Chapter 32 - Free
Hindi pa kami tapos kumain, pero busog na busog na ako sa hapunang pinagsasaluhan namin sa dalampasigan. Bukod sa samu't-saring seafood na niluto nila Auntie Elia at sa hindi nakakasawang mangga ng Guimaras, hindi rin maubos-ubos ang mga tawanan namin sa hapag-kainan. Panay kasi ang kantyaw ni Tito Royce kay Gabriel na wala namang ibang ginaganti sa stepfather niya maliban sa nahihiya niyang pagngiti habang patuloy akong ipinagbabalat ng hipon.
"You said you've already proposed twice? Right, Gab?" nakangising tanong ni Tito Royce sa fiancé ko.
"Y-Yes, Tito. P-Pangatlo na po 'yong kanina," mabagal na sagot ni Gabriel. I saw him smile awkwardly before giving me a quick glance.
"And yet you don't know how to kneel properly, Gabriel!" His mother added. She chuckled softly as she took a sip from her wine glass.
"Mom! Please..." Marahang ginulo ni Gabriel ang buhok niya.
Rinig na rinig ko ang malakas na tawa ni Kuya Spence na nakaupo sa pagitan nila Mama at Auntie na katapat ko lang sa lamesa. Si Li na katabi ko ay mahina ring humahagikgik, maging ang asawa niyang si Andrew.
"Nahulog pa nga ang singsing, Nay!" sabat ni Jasper kasabay ng pagbungisngis at malakas na pagtapik sa likod ng kuya niya.
Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko habang nakatingin kay Gabriel. Napailing siya at pinatunog pa ang dila niya.
"Tsk! Sino ba namang hindi magkakamali sa kaba—it's Maxine. Everything about her makes me dumb and stupid," he said as he fixed his eyes on me.
"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung matatawa o matutuwa ba ako sa sinabi niya.
"Is that a compliment for Mei-mei, Architect?" Kuya Spence teased, lifting an eyebrow playfully.
"Uhm... i-it should be, at least in my mind, p-pero natatanga talaga ako kapag sinasabi ko na, K-Kuya..." pautal na sagot ni Gabriel.
Mahinhing tumawa si Kuya Spence na may kasama pang pagtakip sa bibig niya.
"Kuya?" Sinulyapan niya sa Mama. "Did you hear that, Mama? Tinawag akong Kuya ni Architect? Ang awkward!" Humagalpak ng tawa si Kuya Spence.
Napayuko si Gabriel habang unti-unting gumuguhit sa mga labi niya ang isang ngiti. Hinuli ko ang mga kamay niya sa ilalim ng lamesa at pinagsalikop ko ang mga daliri namin. Nanlalamig ang mga palad niya. He is really nervous! Who wouldn't be? Ito yata ang unang beses na nakasalo namin sa hapunan ang pamilya namin.
"I love you," I whispered to him as I rested my head on his broad shoulder.
"I love you too," he answered back as he caressed my knuckles.
Tumikhim si Mama. Napatuwid ako ng pagkakaupo at mabilis akong nag-angat ng ulo.
"Tatlong beses ka na pala nag-propose kay Steph, pero isang beses ka lang nagpaalam sa 'kin?" Nangibabaw sa hapag-kainan ang boses ni Mama.
Hindi ko mapigilang magulat sa sinabi niya—nanlaki ang mga mata ko. Nakataas ang kilay ni Mama at parang medyo mataray din ang dating ng tanong niya. Uminom ako ng tubig sa baso ko, bigla kasing nanuyo ang lalamunan ko.
"Uhm... a-ano po kasi, Tita Monica—"
Gabriel looked so tense. He's blinking too much. He bit his lips and then he exhaled softly.
Saglit na nabalot ng katahimikan ang buong lamesa. Parang unti-unting namawis ang mga palad ko. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ni Gabriel kay Mama. At hindi ko rin alam kung alam na ba nila Mama ang relasyon ni Gabriel kay Scarface.
What if she's against us? Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Gabriel.
