Chapter 3 - Again
Japoy... si Jasper si Japoy?
Napatayo ako sa kinauupuan ko at agad akong tumakbo papunta sa bathroom. Naramdaman kong nakasunod sa akin ng tingin si Jasper, pero hindi ko 'yon pinansin. Dumiretso ako sa lababo. I turned the faucet on. Hinayaan kong umagos ang tubig habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"Fuck! Stephanie! Stop crying!"
Kahit anong pagalit ko sa sarili ko, tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko. Naghilamos ako at ilang beses pang suminga. I inhaled and exhaled slowly. Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ko ang mabilis na pagkabog nito.
Again, Stephanie. Inhale. Exhale... Again.
Paulit-ulit kong pinakalma ang sarili ko hanggang sa nakaya ko nang ngitian ang salamin sa harap ko.
"You're okay, Stephanie... tapos na 'yon," mahinang bulong ko habang nakatitig sa sarili kong mukha sa salamin na may pilit na ngiti.
Marahan akong lumabas ng banyo. Nakaupo pa rin si Japoy—si Jasper pero hindi na siya nakaharap sa lamesa. Nakagilid na ang upuan niya na para bang inaabangan niya talaga ang paglabas ko sa banyo. I quickly brushed my short hair with my hand and then I slowly walked towards him.
"T-Tawagan ka na lang namin, Mr. Perez." Pormal kong banggit sa kaniya. Hinayaan ko ang halos dalawang hakbang na agwat namin sa isa't-isa.
"Mr. Perez?" nagtatakang tanong niya. He stood up and faced me.
Ngayon ko lang napansin na matangkad pala siya. Dati, ako ang mas matangkad sa kaniya.
Umangat nang kaunti ang gilid ng mga labi niya. Yumuko siya nang bahagya para magpantay ang mga mata namin.
"Bakit bigla naman akong naging Mr. Perez? Mak-Mak naman?" Napakamot siya ng ulo niya.
"Please, don't call me that!" Halos mag-echo sa buong café ang boses ko.
"S-Sorry, Ma'am Steph. S-Sorry po... " nauutal niyang sagot. Umatras siya at isinuot na ang bagpack niya.
"G-Gusto mo bang magtrabaho dito sa café, Jasper?" tanong ko habang nakatalikod siya sa akin.
Yumuko ako, nakatitig sa rubber shoes ko. Nakita ko'ng dumikit ang dulo ng black shoes niya sa dulo ng sapatos ko.
He must be staring at me right now.
Pero nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko yata kayang salubungin ang tingin niya.
"Gustong-gusto po, Ma'am Steph," sagot niya. Naramdaman ko ang paglabas ng hangin sa bibig niya sa tuktok ng ulo ko.
Umatras ako. Isang hakbang palayo kay Jasper. Saka ako nag-angat ng tingin. He is smiling, nakalabas ang dimples niya pero bakas ko ang lungkot sa mga bilugan niyang mata. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Kung gusto mo talagang magtrabaho rito... hindi mo na ako p'wedeng tawagin sa palayaw na 'yon. Hindi ako si Mak-Mak dito." Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya.
"Walang dapat makaalam ng tungkol sa... ng tungkol doon." I gulped. "Hindi tayo magkakilala. Ito ang unang beses na nagkita tayo, okay?"
Isang pilit na ngiti ang isinagot niya. Bahagya niyang ginulo ang kulot niyang buhok.
"O-Okay po, Ma'am Steph..."
"Puwede ka nang umuwi, Jasper. Tatawagan ka na lang namin..."
"Okay po Ma'am Steph... Nice meeting you po, " mapait niyang paalam sa akin.
***
Hindi ko na liningon pa si Jasper nang makalabas siya ng café. Ayoko na ring isipin ang dahilan niya kung bakit siya nag-apply sa Café Amor. Nagkataon lang ba ang lahat o totoong hinanap niya ako? Kagaya ng sinabi niya kanina—matagal niya akong hinanap.
Pero bakit? Iniwan ko sila. Iniwan ko silang lahat at hanggang ngayon inuusig pa rin ako ng konsensya ko dahil sa ginawa ko noon.3
Idinaan ko na lang sa muling paglilinis ng Café ang lahat ng mga tanong na gumugulo sa isip ko. Buong lakas kong kinuskos ang sahig at pader ng banyo. Pagkatapos ay nag-mop naman ako ng sahig. Pawis na pawis ako pero parang ayoko pang huminto. Pinunasan ko na rin ang mga bintana pati na ring ang checkout counter. I took out my cellphone from my back pocket at kinuhaan ko ng pictures ang café para i-send kay Li.
'Nilinis ko na, Li. Pintura na lang ang kulang' Ti-nype ko sa Messenger tapos sinend ko sa kaniya ang mga pictures. Ni-like lang niya ang pictures at ang message ko.
