Chapter 33 - Light
"Hi!" Nginitian ako ng chinitong lalaking kasabay kong naglalakad papasok sa gate ng school.
Sino 'tong mokong na 'to? Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin.
Bakit hindi siya naka-uniform? Naka-clip sa polo niya ang visitor's pass.
"Hi, Maxine, right?" He asked in his raspy voice. Tinignan ko lang siya saglit. Pagkatapos ay mas binilisan ko pa ang lakad ko.
"Napanood ko 'yong game niyo kahapon. Ang galing mo talaga mag-volleyball 'no? Nilampaso mo 'yong school namin!"
Hmmn... is he a stalker? Huminto ako sa paglalakad at humarap ako sa kaniya.
"Kuya, you're making me uncomfortable. Stop talking to me, please. Hindi kita kilala," mataray kong sinabi sa kaniya. I even rolled my eyes at him while crossing my arms in front of me.
"A-Ah sorry..." Humakbang siya paatras at mabilis na sinuklay ang buhok niya.
"I'm Leonard Gabriel Del Rosario, 18 years old. Ayan ah... kilala mo na ako." He flashed his white-teeth smile at me.
"See you when I see you. Ingat ka!" he said in a cheerful tone before he quickly ran away from me.
Kumunot ang noo ko. "Parang tanga!" I scoffed.
***
"Love, we're here..." Narinig ko ang malambing na pagtawag sa akin ni Gabriel habang inilalagay niya sa likod ng tainga ko ang ilang takas na hibla ng buhok ko.
Nakatulog ako sa buong biyahe namin pabalik ng Manila. Iyon na yata ang isa sa pinakamasarap na tulog ko. Ngayon ko na lang kasi ulit napanaginipan ang tagpong iyon—ang unang pagkikita namin ni Gabriel.
"Why are you smiling?" nagtatakang tanong niya sa akin habang pababa kami ng eroplano.
"Wala." I sucked in my cheeks to stop myself from grinning. "Napanaginipan lang kita..."
Ngumiti siya sa akin bago niya iniyapos sa bewang ko ang kaliwang kamay niya.
"Baka wet dreams 'yan ah?" he teased huskily.
Napahinto ako sa paghakbang at mahinang kinurot ang tagiliran niya. "Gago!" malakas na mura ko.
Napayuko ako nang maramdaman ko ang pagtitig sa akin ng ibang mga pasahero. Nakakahiya!
Gabriel cleared his throat. He removed his hand from my waist and then he gently pressed my head to his hard chest.
"Ayan kasi... dito ka na muna magtago," bulong niya habang humahagikgik.
Mabagal kaming naglakad habang nakatago ang mukha ko sa dibdib niya. Naririnig ko ang mabagal ding tibok ng puso niya. It was comforting. It was the most relaxing sound I've ever heard.
Mas binagalan ko pa ang paglalakad. Gusto kong sulitin ang sandaling ito dahil alam kong paglabas namin ng airport, panibagong problema na naman ang haharapin namin.
"Puwede ba nating puntahan si Gail sa ospital?" Nasa likod kami ng sasakyang minamaneho ni Jaime at paulit-ulit na hinahalikan ni Gabriel ang likod ng palad ko. Simula nang tumapak kami sa Manila, hindi na niya binatawan ang kamay ko.
"Umuwi muna tayo, tapos pupuntahan natin siya, okay?" he said, looking at me intently.
"Don't worry too much, love. Galing na ro'n sila Aliyah at Andrew kagabi. 'Di ba sabi naman nila, stable na si Gail?" malumanay na dagdag pa niya.
He was doing his best to comfort me, pero hindi mabura sa isip ko na baka ang tatay niya ang may pakana ng sunog sa Café Amor.
Naunang bumalik sila Li at Andrew kahapon sa Manila. May inasikaso pa kasi kami ni Gabriel sa Iloilo City kaya hindi kami nakasabay sa flight nila. Mula pa kagabi ay i-na-update ako ni Li tungkol kay Gail at sa bagong manager ng café na parehong nasa ospital ngayon, pero hindi pa rin talaga mapalagay ang loob ko.
"S-Sa tingin mo, may kinalaman si S-Scarface sa nangyari sa café?" I asked, as my free hand played with my lips.
