Chapter 24 - Blood

Nagising akong nakayapos sa may tiyan ko ang kaliwang kamay ng fiancé ko at ang kanang palad naman niya ay nasa ibabaw ng dibdib ko. Nararamdaman ko sa may batok ko ang maligamgam niyang hininga. I can hear him—he's lightly snoring. Mahinang mahina lang. Siguro napagod siya sa mga ginawa namin kagabi.

Marahan akong kumalas sa mga bisig niya at unti-unti akong umupo sa kama. Malalim pa ang tulog niya at mabagal na tumataas-baba ang malapad niyang dibdib dahil sa kalmado niyang paghinga. Napakagat ako sa labi ko.

"Shit! Magiging asawa ko na 'tong guwapong 'to." Isang impit na tili ang pinakawalan ko. Ayokong maistorbo ang mahimbing niyang tulog.

Dahan-dahan din akong bumaba sa kama, nag-iingat na walang magawang ingay. Una kong dinampot ang tuwalya kong nasa sahig at itinapis ito sa katawan ko. Napangiti ako nang mapansin ko ang kiss mark malapit sa tuktok ng kanang dibdib ko. Mayroon rin sa tadyang ko at ang pinakamapula naman malapit sa singit ko.

Napailing-iling na lang ako habang nakangisi. He was so delicate on the first two rounds last night, but then the last one was... wild.

Lumakad ako pabalik sa kama. "Minarkahan pa talaga ako, ah?" malambing kong bulong sa fiancé ko at saka ko hinalikan ang pisngi niya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesita. Iistorbohin ko sana si Li sa honeymoon nila ni Andrew para ibalita sa kaniyang engaged na ako, pero naagaw ang pansin ko ng singsing na nasa kaliwang kamay ko.

Napatakip ako ng bibig para pigilan ang paghagikgik ko. Itinapat ko ang kaliwa kong kamay sa mukha ng fiancé ko. Bahagya pa ngang nanginginig ang palad ko dahil kinakabahan akong lumapat sa pisngi niya at baka magising ko siya. I opened my cellphone's camera and took a photo where both my engagement ring and my fiancé's handsome face can be seen.

"Perfect!" I whispered to myself as I stared at my new wallpaper.

Isa-isa kong dinampot ang mga nakakalat naming damit sa sahig. Halos walang maririnig sa bawat paghakbang ko, pero isang tawag ang bumasag sa tahimik at masayang umaga ko.

Natataranta kong sinagot ang tawag habang tumatakbo ako papasok ng banyo.

"Kuya Spence! Merry Christmas!" magiliw na bati ko kay Kuya na nasa kabilang linya.

"Mei-mei..." Napalunok ako dahil may kakaiba sa boses niya. "Inatake si Mama sa puso. We're at St. Vincent's now..." papaos na dugtong niya. Ilang segundo akong natulala sa sinabi niya.

May sakit si Mama sa puso? Kailan pa?

"Mei-mei, please come here. We need you here..." Rinig na rinig ko ang pagsinghot ni Kuya. Sigurado akong umiiyak siya ngayon, pero pinipigilan niya lang para hindi ako magpanic.

I took one last glance at my fiancé's peaceful face and tried to memorize everything—from his ruffled hair down to his large feet before closing my bedroom door. I clutched my chest as I leaned on my door, I inhaled and exhaled slowly to calm my pounding heart, but I failed.

Sumasabay sa bawat paghakbang ko papalayo sa pinto ng unit ko ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko... namamawis pati na ang kili-kili ko at kahit hindi pa ako nagkakape—nag-pa-palpitate na ako.

Mukhang binabawi na agad ng Diyos ang masayang pasko ko.

***

Good morning! Nasa St. Vincent's Hospital ako, sinugod daw si Mama. Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod ka 💦 Babalik agad ako kapag nasigurado kong okay na si Mama. I love you!

"Yuck, 'I love you?'" Napakamot ako ng ulo ko. "Ngayon ko pa lang yata sasabihin 'to sa text, ah? But it's him... fine!" Pinindot ko ang 'send' at saka itinago ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Huminga ako nang malalim bago ko pinihit ang doorknob ng hospital room ni Mama.

Nakahalukipkip si Papa at nagkukuyakoy habang naka-upo sa maliit na puting couch. Nakatayo naman si Kuya Spence at akmang sasalubungin ako ng yakap. Pulang-pula ang ilong at ang mata niya, marahil dahil sa kaiiyak.

