Chapter 28 - Hope
Natatanaw ko ang nag-aagaw na liwanag at dilim sa labas mula sa malalaking bintana ng ospital habang marahang tinutulak ng nurse ang wheelchair ko. Kagaya ng langit, hindi ko rin alam kung ano'ng pipiliin ko ng mga sandaling ito.
Should I embrace the darkness that is slowly eating my whole or hold on to that tiny speck of hope inside me?
Kagaya ng langit, alam kong kailangan kong pagdaanan ang dilim na ito at umasang bukas ay liliwanag na ulit.
"Nandito na po tayo, Ma'am... room 309 po kayo, tama?" Magiliw akong nginitian ng nurse. Tumango ako at pilit akong ngumiti pabalik sa kaniya.
Kakatok pa lang sana siya sa pinto nang biglang bumukas ito. Tumingala ako at nakita ko ang mga malamlam at singkit na mga mata ni Gabriel. Hindi ko na siya pinasama pa sa ultrasound scanning kanina, kahit ano'ng pilit niya.
The bleeding stopped by the time we arrived at the hospital—we almost made it. Almost.
"Thank you, nurse... I'll take it from here," saad ni Gabriel pagkatapos ay lumipat siya sa likod ko para sana itulak ang wheelchair papasok ng kuwarto pero inawat ko siya.
"Kaya ko nang tumayo," diretsong sabi ko sa kaniya.
Hinawakan ko ang papel na nasa kandungan ko at saka ko unti-unting inunat ang mga paa ko. "Hindi ko na kailangan ng wheelchair," dagdag ko pa.
"Sigurado ka, Maxine?" nag-aalalang tanong niya.
"Yes," tipid kong sagot bago ako tuluyang tumayo at naglakad papasok sa loob ng kuwarto.
Binitawan ni Gabriel ang hawakan ng wheelchair at natataranta siyang sumunod sa akin.
"Dahan-dahan lang..." pahabol na paalala niya. Hindi niya na ako naabutan dahil umupo agad ako sa gilid ng kama.
Liningon ko ang nurse sa may pintuan, "Thank you, nurse..." I nodded and gently smiled at her.
"Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayo," malumanay na paalam niya.
Marahang isinara ni Gabriel ang pinto at agad siyang umupo sa pang-isahang sofa sa tapat ng kama.
Hinila ko ang kumot at itinakip ko ito sa hita ko at hinayaan kong sumayad hanggang sa talampakan ko.
"Are you cold? Nagpadala ako ng mga damit kay Jaime... may jacket ka diyan." Mabilis niyang sinulyapan ang maliit na itim na maletang nakasandal sa puting dingding.
"M-Magbibihis na lang ako mamaya," sagot ko habang nakayuko.
Manipis ang asul na hospital gown na suot ko pero hindi naman ako nilalamig, halos wala nga akong maramdaman sa balat ko. Kanina pa ako ganito, walang nararamdaman... ni hindi nga ako nakapag-react nang sinabi sa akin ni doktora ang balitang nakasulat sa papel na hawak-hawak ko.
Right! I should give this to him.
"A-Ano pa lang sabi sa ultrasound... o-okay lang ba si baby?" Biglang kumirot ang dibdib ko nang marinig ko ang tanong niya. His raspy voice added vulnerability to his shaking voice.
Hindi ako nag-angat ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Nanatili akong nakayuko habang inaabot sa kaniya ang nakatuping papel. Kinuha niya agad iyon mula sa nanginginig kong mga kamay. Narinig ko ang kaluskos nang paglipat niya ng mga pahina.
"W-What's this Maxine?" pautal niyang tanong.
Nakita kong pumatak ang ilang butil ng luha ko sa kumot, pero hindi ko naramdaman ang pagtulo nito. Wala pa rin akong maramdaman maliban sa kirot sa dibdib ko. Pinunasan ko agad ang mga mata ko at huminga ako nang malalim.
