingal na ako, pero hindi ako huminto. Pulang-pula na ang palapulsuhan ko, pero hindi ko ininda 'yon.

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha, paulit-ulit kasing sumasagi sa isip ko si Mama. Okay lang kaya siya? Si Gabriel? Alam kaya niya kung nasaan ako? Darating kaya siya?

Tumingala ako para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Wala akong oras para umiyak. Kailangan kong makaalis dito.

Uuwi ako sa 'yo, Gabriel. Uuwi kami sa 'yo.

Nagitla ako sa malakas na pagbagsak ng pinto. Napahinto ako saglit sa ginagawa ko nang marinig ko ang pagtawa niya.

But I didn't look at him, I gulped to collect myself and then I continued with what I'm doing.

"Ano'ng ginagawa mo, Stephanie?" Halos umalingawngaw sa buong silid ang nakakakilabot na boses niya.

Mahinang lumagitgit ang kama. Naramdaman ko ang bigat ng pag-upo niya sa kutson. Mariin akong napapikit.

"Tatakas ka? Iiwan mo ako?"

Hindi pa rin ako dumidilat. Binalewala ko ang mga tanong niya.

"Lumabas lang ako saglit para bilhan ka ng pagkain. I bet you're hungry. Hindi mo nakain 'yong ulam na dala ng nanay mo kanina," he said with his hoarse voice.

I flinched when I felt his hand on my left leg but I managed to kick it away.

Humagikgik siya na para bang natutuwa pa siya sa ginawa ko. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ang kinis mo pa rin talaga! Bagay talaga sa 'yo kapag nakapalda..." bulong niya habang nakangisi.

Muli niyang hinawakan ang binti ko at hinila niya ako papalapit sa kaniya. Napahiga ako sa kama dahil sa lakas ng paghila niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pabalagbag niya akong isinandal sa headboard ng kama. Impit akong napadaing.

He harshly removed the tape from my mouth and then he held my jaw. He moved his face closer to mine. I wasn't looking at his eyes but I could see his lips smiling as he sniffed my face like a dog.

"F-Fuck you... Fuck you!" Nanginginig ang boses ko pero buong lakas kong isinigaw 'yon sa mukha niya. Hindi man lang siya nasindak, ni hindi man lang nga niya inilayo ang mukha niya. Mas lumapad pa ang ngiti niya.

"Oh yes, Stephanie! Fuck me!" Humalakhak siya. "Huwag ka masyadong excited, kumain ka muna para may energy ka mamaya..."

Humigpit ang paghawak niya sa panga ko na halos bumaon na ang kuko niya sa balat ko.

"Open your mouth, Stephanie..." he instructed playfully. "Open wide..."

Umilig-iling ako habang pinipilit kong iyuko ang ulo ko.

"Ayaw mo kumain, ha?!" gigil niyang inangat ang mukha ko. Bakas ko sa boses niya ang inis. Kusa akong pumikit dahil ayokong makita ang mga mata niya.

"Ayaw mo ba rito sa bahay natin?" Biglang naging malambing ang tono ng pananalita niya. "Ayaw mo na ba talaga sa akin?" pabulong niyang tanong habang lumuluwag ang paghawak niya sa panga ko.

Napamulat ako sa sinabi niya. Matapang kong sinalubong ang mga nanlalaki niyang mga mata na pinalilibutan na ng mga linya. Marami ng kulubot at guhit ang mukha niya ngunit ang agaw-pansin pa rin ay ang dalawang peklat sa pisngi niya—ang mas mahaba ay gawa ni Gabriel.

"Kahit kailan hindi kita magugustuhan!" singhal ko.

"Bakit? Dahil kay Gabriel? Dahil sa anak ko?" Mas inilapit niya pa sa akin ang mukha niya. Amoy na amoy ko ang sigarilyo sa hininga niya. Marahas niyang binitawan ang panga ko.

"Magaling ba sa kama si Gabriel?" nakangiting tanong niya.

Napasinghap ako sa malisosyong sinabi niya. Inilipat niya ang kamay niya sa likod ng ulo ko.

"Napapasigaw ka ba niya nang ganito?" Sinabunutan niya pababa ang buhok ko.

"Agh!!!" I exclaimed.

Nanatiling nakaangat ang mukha ko habang hila-hila niya ang buhok ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa anit ko pero ayokong ipakita sa kaniyang nasasaktan ako.

"Ano, Stephanie?! Can he make you cry like this!?" He harshly pulled my hair and I bit my lips. I don't want to make any sound.

Lumunok ako at buong lakas kong inuyuko ang ulo ko para pumantay sa mukha niya. Nginitian ko siya bago ko dinuraan ang pinsgi niya.