"Si Mama? Nasa'n si Mama?" Hindi na umabot sa akin ang mga bisig ni Kuya dahil napahinto siya ng tanong ko.

Tumikhim siya. "Nasa operating room na, Mei-mei. She needs an open-heart surgery..." he forced a smile on his face.

"And then? Magiging okay na ba siya pagkatapos no'n, Kuya?" kunot-noo kong tanong habang nakatitig sa mga namumugtong mata ni Kuya.

"Probably... the doctor said there's a 95% success rate." Hinawakan ni Kuya Spence ang mga nanlalamig kong palad at iginiya niya ako papunta sa hospital bed.

We sat on the edge of the bed. Hindi ko maiwasang hindi mapansin na tila aligaga pa rin si Papa. Kumukuyakoy pa rin siya sa couch na nasa tapat ng kamang inuupuan namin ni Kuya.

"What happened Papa? Matagal na bang may problema sa puso si Mama?" direstong tanong ko sa kaniya. His restless legs suddenly stopped. I saw him gulp before looking at my direction.

"N-No, Steph... first attack niya kagabi," pautal niyang sagot pagkatapos kumuyakoy na naman siya.

Ayokong nakikita siyang ganito. Ang huling beses na nakita ko siyang ganito kaaligaga ay noong ina-nounce niya ang pagsasara ng garment factory namin sa Binondo. Isang taon pagkatapos nila akong tubusin ng twenty million sa sindikato. Nasimot ko ang pera ng pamilya namin dahil doon.

Napakurap-kurap ako bago muling inusisa si Papa. "B-Bakit siya inatake... ano'ng nangyari?"

"Uhm..." Lumikot bigla ang mga mata ni Papa hanggang sa ipako niya ang mga titig niya sa sahig.

"Pa? What happened?" Bahagya pa akong yumuko para habulin ang paningin niya, pero wala akong narinig na sagot kay Papa. Nanatiling tikom ang bibig niya habang unti-unting bumabagal ang pagkuyakoy niya.

"Nag-away sila ni Mama. Nalaman kasi ni Mama na pinaubos ni Papa sa Casino ang five million pesos na hiniram nila kila architect," mariing sagot ni Kuya Spence.

Napalingon ako kay Kuya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Casino? Si Papa nagkaka-Casino? Ni Bingo nga hindi niya alam, tapos nagsusugal siya sa Casino?

"A-Ano, Kuya? N-Nagsusugal si Papa?" I stammered. Tumango lang si Kuya at saka bumuga ng hangin.

Napapikit ako bago muling ibinalik ang atensyon kay Papa na nakatulala pa rin sa sahig.

"F-Five million, Pa? 'Yong inutang niyo kila Gabriel?" Pinandidilatan ko na ng mata si Papa, pero hindi niya pa rin ako nililingon. Unti-unti kong itinikom ang mga palad ko at ipinirmi ko sa kandungan ko ang mga ito. Hinihintay kong sumagot si Papa, pero wala! Tahimik pa rin siya habang hirap na hirap na akong pigilan ang galit ko.

"Inubos niyo sa sugal, Pa?" halos papiyok kong sambit.

"Tang ina! 'Di ba para sa negosyo niyo 'yon?!" singhal ko.

Doon lang napalingon sa akin si Papa, halatang nagulat siya sa pagmumura ko. Napahilamos siya ng mukha at saka niya sinalubong ang matalas kong tingin. Namumuo sa mga singkit niyang mata ang mga luha. Ilang beses siyang lumunok ng laway bago niya ibinuka ang bibig niya.

"I'm s-sorry, anak. Hindi ko naman ginustong bumalik sa bisyo ko. It's just my past time, hindi ko namalayan na—"

"WAIT!" Itinaas ko ang palad ko. "Bumalik? You mean... you've been doing this before?" Napasapo ako sa noo ko. Suminghot lang si Papa. Siguro para magpigil ng mga luha, pero hindi niya kinontra ang bintang ko.

"Kailan ka pa naadik sa pagsusugal, Pa?!" pasigaw kong tanong. Hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng boses ko at ng mga kilay ko.

"Mei-mei... calm down..." Hinawakan ni Kuya ang braso ko, pero tinabig ko lang ang kamay niya.

"No, Kuya! I can't calm down! I won't calm down!" bulyaw ko sa kaniya. Napatuwid siya ng pagkakaupo sa kama.

"Kailan pa, Papa?!" Mabilis na nagtataas-baba ang dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya. Mas lalong bumabaon ang mga kuko ko sa nakakuyom kong mga palad, dahil sa pinaghalong inis at galit kay Papa.

