Chapter 22 - Hate
"So... s-si Kuya pa rin pala?"
Jasper's voice echoed through my head, but I didn't answer. May dapat ba akong isagot? Ilang segundo kong piniling manahimik na lang muna bago ako nagsalita.
"I... I'm sorry, Jasper."
Tang ina, Stephanie. 'Sorry?' Sorry lang ba talaga ang kaya mong sabihin sa lalaking walang ibang ginawa sa iyo kundi ang patunayang mahal ka niya simula noong unang araw na nakilala mo siya?
"Gets ko naman, Steph." Pilit siyang ngumiti sa akin. "Ex mo si Kuya, ex-fiancé pa nga, ano'ng palag ko ron?" Ngumisi siya at bahagyang ginulo ang buhok niya.
"B-But I don't love him anymore. I-I actually hate him, Jasper." May kung ano'ng bumara sa lalamunan ko nang sabihin ko 'yon. Lumunok ako para mawala 'yon, pero bigo ako
"Buntis na pala si Amber tapos hinayaan niya pang may—" Nanginig ang boses ko, hindi ko yata kayang ituloy ang paliwanag ko kaya't napayuko na lang ako.
"You hate him, pero hindi ibig sabihin no'n na hindi mo na siya mahal." Nagulat ako sa seryosong sinabi ni Jasper dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Kagaya ng hindi mo naman ako 'hate', pero hindi rin ibig sabihin no'n na mahal mo ako..." His voice is trembling. I hurt him. Again. At hindi niya deserve 'to.
Kinuha ko ang mga kamay niya at mahigpit kong hinawakan ang mga 'yon. "I'm sorry... hanggang dito pa lang ang kaya ko." I inhaled sharply to stop my tears and then I caressed his knuckles.
"Steph... 'wag kang mag-alala sa akin." Ngumiti ulit siya. This time, mas malalim na ang ngiti niya, kita na ang mga dimples niya. "Kaya ko pa, kaya ko pang ilaban 'to." He leaned forward and planted a delicate kiss on my forehead. Napapikit ako sa ginawa niya.
"Mahal kita, palagi," he whispered.
Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko. Sumandal ako sa upuan at tinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko habang humihikbi. Tahimik lang si Jasper sa tabi ko. Patuloy lang ako sa paghikbi dahil sa hindi ko malamang dahilan... is it because of guilt for hurting Jasper like this? Or because of the pain from seeing Scarface earlier? Or maybe, because of hate—for allowing myself to hold on... to still love Gabriel despite of it all.
Ilang minuto pa akong umiyak hanggang sa isang tawag ang pumutol doon.
Li was crying on the phone. Nabaril daw si Andrew at fifty-fifty sa ospital. Kahapon lang si Andrew ang pinaka-kinasusuklamang tao ni Li sa buong mundo, pero ngayon humahagulgol siya sa telepono dahil natatakot siyang mawala si Andrew.
Can you really love and hate a person at the same time?
***
"I need to talk to someone... to fix this, Steph." Iyak pa rin nang iyak si Li sa balikat ko habang nakaupo kami sa maliit na couch at binabantayan ang walang malay na si Andrew.
Wala pang isang linggo ang nakakalipas nang may riding-in-tandem na nagtangka sa buhay nilang dalawa sa mismong tower ng unit ni Andrew. Threats have been following them simula noong bumalik sila mula sa honeymoon nila sa Zambales.
"S-Sino? I'll go with you! Sasamahan kita Li!" Humarap ako sa kaniya at mariing tinitigan ang mga nanunubig niyang mata.
Umiling-iling siya habang sumisinghot para pigilan ang pagtulo ng luha niya. "No, tawagan mo si Leo. Siya muna bahala kay Andrew. Ikaw, bumalik ka na sa Café."
Leo? Hindi ko yata kayang kausapin pa ang gagong 'yon! Pero sige, gagawin ko para sa kaibigan ko at para sa inaanak ko.
Matapos magbihis ni Li, nagmamadali siyang umalis ng ospital at ako naman ay nanginginig na idi-nial ang number ni Gabriel—ni Leo sa phone ko.
Isang ring lang at sumagot agad siya. Pero ayokong ako ang unang magsalita. Kahit nakakainis ang ilang segundo katahimikan naming dalawa, hindi ako titiklop. Ayokong ako ang unang mag-hello sa kaniya.