"Kakasabi ko lang, Maxine... please don't worry too much." Gumusot ang mukha niya at nagsalubong pa ang mga makapal niyang kilay.
"Matulog ka kaya muna ulit, love." Idinampi niya ang mainit niyang labi sa noo ko. I thought his delicate kiss would silence my thoughts but it didn't.
It was his worried eyes that convinced me to stop from overthinking. Tama siya—hindi dapat ako nag-aalala lalo pa ngayong kasama ko na siya.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Malambing na sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok ko hanggang sa unti-unting pumikit ang mga mata ko.
***
I woke up in a different yet familiar bed. Iba ang kulay ng bedframe na gawa sa kahoy, pero pamilyar sa akin ang lambot ng kama. Wala ako sa unit ko, pero pakiramdaman ko nasa tamang kuwarto ako. Iginala ko ang paningin ko sa kabuan ng silid. Everything was neat, minimal, and light. Tanging ang kamang hinihigaan ko at ang study table na nasa sulok ng kuwarto ang nakikita kong muwebles. There were no other pieces of furniture—no carpet, no bedside table. Three black-and-white photographs of the moon adorned the white wall. Puti rin ang kurtina na sumasayaw sa hanging galing sa labas ng malaking bintanang gawa sa salamin.
This is not the first time I woke up in this bed.
Napahawak ako sa labi ko. Napangiti ako nang ma-realize ko kung nasa'n ako. Nasa bahay ako ni Gabriel—sa parehong kuwarto kung saan niya ako inuwi noong nakita niya ako sa Twilight Lounge na sumasayaw nang wala sa sarili.
"Gising ka na pala..."
Mula sa bintana ay inilipat ko ang paningin ko sa may pintuan. Gabriel was smiling as he walked towards me. That same white-teeth smile that he gave me when I first met him.
"B-Binuhat mo ba ako hanggang dito? Sana ginising mo na lang ako..." nahihiya kong usal.
Umupo siya sa gilid ng kama at tinitigan ang mga mata ko. Mabilis kong pinunasan ang mga iyon, baka kasi may muta pa ako... nakakahiya naman sa kaniya. Hindi siya kumukurap, nakatitig pa rin siya sa akin.
"May muta ba ako, Gabriel?"
Napangisi siya sa tanong ko. "Wala... nakakatulala lang 'yong ganda mo," tugon niya.
"Binobola mo pa ako!"
"Hindi ah!" Napahawak siya sa batok niya at marahang itinagilid ang ulo niya na para bang pinapanood niya ang paghinga ko. "Hindi ako makapaniwalang nandito ka na sa bahay. Finally, naiuwi na rin kita." His voice trembled.
Maybe that's what I love most about him—he always makes me feel appreciated. Ilang ulit niya na akong nahalikan, ilang beses niya na akong nayakap, ilang araw at gabi niya na akong naangkin, pero palagi pa rin niyang ipinaparamdam sa akin na para akong pangarap o himalang mailap na paulit-ulit natupad.
"D-Dito na tayo titira, Gabriel?"
He nodded slowly. He took my left hand and held it firmly.
"Pa'no 'yong mga gamit ko sa unit ko?"
"Napalipat ko na lahat dito. Hindi na safe para sa inyo ni baby ang mag-stay pa roon..." Tumikhim siya. "Sabi ng kuya mo, alam na daw ng tatay ko ang address ng condo mo, eh." Lumikot ang mga singkit niyang mata. Napalunok siya bago niya ipirmi sa akin ang titig niya.
"Pero huwag kang mag-alala, hindi siya makakalapit sa inyo rito," mariing saad niya.
I faked a smile on my face. I don't want to think about Scarface, but I can't help it. Lalo pa ngayon, na hindi na lang ako ang kailangan kong protektahan sa kaniya. Parang biglang nanikip ang dibdib ko. Binatawan ko ang kamay ni Gabriel at dahan-dahan kong niyakap ang tiyan ko.
"I'm scared, Gabriel..." My words were muffled as he embraced me tightly.
"Hey... don't be, love," he whispered slowly.
Ilang segundo kaming nanatiling magkayakap. Paulit-ulit niyang inaalo ang likod ko at unti-unting lumuwag ang dibdib ko.