What if she hates Gabriel because he's the son of that devil?
Pero mabilis ding kumalma ang isipan ko nang umalingawngaw ang malakas na halakhak ni Mama.
"I'm just joking, Architect!" Nginitian ni Mama si Gabriel.
"Masyado ka namang kinakabahan. Don't worry, kinuwento na sa akin ni balae lahat, pati na ang lovestory niyo ng bunso ko!" Sinulyapan ni Mama si Tita Laila na may malawak ding ngiti sa mukha. "Everything..." Mama's voice quivered.
"I am so happy that you were there for her... no'ng mga panahong wala kami ni Steve para sa kaniya. I am so happy that you didn't give up on her... that you protected her when we failed to do so. S-Salamat, Gabriel." Her eyes began to glisten with tears as she looked up and sniffled.
Ipinako sa akin ni Gabriel ang mga singkit niyang mga mata na may kakaibang ningning ngayong gabi. Parang bumagal ang ikot ng mundo nang magtama ang mga paningin namin.
"Hinding-hindi na po siya mag-iisa," malambing niyang sambit.
Naputol ang titigan namin nang marinig ko ang maliit na boses ni Sofia. Masigla siyang kumakanta ng 'Happy Birthday' habang kasabay niyang naglalakad papalapit sa amin si Carms na may bitbit na chocolate cake.
Tumayo kami at sumabay silang lahat sa pagkanta ni Sofia, pero ang pinakanangingibabaw na tinig ay ang boses ni Jasper at ni Gabriel.
Malamig ang ihip ng hangin. Nakasilip ang buwan sa langit. Mahinhin ang mga alon sa dagat. May kakaibang galak sa puso ko na kahit kailan ay hindi ko inisip na mararamdaman ko.
For the first time in my life, I felt whole. I thought I would never be free. I thought I had already lost my soul... or my ability to feel happy. But tonight, as the people I love sang me 'happy birthday', my heart fluttered with so much joy and contentment.
Isa-isa ko silang tinignan. Kuya Spence was holding our mother's hand affectionately. Tito Royce's arms were snaking around Tita Laila's small waist, and she was smiling at me, confirming what Gabriel had mentioned about her—that she always liked me. Andrew was kissing Li's hair as she was about to cry—her hormones were probably all over the place right now. My Uncle Marcel and Auntie Elia were swaying and dancing with little Sofia. Carms was holding my birthday cake with a smile in her eyes. Jasper was singing so perfectly as he rested his right arm on his brother's shoulder. And Gabriel, my person, my cure, was looking at me deeply, as if staring into my soul. He mouthed 'I love you so much' as he kissed my hand.
These people lifted me up, so that I could stand tall amidst all the cruel things that had crumbled me. I think it's time for me to set myself free.
***
"So... saan ka naglilihi, Steph?" tanong ni Li sa akin habang hinihimas niya ang malaki niya ng tiyan.
Naiwan kaming dalawa na nakaupo sa wooden bench sa tapat ng bonfire na pinagtulungang gawin nila Jasper, Andrew at Gabriel kanina pagkatapos maghapunan. Umalis silang tatlo para bumili ng alak at hanapin ang pinaglilihiang lomi ni Li.
Sila Mama, Kuya Spence, at Tita Laila naman ay pumasok na sa loob. Mag-uumpisa na raw silang planuhin ang church wedding namin ni Gabriel kahit na hindi pa naman namin napa-finalize ang date noon. Mukhang mas excited pa sila kaysa sa amin.
"Hindi ko alam kung saan ako naglilihi, Li..." Napahinto ako sa pagsasalita para pag-isipan ang tanong niya. "I-I think si Gabriel mismo ang pinaglilihian ko." I grinned as the handsome face of my fiancé flashed through my mind.
"Fudge! Ang landi mo, Stephanie Co!" Gumusot ang ilong niya at magaang hinampas ang braso ko.