"Puta!" malutong na mura niya kasabay ng mabilis na pagpupunas ng laway ko sa pisngi niya.

"Matapang ka na ngayon ha?!" nagpupuyos sa galit niyang bulyaw. Kitang-kita ko ang paglabas ng mga ugat sa leeg niya.

"Bakit ako matatakot sa iyo?" Mas nilakihan ko pa ang ngiti ko. "Mamamatay kang walang nagmamahal sa 'yo. Mamamatay kang kinasusuklaman ng anak mo. Mamamatay kang mag-isa. So, tell me... bakit ako matatakot sa nakakaawang kagaya mo?"

Nag-igting ang panga niya sa sinabi ko. Parang apoy na binuhusan ng tubig ang mga bilugan niyang mata nang unti-unting mawala ang tapang at talim ng titig niya.

He violently pushed me down onto the bed and positioned himself on top of me. He flashed his sinister grin as he loosened the first two buttons of his polo.

"Talk all you want, Stephanie... nasa akin pa rin ang huling halakhak!"

He forcefully lifted my tied wrists above my head and held them tightly. I softly groaned in pain. He chuckled in amusement. Then he moved his lips closer to my ear.

"Confession number one, Stephanie... I killed your dog," he whispered slowly. I could feel his warm breath on the back of my ears sending shivers down my spine.

"Confession number two... sinunog ko ang Café Amor." Mahina siyang tumawa.

Alam ko kung ano ang ginagawa niya. Inuubos niya ang natitirang pag-asa ko. Inuubos niya ang tapang ko. Inuubos niya ako. But I won't falter. Gabriel has given me so much love that would never run out. I will never be empty because of that.

"Confession number three..." he continued, his voice a playful whisper. "I killed your father."

A gasp escaped my lips, my heart racing as tears streamed down my cheeks.

"N-No... no..." I mumbled, my voice was shaking.

Pinatay niya si Papa? Hindi, imposible 'yon. He hanged himself.

"Nagpakamatay si Papa..." I convinced myself as I sobbed.

Mabagal na hinaplos ni Scarface ang buhok ko. Gusto kong masuka. Parang may gumagapang na mga linta sa ilalim ng balat ko. Naririnig ko ang pagtawa niya na nagpatayo ng mga balahibo sa batok ko.

"I made it look like that, Stephanie," he proudly declared, his firm voice echoing in my ears.

"Hayop ka! Hayop ka!" Punong-puno ng galit at desperasyon ang boses ko. Nagpupumiglas ako sa mahigpit na hawak niya sa mga nakagapos kong palapulsupan habang humahagulgol.

"You're pure evil! Hayop ka! Fuck you! Fuck—" Napahinto ang pagmumura ko nang sunggaban ng labi niya ang leeg ko.

Parang biglang napatid ang hininga ko nang maramdaman kong dumadampi sa balat ko ang hayok na hayok niyang bibig.

Pinihit ko ang katawan ko at buong lakas kong kinagat ang tainga niya. Napasigaw siya sa sakit at napabalikwas siya pababa sa kama.

"Putang ina! Tang ina ka!" Panay ang mura niya habang mabagal na tumatayo, nakahawak ang kanang kamay niya sa duguang tainga.

Pinilit kong umupo. Nalalasahan ko sa bibig ko ang dugo niya. Pinunasan ko iyon ng nakagapos kong kamay.

"Y-You will never... have me!" I locked my eyes on him. I could see how his chest trembled. Finally, fear. I could see fear in his eyes.

"You will rot in jail for everything you did! You will burn in hell! You will suffer alone and you will die alone!" My voice rose, filled with the strength I thought I'd lost.

Nakasandal siya sa pader at tila gulat na gulat pa rin sa ginawa ko. I have ended his reign over me. I have reclaimed my power. Na kahit igapos niya pa ako, kahit durugin niya ang puso at kaluluwa ko, hinding-hindi na ako mawawasak pang muli.

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at agad akong napalingon.

"M-Maxine!"

Gusto kong tumakbo papalapit kay Gabriel, pero hindi ko magawa dahil sa gapos ko. Bakas ko sa mukha niya ang pagod at pag-aalala. Namumungay at nanunubig ang mga singkit niyang mata na nakatitig sa akin.

Humakbang siya papalapit, ngunit natigilan siya nang itinutok sa akin ni Scarface ang baril niya.

"Sige! Sige, Gabriel... subukan mong lumapit kay Stephanie. Hindi ako magdadalawang isip na kalabitin ang gatilyo nito." Halos lumuwa ang mga mata niya habang nagbabanta kay Gabriel.

Itinaas ni Gabriel ang mga palad niya. "It's okay," he mouthed at me. I responded with a smile.

