Chapter 21 - Scars
Warning: This chapter contains strong language and depictions of abuse. Reader discretion is advised.
Malamig ang umagang bumati sa akin dahil umuulan na naman. Madalas na ang pag-ulan nitong mga nakaraang linggo—halatang ber-months na.
Itinalukbong ko sa ulo ko ang kumot ko. Tinatamad pa akong pumasok sa Café Amor. Li's back a few weeks ago and I know there's something in her that changed. Mas masaya siya ngayon, mas nakakainggit na rin ang paghaharutan nila ng asawa niyang si Andrew sa café kapag sinusundo siya nito. Mukhang nakalimutan na nila ang kontrata nilang dalawa.
Napangiti ako habang unti-unting pinipilit ang sarili kong bumangon na sa kama. Bumuntong-hininga ako at mabilis na sinuklay ang maiksi kong buhok gamit ang mga daliri ko.
At least, my best friend is happy with her love life.
Binuksan ko na ang shower. Hinayaan kong bumuhos sa balat ko ang maligamgam na tubig. It's not the usual cold shower that I prefer. Ayokong gisingin ako ng lamig ngayon, gusto ko lang mainitan. I want that heat. I want his heat. Naririnig ko ang patak ng ulan sa labas and the rain is not helping, it only reminded me of him—Gabriel.
"Hindi na 'yon babalik. Ano ka ba?" sermon ko sa sarili ko. Dumulas ang mainit kong mga luha sa pisngi ko.
"This time, for sure... hindi na talaga siya babalik dahil may pamilya na siya."
I wiped my tears harshly. Then I stared at my semi-colon tattoo. Paminsan kapag matagal ko 'yong tinititigan, lumilinaw ang peklat na malapit doon—that scar that almost killed me years ago. Sometimes it becomes so clear that I almost see it bleed again.
"Fuck! Fuck! Fuck! Fuck!"
"Stop!" My voice echoed in my bathroom.
"Jasper... just think of Jasper. Paniguradong iiyak ang kulot na 'yon kapag nawala ako." I smiled bitterly as I repeatedly sniffled.
Si Jasper at ang maaliwalas niyang mukha. Si Jasper at ang mga dimples niya. Si Jasper at ang maganda niyang boses. Pilit kong pinuno ang utak ko ng mga alaalang kasama ko si Jasper. Sa tuwing iniisip ko siya, gumagaan ang dibdib ko. Saglit na napapalitan ng mga ngiti niya ang lahat ng masasakit na memoryang iniwan ng kuya niya.
***
Pagdating ko sa café, sinalubong agad ako ni Li. Her perfectly arched brows furrowed, and her almond eyes looked worried. Akala ko pagagalitan niya ako dahil isang oras akong late.
"Ayos ka lang, Steph?" she asked softly.
"Oo naman!" mabilis kong sagot bago lakad-takbong pumunta sa banyo para mag-ayos na. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Li pero hindi ko na siya liningon pa.
Marami-rami na ang customers sa café at napansin kong medyo natataranta na si Gail sa pag-pi-prepare ng mga orders sa counter. I dashed to her side as soon as I finished tying my apron on my back.
"Ako na sa Table 2 at 3," bulong ko kay Gail. Hinigit ko ang dalawang order tickets na nakaipit sa aluminum ticket holder sa taas ng lababo.
Ibinuhos ko na ang fresh milk sa ibabaw ng yelo. Tapos idinagdagdag ko na rin ang chocolate syrup para sa Iced Mocha Latte na order ng Table 2. Espresso shot na lang ang kulang pero bigla akong napahinto.
Natigilan ako nang maramdaman ko sa may batok ko ang kamay ni Jasper.
"Mahuhulog na 'yong bandana mo," he whispered slowly. His fingers on my nape felt weird. Para akong nakukuryente.
Maingat niyang iginilid ang buhok ko sa leeg ko at saka niya inulit ang buhol ng bandana ko. Uminit ang pisngi ko at nakikita ko ang repleksyon ko sa mga babasaging basong nakahelera sa harap ko. Namumula na ang pisngi ko.
Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko sa loob ng halos tatlong minutong dumadampi ang mga daliri ni Jasper sa batok at sa buhok ko. Hindi ko maitindihan kung bakit ako nagpipigil ng hininga habang inaayos niya ang bandana ko.
Nagpipigil nga ba talaga ako ng hininga o sadyang hindi ako makahinga dahil sa ginagawa niya?
"Tapos na... M-Ma'am Steph." Nanginginig ang boses niya. Tumikhim muna siya bago inulit ang sinabi niya. "Mahigpit na, Ma'am Steph."
"T-Thanks," nag-aalangang sambit ko.
Hindi na ako humarap sa kaniya dahil ayokong makita niya na nagba-blush ako dahil sa ginawa niya. Ibinuhos ko na ang espresso shot sa Iced Mocha Latte na ginagawa ko kanina.
"Aray! May langgam!" Narinig kong sigaw ni Gail.
Natataranta akong lumapit sa kaniya na naglalagay na ng sleeve sa tinimpla niyang Café Americano for 'to go'.
"S-Saan, Gail?"
"Doon Ma'am Steph, o!" Nginuso niya ang puwesto ko kanina, sa tapat ng coffee machine. Nalukot ang mukha ko nang hindi ko agad na-gets ang biro niya.
"May dalawang sweet-sweetan do'n kanina, Ma'am Steph, eh!" nakangising pang-aasar ni Gail sa akin.
I glared at her. "Ikaw na gumawa ng sa Table 3, ha? Nandiyan naman 'yong OJT," balik ko sa kaniya.
"Hala, joke lang naman. Ma'am Steph." Hindi ko pinansin ang paki-usap niya. Inilapag ko ang natapos kong Iced Mocha Latte sa harap niya. Pinipigilan ko ang hagikgik ko habang kunwaring binibigatan ang mga hakbang palayo sa checkout counter. Ayokong mabuking ni Gail ang galit-galitan acting ko.
Pumasok ako sa kusina at inumpisahang bilangin ang mga muffin na pinapalamig ni Li sa cooling rack. Nasa labas siya at kausap ang isa pang mokong na si Marcus. Paniguradong magwo-walk-out na naman 'yon si Li mamaya.
Napahinto ako sa pagbibilang nang bumukas ang pinto ng kusina.
"Your special brewed decaf coffee, Ma'am Steph!"
Kusang napangiti ang mga labi ko nang marinig ang baritonong boses na 'yon. Dahan-dahan akong lumapit kay Jasper para kunin ang kapeng tinimpla niya para sa akin.
"I-spoil mo naman ba ako sa kape?" nakangiti kong tanong sa kaniya. I took one sip of the hot coffee while waiting for his answer.
"Hindi lang sa kape," he answered teasingly.
Muntik ko nang mabitawan ang mug ko dahil sa sagot niya. Nakalabas ang dimples niya dahil sa malapad at nakatutunaw na ngiti sa mukha niya. Tinitigan ko ang nangungusap at bilugan niyang mga mata na binagayan ng makakapal niyang kilay. Tama nga ang sinabi niya dati, hindi niya kamukha ang nanay niya. Malayong-malayo rin ang features nila ni Gabriel.
Jasper is like the ray of sunshine on a warm summer day, while Gabriel is like the thunder on a cold stormy night.
"Grabe ka naman makatitig, Steph. 'Pag ako natunaw..."
Napabalik ako sa ulirat ng mapang-asar na komento niya. Sinundan pa 'yon ng nakakahawa niyang tawa.
"S-Sorry!" I stammered. Para akong nalanta at agad akong napayuko.
I slowly exhaled while staring at the tiled kitchen floor. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang pahina nang pahina ang tawa ni Jasper.
Kailan pa ako naapektuhan nang ganito ni Jasper?
"Uy, okay ka lang?" halos pabulong niyang tanong.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. May maliit na ngiti pa rin sa mga labi niya, pero bakas ko sa mga mata niya ang kagustuhang usisain ang iniisip ko nang mga oras na 'to. Bahagyang lumiit ang mga namimilog niyang mata at nakatigilid pa ang ulo.
