Chapter 25 - Nightmare
Na'ndito na naman ako sa lumang bahay, walang ibang gamit maliban sa nag-iisang sofa rito sa sala. May hagdang kahoy paakyat sa second floor. Madilim ang buong paligid na iniilawan lang ng kandilang nakatayo sa sahig. Malakas ang ulan sa labas na sinasabayan pa ng nangangalit na kulog at kidlat. Pero wala na yatang mas titindi pa sa galit ni Gabriel na paulit-ulit sinusuntok ang nakangising mukha ng tatay niya. Na'ndito na naman ako sa bangungot ko.
"Hayop ka! Pati ba naman si Maxine?!... Papatayin kita!"
Para akong estatwa na pinapanood lang siya habang binubugbog ang sariling amang nakahiga na sa sahig. Malakas ang paghikbi ko, pero hindi nila ako naririnig.
"W-Why are you so f-furious, son?"
Kahit sa alaala lang ay nakakapangilabot pa rin ang ngiti sa gilid ng duguang labi ng hayop na lalaking sumira sa pagkatao ko.
Tinutukan siya ni Gabriel ng Swiss knife sa leeg. Napapikit siya dahil doon.
"She's my fiancée!"
Umalingawngaw sa madilim na silid ang boses ni Gabriel. Mas diniin niya ang talim ng kutsilyo, pero hindi niya naituloy ang balak niya dahil may humila sa braso niya—ako.
It was me—the old, coward version of me. The eighteen years old Stephanie stopped her fiancé from killing the man that broke her. I watched her beg for the life of the man she loathe.
"Gabriel, no! H-He's still your father... ayokong makulong ka! Think about your future, please!"
Humahagulgol ang mas batang ako. Awang-awa ako sa kaniya. Kung alam lang niya ang mga pagdadaanan niya pagkatapos ng gabing ito, aawatin pa rin kaya niya ang lalaking mahal niya?
Ngunit bigo siyang tuluyang pigilan si Gabriel. Pinahalik pa rin ni Gabriel ang talim ng kutsilyo sa pisngi ng sarili niyang ama.
"Ngayon alam ko na... kung bakit mas pinili mong kalimutan na lang ito," bulong ko sa sarili ko bago ako nagising sa bangungot ko.
***
Naramdaman ko sa likod ko ang malambot na kamang hinihigaan ko. Bahagya pa akong nasilaw sa mga ilaw ng kuwartong hindi ko kilala. Kulay gray ang kisame at hindi puti na kagaya ng sa kuwarto ko. Black naman ang quilted bedsheets na amoy pabango ng lalaki.
Nawalan na naman ba ako ng malay dahil sa nalaman ko. No. Matagal ko nang alam iyon—hindi ko lang matanggap. That's why my fucking brain decided to forget everything about it.
I slowly inhaled and exhaled as I collect myself. Mabagal kong minasahe ang noo ko habang dahan-dahan akong bumabangon sa kama. Nasa penthouse ako ni Hunter, iyon ang huling natatandaan ko.
Kuwarto niya siguro 'to...
Pipihitin ko na sana ang doorknob, pero natigilan ako nang marinig ko si Gabriel.
"Tang ina, Hunter! Sinabi mo kay Maxine?!"
Napaatras ako dahil sa malakas niyang sigaw. Boses niya pa lang ang naririnig ko pero halos tumagos na sa pinto ang tensyong namumuo sa labas ng kuwarto. Sigurado akong galit na galit siya sa ginawa ng pinsan niya.
"Nasa'n siya?!"
Hunter was silent and that's making it worse. Mas lalo lang lalala ang sitwasyon kung hindi siya magsasalita.
"Where is she, Hunter?!"
"S-Sa kuwarto ko. She collapsed right after she—"
Hindi ko na hinintay ang susunod na sasabihin ni Gabriel dahil natatakot akong mauna ang kamao niya at masaktan niya si Hunter. Agad kong binuksan ang pinto kasabay ng pagbuga ko ng hangin.
Hunter is sitting on his black Chesterfield couch. Mahaba ang nguso at matalim ang mga mata. Gusot na gusot ang kuwelyo ng beige polo shirt niya. Mukhang muntik na akong mahuli sa paglabas. Gabriel is standing in front of him, eyes widened. His hair ruffled. His hands balled into tight fists.
"G-Gabriel..." Mabagal kong tinawag ang pangalan niya. Nang magtama ang mga mata namin, naglaho na parang bula ang apoy sa mga singkit niyang mata. Malambot niya akong tinitigan.