"Mag-bestfriend nga talaga tayo, Steph. Asawa ko rin ang pinaglilihian ko eh!" She giggled and then she pressed her lips together. "Ay! At saka pala lomi..." pahabol niya. Sabay kaming natawa.
This is probably the happiest season of our friendship— falling in love and becoming a mother.
Naputol ang tawanan namin ni Li nang marinig ko ang malakas ring tawanan nila Gabriel at ang mga yabag ng mga paa nila. May bitbit si Jasper na bote ng rhum at si Andrew naman ay may dalang isang plastic na hindi ko mawari kung ano ang laman.
Tumayo kami ni Li para salubungin sila pero mabilis silang tumakbo papunta sa amin.
"S-Sorry, baby, walang lomi eh... bumili na lang ako ng ingredients para ako na lang ang magluto." Halos pabulong na sinabi iyon ni Andrew kay Li. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng kaibigan ko at mabilis siyang kumapit sa braso ng asawa niya.
"Why don't we cook together, baby? Hmmn?" Li happily responded.
Bumungisngis si Jasper. "Luto well, Sir Andrew! Buti na lang hindi sa sinigang naglilihi si Ma'am Lia," pang-aasar niya.
Natawa rin ako nang sumagi sa isip ko ang sinigang na limang araw sa aming ipinatikim ni Andrew noon.
Buti na lang din at hindi ako sa sinigang naglilihi. Na-trauma na yata ako roon.
Liningon ko si Gabriel na nakatayo sa gilid ko—mas masarap 'to sa sinigang.
Shit! Stephanie. What were you thinking!
"Baliw ka talaga, Jasper!" singhal ni Li kay Jasper na nagpabalik sa ulirat ko. Inirapan pa niya si Jasper bago niya hinila si Andrew palayo sa amin.
I heard Gabriel's warm chuckles as he watched my best friend dragged his best friend.
"Tsk! Alipin talaga ng pag-ibig si Andrew. Walang palag pagdating kay Aliyah," nakangising komento niya habang maingat niyang iniyapos ang kamay niya sa bewang ko.
Napaismid si Jasper at napatingin ako sa kaniya. May pilyong ngiti sa mga labi niya.
"Kung makapagsalita ka, Kuya, parang hindi ka ganiyan ah!" Sinundan ng tipid na tawa ang panunukso niya.
"Gago ka talaga, Raphael!" ganti ni Gabriel.
Binatawan niya ang bewang ko at inambahan niya ng batok ang nakababata niyang kapatid. Inihagis ni Jasper ang bote ng alak sa buhangin at mabilis siyang tumakbo palayo kay Gabriel.
I watched them as they ran along the sand while their laughter echoed. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito ngayon.
Napahawak ako sa locket ng kwintas ko, "I hope, I'll remember this moment forever..."
Nakaakbay si Gabriel kay Jasper habang hinahapo silang lumapit sa akin.
"Ah... love, pupuntahan ko lang saglit sila Tito Royce. Aayain ko sila ng Uncle Marcel mo na samahan kami ni Raphael mag-inom," paalam ni Gabriel sa akin.
Lumiit ang mga mata ko dahil alam naman niyang tumigil na sa pag-inom ng alak si Uncle. Sigurado akong nabanggit ko na iyon sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at isinuot niya sa ulo ko ang hoodie ng jacket ko."Magpandong ka, bawal ka mahamugan..." malambing niyang paalala bago niya hinalikan ang noo ko.
"You two should talk," he whispered.
Tinapik niya ang balikat ni Jasper bago siya tuluyang lumakad palayo sa amin. Nakakunot naman ang noo nito na tila ba naguguluhan sa biglang pagpapaalam ng kuya niya. Pero alam ko kung ano ang ginagawa ni Gabriel. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko nang maiwan kaming dalawa ni Jasper. Magkaharap at nakatingin sa isa't-isa. Pareho mang nakaawang ang mga labi namin, walang naglakakas loob mag-umpisa.
***
Bumalik ako sa inupuan namin ni Li kanina. Pinagmasdan ko ang bonfire at pinanood kong kainin ng apoy ang kahoy. I could hear the fire's crackling sound and I could clearly see how the pieces of wood glow as they burn.