"Naka-recover na ako last year anak... it's just that—"

"Kailan pa, Pa!" I shouted. My shaking voice filled with rage.

Napatakip ng tainga si Kuya Spence dahil sa sigaw ko. Napailing-iling naman si Papa. Pagkatapos, bigla na lang siyang humagulgol.

"S-Simula pa noong bata pa kayo ng Kuya mo... n-naubos ko ang kita ng garments factory natin... p-pati na rin 'yong sa main branch ng Oriental Delights, n-no'ng nakabalik ka sa amin after that kidnapping incident..."

Hirap na hirap akong intindihin ang sinasabi niya dahil sa pag-iyak niya at dahil na rin sa parang kusa akong nabingi sa paliwanag niya. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang sinabi ni Papa. Panay ang iling ko, dahil ayaw maniwala ng utak ko.

"S-So you mean, i-ikaw ang dahilan kung bakit n-nalugi lahat ng negosyo natin?" Hirap na hirap akong bigkasin 'yon. Natatakot ako sa isasagot ni Papa. Nanunuyot na ang lalamuman ko at nagsisimula na ring manginig ang mga kamao kong nakapatong sa mga hita ko.

"I'm sorry, Steph..." Mas lalo pang lumakas ang pagpalahaw niya. Tumayo si Kuya at mabagal na inalo ang likod ni Papa.

Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama pero ramdam kong bumibigat na rin ang mga mata ko hanggang sa mabasa na ng luha ko ang mga nakatikom kong kamao. Sumisikip na rin ang paghinga ko at alam kong kahit pigilan ko pa ang namumuong galit sa dibdib ko, sasabog at sasabog din ako.

"Tang ina! Ikaw pala, Papa! Ikaw pala ang naglubog sa sarili mong pamilya!"

Napatakip na lang ako sa bibig ko habang pinipigilan ang malakas kong paghikbi.

"Mei-mei... tama na..." mangiyak -ngiyak na pag-awat ni Kuya.

"No, Kuya... hindi pa ako tapos." Suminghot ako para pigilan ang pagtulo ng mga panibagong luha. Lumunok din ako nang maraming beses para mawala ang nakabarang hangin sa lalamunan ko.

"K-Kahit ilang beses akong mag-mura at kahit hanggang bukas pa ako magsisigaw dito, hindi ako matatapos, Kuya!" gigil na gigil kong sigaw.

Napatayo na ako sa kama at humakbang ako papalapit sa kanila ni Papa.

"A-Alam niyo ba kung ano'ng mga pinagdaanan ko?... i-ilang taon kung sinisi ang sarili ko sa lahat ng nangyari sa pamilya natin!" Pinunasan ko ang mga luha ko habang mabigat na nakatitig kay Papa at kay Kuya.

"N-No'ng nakunan si Mama, naglayas ako sa bahay kasi sinisi mo ako, Pa. 'Kung hindi ka lang pasaway, Stephanie! Buhay pa sana ang baby sisters mo!' 'Di ba 'yon ang litanya niyo araw-araw no'n, kaya lumayas ako tapos... tapos nakuha ako ng sindikato." Pinipilit kong pakalmahin ang nanginginig kong boses, pero bigo ako.

Napahawak ako sa sentido ko dahil biglang kumirot ang ulo ko nang sumagi na naman sa isip ko ang alaala na iyon.

"Steph, kalimutan na natin 'yon anak," bulong ni Papa. Nakahawak pa rin sa likod niya si Kuya.

"Tang ina! Kalimutan? Naririnig mo ba ang sarili mo, Pa?!" I chuckled bitterly while clutching my chest.

"Dalawang-buwan! Dalawang buwan akong namalimos sa kalsada! T-Tapos kapag kulang ang nalimos namin, lalatiguhin kami at mumura-murahin ni Mang Dante. B-Buti kong iyon lang, eh!" Humigpit ang hawak ko sa dibdib ko. "P-Pero hinihipuan niya ako kapag lasing siya... hinihipuan niya ako..."

Napasinghap si Kuya Spence at napahinto siya sa pag-alo kay Papa. Nanlaki naman ang mga mata ni Papa at pilit niyang inabot ang mga nanginginig kong kamay.

"Anak... I'm so sorry. H-Hindi ko alam..." Panay pa rin ang pag-iyak niya habang hinahaplos ang mga kamay ko, pero mabilis kong binawi ang mga 'yon dahilan para mapasandal siya sa couch.