"Okay ka na ba, Maxine?" Narinig kong tanong ni Hunter dahilan para mapasulyap ako sa kaniya. Tinanguan ko lang siya. "I'm so sorry, Maxine. Hindi ko alam na masama pala sa 'yo ang ma—" Hindi na natapos ni Hunter ang sasabihin niya. Parehong nanlaki ang mga mata namin nang biglang tumakbo papunta sa akin si Gabriel.
Huminto si Gabriel sa harapan ko, taas-baba ang dibdib niya at bahagya siyang hinihingal. Pareho pa rin ang suot niya sa kagabi. Pareho pa rin ang amoy niya sa kagabi. Saglit na lumikot ang mga mata niya, salitang tinitigan ang mga mata ko at ang mga labi ko. Pumikit siya at kumuha ng hangin bago niya ako ikinulong sa mga nanginginig niyang bisig. Hinayaan kong yakapin niya ako, pero nanlalambot ang mga braso ko. Hindi ko magawang yakapin siya pabalik. Hindi ko kaya.
"B-Bounce na ako!" sigaw ni Hunter. Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng sarili niyang penthouse.
Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Gabriel. Hindi ako makaiyak kahit na naninikip na ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit naduduwag ang mga luha ko. Nakatulala lang ako habang paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa akin.
"Maxine... I'm sorry. S-Sorry kung hindi ko sinabi sa 'yo." Garalgal ang boses niya at ramdam ko sa leeg ko ang mainit niyang hininga.
Alam kong hindi niya intensyong lokohin ako. Alam kong hindi niya gustong itago ang tungkol sa tatay niya. Alam kong iniingatan niya lang na hindi niya ako masaktan muli. Pero kagaya noon, hindi ko pa rin matanggap na iisang dugo lang pala ang dumadaloy sa lalaking pinakamamahal ko at sa lalaking kinasusuklaman ko.
"I'm so sorry, love..."
I kept my mouth shut. Hindi ako sumagot o nag-react man lang sa paulit-ulit na pagsusumamo niya. I slowly pushed him away without saying anything, without showing any signs that I am dying inside. Again.
Nang makakalas na ako sa mainit niyang yakap, walang emosyon akong tumitig sa mga namamasa niyang mga mata
"I-I need to go. K-Kailangan ako sa café," malamig kong sambit.
Napakurap-kurap siya at napa-awang ang mga pula niyang labi dahil sa sinabi ko. Mabagal akong lumakad papunta sa pinto. At kahit na nagtama ang mga balikat namin, hindi ako huminto sa paghakbang.
"W-Wait, Maxine..." papaos na awat niya kasabay ng paghawak niya sa siko ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Kausapin mo naman ako, please," pagmamakaawa pa niya.
I moistened my lips and looked deeply into his watery eyes. Parang isang pagkurap na lang ay babagsak na ang mga luha niya at ayokong makita siyang gano'n kaya mabilis din akong nag-iwas ng tingin. Marahan kong inalis ang kamay niya sa siko ko.
"W-Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Gabriel," bulong ko. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad kahit na gustong-gusto kong punasan ang mga mata niya.
Napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod ko. Ipinatong niya sa balikat ko ang ang ulo niya habang nakayapos sa may puson ako ang mga bisig niya.
"Please naman... please, Maxine. F-Five minutes lang. Just give me five minutes." Nanginginig ang boses niya. Napapikit ako nang mapaso ang pisngi ko ng mainit niyang hininga.
"Gabriel, please... l-let me go," I choked out. I was struggling to keep my voice firm. I harshly removed his hands and started to step away from him.
Sa pagkakataong ito, mas nilakihan ko na ang mga habang ko, pero bigo pa rin ako. Nahuli niya ang namamawis kong kamay dahilan para mapaharap ako sa kaniya.
"Look, Maxine..." Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya. Using his free hand, he pressed something on its screen. Nanatiling nakakulong ang kanang kamay ko sa kaliwang kamay niya.
"Five minutes lang, promise!" Itinapat niya sa mukha ko ang cellphone niyang naka-on ang timer sa screen—5:00 min. Pagkatapos ay ipinatong niya 'yon sa console table sa may likuran niya.
"Okay," tipid kong pag sang-ayon. "B-But, please let go of my hand..."
Sinunod niya ang utos ko. Binitawan niya ang kamay ko at saka siya ngumiti. Isang mapait na ngiti na nagpakirot sa dibdib ko.
"I-I'm sorry if I didn't tell you. N-Natatakot kasi ako na baka makasama sa 'yo kapag nalaman mo ang totoo..." pautal-utal niyang panimula. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya, siguro para pigilan ang tuluyang pagtulo ng mga luha niya.
"M-Makasama? Sa akin?" I scoffed and chuckled bitterly.