Nakita ko sa buhangin ang paglapit ng anino ni Jasper sa akin. Tumabi siya sa upan pero hindi pa rin siya umiimik. From my peripheral vision, I could see how he ruffled his black curly hair.
"W-We need to talk. Hindi babalik dito si Gabriel hangga't hindi niya tayo nakikitang nag-uusap. Panigurado akong nagtatago lang 'yon sa likod ng puno ng niyog at pinapanood tayo ngayon," malumanay kong saad habang nakatitig buhangin.
Narinig ko ang mahinang pagngisi ni Jasper. Tumaas-baba ang balikat ng anino niyang kanina ko pa pinagmamasdan.
"Oo nga, pangalawang puno sa kanan mo..."
Lumingon ako sa may likuran ko. Napailing ako dahil tama si Jasper—kitang-kita ko ang ang puwitan ni Gabriel habang nagtatago ito sa likod ng puno.
"Parang tanga talaga..." natatawang bulong ko sa sarili.
Sabay kaming napabuntong-hininga ni Jasper, dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
"Sorry..." he mumbled.
"S-Sorry saan?"
"Sa lahat, Steph," tipid niyang sagot. Tumikhim siya para siguro tabunan ang bahagyang panginginig ng boses niya.
"N-Nawala ang isa sa kanila, dahil sa 'kin..." Sinulyapan niya ang tiyan ko bago niya mabilis na hinilot ang pagitan ng mga mata niya. Panigurado akong nagpipigil siya ng mga luha.
"Wala kang kasalanan, Jasper... walang may gusto ng nangyari," I said slowly as I gently touched my tummy.
"Hindi ko mapatawad ang sarili ko, Steph. Ilang beses mo akong inawat no'n, pero nagbingi-bingihan ako." Umiling siya habang mabagal na bumubuga ng hangin.
"K-Kung nakinig lang sana ako sa 'yo no'n, hindi ka sana na-stress... hindi ka sana dinugo... hindi sana nawala ang isa sa mga anak niyo ni Kuya..." Nanginginig ang boses niya. Kitang-kita ko rin ang pagdulas ng mga luha niya mula sa mga bilugan niyang mata.
"J-Jasper..." I stuttered, as my vision got blurry. Nagbabadya na rin kasi ang mga luha ko. Ilang beses akong lumunok para pigilan ang pagtulo ng mga iyon pero bigo ako.
"Steph, I'm so sorry... s-sana mapatawad mo ako." Humagulgol si Jasper.
Napasinghap ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. Nakakuyom ang mga kamao niya sa ibabaw ng mga hita niya habang nakaluhod siya sa buhangin.
Yumuko ako at hinawakan ko ang mga balikat niya. "Jasper, please stand up... please..." I sniffled to stop my tears from falling.
Tumingala siya at tinitigan niya ako. Umaapaw ang luha sa mga mata niya at bakas ko sa mga iyon ang pagsisisi.
"Sorry, Steph..." Patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha niya habang mas dumidiin ang pagkuyom niya sa mga palad niya.
"Sorry, Steph... masyado akong nagpakain sa galit ko... mas naging matimbang 'yon kaysa sa pagmamahal ko sa 'yo." Tuluyan nang nabasag ang boses niya at parang may kung ano ring nabasag sa dibdib ko.
This man protected me. He searched for me for years. He loved me unconditionally, without even expecting anything in return.
I clutched my chest as he continued apologizing tearfully. I can't stand seeing him like this.
"Jasper, please! Kung gusto mong tanggapin ko ang sorry mo, tumayo ka na diyan!" pagalit kong binigkas.
Huminto ang mga hikbi niya at dahan-dahan siyang tumayo habang nagpupunas ng mga luha.
"Sorry, Mak-mak. I'm so sorry..." Basag na basag na ang boses niya.