"Hindi ko maintindihan, Maxine... b-bakit ganito ang nakasulat dito?" Narinig ko ang paggaralgal ng boses niya dahilan para mapasulyap ako sa kaniya.
Nanunubig ang mga malilikot niyang mata. Alam kong paulit-ulit niyang binabasa ang nakasulat sa huling pahina.
"Spontaneous demise of one twin embryo," bulong niya sa sarili. "M-Maxine... a-ano'ng ibig sabihin nito? B-Bakit nakasulat 'yon dito?" Inilipat niya ang tingin niya sa akin at bahagya niyang itinaas ang papel.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at muli akong yumuko. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang muling pagbagsak ng mga luha ko, pero masyado na silang mabigat para sa mga pagod kong mga mata. Hindi ko na yata kaya pang pilitin na walang maramdaman. Hindi ko na yata kayang magpanggap pa.
"Maxine, please... hindi 'to totoo 'di ba?" Gabriel's voice cracked; it was as if he's pleading.
He was physically hurt today because of me, and I'm afraid that I will hurt him even more if I open my mouth and say a word.
Naramdaman ko ang pagdulas ng mga mainit kong luha sa pisngi ko. Narinig ko ang paggalaw ng upuan ni Gabriel dahilan para itaas ko ang ulo ko. Nagmamadali siyang tumayo at lumapit sa akin. Pinunasan niya ang mga nag-uunahan kong luha. Ngunit ang banayad na pagdampi ng mga daliri niya sa pinsgi ko ay mas lalong nagpaiyak sa akin. Binalot ng mga hikbi ko ang buong kuwarto.
Mahigpit akong niyakap ni Gabriel. Naramdaman ko sa may balikat ko ang mga braso niya habang nakasubsob naman sa tiyan niya ang mukha ko. Hindi siya nagsasalita, pero naririnig ko ang pagsinghot niya.
"W-We're supposed to have twins... p-pero wala na ang isa sa k-kanila..." I sobbed as I held unto the hem of his shirt.
"Wala na ang isang baby natin, Gabriel... w-wala na siya," patuloy kong hagulgol. Mas humigpit ang yakap niya sa akin, hindi ko na rin napigilan ang pag-angat ng mga braso ko para yakapin din siya pabalik.
Nanginig ang buong katawan niya. Bumilis ang paghinga niya at narinig ko ang impit niyang paghikbi. "I'm sorry, Maxine... I'm so sorry... hindi na dapat kita pinuntahan. H-Hindi sana nagalit si Raphael sa akin... h-hindi ka sana na-stress... hindi ka sana dinugo... b-buhay pa sana ang anak natin..." Tuluyan nang nabasag ang boses niya.
Parang may hanging bumara sa lalamunan ko dahil sa mga sinabi niya. Nahulog ang mga kamay kong nakalapat sa likod niya. Napatid ang mga luha ko at naglaho ang kirot sa dibdib ko. Mabilis na napalitan iyon ng galit.
Buong buhay ko, palagi kong sinisisi ang sarili ko sa mga nangyari sa akin, pero hindi sa pagkakataong ito. Wala akong kasalanan. Wala akong ginawang mali. Tama si Gabriel, kasalanan niya... kasalanan nila ang nangyari sa anak ko.
"Y-You should leave, Gabriel..." I said coldly as I parted from his hug. Napaatras siya at napakurap-kurap.
"W-What? Y-You want me to leave?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Nangingilid ang mga luha niya at namumungay ang mga mata niya. "Hindi ako aalis, kailangan ko kayong alagaan ng anak natin..." Umiling-iling siya at kinuyom ang mga palad niya.
"Gusto kong mapag-isa, Gabriel..." I said as I looked away from him. "Umuwi ka na, tatawagan ko na lang si Kuya Spence... h-he can take care of me." I inhaled and exhaled slowly, trying to keep myself calm.
"Maxine, please naman... let me help you, let me take care of you... both of you." Humakbang siya papalapit sa akin at maingat niyang ipinatong ang kanang kamay niya sa tiyan ko.