"Like lang talaga?"
Napailing na lang ako sa pagiging nonchalant ng bestfriend ko. Siguro busy lang talaga siya ngayon sa lakad nila ni Andrew. Iniligpit ko na ang laptop ko at inurong ko na sa gilid ang dalawang lamesa na inilagay ko kanina sa gitna.
Saktong pagbaba ko ng roll-up ng café, tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong hinigit ang susi sa padlock bago ko i-shoot 'yon sa tote bag ko.
"Hello, Li!"
"K-Ka-mus-ta 'yong in-ter-view m-mo?" putol-putol niyang tanong.
"Hello, Li! Choppy ka!" sigaw ko.
"I said, how's the interview?" Mas malinaw na ngayon ang boses niya.
"Goods naman... check mo na lang pag-uwi mo mamaya."
Bago pa muling sumagot si Li, isang pamilyar na tinig ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Andrew, Aliyah... Hindi ko na kayo masasamahan sa Laguna, may lakad pa kasi ako..."
"Gabriel?" I mumbled.
"Ano, Steph?"
"Ah, w-wala... parang may narinig lang ako, usap na lang tayo mamaya pag-uwi mo," nagmamadali kong sagot sa kaniya bago patayin ang tawag.
***
Ayoko pang umuwi sa unit ko. I don't want to spend this day alone after everything that happened earlier. I started to drive, not knowing where to go.
Nagulat na lamang ako nang huminto ako sa tapat ng Oriental Delights, sa restaurant ni Kuya Spence. Napangiti na lang ako sa rearview mirror ni Kitkat bago bumaba. Nakakatawa na kahit hindi ako mag-isip, alam na alam na ng mga paa ko at ng mga kamay ko kung saan ako dadalhin kapag naghahanap ako ng comfort.
"What are you doing here, Mei-mei? My favorite baby sister!" nakangising bati sa akin ni Kuya.
He was wearing a floral button-down shirt and white linen shorts. Suot niya ang gold necklace na iniregalo ko sa kaniya noong 30th birthday niya. Mas mahaba na ang buhok niya kaysa noong huling beses ko siyang nakita. P'wedeng p'wede ko na siyang tirintasan.
"Favorite?" I rolled my eyes at him. "Eh, wala ka namang ibang kapatid, Kuya!" I exclaimed before giving him a tight hug.
"I missed you, Mei-mei!" malambing na bulong niya habang pinipiga ako ng mga braso niya sa sobrang higpit ng yakap niya.
"Uhm... Kuya, okay na... mapipiga mo na apdo ko, eh!" protesta ko.
Natatawa siyang pinakawalan ako sa mahigpit na yakap niya. He quickly pushed the glassdoor behind him.
"Let's talk inside... sa loob na natin pag-usapan kung sino man 'yang problem mo!" he said in a playful tone.
"What? Wala akong pro—"
Bago ko pa magawanag kontrahin ang komento niya, hinila niya na ako papasok ng restaurant. Pilit niya rin akong pinaupo sa lamesang malapit sa kitchen. I couldn't help but noticed how he moved gracefully, mula sa pagpasok namin sa restaurant hanggang sa paglalagay niya ng beef noodle soup at siopao sa table ko. Para siyang sumasayaw at kitang-kita ko sa mga mata niya na masaya talaga siya sa ginagawa niya. I couldn't help but wonder kung magiging kasing saya niya rin kaya ako if I decided to stay here with him.
"So, Mei-mei... sino'ng problema natin ngayon?" Nakataas ang plakadong kilay ni Kuya Spence habang hinihintay ang sagot ko.
Umiling-iling lang ako habang nginunguya ang unang kagat ko ng siopao.
"Is it Winston again? Sinasabi ko sa'yo mas baluktot pa sa akin 'yong ex mo na'yon!" he firmly said.
Halos mabulunan ako sa sinabi niya. I gulped half of the glass of water para bumaba ang siopao sa lalamunan ko.
"Kuya! Hindi na ako kinukulit ni Winston! Nasa Japan na 'yon!"
"So, if it's not Winston... then who? Terrence?"
Nanlaki ang mga singkit na mata niya. "Ano, liligawan ka na niya ulit?" excited na tanong niya.
"No! Hindi 'no? Ayoko nga kay Terrence... masyadong seryoso sa buhay!" iritadong sagot ko.
Inilapit ko sa bibig ko ang kutsara para tikman ang dinadayong beef noodle soup ni Kuya. Wala pa ring pinagbago. Masarap pa rin talaga ang recipe niya.
"The best talaga 'tong beef noodle soup mo!"
Umusog siya papalapit sa lamesa. Narinig ko ang nakakapangilong langitngit ng upuan sa sahig. Lalo pang naningkit ang mga mata ni Kuya.