Mabilis akong tumayo. Tumingkayad ako at isinampay ko ang mga braso ko sa batok niya. Niyakap ko siya nang mahigpit at parang unti-unti nabuo ang nabasag sa dibdib ko kanina.
"Bati na tayo, Japoy. Bati na tayo ha?" mabagal kong sinambit habang yakap-yakap siya at pinapanood kong sumasayaw ang apoy sa bonfire.
"Masaya akong si Kuya ang pinili mo..."
Napaigtad ako sa sinabi niya. I quickly parted from our hug. I looked at his black rounded eyes intently. He exhaled sharply then he smiled at me.
"Hindi kagaya ko, Steph... kahit kailan hindi nagpakain sa galit si Kuya. Walang ibang mas matimbang sa kaniya kundi ang pagmamahal niya sa 'yo." Lumunok siya at mabilis na kinagat ang pang-ibabang labi niya. "Ikaw ang palaging pipiliin niya. Ikaw ang palaging uunahin niya kaysa sa selos... o sa galit... o sa poot." Nanlalaki ang mga mata ni Jasper habang binabanggit ang mga salitang iyon na punong-puno ng katiyakan.
Totoo ang lahat ng sinabi niya tungkol kay Gabriel. At sa isang linggong magkasama kami dito sa isla, araw-araw niyang ipinaramdam sa akin iyon.
Lumingon ako sa likuran ko. "Lumabas ka na diyan! Okay na kami!" sigaw ko.
I heard my fiancé's sexy laugh as he stepped out. Natawa rin kami ni Jasper.
"You got me!" Gabriel exclaimed as he raised his hands in the air.
"Always..." I whispered.
***
Wala na sa tabi ko si Gabriel nang magising ako. Siguro ay nagluluto na siya ng almusal sa labas. Panay pa rin ang hikab ko habang inaayos ang kama, parang nabitin pa ako sa tulog ko. Inabot na rin kasi ng alas-diyes ang kuwentuhan namin ni Li kagabi.
Mabilis akong naghilamos at nag-toothbrush. Sinuklay ko rin ang buhok kong hanggang kili-kili ko na. Wala na rin akong balak gupitin pa ito. Desidido na akong pahabain ulit ang buhok ko.
Paglabas ko sa kuwarto, hindi lang si Gabriel ang nakita kong naghihintay sa akin sa sala. Ibinaba niya ang tasa niyang may lamang kape at agad niya akong nilapitan.
"Good morning, Maxine." He gently kissed the top of my head. "He's looking for you," he added, casting a quick glance at the man in a crisp white polo shirt tucked into his black pants.
"T-Thank you for coming all the way here, Atty. Lance," nahihiya kong bati sa bisita.
"Lance na lang, Stephanie. Hindi naman na iba sa 'kin ang fiancé mo," nakangiting tugon ni Lance.
Hinawakan ni Gabriel ang bewang ko at marahan niya akong iginiya sa upuan sa sala. Humigop siya sa kape niya bago niya inilipat ang tingin niya kay Lance.
"So, puwede mo na bang sabihin kung bakit ka pumunta rito, Lance?" Gabriel asked with his brows furrowed.
"H-Hindi mo sinabi kay Leo, Stephanie?" balik sa akin ni Lance.
Umiling lang ako at hindi ako sumagot sa tanong niya. Itinuon ko ang pansin ko kay Gabriel na katabi ko sa upuan. Bakas ko sa mga naniningkit niyang mata ang pagtataka sa biglang pasgulpot ni Lance rito sa isla.
Ikinulong ko sa mga palad ko ang kanang kamay niya. "I-I wanted to file a case, l-love..." I said hesitantly. I heard him scoff.
"Love?" Pagak siyang tumawa. "Tatawagin mo lang akong 'love' kasi may itinatago ka sa aking plano?"
Mabagal niyang binawi ang kamay niya sa mga palad ko. Napahawak siya sa sentido niya.
"Pinag-usapan na natin 'to 'di ba?" papaos niyang tanong na sinundan ng isang malalim na buntong-hininga. "I already told you... let me deal with him. Focus on your pregnancy." May kakaibang diin sa boses niya.