Mariin akong napapikit habang mabagal na hinihimas ni Gabriel ang tiyan ko. I could feel the warmth of his palm. If I could only freeze time in this moment—I would.
"Kapit ka lang kay Mommy ha? Iniwan na tayo ng kapatid mo... please, kapit ka lang. Daddy's here..."
Nakapikit pa rin ako habang malambing na ibinubulong iyon ni Gabriel sa tiyan ko. Nakapikit ako, pero alam kong umiiyak siya, rinig na rinig ko ang mga hagulgol niya.
"Kasalanan mo!" malakas kong sigaw kasabay ng marahas kong pag-alis ng kamay niya sa ibabaw ng tiyan ko. Tuluyan na akong nilamon ng galit.
Napahinto ng singhal ko ang paghagulgol niya. Napaatras siya at ilang beses siyang napalunok. Muling tumulo ang mga luha ko. Taas-baba ang mga balikat ko dahil sa habol-hininga kong pag-iyak.
"K-Kasalanan mo, Gabriel... kasalanan niyo ng tatay mo! Kasalanan niyo ni Jasper! Kasalanan niyong lahat!" I shouted on top of lungs.
Mas lalong nanikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin. This is too much. Everything's just too much... and perhaps blaming him would somehow ease my burden.
"Kasalanan mo, Gabriel... kasalanan mo..." paulit-ulit kong paninisi sa kaniya. I was so desperate to stop the pain that I let myself drown in anger.
Napahawak ako sa bibig ko, gustong-gusto kong pigilan ang paghagulgol ko pero bigo ako. Ayoko nang umiyak dahil alam kong makakasama ito sa anak ko, pero sumisikip lang lalo ang dibdib ko dahil sa pagpipigil ko ng mga luha.
Gabriel was silent. Nanatiling tikom ang bibig niya sa kabila ng matinding galit ko. Inalis niya ang basa ko nang kamay na nakatakip sa bibig ko.
He crouched in front of me while holding my trembling hands. He fixed his soft gaze on me.
"You're right, it's my fault. But I can't give up on you now... I won't give up on you—on us," he declared firmly as his grip on my hand tightened.
"Mahal na mahal kita..." bulong niya bago niya hinalikan ang likod ng palad ko.
"N-Nakakaubos 'yang pagmamahal mo... ayoko ng pagmamahal mo," malamig kong sagot sa kaniya kasabay ng pagbawi ko sa mga kamay ko.
Dahan-dahan siyang tumayo at saka bumuntong hininga. Liningon niya ang bintana. Madilim na sa labas pero walang mga bituin, wala ring buwan.
He cleared his throat and then he looked at me again. "C-Can I stay tonight?" He bit his lower lip.
"K-Kahit ngayong gabi lang? Hayaan mo akong bantayan kayo... bukas na lang ako uuwi. Promise, bago ka pa magising, wala na ako rito. Ngayong gabi lang, Maxine... h-hindi ko kasi kayang magluksa mag-isa," patuloy na pagmamakaawa niya habang malambot siyang nakatitig sa akin. Muling pumatak ang luha niya pero agad siyang tumingala. Pagkatapos ay saglit niyang minasahe ang pagitan ng mga mata niya.
I gulped before answering his plea. "Okay. Basta bukas wala ka na..."
Ngumiti siya sa akin-nakakurba ang mga labi niya, pero parang walang buhay ang mga basa niyang mata. It was the most painful smile I've ever seen in my entire life.
***
Hindi ko alam kung ano'ng oras na ako nagising kinabukasan, pero wala na si Gabriel sa upuang tinulugan niya kagabi. Hindi ko alam kung natulog nga ba siya o pumikit lang. Hindi ko alam kung bakit imbes na gumaan ang loob ko dahil tinupad niya ang sinabi niya kahapon, mas lalo pa yatang bumigat ito.