"Mei-mei, huwag mo akong idaan sa mga ganiyan mo. I know there's something wrong with you. Hindi mo ako pupuntahan kung wala kang problema. Sad to say... pero hindi mo ako naaalala kapag masaya ka," he pouted his moisturized lips.
I chuckled uncomfortably. He's right. Kilalang-kilala ako ni Kuya Spence. Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko dahil tama si Kuya—naaalala ko lang siya kapag may problema ako.
Hindi rin siya titigil hangga't hindi ako umaamin sa kaniya. Pero ayoko namang i-open-up ang tungkol kay Gabriel na ilang linggo nang laman ng mga panaginip ko. O kahit ang tungkol kay Jasper na childhood hero ko, pero nagpapaalala rin ng childhood trauma ko. Lalo na ang tungkol do'n. For sure, sisisihin ni Kuya ang sarili niya. Just like what he did before.
"Ah... Li will move out soon, Kuya. Ikakasal na siya... nalulungkot lang ako," I slowly said.
"Kay Marcus? 'Di ba tinakbuhan niya 'yon?"
"No, hindi kay Marcus... kay Andrew, 'yong architect?"
"Ah..." Tumango si Kuya na parang kilala niya ang tinutukoy ko. "Sino 'yon?" pahabol na tanong niya.
I smirked. "Kuya naman, akala ko kilala mo! Never mind! Okay naman si Li sa lalaki na 'yon... mukhang compatible naman sila..."
"Oh? Then why are you sad? Dapat masaya ka for Lia..."
"Mamimiss ko lang siguro siya, Kuya... at ang mga luto niya." It feels like I'm not lying anymore. Totoong nalulungkot ako dahil soon, mag-isa na naman ako sa bahay.
"Papahatiran kita ng food everyday, Mei-mei. Hindi ka magugutuman. Don't worry!" biro ni Kuya.
I scoffed. "Basta 'wag lang seaweed soup ha?"
Tumawa nang malakas si Kuya. May pagtakip pa siya ng bibig habang tumatawa.
Pucha! Mas babae pa talaga sa akin 'to!
"Ikaw Mei-mei, don't you wanna settle down? Naka-lagpas isang dosenang boyfriend ka na, wala pa rin ba? Sayang ang gandang lahi natin!" Magkahalo ang biro at real talk sa sinabi niya. Lagi na lang nasisingit sa usapan 'to tuwing magkikita kami.
Inubos ko na ang tubig sa baso ko. Na-te-tense talaga ako kapag ganito na ang usapan namin ni Kuya.
"Wala Kuya, tanggap ko nang tatandang dalaga ako!"
"Oh my gosh! Don't say that!" Namilog ang mga singkit niyang mata.
"Lalong magagalit sa'yo sila Mama at Papa kapag narinig nila 'yan sa'yo! Kung may matres lang ako... ako na ang nagvolunteer para magka-apo sila, eh!" Sumandal siya sa upuan niya at bumuntong hininga.
"Sa dami ng kasalanan ko sa kanila Kuya, tingin mo mabubura lahat 'yon instantly kapag binigyan ko sila ng apo?" I sarcastically asked.
Natahimik si Kuya. My eyes wandered outside the restaurant. Napabuntong-hininga rin ako. Hindi ko maiwasang mangalumbaba na ayaw na ayaw ni Kuya, lalo na kapag nasa harap ng pagkain.
"Stephanieee!" he exclaimed as he removed my hands away from my chin.
"Sorry, Kuya."
"Sorry din, Mei-mei. I don't want to pressure you. But you know Mama and Papa. They'll only take you back if you get married. Kung tutuusin, swerte ka pa nga... you can choose whoever you want. Love whoever you want..." he trailed off.
Marahan kong ipinatong ang kamay ko sa kamay niya.
"Kuya... you can also love whoever you want. Ikaw na lang ang gumawa no'n para sa ating dalawa. Kilala mo 'ko... I don't believe in love." Tinitigan ko ang mga mata niya at napansin kong parang nag-uumpisa nang mamasa ang mga ito.
"Hindi ka pa naniniwala... kasi hindi ka pa na-i-in love..."
Nagulat ako sa sagot niya. Napalunok ako ng laway. Nabitawan ko ang kamay niya at wala sa sariling nakagat ko ang labi ko.
"Oops! Mukhang mali ako!" he exclaimed. "It looks like you've met someone... that you like... or love... I know that look, Mei-mei!" pang-aasar niya na sinamahan pa ng pilyong ngiti niya.
"What? Wala 'no! Wala Kuya!" natataranta kong sagot.
Agad kong itinuwid ang pagkakaupo ko. I exhaled softly para hindi mapansin ni Kuya na kinakabahan ako.
"Weh? You're lying!" Itinukod niya ang mga siko niya sa lamesa at tinitigan ang mga malilikot kong mata.