"Gabriel, please... I need to do this," malambing kong usal.
"Delikado kung ngayon ka magsasampa ng kaso. Baka ma-stress ka, baka kung ano pa—"
"Gabriel naman!" I cut him off with my trembling voice.
Nakakahiyang nagtatalo kami sa harap ni Lance ngayon, pero binalewala ko na lang iyon.
"Maxine, hayaan mo na ako. Ako na'ng bahala sa tatay ko. Let me handle this for us." His raspy voice almost sounded like his begging. He held both of my hands as he waited for my answer.
"No," I said coldly.
I let our fingers intertwine, as I tried to compose my thoughts. The thoughts that I don't want to say out loud. I'm scared that if I did—it might really happen.
"Ayoko, Gabriel. I know it will only end if one of you is dead!"
Napasinghap siya sa sinabi ko. Binitawan niya ang mga kamay ko at ikinulong niya ang pisngi ko sa mga mainit niyang palad.
"Hindi mangyayari 'yon, okay?" He forced a smile on his face. "Buntis ka, love... baka mapano kayo ni baby?"
"Buntis ako, Gabriel... kaya mas lalo kong kailangang gawin 'to. I need to win this fight for our child." Kinagat ko ang labi ko dahil parang bumibigat na ang mga mata ako.
"Ayoko nang matakot... ayokong ipasa sa kaniya 'yong takot, Gabriel. Kailangan kong palayain ang sarili ko para mas maging mabuting ina ako sa anak natin." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Mahigpit akong niyakap ng fiancé ko habang humihikbi ako sa dibdib niya.
May isang minuto rin siguro ang lumipas bago ako napatahan ni Gabriel. Nakakahiya kay Lance. Para siyang nanonood ng dramang pang-hapon kanina, pero tahimik lang siyang umiinom ng kape habang hinihintay akong kumalma.
"Lance, can you help us?" tanong ni Gabriel sa kaibigan.
"Of course!" mariing sagot ni Lance.
"But you have to prepare yourself, Stephanie. This will be an ugly fight. Cases like this require reliving your past... kaya mo ba?" Ibinaling sa akin ni Lance ang mga mala-bughaw niyang mga mata.
Tumango ako at tinitigan ko si Gabriel. "As long as I'm not alone..." My voice almost sounded like a whisper.
"You will never be..." Gabriel declared as he moved his face closer to mine.
Is he going to kiss me in front of his friend? Sige, okay lang. Nakita ko rin namang nakikipaglaplapan si Lance kay Gail eh! 'Quits' lang.
I slowly closed my eyes, but then Lance cleared his throat. Sabay kaming napatingin sa kaniya ni Gabriel.
"I-I can also refer to you to my girlfriend. She's a lawyer too. Mas magiging komportable ka siguro kapag babae rin ang humawak ng kaso mo..." Lance said politely.
"M-May girlfriend ka?" Nagulat ako sa sarili kong tanong.
"Y-Yeah..." nag-aalangang sagot ni Lance.
"O? Eh bakit kayo naglalaplapan ni Gail no'ng kasal nila Li at Andrew?" Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko akalaing malakas kong mababanggit iyon.
"Maxine, that's inappropriate," komento ni Gabriel habang nagkakamot ng ulo.
Napailing si Lance at mahina siyang tumawa. Ngunit agad ding naputol iyon ng tatlong sunod-sunod at malakas na katok.
Binuksan ni Gabriel ang pinto at bumungad sa amin ang humahagulgol na si Li at ang asawa niyang si Andrew na nakahawak sa balikat ng kaibigan ko.
"Steph... na-na-nasusunog daw ang Café Amor..." Halos hindi mabanggit ni Li ang masamang balita niya dahil sa paghikbi niya.
"Ano?!" papiyok kong tanong. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko.
"W-What? S-Si Gail?!" natatarantang tanong ni Lance.
"S-She's badly hurt, Lance," Andrew responded.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top