"Hello, Maxine."
Tumayo ang balahibo ko nang marinig ko ang papaos niyang boses. Weeks, it's been weeks since I woke up at the hospital without him, without any explanation from him.
"Ah... nasa ospital si Andrew. Nabaril siya k-kanina sa—"
"TANG INA! Saang ospital?!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. Muntik na yata akong mabingi!
"St. Vincent's Hospital. Room 105," tipid kong sagot.
"Okay, got it. Can you wait for me?... May kailangan lang din akong sabihin sa 'yo," bahagyang hinihingal ang boses niya sa kabilang linya.
"Hindi na kita mahihintay. Kailangan ko nang pumunta sa café," malamig kong sagot.
"Maxine, please..." garalgal niyang pakiusap. "I need to talk to you. I have to tell—"
I ended the call. Ayoko nang marinig ang mga palusot niya at kung ano pang kasinungalingang manggagaling sa bibig niya. Ayoko nang idagdag pa si Gabriel sa mga gumugulo sa isipan ko lalo pa't bumalik na si Coach... si Scarface.
Napasinghap ako nang sumagi sa isip ko ang mukha ng demonyong 'yon—ang mukha niyang may dalawang peklat. Ang mas malalim at mas mahabang pilat ay gawa ni Gabriel.
Will he be in danger too? Baka balikan din siya ni Scarface?
I shook my head. No—Stephanie. Hindi siya madadamay dito. Not again.
***
Pinapalitan ni Tito Alejandro ang nabasag na glass window sa unit ko kung saan nabaril si Andrew kahapon. Ilang beses kong pinag-isipan kung dapat na ba akong lumipat ng bahay dahil sa nangyari at dahil na rin sa binigay ni Kuya Spence ang address ko sa hayop na Scarface na 'yon. Pero wala akong choice, wala pa akong ipon para gawin 'yon.
Umakyat ako ng 11th floor para sunduin na si Coco na iniwan ko kay Kyle. Kahit maliit ang aso kong si Coco, kayang-kaya naman akong ipagtanggol no'n kapag may nagtangkang pumasok sa unit ko. Lhasa Apsos are considered as guard dogs.
Pucha! Tama bang iasa ko sa maliit kong aso ang safety ko?
"Steph, okay ka lang ba? Ang daming pulis sa unit mo kahapon ah!" bungad ni Kyle sa akin. Karga-karga niya ang nagpupumiglas na si Coco, halatang gusto nang pumunta sa akin.
"Okay lang ako." Ngumiti ako sa kaniya at agad na kinuha ang patalon ng si Coco. "Yong ex-husband kasi ng best friend ko, nabaril." Gumusot ang mukha ko sa sinabi ko. "Ay! Hindi niya pala ex, hindi rin husband..." dugtong ko na nagpagusot naman sa mukha ni Kyle.
"Ang gulo ha?" nakangising komento niya.
"Naku! Sinabi mo pa," natatawa kong balik sa kaniya.
Hinaplos ko ang likod ng tainga ni Coco habang dinidilaan nito ang braso ko. "At ikaw naman Coco, what did you do yesterday ha?" Niliitan ko pa ang boses ko.
"Muntik na naman 'yang makakagat kahapon."
Napatingin ako kay Kyle dahil sa binalita niya. Bumuntong hininga siya bago itinuloy ang kuwento niya.
"Same old man. Siya rin 'yong muntik nang kagatin ni Coco last time. Sobrang aggressive niya talaga sa matandang 'yon." Napahalukipkip si Kyle at napasandal sa hamba ng pinto.
"Bakit? A-Anong bang itsura ng lalaki?" I asked her as I continued petting Coco.
"Mga nasa late 50's na siguro 'yon si manong, puti na lahat ng buhok, eh! Tapos may peklat sa mukha. Parang kay Samurai X... pero hindi pa ekis ha! Pa-check 'yong kaniya. Dalawang pa-check..."
Mahinang bumungisngis si Kyle habang unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko hanggang sa tuluyan akong mapaupo sa sahig. Nanlalamig ang mga palad ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot.
"Uy, Steph! Okay ka lang?" Naririnig ko si Kyle. Naririnig ko rin ang mahinang pag-iyak ni Coco habang nakaupo ito sa kandungan ko.
I hate this feeling—this hopeless feeling. Nakalapit na siya sa akin. Nakakalapit na ulit siya sa akin.