"Mei-mei... bakit hindi mo sinabi sa amin?" Tuluyan na ring bumuhos ang luha ni Kuya Spence.

"Why would I, Kuya? Bakit ko pa sasabihin sa inyo kung pagkatapos no'n, pakiramdam ko araw-araw akong sinisisi ni Mama kaya tayo naghirap! Kasi 'di ba tinubos niyo ako with that fucking twenty million?!" Basag na basag na ang boses ko at tuyot na tuyot na ang lalamunan ko. Gusot na rin ang suot kong blouse dahil sa humihigpit na hawak ko sa dibdib ko.

"S-Steph... s-sorry, anak."

Wala akong ibang marinig kay Papa kundi ang sorry kasabay ng paghagulgol niya. Lumapit si Kuya sa akin at paulit-ulit niyang hinagod ang likod ko. Gusto kong isandal ang ulo ko sa balikat niya, pero ayokong maging mahina sa mga oras na 'to. I just wanted to let everything out.

"K-Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako magiging pabigat para sa inyo ni Mama. Pinilit kong makapasok sa varsity team ng volleyball no'ng high school para sa scholarship... kasi ayokong maglabas pa kayo ng pera para sa akin..." I sniffled and closed my eyes. Mas lalong nag-unahan ang mga luha ko nang isinara ko ang mata ko. I exhaled sharply as I opened them.

"But guess what?! My fucking volleyball coach... that devil—molested me for almost two years!" My voice broke. I felt a pang on my chest, I am convinced that my heat broke as well.

Napatigil si Kuya sa pag-aalo sa likod ko, "Oh my gosh! S-Si Sir Mike?"

I nodded while sobbing. I crossed my arms in front me and then I hugged myself. Niyakap ko ang sarili ko nang mahigpit kagaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing natatakot ako, sa tuwing nasasaktan ako.

"He broke me! Paulit-ulit... for almost two years!" Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang bibig ko dahil napansin kong lumalakas na ang mga hikbi ko. Tulala lang si Papa na nakasandal sa couch at mahinang umiiyak.

Huminga ako nang malalim bago ko inalis ang mga kamay ko sa bibig ko.

"And the sick part is... I let him do that. He blackmailed me, Papa. Ipapakalat niya raw ang mga nude pictures ko at tatanggalan niya ako ng scholarship." Napasandal ako kay Kuya Spence dahil biglang nanlambot ang tuhod ko.

"I let him do that for two fucking years! Kasi ayokong maging pabigat sa tang inang pamilyang 'to!" nagpupuyos sa galit kong sigaw. Parang namamanhid na ang buong katawan ko, hindi ko na alam kung nanginginig ba ang mga kamay ko o ang labi ko o kung hindi pa rin ba nauubos ang luha ko, wala akong maramdaman.

Nabalot ng hagulgol ko ang buong kuwarto. Hinahabol ko ang hininga ko habang pilit kong pinupunasan ang mga luha ko.

"Mei-mei... kakasuhan natin siya, okay?" I felt my brother's hug from behind.

"Mapapatay ko ang hayop na 'yon..." Narinig kong sabi ni Papa. Kitang-kita ko rin ang galit sa mga nanunubig niyang mata.

"No, Pa... killing him won't do justice, nauna niya na akong mapatay." I responded coldly. Kumalas ako sa mahigpit na pagkakayakap sa akin ni Kuya Spence.

"Matagal na akong patay... I'm breathing, but I'm not living, because everything hurts... every part of this fucking body fucking hurts so much!" I shouted while pounding my chest harshly. Halos mapaos na ako. Napasabunot ako sa ulo ko na agad din namang pinigilan ni Kuya.

"Anak... I'm here. Tutulungan ka namin, okay? Lalaban tayo..." Papa tried to comfort me. Tumayo siya para yakapin ako, pero mabilis akong umatras.

"No, Pa. You were never there, and you'll never be here." I swallowed hard and looked at him intently. "Doon ka na lang magpakalunod sa pagkaka-Casino mo!"

That's the last thing I managed to say before walking out of the hospital door. I didn't look back even if my father is crying my name out loud, begging for the forgiveness that I don't think he deserves.

***

Nagpupunas pa rin ako ng mga luha habang mabilis na naglalakad pabalik kay Kitkat. Napahinto ako nang may biglang humigit sa braso ko.

"Hi, Stephanie..." he whispered.