"Tama na... sumuko ka na. Parating na ang mga pulis," Gabriel said calmly while he continued to step forward.

His father smirked. "Sa tingin mo takot ako sa mga pulis... anak?" sarkastiko niyang tugon.

Napalunok si Gabriel at mabilis niyang binasa ang pang-ibabang labi niya. "Please, ibaba mo ang baril mo." Huminga siya nang malalim at mabilis niya akong sinulyapan.

"B-Buntis si Maxine. Buntis siya sa apo mo." Gabriel's voice quivered, he almost sounded like he's pleading. He bit his lips and looked at me intently.

Saglit na nabalot ng katahimikan ang buong silid. Dahan-dahang ibinaba ni Scarface ang baril niya habang nakatulala siya sa sahig at nakaawang ang mga labi.

Lord, is it over?

"Buntis ka?" tanong sa akin ni Scarface habang may mapait na ngiti sa mga labi niya.

Mabagal akong tumango. Napasabunot siya sa ulo niya at napailing bago siya malakas na tumawa.

"Magkaka-apo na ako?" Nanlalaki ang mga mata niya sa saya, pero hindi ko alam bakit binubundol pa rin ng kaba ang dibdib ko.

"Yes. So please, let us go," Gabriel spoke softly.

Muling tumawa si Scarface. Napangiwi ako dahil parang may kakaibang kilabot ang halakhak niya.

"Do you think I care, Gabriel? Wala akong pakialam sa anak mo!" sigaw niya.

Muli niyang itinutok ang baril sa akin. Impit akong napatili. Nanlaki ang mga mata ni Gabriel at dali-dali siyang tumakbo papunta kay Scarface. Dinamba niya ito, dahilan para mapahiga silang dalawa sa marmol na sahig.

"Raphael!" Gabriel shouted. "T-Take her... n-now!" Putol-putol niyang sigaw habang nakikipag-agawan ng baril sa tatay niya.

Ilang segundo lang ang lumipas, parang aninong biglang sumulpot si Jasper sa tagiliran ko. He unfolded a portable knife and quickly cut the cable ties on my wrists and legs.

"Tara na, Steph!" natataranta niyang utos sa akin.

Ibinaba ko ang tingin ko kay Gabriel sa sahig. Pinipigilan niya ang nanginginig na kamay ng tatay niyang pilit siyang tinututukan ng baril.

"No, Jasper... si Gabriel. Tulungan natin si Gabriel!" I said as I panicked.

"Hindi puwede. Ikaw muna. 'Yan ang sabi ni Kuya sa akin!" mariing sagot ni Jasper. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat palayo sa kama.

Nagpupumiglas ako sa bisig niya, gusto kong bumalik kay Gabriel. Pero natigilan ako nang marinig ko ang putok ng baril. Napahinto rin si Jasper sa paglalakad. Kumawala ako sa kanya at nilingon ko agad si Gabriel.

Napahawak ako sa bibig ko nang makita kong dumudugo ang binti niya. Nakaupo siya, nakasandal sa dingding, hawak ang sugat niya.

"Gabriel!" I shouted as I dashed towards him, but Jasper halted me.

Mabilis na niyapos ni Jasper ang puson ko at muling niya akong hinila palayo. "Saglit lang... Jasper, 'yong kuya mo!" hagulgol ko.

Hindi ko kayang alisin ang tingin kay Gabriel. Maraming dugo na ang lumalabas sa sugat niya, umaagos sa sahig. Itinukod ni Scarface ang siko niya sa sahig at mabilis siyang umupo. Idiniin niya ang baril sa sugat ni Gabriel. Napaungol si Gabriel sa sakit.

"Ano, makikialam ka pa ha?!" sigaw niya.

Gabriel quickly glanced at us. Lumiit ang mga mata niya at dismayado siyang umiling nang makita niyang pareho kaming na-estatwa ni Jasper.

"Raphael, 'di ba sabi ko umalis na kayo!" Gabriel shouted furiously.

Napaatras ako sa lakas ng sigaw niya. Mula sa binti ni Gabriel inilipat sa amin ni Scarface ang baril niya. Hinawakan ni Jasper ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa likuran niya.

"Isa ka pa?! Manang-mana ka sa kuya mo!"

Paika-ikang tumayo si Gabriel at pumagitna siya sa tatay niya at sa kapatid niya.

"Hindi ko gustong gawin 'to... pero pamilya ko na ang nakasalalay dito!" Dinukot ni Gabriel mula sa likuran niya ang isang maliit na baril. Itinutok niya 'yon sa noo ng sarili niyang ama.