"Steph, okay ka lang?"
Parang biglang nag-slowmo sa utak ko ang pagbuka ng bibig ni Jasper. I swallowed hard.
"Pucha!"
Napaatras si Jasper dahil sa malakas kong mura.
"Ano? M-Minumura mo ba 'ko Steph?" nauutal niyang tanong.
Napahawak ako sa gilid ng malamig na stainless table na nasa bandang likuran ko.
"No, hindi ikaw!" Natataranta kong sagot sa kaniya. "I-It's just your f-face..."
Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko, saglit akong napapikit bago muling lumagok ng kapeng tinimpla ni Jasper. Mainit pa rin 'yon, pero ayos lang kahit mapaso ang dila ko. Huwag ko lang maamin kay Jasper na sobrang naga-gwapuhan ako sa kaniya ngayon. Na parang bumabagal ang oras dahil mas napapansin ko ang lahat ngayon sa kaniya. Na mapula pala ang mga labi niya, na mahaba pala ang mga pilik-mata niya at hindi pala itim na itim ang buhok niya, may kaunting shade ng brown ang dulo.
"Ano?" Nakataas ang dalawa niyang kilay. "Na-realize mo nang mas pogi ako kay Kuya 'no?" nakangiti niyang pang-aasar sa akin. Bahagya pa siyang yumuko para magpantay ang mga mata namin.
"Yuck! Pareho kayong panget!" pasigaw kong insulto sa kaniya.
Tumuwid siya ng pagkakatayo at saka mahinang tumawa habang marahang ginugulo ang kulot niyang buhok. He licked his lower lip slowly to stop himself from laughing. Or... maybe not that slow, pero sa paningin ko parang mabagal niyang ginawa 'yon. Muli akong napalunok ng laway.
Inilipat ko ang atensyon ko sa kape at parang alak kong tinungga ang halos kalahati pang laman ng baso ko. Bottoms up!
"Ibinilin ka nga pala sa akin ni Kuya Gabriel..."
Parang bigla kong nalasahan ang naiwang pait ng kape sa dila ko nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Saglit siyang nawala sa isip ko pagpasok ko sa café, pero dahil sa sinabi ni Jasper, bigla ko na naman siyang naalala. Maybe he will linger forever just like my scars. Habambuhay na silang nasa katawan ko, pero hindi ko na nararamdaman ang sakit. Darating din ang araw na hindi na ako makakaramdam ng sakit at makakalasa ng pait dahil sa mga alaala ni Gabriel.
Tumalikod ako at mabagal na naglakad papunta sa lababo para hugasan ang mug ko.
"Ibinilin? Ano ka baggage counter?" natatawang tanong ko habang sinasabon ang pinagkapehan ko.
At ako? Baggage? Isang bagay na iiwan muna niya pagkatapos babalikan niya ulit paglipas ng anim na taon o ng limang buwan?
I faked a laugh. No. Not this time. This time—wala na siyang babalikan.
"Ewan ko ba ro'n!" Malakas na sagot ni Jasper. Hindi ko namalayan na nasa gilid ko na pala siya, nakahalukipkip at pinapanood akong maghugas.
"Sa akin ka pa talaga ibinilin. Sorry siya, bantay-salakay ako!" sabay tumawa siya nang malakas.
"Gago!" Gigil kong iwinisik sa mukha niya ang basa kong mga kamay. Napapikit lang siya saglit, pero hindi pa rin siya huminto sa kakatawa.
Sabay kaming napalingon sa pinto ng kusina nang makarinig kami ng sigawan. Natataranta kaming tumakbo palabas.
I saw Marcus carrying my unconscious friend, Li. Palabas na sila ng café at kasunod nila si Gail. I sprinted towards them. Hindi ko naabutan si Marcus. Hindi ko akalaing mabilis pa rin siyang makakalakad kahit na buhat-buhat si Li.
"Gail! Ano'ng nangyari?" hinihingal kong tanong kay Gail na namamasa na ang mga mata.
"Hindi ko po alam, Ma'am Steph, eh... bigla na lang pong nahimatay si Ma'am Lia," sagot niya habang nagkukusot ng mata.