Para akong binuhusan ng isang baldeng tinunaw na yelo nang marinig ang boses na galing sa likod ko. Ayokong lumingon sa kaniya. Natatakot akong makitang siya nga ang mahigpit na nakakapit sa braso ko.

"Hindi mo ba ako na-miss, Stephanie?"

Help! Somebody, please, help me!

Gustong-gusto kong sumigaw, pero parang nawalan ako ng boses. Kung ano'ng tapang ko kanina kila Papa ay siya namang takot ko ngayon. Parang kahit ang pagkurap ay hindi ko magawa, kahit ang paghinga ay hirap na hirap akong gawin.

"Sumama ka na sa akin, Stephanie..."

Please, Lord. Help me.

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga namumuong luha. Kinakapos na rin ako ng hangin dahil nahihirapan akong huminga. Nahihilo na ako sa pinaghalo-halong takot at galit. Matutumba na ako at malaya niya akong makukuha, pero dininig ng Diyos ang dasal ko.

Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Hunter sa harap ko at buong lakas niyang sinapak si Scarface. Then he dragged me away from the devil with his bloody knuckles.

***

"You okay, Maxine?" Inabot sa akin ni Hunter ang isang baso ng malamig na tubig pagkarating na pagkarating namin sa penthouse niya. Mabagal lang akong tumango bago ko ininom ang tubig. Halos maubos ko agad ang laman ng baso sa isang lagukan lang.

"Hindi ka pa rin pala talaga tinitigilan ng hayop na manyak na 'yon?" Mabilis niyang pinasadahan ng palad niya ang kulay pula niyang buhok. "Tsk! Ilang taon nang hina-hunting 'yan ni Gabriel. Mailap pa sa palos!" Napapadyak pa siya sa inis.

"N-Ni Gabriel? B-Bakit?" nag-aalangan kong tanong sa kaniya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga nanlalaki niyang singkit na mata.

He exhaled sharply. "For you... and for his mom," he answered. Kumunot ang noo ko roon at parang biglang dinaga ang dibdib ko.

"H-His mom? W-Why?" my voice quivered. Inubos ko na ang natitirang laman ng baso ko bago ko ito ilapag sa coffee table.

"Wait here..." Tumalikod si Hunter sa akin at saka naglakad palayo sa sala. Pagbalik niya, may bitbit na siyang parang libro... isang manipis na libro.

"He should have told you this before..." Inabot niya sa akin ang bitbit niya. It was his grade school yearbook.

"P-Para saan to Hunter?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"Grade school yearbook namin ni Gabriel." He cleared his throat before sitting next to me. "Just flip through the pages, Maxine."

Sinunod ko ang utos niya. Inisa-isa ko ang bawat pahina ng yearbook nila at hinanap ang pangalan ni Gabriel, pero wala siya sa 'letter D'. Walang Leonard Gabriel Del Rosario. Mas lalong bumilis ang pagtatambol ng puso ko na parang tatalon na ito palabas ng dibdib ko.

"B-Bakit wala sa letter D si Gabriel?" nauutal kong tanong kay Hunter. Patuloy pa rin ako sa paglilipat ng pahina ng yearbook kahit na lagpas na ako sa 'D'.

"Nasa junior high na kami no'ng magpakasal sila Tito Royce and Tita Laila—Gabriel's mom. After a year, Tito Royce adopted Gabriel... kaya hindi pa Del Rosario si Gabriel diyan." Nanginginig nang kaunti ang boses ni Hunter na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Leonard Gabriel S. Maldonado." Napatakip ako ng bibig ko pagkatapos kong bigkasin iyon.

Unang pangalan sa listahan ng graduates na letter 'M' ang apelyido. Maldonado si Gabriel? Hindi ko na maramdaman ang malakas na kabog ng puso ko dahil parang huminto na ito sa pagtibok.

"M-Maldonado siya? H-Hunter, ano'ng ibig sabihin nito?" Kusang pumatak ang mga luha ko sa pahina ng yearbook kung saan naroon ang picture ni Gabriel.

"Biological father niya si Mike Maldonado... 'yong hayop na demonyong nang-abuso sa 'yo at sa nanay niya," pabulong na sagot ni Hunter.

Napasabunot ako sa ulo ko. "N-No, hindi puwede, Hunter! No, hindi... hindi sila magkadugo!" hagulgol ko habang dumidiin ang mga kamay ko anit ko.

"Hindi puwede! He can't be my fiancé's father... hindi puwede..."

***

MsLynLuna

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top