"May ipapakita ako sa'yo para naman mawala 'yang mga iniisip mo." Ramdam na ramdam ko sa leeg ko ang mainit niyang hininga habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.
Dahan-dahan akong kumalas sa yakap niya. Inalalayan niya ako sa pagtayo.
"Can you close your eyes?"
Napakurap-kurap ako. Nahiwagaan kasi ako sa request niya. But he looked so serious and excited. May kakaibang kinang ang mga mata niya at may pausbong ding ngiti sa mga labi niya. Sinunod ko siya at marahan kong ipinikit ang mga mata ko.
Gabriel held my wrist gently as he guided me. Saglit lang din naman kaming lumakad—parang lumipat lang kami sa kabilang kuwarto. Amoy pintura at amoy kahoy ang kuwartong kinatatayuan namin.
"Puwede na ba akong dumilat?" I asked while pinching my nose.
"Shit! Sorry, kakatatapos ko lang magpintura kanina habang tulog ka." Napamulat ako ng mata dahil sa natataranta niyang paliwanag.
"Sorry, Maxine... halika, lumabas na tayo," aya niya sa akin habang nakahawak sa braso ko. Pero hindi ko siya pinansin.
Naagaw ang atensyon ko ng bagong pinturang kuwarto. May mural ng buwan at bituin ang dingding nito. Malapit doon ay may crib na gawa sa kahoy. Wala pa itong pintura pero may nakasabit na mobile na nilalambitinan ng araw, buwan, at mga bituin. Nanubig ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung para kanino ang kuwartong ito.
"I-Ikaw ang gumawa no'n?" Itinuro ko ang mural ng nakangiting buwan sa pader.
"Oo, Maxine. Pati 'yang crib, handmade ko 'yan," masiglang sagot ni Gabriel. "Para sa anak natin," dugtong pa niya.
Hindi ako makapagsalita. Kusang tumulo ang mga luha ko habang humahakbang ako papalapit sa crib. Nakasunod sa akin si Gabriel.
"Shit! Bakit ka umiiyak? Panget ba? Hindi mo ba nagustuhan?" natatarantang tanong niya habang mabilis niyang pinupunasan ang mga luha ko.
Umiling ako, "I like it very much, Gabriel... sobrang ganda." Nanginginig ang boses ko dahil sa umiiyak ako, pero ang saya-saya ng puso ko.
"For sure, magugustuhan din ito ni Lucille or ni Lucian," nakangiti kong sambit sa kaniya.
Napahinto ang mga kamay niya sa pagpalis ng mga luha ko. Lumiit ang mga mata niya at gumuhit sa mukha niya ang pagtataka.
"Lucille or Lucian?" He chuckled.
"Hmmn... Lucille kapag babae, Lucian naman kapag lalaki," nakangiti kong saad. "Ibig sabihin light."
Lumawak ang ngiti sa mga labi niya. "I like it very much, Maxine!"
Inilapit niya sa akin ang mukha niya at unti-unti kong sinalubong iyon ngunit natigilan siya. Biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang dinukot iyon sa bulsa niya.
Kitang-kita ko ang paglaki ng mga singkit niyang mata.
"N-Nag-text ka sa 'kin?" naguguluhang tanong niya kasabay ng paglukot ng mukha niya.
"H-Huh? A-Ano'ng text?"
"Nag-text ka sa 'kin, ngayon lang..."
Nagtambol ang puso ko. Parang alam ko na ang text na tinutukoy ni Gabriel. Mahina niyang binasa ang text ko.
"...I'm sorry that I will never be able to give you what you need and what you deserve. But you will always have my heart... and my broken soul. I'm sorry I couldn't fix it..."
It was what I was thinking—that farewell message that I drafted for him last January.
"A-Ano 'to, Maxine? B-Bakit ganito ang text mo? Ikaw ba talaga 'to? Nasa'n ang phone mo? Baka may naka-hack sa phone mo? Why would you send me this? Bakit parang nagpapaalam 'tong text mo?" Sunod-sunod ang tanong niya pero blanko ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Gabriel ang kasalanang nagawa ko.
Tahimik akong naglakad palabas ng nursery. Dire-diretso lang ako hanggang sa makabalik ako sa kabilang kuwarto. Hindi ko pinapansin ang paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Gabriel.