***
Kaninang umaga, ginising ako ng lamig. Ngayong takipsilim na, lamig pa rin ang bumabati sa akin. Li's cold swollen eyes staring outside my car's window. She was sitting quietly on the passenger seat, sniffling. Halatang pinipigilan niya ang muling paghagulgol. Masyadong mahaba at mapanakit ang araw na ito para sa kaniya. Kanina lang sa ospital, sobrang saya naming dalawa nang nalaman namin na ipinagbubuntis niya na ang panganay nila ni Andrew. Ngayon, namumugto ang mga mata niya dahil nalaman niyang niloko pala siya ni Andrew. I could never imagine the pain she's going through right now.
Love can really build or break you. And today, it broke my best friend's heart.
Habang naliligo si Li sa banyo, umakyat muna ako sa 11th floor para makisuyo kay Kyle. Walang pinipiling oras ang pagtahol ni Coco at alam kong hindi magiging komportable ang buntis kong kaibigan sa ingay ng maliit kong aso. Naisipan kong iwan muna si Coco sa dog walker ko hangga't sa akin pa nakikituloy si Li.
"S-Sure ka bang sa sofa bed ka matutulog, Steph?" mahinang tanong ni Li habang nakaupo sa gilid ng kama ko at hinihimas ang flat niyang tiyan.
Umupo ako sa tabi niya at mabagal na hinagod ang likod niya. "Don't worry about me. Kasyang-kasya naman ako sa sofa bed ko."
Nilipat niya ang tingin niya sa akin. Nanunubig na naman ang mga mata niya. Pilit ko siyang nginitian.
"Hindi ko maintindihan, Steph. Bakit niya nagawa 'yon? He said he loves me..." Muli na namang humagulgol si Li. Maingat kong isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Patuloy pa rin ako sa paghagod ng likod niya. Wala akong magawa kung hindi ang makinig sa mga hikbi niya, dahil hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya.
Magkaibigan nga talaga si Andrew at si Gabriel, parehong manloloko! Parehong mahilig mambuntis tapos mang-gagago!
***
Kinabukasan, iniwan ko muna si Li sa unit ko. Hindi umepekto sa akin ang ilang beses niyang pamimilit na sumabay sa pagpasok sa Café Amor. She needs to rest.
Hindi rin muna ako dumiretso ng café. Nagpasiya akong dumaan sa Oriental Delights, para ibilin kay Kuya Spence na hatiran si Li ng pananghalian at hapunan mamaya.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ang hindi pamilyar na itim na sedan na nakaparada sa tapat ng restaurant ni Kuya. Wala pang alas-nueve ng umaga, sarado pa ang restaurant kaya nakakapagtaka na may nakaparada na agad doong customer.
"Mei-mei! Sakto ang dating mo, may bisita ka," nakangiting bati sa akin ni Kuya Spence. Nanlalaki ang mga singkit niyang mata, excited na excited siya.
Hindi ko alam kung bakit parang biglang dinaga ang dibdib ko, gayong maaliwalas naman ang mukha ni Kuya. Iba ang kutob ko sa bisitang sinasabi niya.
"He's here! Si Sir Mike Maldonado, 'yong coach mo sa volleyball dati!"
Tumahimik ang buong mundo ko. Kahit ang malakas na tibok ng puso ko ay parang hindi ko na naririnig. A long, sharp beep like how a flatline on a hospital monitor would sound like—that's the only thing I could hear. Death. Masakit sa tainga at sa ulo. Gusto kong abutin ang sentido ko, pero hindi ko magalaw ang mga kamay ko. Ni hindi ko alam kung ano'ng ekspresyon ng mukha ko nang mga sandaling ito. Wala akong maramdaman. Parang nangangapal ang buong mukha ko. Namamanhid ang buong katawan ko.
Nakita kong tumayo sa may bandang likuran ni Kuya ang isang anino. Ni hindi ko man lang magawang kumurap o lumunok ng laway. Wala akong magawa habang unti-unting lumalapit sa akin ang kahuli-hulihang tao sa buong mundo na gusto kong makita.
Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ako makahakbang. Gusto kong kumapit sa braso ni Kuya Spence na nakatayo lang sa gilid ko, pero kahit ang hinliliit ko ay hindi ko maigalaw.
"Long time no see, Stephanie!"
Binasag ng nakakapangilabot na bati na 'yon ang katahimakan ng paligid ko. Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin. Unti-unting tumaas ang gilid ng mga labi niya hanggang sa lumapad ang ngiti niya. Puti na ang lahat ng buhok niya. Mas matanda na siya ngayon, paniguradong mas mahina na rin, pero hindi pa rin nababawasan ang takot ko sa kaniya.
Kitang-kita kong nauunat ang dalawang peklat niya sa mukha dahil sa pagngiti niya. Ang mas mahabang peklat ay gawa ni Gabriel nang gabing 'yon.
"Hindi mo na pala talaga pinahaba ang buhok mo... sayang! Pero mas bagay nga sa'yo 'yan."
Gusto kong masuka sa naririnig ko sa kaniya. Gusto ko siyang murahin.
"May asawa ka na ba, Stephanie?" Nakangisi pa rin siya sa akin.
"Naku! Wala pang asawa 'yan, Sir Mike," sabat ni Kuya Spence.
"O? Bakit naman? Baka tumanda kang dalaga niyan, Stephanie?" Nakangiting-aso niyang biro sa akin.
Putang ina mong hayop ka! Fuck you! Mamatay ka na! Mabulok ka sana sa impyerno!
Those are the words that I wanted to shout, pero umurong ang dila ko, nanatiling nakatikom ang bibig ko.
"K-Kuya can I use your restroom?" I managed to say. Hindi ko na hinintay pa ang pagpayag ni Kuya. I focus my attention on my feet and begged them to move.
Please, fucking move.
Halos tumakbo ako papunta sa banyo nang magawa kong iangat ang talampakan ko sa sahig.
Nagmamadali kong ni-lock ang pinto at agad akong naghilamos ng mukha. Paulit-ulit ko ring hinugasan ang mga braso ko dahil pakiramdam ko may gumagapang na linta sa ilalim ng balat ko. Napatingin ako sa salamin at nakitang kong dumudulas na ang mga luha ko pababa ng pisngi ko. Ni hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nanginginig ang mga labi ko na halos wala nang kulay. Tinakpan ko ito ng nanginginig ko ring mga kamay at saka tuluyang humagulgol. Panay ang tulo ng mga luha ko pero tahimik lang akong umiiyak. Kapag tumatagos ang kaunting tunog ng impit kong hikbi, dinidiin ko ang palad ko sa bibig ko.
The way he talked to me earlier haunted me while I silently cry for minutes. He is back and I know why. Either he wants me dead, or he wants me—all of me.
Jasper. Think of Jasper. Pilit kong inutos 'yon sa utak ko. Baka kagaya ng mga nagdaang araw kapag pinuno ko ang isip ko ng mga larawan niya—gagaan ang sumisikip kong dibdib.
Big radiant smile, his dimples showing. His curly hair. Warm coffee. Those images flooded my mind until I heard a raspy voice in my head.
"Run Maxine! My car is outside!"
Gabriel's fiery eyes. Thunder. Stormy dark night. Blood. Ruby and buttons scattered on the floor.
"NO! Hindi darating si Gabriel ngayon!" Nagitla ako sa sarili kong sigaw.
Napasabunot ako sa ulo ko habang patuloy na mahinang humihikbi. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para putulin ang mga alaala ni Gabriel. Ayoko na ulit siyang maalala.
Tumunog ang cellphone ko na nagpamulat sa akin at saglit na nagpahinto sa mga hikbi ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang marahang inilalapit ang cellphone ko sa tainga ko.
"Steph, nasa'n ka? Bakit wala ka pa?" I could hear Café Amor's morning playlist in the background.
"J-Jasper..." I stuttered. Hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko.
"Tang ina, nasa'n ka?!"