"May 'makakasama' pa ba sa akin after what your father did to me?!" Dinuro ko ang dibdib niya. Saying it out load made my stomach churn. He didn't even blink, he didn't even deny it. Totoo nga, anak nga siya ng hayop na lalaking sumira sa pagkatao ko. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at parang unti-unting bumigat ang mga mata ko.
"I'm s-sorry Maxine... pangako, pagbabayaran niya lahat ng ginawa niya sa 'yo." Muli niyang kinagat ang labi niya at saka umiling-iling. "H-Hindi ako papayag na masaktan ka pa ulit niya."
"You're too late for that, Gabriel..." I fixed my drowsy eyes on him.
"W-What do you mean?" Napalunok siya. Humakbang siya papalapit sa akin at akmang hahawakan ang mukha ko pero mabilis kong tinabig ang kamay niya.
"Hindi mo ba alam na paulit-ulit niya akong sinasaktan sa bawat segundong kasama kita?!" nagpupuyos kong sigaw kay Gabriel. Tuluyan nang bumagasak ang mga luha kong kanina ko pa pilit pinipigilan.
Napaatras si Gabriel. Mariin siyang napapikit at nanghihinang napasandal sa console table na nasa likuran niya.
"Your mere existence reminded me so much of the pain I've been through..." I continued, sobbing. I clutched my chest and exhaled sharply.
"Kasi pinapaalala mo siya... pinapaalala mong totoo siya! Pinapaalala mong buhay siya! Pinapaalala mong tao siya! You are his power over me! I will never wake up from this fucking nightmare because of you!" Nanginginig ang mga labi ko at ang mga kamao kong paulit-ulit na hinahampas ang dibdib niya habang isinisigaw ko ang mga masasakit na salitang iyon.
"Y-You remind me of him... you fucking remind me of him!" I slapped his chest again while tasting my tears.
Hinayaan niya lang akong gawin iyon sa kaniya nang ilan pang beses kasabay ng paghagulgol naming dalawa. Habang pahina nang pahina ang paghampas ko sa malapad niyang dibdib, palakas naman nang palakas ang mga hikbi namin.
Nang padausdos na sa bandang tiyan niya ang mga palad ko, bigla niyang inangat ang mga ito at maingat niyang iniyapos sa likod niya. He snaked his arms around my waist and pulled me closer to him.
Niyakap niya ako nang mas mahigpit pa sa mga yakap niya kanina. Wasak na wasak ang puso ko dahil sa mga naalala ko, pero hindi ko alam kung bakit sa isang yakap lang ni Gabriel... parang unti-unti na akong nabubuo. Kaso sa tuwing sasagi sa isip ko na anak siya ng hayop na 'yon, para akong nasusuka. Hindi ko kaya... hindi ko kayang paulit-ulit na wasakin ng mga bangungot ko at buoin ni Gabriel para lang mawasak ulit.
"I will never heal because of you..." I mumbled while crying on his chest.
"Do you want me to let you go? A-Again?" His voice broke.
"Magigising ka na ba sa bangungot mo kapag lumayo ako sa 'yo?" Mabagal niyang binigkas ang tanong niya habang umiiling-iling ang ulo niyang nakapatong sa balikat ko. "H-Hindi ko kaya... I-I can't do it again, Maxine..." His firm chest trembled as he let out his anguished cries.
"H-Hindi ko kayang iwanan ka ulit. P-Pero kung dahil sa akin nasasaktan ka, pipilitin ko. Kakayanin ko... k-kahit mahirap, kahit ikamatay ko pa, basta maging okay ka lang, gagawin ko..."
Panay ang hikbi at singhot niya. Hirap na hirap siyang banggitin ang mga salitang iyon. Nababasa ng mainit niyang mga luha ang balikat ko habang mas dumidiin naman ang mukha ko sa dibdib niyang basa na rin ng mga luha ko.
"P-Please just let me go..." I whispered weakly. I never thought that love can hurt like this. Pakiramdam ko may tumutusok sa puso ko kaya sumisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko may pumipiga sa baga ko kaya hindi ako makahinga.
Gabriel slowly removed his hands from my waist, and I did the same, I gently removed my hands from his back. His grieving eyes stared at me—Asian eyes from his mother. His lips were trembling—soft lips that I passionately claimed last night. His cheeks flushed—red cheeks filled with blood from his father.
He will always make me remember the things that I wanted to forget.
Marahan kong inalis ang singsing na isinuot niya sa akin kagabi. Inabot ko ang kaliwang kamay niya at pilit kong ibinuka ang nakakuyom niyang kamao.