"Good morning, Mei-mei," bati sa akin ni Kuya Spence na nakatayo malapit sa paanan ko. Lumapit siya sa akin at inalalayan niya ako sa pag-upo.
"S-Si Gabriel, Kuya?" wala sa sarili kong tanong. Napailing ako nang maalala ko kung paano ko siya pinagtabuyan kahapon.
"Umalis na... mga ten minutes ago. Pupunta raw siya sa NBI eh..."
Napasapo ako sa noo ko. "Right... pinagpipiyestahan nga pala ngayon sa internet ang mga pictures ko." I chuckled bitterly.
"I-I checked this morning... wala na akong nakita," nag-aalangang sagot ni Kuya. "Napuyat kami kagabi ni Mama ka-re-report ng pages na nagkakalat ng pictures mo. Dapat nga kagabi pa ako nandito kaso sabi ni Architect pogi siya na raw muna ang bahala sa 'yo."
"N-Nakita rin ni Mama?"
Kuya Spence pouted his reddish lips while nodding his head slowly.
"She was so worried about you... sobrang na-gi-guilty din siya dahil sa mga sinabi niya sa 'yo l-last time..." Malakas na bumuntong-hininga si Kuya. "Gusto niyang sumama sa akin, pero... wala raw siyang mukhang maihaharap sa 'yo."
Napakagat ako sa labi ko at napahawak ako sa tiyan ko. Bumaba rin ang tingin ni Kuya Spence roon at bigla siyang umupo sa gilid ko. Mahigpit niya akong niyakap.
"Mei-mei... I'm sorry. I failed you again. I should have known what that motherfucker did to you... I should have protected you..." Paulit-ulit ang paghingi ni Kuya ng tawad habang umiiyak siya sa balikat ko. Inilipat ko ang mga kamay ko sa likod niya para aluin siya.
"Sorry, Mei-mei, kung pakiramdam mo hindi mo masasandalan si Kuya kasi ganito ako... mas malambot pa ako sa 'yo... sorry kung ganito si Kuya ha?" patuloy na pagtangis niya.
"Kuya!" protesta ko sa sinabi niya. Kumalas ako sa yakap namin at ikinulong ko sa mga palad ko ang pisngi niya. "You are one of the bravest people I've ever known... you keep our family together. No'ng umalis ako sa atin, sinalo mo lahat ng problema sa bahay. Pinili kong hindi sabihin sa inyo... it was my choice, and it was never your fault." I can feel my tears running down my face. Pinunasan iyon ni Kuya Spence habang pinipilit niya akong ngitian. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga labi niya.
"Tahan na nga tayo... bawal ka ma-stress! Kabilin-bilinan 'yon ng jowa mo!" He chuckled. "Baka maging iyakin 'tong pamangkin ko kapag iyak tayo nang iyak." Hinaplos niya ang tiyan ko habang unti-unting gumuguhit sa mukha niya ang isang malapad na ngiti.
"Kambal sana sila, Kuya... kaso..." My voice broke. Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko.
"Mei-mei... it's okay to grieve, but you have to be brave too. Alam kong mahirap iyon... pero para sa kaniya, kailangan mong lumaban ulit. Kahit hindi ka pa tapos magluksa, kailangan mong bumangon ulit..."
Tama si Kuya Spence, may mas malaking laban pa akong kailangan gawin para sa amin ng anak ko. Iyon ay ang labanan ko ang dilim na unti-unti na namang kinakain ang buong pagkatao ko. Kailangan kong maghilom at magpagaling. Kailangan kong yakapin ang kakaunting liwanag na natitira pa sa akin.
I need to hold on to this tiny speck of hope inside me.
***
Sunod-sunod ang dating ng mga pagkain at prutas sa kuwarto ko. Hindi ko na nga halos makain ang iba at si Kuya Spence na lang ang umubos. Karamihan ay pinadala ni Gabriel, ang iba naman ay galing kay Li.