"S-Sa resto ni Kuya... n-nandito siya, Jasper." Basag na ang boses ko at rinig na rinig ko sa kabilang linya ang hingal ni Jasper. Mukhang tumatakbo siya. Narinig ko rin ang kalansing ng windchime sa café at ang pagsara ng main door.
"Sino?!"
"Scarface..." Tinakpan ko ang bibig ko para muling pigilan ang paghagulgol ko.
"Pupuntahan kita diyan, Okay? Hinga lang, Steph. Okay?" kalmado niyang utos sa akin.
"N-Nasa restroom ako. Use the employee's entrance... s-second door to the right," I said in between sobs.
"Hintayin mo ako."
Narinig ko ang tunog ng motor niya. Binaba ko ang tawag at binuksan ko muli ang gripo. Naghilamos ulit ako habang pilit na pinapakalma ang nagtatambol kong dibdib.
Tatlong sunod-sunod na katok ang narinig ko sa pinto. "Mei-mei, what's taking you so long?"
Muling kumatok sa pinto si Kuya Spence. "Aalis na raw si Sir Mike..."
Aalis na siya? Bahagyang lumuwag ang dibdib ko. Pinatay ko ang gripo para mas marinig ko ang sinasabi ni Kuya sa labas.
"Pupuntahan ka na lang daw niya sa unit mo para do'n na kayo mag-usap. I gave him your address," dagdag pa ni Kuya.
Para akong binuhusan ng isang baldeng tinunaw na yelo sa sinabi ni Kuya. Unti-unting dumulas ang likod ko sa pader ng banyo hanggang sa mapasalampak ako sa malamig nitong sahig. Napahawak ako sa dibdib ko dahil muling sumikip ito at pakiramdam ko malalagutan na ako ng hininga. Napapapikit na rin ako dahil sa sakit ng ulo ko, pero pilit kong nilalabanan 'yon.
"Parating na si Jasper, Stephanie..." bulong ko sa sarili.
"Mei-mei? Ano? Hindi ka na magpapaalam kay Sir Mike?"
Lumunok ako at dalawang ulit na bumuga ng kakaunting hanging naipon ko sa baga ko.
"H-Hin-di na, Kuya," halos papiyok kong sagot.
Hindi na yata ako makakatakas pa kay Scarface. Should I tell Mama and Papa? Should I tell Gabriel? Should I tell the police?
I shook my head slowly and the I covered my mouth again as I sobbed quietly.
Sinubukan ko na 'yon dati. Naalala kong sinubukan kong magsumbong sa mga pulis, pero nauna pa siya sa presinto. Tinakot niya akong ipapakalat niya sa buong school ang mga pictures ko. Sigurado akong nasa kaniya pa rin ang mga 'yon hanggang ngayon.
"Steph! Nandito na 'ko!" Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Jasper.
Imposible. Wala pang sampung minuto simula nang ibaba ko ang tawag. Imposibleng makarating agad siya rito. Pinaglalaruan na yata ako ng utak ko.
"Mak-mak, si Japoy 'to!"
He's real.
Nagmamdali akong tumayo at agad kong pinihit ang doorknob. Pawis na pawis si Jasper. Suot-suot pa niya ang apron niya.
"I'm here," bulong niya.
"Yes, you are!" I cried out loud as I embraced him.
Mahigpit ko siyang niyakap habang patuloy na umiiyak. Nakapulupot ang mga nanghihina kong braso sa likod niya. Nararamdaman ko ang kaliwa niyang kamay sa likod ng ulo at ang kanan naman ay paulit-ulit na inaalo ang likod ko.
Halos isang minuto rin yata kaming nakakulong sa bisig ng isa't isa bago ako natauhan.
"B-Baka makita tayo ni Kuya," I whispered breathlessly.
***
Iniwan ni Jasper ang motor niya sa gilid ng restaurant at siya ang nagmaneho kay Kitkat. Ni hindi ko mailusot ang susi ko kanina dahil sa panginginig. Si Jasper din ang nagkabit ng seatbelt ko. Tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat, kinakagat ang kuko ko habang si Jasper naman ay mahinang nagmumura habang nagmamaneho.