"M-Maxine... hindi na ba talaga natin kayang ilaban?" Saglit akong napahinto ng tanong niya. I shook my head slowly and I carefully placed the golden ring in his warm palm.
"Gabriel...umpisa pa lang, talo na tayo," malungkot kong sagot habang nakatitig sa mga lumuluha niyang mata.
Mabilis niyang nilingon ang cellphone niyang nakapatong sa console table.
"Thirty seconds," he whispered absentmindedly. "This will be the best thirty seconds of my existence..."
He stepped forward, closing the distance between us. He swiftly grasped the nape of my neck and pulled me into a deep, passionate kiss.
Sa loob ng tatlumpong segundong magkalapat ang mga labi namin, wala akong ibang hinihiling kundi ang sana mas bumagal ang oras. Sa loob ng tatlumpong segundong magkalapat ang mga labi namin, wala akong ibang nalalasahan kundi ang luha naming dalawa. Sa loob ng tatlumpong segundong magkalapat ang mga labi namin, wala akong ibang iniisip kundi ang 'sana hindi ko makalimutan ang tagpong ito'. Kahit ito na lang ang itira Mo sa amin. Kahit ito na lang ang paulit-ulit kong maalala.
Tumunog na ang alarm ng timer niya. Ubos na ang limang minutong hiningi niya kanina. Ako ang unang umatras at ang unang kumalas sa malalalim naming halikan. Agad akong yumuko habang mabilis na nagpupunas ng mga luha. Maingat na itinaas ni Gabriel ang mukha ko. Inilagay niya sa likod ng tainga ko ang iilang takas na hibla ng maiksi kong buhok.
"Mahal na mahal kita, Maxine," lumuluha niyang binanggit.
Mapait akong ngumiti sa kaniya. "Gabriel... see you never," bulong ko.
***
Gulong-gulo ang isip ko habang nakasakay sa taxi papuntang Café Amor. Paniguradong stress na stress na si Jasper at si Gail doon dahil pasko at maraming customer. Napasapo ako sa noo ko.
What if pumunta si Scarface sa café? What if may gawin siyang masama kila kuya Spence sa ospital?
Kalma lang, Stephanie. Overthinking won't help.
Napabalik ako sa realidad nang biglang tumunog ang cellphone ko. It's Kyle—my dog walker. Pag-iyak agad niya ang una kong narinig pagkasagot ko ng tawag.
"Steph... I'm so sorry. S-Si Coco..." She sniffled.
"A-Ano'ng nangyari kay Coco?" kinakabahan kong tanong.
"H-He's gone..." Humagulgol si Kyle. "S-Sorry, Steph. Binigyan lang siya ng treats no'ng matandang lalaking palagi niyang tinatahol dito sa park... t-tapos after a few minutes, bumula na 'yong bibig niya..."
Nanlamig ang mga kamay ko sa sinabi ni Kyle. Lumunok ako para pigilan ang mga pabagsak kong luha pero kusa silang nag-unahan sa pisngi ko. Mabilis kong kinusot-kusot ang mga mata ko at huminga ako nang malalim.
This is not happening. Pati ba naman ang walang kalaban-labang aso ko, dinamay niya!
"Steph, sorry... sorry talaga." Patuloy pa rin ang pagtangis ni Kyle sa kabilang linya.
"Wala kang kasalanan, Kyle..." mahinang sagot ko. Pilit kong nilalabanan ang bumabalot na takot at galit sa dibdib ko.
Nagmamadali akong nagtipa sa cellphone ko ng text message kay Kuya Spence para bigyan sila ng babala ni Papa. Hindi ko pa man natatapos ang message ko, muling nag-ring ang cellphone ko. This time, it's Kuya Spence.
"Kuya, kumusta si Mama?" Tahimik lang si Kuya sa kabilang linya pero naririnig ko ang mabigat niyang paghinga.
"Hello? Kuya?"
"Mei-mei... Mei-mei si Papa..." Bigla na lang siyang humagulgol.
Napahawak ako sa dibdib ko at parang may bumarang hangin sa lalamunan ko. Hindi rin agad ako nakapagsalita.
"B-Bakit? Ano'ng nangyari kay Papa?" Pumikit ako at inilayo ko nang kaunti ang cellphone ko sa tainga ko, kinakabahan ako sa ibabalita ni Kuya. Mariin akong humawak sa dibdib ko para pakalmahin ang nagtatambol kong puso.
"H-He's dead..." Kuya stuttered.
I wailed inside the car while clutching my chest. Panay ang tanong sa akin ng driver pero parang nabibingi ako, wala akong ibang marinig maliban sa pagpalahaw ko.
Na'ndito na naman ako sa bangungot ko.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top