***
"Ma'am Steph!" Tumatakbo papalapit sa akin si Gail. Malapad ang ngiti sa mga labi niya at nanlalaki pa ang mga mata niya. "May bisita ka po, nasa kitchen. 'Yong chinitong guwapo," dagdag pa niya kasabay ng pigil na hagikgik.
Mabilis kong liningon si Jasper na nag-aabot ng sukli sa customer sa checkout counter. Bigla siyang napasulyap sa akin at bahagyang ngumiti. Isang tipid na ngiti.
"Ano'g ginagawa mo rito, Leo?" Kunot-noong tanong ko sa bisitang tinutukoy ni Gail pagkapasok ko sa kusina.
"Leo? Leo na ako ngayon sa 'yo? Hindi na Gabriel?" balik niya sa akin. Salubong ang mga kilay niya at nakahalukipkip pa siya habang nakasandal sa cooling racks.
I scoffed at his answer and the way he looked. He's so annoying. "Kung wala kang bibilhin, makakaalis ka na. Kung may bibilhin ka, lumabas ka na—this kitchen is for employees only." Mabagal kong utos sa kaniya, pinipigilan ko ang pagtaas ng boses ko.
Lumapit ako sa may lababo na halos katapat lang ng cooling racks na sinasandalan ni Gabriel—ni Leo.
"Maxine... I'm here because I—"
"Stephanie." Mabilis akong lumingon sa kaniya kahit may kaunting sabon pa ang kamay ko. "Stephanie ang pangalan ko... I don't like you calling me Maxine." I crossed my arms in front of me with my brows furrowed.
He smirked. "O-Okay, Stephanie. Nandito ako para magpaliwanag kay Aliyah, on behalf of Andrew," he said seriously.
"Magpaliwanag kay Aliyah?" Sarkastiko akong natawa sa sinabi niya. "Really Gab...Leo?" I exhaled sharply. "Seryoso ka? Magpapaliwanag ka kay Aliyah?" I scoffed.
He left me for weeks. He was gone. Tapos susulpot siya ngayon sa harap ko dahil kailangan niyang magpaliwanag sa bestfriend ko! Kailangan niyang ipagtanggol ang sinungaling na Andrew na 'yon sa kaibigan ko! Shit! I wanted to yell at him, but I chose to remain calm.
"Stephanie, alam kong galit ka sa akin—"
"Alam mo naman pala eh! Bakit ka pa nandito?!" I screamed furiously. Hindi ko na nagawang kontrolin pa ang galit ko sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya at binasa niya ang mga labi niya. "Hindi ako pumunta rito para sa 'yo..." pabulong niyang sagot.
Ang kapal talaga ng mukha ng gagong 'to! Itinikom ko ang palad ko dahil ayokong sampalin siya.
"This is not the right place to talk about us," dagdag niya pa. "Masyado kang mahalaga sa akin para ipagtapat ko lahat sa 'yo dito sa kusina niyo." Iginala niya ang mga mapanghusgang singkit niyang mata sa kisame ng maliit naming kitchen.
I glared at him and walked towards him. "Palusot mo!" Sigaw ko sa mukha niya. "Ang sabihin mo wala ka lang maisip na dahilan kung bakit ikinama mo pa ako kahit na nabuntis mo na 'yong ex mo!" I rolled my eyes at him.
Fuck! I wanted to punch his handsome face—his face.
"Stephanie, hindi buntis si Amber. Nagsinungaling siya," malumanay niyang sagot sa paratang ko. Ikinulong niya sa palad niya ang pisngi kong nagsisimula nang uminit. "Hindi ko magagawa 'yon sa 'yo." Bakas ko ang sinseridad sa boses niya, pero mas nangingibaw pa rin ang galit ko.
Mabilis kong inalis ang mga kamay niya sa pisngi ko.
"Alam mo, nakakainis na 'yang mga banat mo! Kaladkarin kaya kita palabas?!"
Napaatras siya sa hiyaw ko dahilan para umuga ang cooling racks na sinasandalan niya.
"Assuming ka kasi agad, Stephanie. At Hindi nga ikaw ang pinunta ko rito... hindi ito tungkol sa atin. Si Aliyah nga!"