Umupo ako sa kama at mabagal kong minasahe ang noo ko.
"Maxine, can you explain this to me, please?" Gabriel crouched in front of me. He looked worried and confused at the same time. The corners of his lips were slightly trembling.
"H-Hindi ko alam kung bakit nag-send pa sa 'yo 'yan. I deleted the app that could do that..." I started explaining.
His brows furrowed. "Do what?"
"Send scheduled messages, Gabriel. Last January pa dapat 'yan... when I tried to—" I swallowed hard then I moistened my lips. "When I tried to kill myself..."
Tears started to stream down my face. He was speechless. Nakaawang ang mga labi niya pero hindi siya nagsasalita.
Tumayo siya at lumipat siya sa tabi ko. Dahan-dahan niya akong iniharap sa kaniya kasabay ng malalim na pagbuntong-hininga.
"Stop crying, love... tapos na 'yon. Ang mahalaga nandito ka na. Nandito ka pa rin. Nandito pa rin kayo." Hinawakan niya ang tiyan ko at mas lalong lumakas ang paghikbi ko.
"I'm sorry. H-Hindi ko pa alam no'n na buntis ako. I was just too tired of living back then. Nawala si Papa. Pinalayo kita... nawala tayo. Napagod akong mabuhay no'n. Napagod akong mag-isa." Basag na basag ang boses ko habang patuloy akong humahagulgol.
Pilit pinupunasan ni Gabriel ang mga nag-uunahan kong luha, pero ayaw nilang huminto. Niyakap niya ako nang mahigpit. Naramdaman ko ang init ng mga nanginginig niyang bisig at ang pagpatak ng mga luha niya sa leeg ko. Naririnig ko ang pagsinghot niya, pero hindi siya kumikibo. Pahigpit nang pahigpit ang yakap niya sa akin na parang takot na takot siyang mawala ako... na mawala kami sa kaniya.
"I'm sorry, Gabriel. I'm so sorry..." Iyon lang ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig ko habang patuloy na dumudulas ang mga luha ko.
He slowly parted from our hug. He tucked a few strands of my hair behind my ears and then he softly kissed my lips.
We both cried as we shared that kiss, filled with vulnerability. Our lips trembled, and I could taste our tears mingling
Siya ang unang bumitaw sa halikan namin. Huminga siya nang malalim at hinawakan niya ang mga kamay ko.
"I promise to give you a life worth living. Araw-araw kong ipaparamdam sa iyo na masarap mabuhay, Maxine," he whispered with his shaking voice.
I stared deeply into his glistening eyes. I gulped and then I gently touched his reddish cheeks.
"Mahal na mahal kita, Gabriel... hinding-hindi na ako mapapagod mabuhay para sa 'yo at para sa anak natin." I smiled at him before claiming his wet lips.
We were both in tears as we made love. At first, those tears came from pain and guilt, but as he whispered, "I love you," and his touch transformed into something healing, I realized I wasn't crying from sadness or remorse. I was crying because, at last, I felt truly happy.
***
Madilim na sa labas nang magising ako. Wala si Gabriel sa tabi ko at wala rin siya sa buong bahay. But he left a cute note on the fridge's door. May doodle pa ng mukha niyang naka-nguso na para bang humihingi ng kiss.
Love,
May pupuntahan lang kami ni Andrew. Mabilis lang. Nasa garahe si Jaime at naglilinis ng sasakyan. Pupunta rin pala diyan ang Mama mo. Magdadala raw siya ng paborito mong pochero.
See you later, love. I love you! Muah!
Napangiti ako. Inilapit ko sa bibig ko ang note ni Gabriel at hinalikan ko ang doodle na ginawa niya.
Pinitik ko ang papel at idinikit ko ulit iyon sa pinto ng ref. "Bilisan mo, love. Miss na kita agad," natatawa kong bulong sa sarili.
"Steph!"
Narining ko ang boses ni Mama na sinundan pa ng tatlong sunod-sunod na katok. Dali-dali akong tumakbo papunta sa living room para pagbuksan siya ng pinto.