"Your cheeks are so red! Sino'ng blush-on mo, ha?!" Sinundan pa niya ng impit na pagtili ang tanong niya.
Blush-on? Sa kaliwang pisngi, si Gabriel. Sa kanan, si Japoy. Shit, Stephanie! Ano ba 'yang iniisip mo!
"Stop it, Kuya! Wala nga sabi!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.
Nagsalin pa ako ng tubig sa baso ko at nilagok ko lahat 'yon. Hindi ko napansin na pinapanood niya pa rin ako.
"Uhaw na uhaw?" he teased.
Inirapan ko lang siya ng mata. Pero tama si Kuya, uhaw na uhaw nga talaga ako. Kulang pa ang isang basong tubig na tuloy-tuloy kong nilagok at nagsalin muli ako. Ininom ko 'yon ulit pero hindi 'yon umabot sa lalamunan ko nang biglang bumukas ang glassdoor ng restaurant at iniluwa no'n si Mama at si Papa kasama si Gabriel. Naibuga ko ang tubig sa mukha ni Kuya Spence dahil sa pagkagulat.
"What the fuck! Mei-mei!" galit na singhal ni Kuya nang mabasa ko ng pinaghalong tubig at laway ang shirt niya.
"S-Sorry, Kuya!"
Agad akong kumuha ng tissue at nagmamadaling pinunasan ang mukha niya. Nanginginig ang mga kamay ko hindi dahil sa nagawa ko kay Kuya, kung hindi dahil unti-unting lumalapit sa lamesa namin sila Gabriel.
"What is he doing here? Bakit kasama niya si Mama at Papa?"
Akala ko ibinulong ko lang 'yon sa sarili ko pero narinig pala ni Kuya.
"Ano? S-Sino?" nagtatakang tanong niya.
Lumalakas na ang yabag ng mga paa nila at alam kong malapit na sila sa amin ni Kuya. Gusto kong mag-teleport sa kahit saang lugar nang mga sandali na 'yon. I can't think clearly. Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak ko at napatago ako sa ilalim ng lamesa.
"Mei-mei, why are you hiding?!"
Hinawi ko ang pulang table cloth at inilabas ko ang ulo ko. "Shhh!" senyas ko kay Kuya Spence.
"Where's Steph?" Narinig ko ang boses ni Mama.
"She's here Spencer, right? Nakita ko ang kakarag-karag na kotse niya sa labas," tanong ni Mama kay Kuya.
"I saw her here, Spencer. Magkatabi kayo kanina," dagdag pa ni Papa.
"Ah... nasa bathroom po, sumakit po 'yong tiyan. Ang takaw kasi, eh!" kinakabahang sagot ni Kuya.
I heard a soft chuckle. Hindi 'yon bungisngis ni Papa... it's him.
"I'm sorry, architect. Let's just wait for our daughter," Papa gently said.
Architect? Gabriel is an architect? Like Andrew?
"Paano niyo po nalamang nandito si Steph, Mama?" tanong ni Kuya.
"Architect Del Rosario told us," mabilis na sagot ni Mama.
What! Paano niya nalamang nandito ako? Pucha! Stalker ko nga yata talaga siya!
"Mama, if you don't mind asking... ano po'ng meron? Why are you here and why are you looking for Steph?"
"Ah, Spencer... sorry 'nak. Oo nga pala, we haven't introduced this gentleman yet. This is Architect Leonard Gabriel Del Rosario, anak siya ng batchmate namin ng Papa mo no'ng high school. He is your sister's fiancé!"
"WHAT?!" malakas na sigaw ko habang nakatago pa rin sa ilalim ng lamesa.
"S-Steph?" nag-aalangang tanong ni Papa. "Boses ni Steph 'yon, right?"
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad kong inangat ang ulo ko dahilan para mauntog ako sa lamesa.
"Shit! Aray!"
Napapikit ako sa sakit pero nagawa ko pa ring tuluyang mailabas ang ulo ko. Mabilis akong nagdilat ng mata nang mapansin ko ang liwanag. At ang unang nag-hello sa akin ay ang nakabukol na crotch ni Gabriel.
"We meet again, Sstephhanie..." he said, smiling at me. The way he uttered my name gave me shivers.
Napaatras ako at muntik nang mauntog ulit sa gilid ng lamesa, pero mabilis niyang inilagay ang kamay niya sa likod ng ulo ko. Para akong nakuryente sa init ng palad niya. Nagmamadali kong inilag ang ulo ko mula sa kamay niya, dahilan para mawalan ako ng balanse at tuluyang masubsob ang mukha ko sa pundya niya.
"Fuckkkkk!" gigil na mura ko, na alam kong hindi naman nila maririnig dahil nakasubsob ang mukha ko sa kung ano.
"My eyes! My eyes!" malanding sigaw ni Kuya Spence.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top