Parang nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Dinampot ko ang rolling pin na nasa lamesa at itinutok ko 'yon sa kaniya. Handa na sana akong ipukpok 'yon pero nabitawan ko dahil narinig ko ang boses ni Li.
"Steph, no!"
Nabitawan ko ang rolling pin. Saktong bumagsak sa hinlalaki ni Gabriel... ni Leo. Naka-open toe sandals pa man din siya.
"Tang ina! Honeyyyy!" sigaw niya na rinig na rinig ni Li. He was jumping up and down because of the pain, but I ignored him. Nakatingin lang ako kay Li na mukhang takang-taka sa mga nangyayari.
What the fuck did he call me? Honey? Ugh! I hate it!
"Honey? W-What's happening here, Steph?" kunot-noong tanong sa akin ni Li.
Nagpatay-malisya lang ako at agad 'kong isinuot ang apron na nasa lamesa. Without even checking if it's mine. "Apron ko 'yan, Steph!" sigaw ni Li.
Shit! Napayuko ako sa kahihiyan. Nagmamadali kong hinubad ang apron niya at itinupi ko ulit 'yon. Itinulak ni Li ang bakanteng monoblock papunta kay Leo na parang nakangisi pa dahil sa nangyayari sa akin.
"Steph, what's happening? Bakit mo hahatawin ng rolling pin si Leo?" muling tanong sa akin ni Li.
"N-Nothing Li... kakausapin ka raw ng kumag na 'to!"
She grinned. "Ng honey mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa pang-aasar niya sakin habang rinig na rinig ko ang mahinang pagtawa ni Leo na nakaupo na sa monoblock.
"Shut up, Li! Ang daldal mo! Problemahin mo muna 'yong asawa mong tulog pa rin sa ospital. Ay, hindi mo nga pala asawa!" ganti ko sa pang-aasar niya. Napahalakhak ako nang makita kong napalunok siya sa sinabi ko. Patuloy ako sa pagtawa kahit na nakalabas na ako ng kitchen.
***
I hate weddings—that is one fact about me. But not this one. Not this intimate wedding on a small chapel on a cold December afternoon. I hate weddings, except my best friend's wedding.
Hindi ko alam kung ano'ng magic words ang sinabi ni Leo kay Li nang umagang 'yon sa kusina ng café at nauwi pa rin sa simbahan ang kumplikadong love story ni Li at Andrew. That December afternoon, everything was just about love. Saglit kong nakalimutan ang mga galit at takot na nasa puso at isipan ko. Saglit kong nakalimutan ang tungkol kay Scarface, ang tungkol sa amin ni Jasper, at ang tungkol sa amin ni Leo—ni Gabriel.
Nanunubig ang mga mata ko habang sumasayaw si Li at ang asawa niyang si Andrew sa gitna ng bulwagan. It was their first dance as husband and wife, and Ed Sheeran's Tenerife Sea is playing in the background. Andrew mouthed 'I love you' as he held my best friend's waist and pulled her closer for a tender kiss.
"Grabe, Ma'am Steph, 'no?" Marahan akong siniko ni Gail. "Sobrang mahal na mahal nila ang isa't-isa, look at them. Nagniningning pareho ang mga mata nila," dugtong pa niya habang pinapanood din ang first dance nila Li.
"Ang suwerte nila sa isa't-isa, Gail," bulong ko. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko—kailan ko kaya mararanasan ang ganiyang tingin, ang ganiyang hawak, at ang ganitong kasal? I smiled bitterly.
Buong gabi kong kasayaw si Gail noong after-party na. Umalis na ang bagong kasal papunta sa honeymoon nila. Nakakaiingit, pero okay lang. At least, ako puwedeng-puwedeng mag-inom nang mag-inom ng maraming alak na hindi magagawa ni Li dahil buntis na siya sa inaanak ko.
"W-Wait lang, Gail. Sha-shot lang ako," paalam ko habang hinihingal pa dahil sa pagsasayaw namin.
"O-Okay, Ma'am Steph. Dito muna ako," nakangiting sagot ni Gail habang nag-si-sway siya at sinasabayan ang musika. Hindi siya umiinom kaya ako lang ang nagpapabalik-balik sa mobile bar.
"Tequila please," nakangiti kong sabi sa bartender. Mabilis naman niyang ipinatong 'yon sa counter at sinamahan niya pa ng isang slice ng lemon at asin. But I don't do that. I want it straight—no salt, no lemon.