Napaatras ako nang makita ko si Mama na nanginginig at namumutla. Bitbit niya ang isang paper bag at nanunubig ang mga mata niya. Nakatayo sa likuran niya ang kahuli-hulihang tao sa mundo na gusto kong makita—si Scarface. Nakatutok sa sentido ni Mama ang baril nito at nakaabang ang daliri niya sa gatilyo.
Hindi ko alam kung isasara ko ba ang pinto o kung tatakbo ako paakyat sa kuwarto. Namamanhid ang buong katawan ko. Ni hindi ko nga yata maikurap ang mga mata ko. Nanunuyo ang lalamunan ko.
"Ma..." That was all I could manage to say with my cracking voice.
"Steph... I'm sorry, anak. H-He followed me here," pabulong na sagot ni Mama habang lumuluha.
"J-Jaime!... Jaime!" papiyok kong sigaw habang nakatitig sa mga mata ni Mama.
"Wala na si Jaime, Stephanie." Kinilabutan ako nang marinig ko ang magaspang na boses na iyon.
He flashed a sinister grin, his black cap casting a shadow over his face, but I could see the delight in his eyes.
Pinilit kong mag-ipon ng hangin sa baga ko. "Ano'ng ginawa mong hayop ka?!" Nagpupuyos ang boses ko sa galit.
He grinned wider. "Gusto mo'ng gawin ko rin sa nanay mo ang ginawa ko kay Jaime?" Idiniin niya sa sentido ni Mama ang baril.
"No! Please, pakawalan mo si Mama!" sigaw ko. Ikinuyom ko ang mga palad ko para pigilan ang panginginig ng kamay ko. Ayokong ipahalata sa kaniyang natatakot ako.
"Papakawalan ko siya, basta sumama ka sa akin," nakangisi niyang utos sa akin.
Parang may kung ano'ng gumapang sa ilalim ng balat ko. Gusto kong hilahin palayo sa kaniya si Mama.
Paano kung bumigay ang puso ni Mama? Hindi ko kakayanin kapag pati siya nawala sa akin.
"Sige... sasama ako sa iyo," mariin kong sagot.
Halos mahulog ang panga ni Mama sa sinabi ko. Paulit-ulit siyang umiling. "No, anak... don't do that, please..."
Inabot ni Mama ang mga nakauyom kong palad pero mabilis siyang itinulak ni Scarface kasabay ng paghablot nito sa palapulsuhan ko. Napasigaw ako nang bumaon ang kuko niya sa balat ko. Tumama ang ulo ni Mama sa hamba ng pinto bago siya napasalampak sa sahig. Tumilapon sa tiles ang lamang ulam ng paper bag na dala niya.
I didn't resist. Hinayaan kong kaladkarin ako ni Scarface habang humahagulgol si Mama. Liningon ko si Mama at nakita ko ang unti-unti niyang pagtayo mula sa pagkakasalampak niya sa sahig. Kitang-kita ko rin ang pagtulo ng dugo galing sa noo niya. Pero hindi niya iyon iniinda; dali-dali siyang tumakbo papunta sa amin.
"Hayop ka! Bitawan mo ang anak ko!"
Napaharap si Scarface dahil sa malakas na sigaw ni Mama. "Shut up! Woman!"
Itinutok niya ang baril kay Mama habang mariin pa rin ang kapit niya sa palapulsuhan ko.
"Stop, please! Huwag mo na idamay pa si Mama rito!" Nanginginig ang boses ko habang nakatayo sa pagitan nila.
Matalim niya akong tinitigan. Ibinaba niya ang baril niya at saglit na lumuwag ang dibdib ko.
"Demonyo ka talaga! Tigilan mo na si Steph!"
That was the last thing my mother said before Scarface shot her in the leg. Napasigaw siya sa sakit pero pinilit niya pa ring tumayo para habulin ako.
"Hayop ka!" sigaw ko kay Scarface kasabay ng paghakbang ko papunta kay Mama. Marahas niya akong hinila pabalik sa kaniya.
"Sige, Stephanie. Subukan mo. Isusunod ko talaga kay Jaime ang nanay mo!"
Umapaw ang mga luha sa mga mata ko at nawala ang kakaunting liwanag na naaaninag ko.
"Lucille... Lucian..." bulong ko habang unti-unting akong nilalamon ng dilim.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top