"Tang ina, pasalamat siya hindi ko siya naabutan!"
Napahinto ako sa pagngangatngat ng kuko ko at napasulyap sa kaniya. Nag-iigting ang panga niya habang mariing nakahawak sa manibela.
"Steph, gusto mo bang pumunta sa police station?"
"No, hindi puwede Jasper. He... he has my pictures," mahinang tugon ko.
"A-Ano'ng pictures?" Saglit niyang inilipat sa akin ang tingin mula sa kalsada. May kakaiba sa tingin niya. The usual warmth of his stare was gone.
"Nudes," garalgal kong sagot.
Napaapak siya sa break, dahilan para mapatukod ang kanang palad ko sa dashboard.
"Sorry, Steph," bulong niya habang iginigilid si Kitkat sa kalsada. Inalis niya ang mga kamay niya sa manibela nang makaparada na kami.
Naramdaman ko ang pagharap niya sa akin pero mabilis ako nag-iwas ng tingin. Hindi ko yata kayang salubungin ang awa niya.
"Bakit hindi ka magsampa ng kaso?"
Hindi 'yon ang unang beses na narinig ko ang tanong na 'yon. Paulit-ulit ko ring tinanong 'yon sa sarili ko noon.
Huminga ako nang malalim at saka naglakas-loob na humarap kay Jasper. Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nakaawang ang mga mapupulang labi at nakasampay sa manibela ang kaliwa niyang kamay.
"It was eight years ago, Jasper. Ano'ng ebidensya ko laban sa kaniya?" Napailing-iling ako habang kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko, pinipigilan ang muling paghikbi.
"Wala akong laban sa kaniya... sarili ko ngang alaala, palpak! Fiancé ko nga hindi ko makilala, eh!" I shouted frustratingly. Hindi ko na napigilan ang muling pagbagsak ng mga luha. Itinikom ko ang mga kamay ko at marahas ko silang ibinagsak sa hita ko.
"Sabihin mo sa akin Steph... ano'ng matutulong ko?" Umusod siya papalapit sa akin. Ipinatong niya ang mga palad niya sa mga nakakuyom kong mga kamao.
"Basta... dito ka lang." Binuksan ko ang mga palad ko at pinagsalikop ko ang mga daliri namin.
"Wala akong balak umalis," he declared firmly before closing the space between us with one soft kiss. I automatically closed my eyes.
It's my fault. I got so greedy. Just when our lips were about to part from each other, my grip on his fingers tightened as if telling him not to stop.
"Shit," pabulong niyang mura bago niya muling siniil ang mga labi ko.
Mabagal ang paggalaw ng mainit na mga labi ni Jasper na para bang sinasadya niya para mas namnamin ang bawat segundo ng halikan naming dalawa. Humigpit rin ang kapit ng kamay niya sa kamay ko. Halatang pareho kaming natatakot na pakawalan ang kamay ng isa't-isa, dahil baka kung saan makarating ang mga ito.
Saglit akong napamulat nang maramdaman ko ang pagpasok ng dila niya sa nakaawang kong mga labi. Muli akong pumikit at mas lalo pang nilakihan ang buka ng mga labi ko para salubungin ang ginagawa niya.
Fuck! How did he learn to do this?
Hindi ako makapaniwalang nakikipaghalikan ako kay Jasper sa loob ng sasakyan ko! And I never thought that it will be this good!
"Maxine, what are you doing?"
Napaatras ang ulo ko nang marinig ko ang boses na 'yon. I quickly opened my eyes and touched my wet lips.
Gabriel's in front of me—wearing Café Amor's barista uniform.
"G-Gabriel?" nag-aalangang usal ko habang nakatingin sa chinitong lalaking nasa harapan ko.
He was touching his lips too, but he looked hurt. He clutched his chest and chuckled bitterly.
"So... s-si Kuya pa rin pala?"
Napakurap-kurap ako nang marinig ang baritonong boses na 'yon.
I'm with Jasper but I'm seeing Gabriel. That's the moment I knew. Gabriel would linger forever just like my scars. But I can never have him, just like how Jasper can never have me—completely.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top