Lalagukin ko na sana ang shot glass ko, pero mabilis 'yong inagaw sa akin ni Jasper. He gulped it all up.
"Bastos!" sigaw ko sa kaniya. Sinamahan ko pa ng paghampas sa dibdib niya.
"Lasing ka na, Steph. Tama na ang inom." Nakatitig siya sa akin habang sinesermunan ako.
"Lasing? Never pa akong nalasing!" singhal ko.
Tumalikod na ako sa kaniya para balikan si Gail sa dance floor, pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko dahilan para muli akong mapaharap sa kaniya.
"Ihahatid na kita sa unit mo," seryoso niyang sabi sa akin. Akala siguro niya ay lasing na talaga ako. Cute. He's worried about me.
"Jasper, I'm not drunk, okay? I'm just having fun with Gail... kaya puwede ba bitawan mo ang kamay ko?" protesta ko sa kaniya habang tinititigan ang mga bilugan niyang mata. Marahan niyang pinakawalan ang kamay ko.
"Having fun with Gail?" Nginuso niya ang dance floor sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan ko. Nakikipaghalikan ang hindi makabasag-pinggang si Gail kay Atty. Lance, Andrew's friend.
"Mukhang masaya naman si Gail nang wala ka, Steph," nakangising bulong ni Jasper.
"What the fuck?! Si Gail ba talaga 'yan?" tanong ko sa sarili ko. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. It was indeed Gail having a full make out session with Atty. Lance on the dance floor. Bumalik na lang ulit ako sa mobile bar, dahil parang ako ang nahihiyang panoorin sila.
Bantay sarado ako ni Jasper habang mag-isa akong lumalagok ng tequila sa bar. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin at hinayaan ko lang din siya, because I find it cute. It's funny how he treats me like I'm a fragile thing when he knows that I'm already broken.
"Magbabanyo lang ako, Steph. Dito ka lang!" Pinandilatan niya pa ako ng mga mata bago umalis.
Finally. I can now drink peacefully. Kumuha ako ng limang-daan sa bulsa ko at inabot ko 'yon sa bartender ng mobile bar.
"P-Para s-saan po ito, ma'am?" nauutal niyang tanong.
"Give me one bottle of tequila, please. And kapag hinanap ako ng kulot na poging kasama ko kanina, sabihin mo, umuwi na ako." I flashed a smile on my face.
***
Kahit medyo umi-ekis na ang paa ko dahil sa mga nainom ko, nagawa ko pa ring makaakyat sa helipad ng hotel. Sakto pang may-chopper na nakaparada.
"Wow! Taray talaga ni Andrew, may pa-chopper!" usal ko. 'Yan siguro ang service nila ni Li, kanina. Pero ngayon, malamang biyaheng langit na 'yon si Li. Napahagikgik ako sa naisip, bago ako tumalikod sa chopper at sumalampak sa konkretong sahig ng helipad.
Binuksan ko ang bote ng tequila na galing sa mobile bar at saka ko tinungga. Mainit sa lalamunan at medyo napapangiwi na rin ko sa ikatlong lagok ko, pero hindi ko pa rin mapigilang mapangiti dahil natakasan ko si Jasper.
"Ang saya natin ha?" Napalingon ako sa likod ko para silipin kung kanino galing ang boses na 'yon.
"Rinig na rinig ko ang hagikgik mo kahit palabas pa lang ako ng chopper ko."
I squinted my eyes while I slowly stood up, pilit na minumukhaan ang lalaking pakialemero na naglalakad papalapit sa akin. Hawak-hawak ko pa rin ang bote ng tequila ko.
"You're drunk, Stephanie," his raspy voice almost sounded like a whisper. Hinigit niya sa akin ang bote.
"No, I'm not drunk, Leo!" Sinadya kong diinan ang pagbigkas ko sa pangalan niya. Pilit ko ring inaagaw ang bote ko na itinago niya na sa likod niya. "Please give that to me!" I yelled at him.
"Lasing ka na, iuuwi na kita..." mariing niyang saad. Matalim siyang nakatitig sa akin.
I laughed sarcastically. "Iuuwi mo 'ko? Baka magselos 'yong buntis mong ex."
Kumunot ang noo niya at saka biglang natawa. "What?! Lasing ka na nga. Ang sabi ko... ihahatid na kita pauwi. Wala akong sinabing iuuwi kita, ah?" He smiled at me—that fucking perfect white teeth smile.