Nag-video call siya sa akin kaninang tanghali habang kinakain ko ang tinolang pinadala niya. Hindi maipinta ang mukha niya sa pag-aalala. Sa buong fifteen minutes na magkausap kami, sampung minuto ang naubos dahil sa pag-iyak niya-awang-awa siya sa akin, at limang minuto naman ay nauwi sa pag-ra-rant niya dahil hindi raw sinabi sa kaniya ni Andrew ang tungkol sa amin ni Leo. Malamang inaway na naman niya ang asawa niya dahil doon. Gusto niya sanang puntahan ako, pero kulang sila ng tao sa café—hindi pumasok si Jasper. At alam ko kung bakit, marahil ay sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa akin.
Saglit akong napaidlip dahil sa kabusugan. Nagising na lang ako nang marinig kong may kausap si Kuya Spence. It was our mother.
Nagtama ang mga mata namin ni Mama, pero parehong nanatiling tikom ang mga labi namin. Nakita kong magaan na tinapik ni Kuya ang tagiliran ni Mama bago ito lumabas ng kuwarto. Hindi pa rin kumikibo si Mama, para lang siyang estatwang nakatitig sa akin kahit na kami na lang ang naiwan sa loob.
"Kumain ka na ba, Ma?" I asked out of nowhere.
Mabilis siyang humakbang papunta sa akin at isang mainit na yakap ang isinagot niya sa tanong ko.
"M-My baby.... my baby..." Pumapalahaw ng iyak si Mama habang sinusuklay niya ang buhok ko. "My baby... m-my baby... I'm sorry, bunso... I'm so sorry, Steph. I'm so sorry, anak..."
Nababasa ng mga patak ng luha ni Mama ang balikat ko. Hindi ko alam kung ano'ng tawag sa nararamdaman ko, may kaunting saya sa puso ko dahil ilang taon din ipinagkait sa akin ni Mama ang mahigpit niyang yakap, pero parang tinutusok din ang dibdib ko dahil ngayon ko lang siya napaiyak nang ganito. Ilang taon akong nagalit sa kaniya, pero bakit isang yakap niya lang parang nakalimutan ko na ang lahat.
Nabigo akong pigilan ang mga luha ko. Kusang tumulo ang mga ito kasabay nang pagyapos ko kay Mama.
"M-Ma... Mama... Mama..." hagulgol ko. Paulit-ulit lang ang salitang lumabas sa bibig ko habang umiiyak. "Mama... Mama... Maaa... Maaa..."
Gusot na nga yata ang damit ni Mama dahil sa mahigpit na kapit ko sa kaniya, pero wala akong pakialam. Iniyak ko lahat sa kaniya na parang bata kong isinusumbong ang lahat ng sakit na ilang taon kong pilit nilabanan mag-isa.
"Nandito na si Mama, Stephanie... I'm so sorry, I was years late. I was never a good mother to you and to Spencer... especially to you. Sinisi kita sa lahat ng nangyari sa atin... when I should have protected you..." I could feel the sincerity and guilt from her quivering voice.
She parted from our hug, and she held my face in between her soft palms. "From now on, you will never be alone..." she said as she tucked a few strands of my hair behind my ears. "Babawi ako sa 'yo, anak. Babawi si Mama," naluluha niyang sambit.
"Ma... I-I'm not ready for t-this..." Yumuko ako at sinulyapan ang tiyan ko.
"No one is, anak..." Ngumiti si Mama sa akin. "... but one thing is for sure—you will be a great mom. You will never be like me."
I embraced my mother as tight as I could... probably making up for the lost time.
"Ma... kapag nakalabas na ako rito, puwede po ba kong umuwi sa probinsiya ni Papa?" mabagal kong tanong habang nakayakap pa rin kay Mama.
"Can I go with you, Steph?"
"Ako lang po sana..." bulong ko.
Naramdamana ko ang malalim na paghinga ni Mama bago siya sumagot sa akin, "Okay, anak. If that's what you want."
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top