Humalakhak naman si Scarface. Inilipat niya ang baril niya mula sa pagkakatutok nito kay Jasper papunta sa dibdib ni Gabriel. "Anak nga talaga kita!" natatawa niyang usal.

"So, pa'no? Pabilisan na lang tayong kumalabit ng gatilyo?" paghahamon pa nito habang nakangiti.

Lumipat ako sa unahan ni Jasper. Napatingin sa akin si Gabriel. Nanghina ang mga tuhod ko nang magtama ang mga mata namin. Malambot niya akong tinitigan at nginitian—iyong nakakatunaw niyang ngiti.

"I-It's Lucille, love... sorry kung kinulit ko si Aliyah para sabihin niya sa akin ang gender ni baby..."

Napahawak ako sa tiyan ko at kusang tumulo ang mga luha ko. Hindi ako makapagsalita habang nakatitig sa kaniya. Parang may hanging nakabara sa lalamunan ko.

Mas diniinan pa ng tatay niya ang baril na nakatutok sa dibdib ni Gabriel. "Ano, Gabriel? Should I count?" pang-aasar pa nito.

"Raphael, alagaan mo sila ha?" Sinulyapan ni Gabriel si Jasper na mabilis namang tumango pabalik sa kaniya.

"Mahal ko kayo ni Lucille," Gabriel whispered breathlessly as he gazed at me.

Ibinuka ko ang bibig ko para sumagot sa kaniya, pero napasinghap ako ng takpan ni Jasper ang mga mata ko. He covered my eyes as he dragged me away.

Narinig ko ang tatlong putok ng baril. Hindi ko nakita, ngunit narinig ko ang pagbagsak ng katawan ni Scarface at ni Gabriel sa marmol na sahig. Parang biglang tumigil ang oras. Parang biglang humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko. Sumikip ang dibdib ko at kahit gustong-gusto kong pumalahaw ng iyak, walang boses na lumalabas sa akin.

Lord, please! Huwag mo naman siyang bawiin!

I pounded my chest harshly to ease my breath. I inhaled and exhaled sharply. I opened my mouth but I couldn't make any sound except for crying and wailing.

Binalot ng hagulgol ko ang buong silid. Pilit kong inaalis ang mga kamay ni Jasper na nakatakip sa mga mata ko. Pero nanghihina ang mga braso ko. Nanlalambot din ang mga binti ko at kung hindi ako yapos-yapos ni Jasper ngayon, sigurado akong nabuwal na ako. Iniharap ako ni Jasper sa dibdib niya at mahigpit niya akong niyakap.

Hindi ako makahinga... parang ayoko nang huminga.

"Gabriel... Leonard Gabriel... " I whispered his name, hoping to hear him answer back. But everything was just too quiet.

Wala akong ibang marinig maliban sa pagtangis ko. "S-Sabi mo, h-habambuhay..." pagaralgal kong bulong sa hangin.

***

Nakatulala ako habang binibendahan ng nurse ang palapulsuhan ko. Nakaupo ako sa likod ng ambulansya at nakasampay sa mga balikat ko ang jacket ni Jasper. Sa gitna ng malamig na hangin, lumapit sa amin ang isang pulis. Walang emosyon ang aking mukha nang tumingin ako sa kaniya.

"Ah... Ma'am, puwede ko ho bang makuha ang buo niyong pangalan?" magalang niyang tanong sa akin.

Mapait akong ngumiti bago sumagot sa kaniya. "Stephanie Maxine Co - Del Rosario," I answered firmly.

"Ah... kaano-ano niyo po 'yong biktima?"

Napalunok ako nang mapagtanto kong ito ang unang beses na sasabihin ko ang mga salitang ilang taon kong pinangarap bigkasin. Ilang taon kong hinintay ang ganitong klaseng pagmamahal. Ilang taon kong hinintay na bumalik siya sa akin. Ilang taon akong nag-isa at ilang taon na naman muling mag-iisa.

Umilling ako. No. I have Lucille. I will never be alone.

"Hindi ka na mag-iisa, habambuhay mo akong makakasama..."

His vow on that small church in Iloilo echoed through my head... and I know that it will echo forever. Forever in my mind, always in my heart—just like how he promised.

His love came back to me to heal me and to make me whole again. It overflows, yet it is enough—at least in this lifetime.

"Ma'am? Kaano-ano niyo po 'yong biktima?" pag-uulit ng pulis.

I cleared my throat as I grasped the locket of the necklace that Gabriel gave to me.

"Asawa ko po," halos pabulong kong sagot.

Hindi ko inakalang ganito pala kasakit ang unang beses na lalabas sa mga labi ko ang mga katagang iyon—ang mga katagang ilang taon ko pinangarap bigkasin.

***

MsLynLuna

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top