Am I drunk? Iyon ba talaga ang sinabi niya?
"Ah, basta! Hindi ako sasama sa 'yo. Magseselos si Amber! Baka mapa'no pa ang anak niyo!" Humalukipkip ako at mabagal na bumuga ng hangin. Ayokong sumabog sa galit. Wala namang kami, kaya wala rin akong karapatang magalit.
Nakita kong ginusot niya ang naka-brush up niyang buhok. He moistened his lips too before opening them.
"Maxine, hindi buntis si Amber. She lied. Imposibleng mabuntis ko siya dahil hindi naman kami nag se-sex." Lalong naniningkit ang mga singkit niyang mata. I could sense certainty in his voice. It was firm but there's vulnerability in it.
"Sinungaling..." 'yan lang ang lumabas sa bibig ko habang pilit na ngumingiti. I don't want to look pitiful.
"I'm not lying. I was celibate for years. Pagkatapos ng una natin, hindi na ako nakipag-sex sa kahit kanino... sa 'yo na lang ulit, Maxine," he confessed.
Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Parang bigla ring nagbuhol-buhol ang bituka ko. Nasusuka ako, hindi dahil sa alak, kundi dahil sa sinabi ni Gabriel.
Is it true? Amber's not pregnant and he remained celibate for me. Kung totoo man ang sinabi niya, then there's only one question left...
I inhaled and exhaled slowly before fixing my droopy eyes on him. "Why? Why do I hate you so much that I forced my brain to forget everything about you, Gabriel?"
"W-What do you m-mean?" he stammered.
Humakbang ako papalapit sa kaniya at mabilis kong kinuha ang bote ng tequila sa likod niya. Lumagok ako hanggang sa mabanlawan ng init ng alak ang nakabara sa lalamunan ko. Nakaawang ang mga labi ni Gabriel habang pinapanood ako. Marahan kong itinayo ang bote sa sahig nang makuntento na ako sa nainom ko.
I licked my lips before I spoke. "That night, walang car accident 'di ba? Hindi rin totoong nakita mo ako sa kalsada at saka pinasakay sa kotse mo. You were there the entire time. You saved me from that devil!" I shouted with my quivering voice. I bit my lips to stop my tears, but I failed.
"Maxine... you remember? Naaalala mo na lahat?" Hinawakan ng kanang kamay niya ng siko habang ang kaliwa naman ay maingat na pinupunasan ang mga nag-uunahang luha sa pisngi ko. Saglit akong napapikit dahil sa mainit na dampi ng palad niya sa balat ko.
"H-Hindi lahat. Hindi ko maalala k-kung ano'ng sinisigaw niyo sa isa't-isa habang nagsusuntukan kayo. Naaalala ko lang na nagmumurahan kayo. Nagsisigawan kayo... pero naka-mute 'yon sa isip ko. Hindi ko alam bakit..." Napahawak ako sa sentido ko habang patuloy na humahagulgol.
"Bakit, Gabriel?..." Umakyat ang mga palad ko sa buhok ko at hindi ko na namalayan ang unti-unting paghigpit ng hawak ko sa anit ko. "B-Bakit ayaw ng utak kong maalala ka?!" Tuluyan na akong napasabunot sa buhok ko habang patuloy na nag-uunahan ang mga luha ko. Hinawakan ni Gabriel ang beywang ko at ikinulong niya ako sa mga bisig niya.
Habang unti-unting humihigpit ang yakap niya, unti-unti ring lumuluwag ang kapit ko sa buhok ko. I let go of my hair and hugged him too.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong pigain ang sagot mula sa kaniya, pero ayoko ring malaman ang katotohanan. Natatakot ako sa katotohanan.
My head is resting on his firm and warm chest. His left hand is on my waist while the other is gently brushing my now tangled hair.
Naririnig ko ang tibok ng puso niya. Mabagal. Kalmado. Masarap sa tainga. This is what I have missed for years. This is what I ran away from. Mahalaga pa bang malaman ko kung bakit?
"I-I hate you, Gabriel," I whispered while sobbing.
"I love you too, Maxine," he responded huskily.
"I said I hate you."
"No. You said you love me," he insisted as he continued brushing my hair.
Am I drunk? Iyon ba talaga ang sinabi ko?
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top