Chapter 20 - Maxine

Hindi puwedeng mangyari 'to! I can't lose her again! Not after everything that happened today. No fucking way! Naaalala niya na ako. Hindi ako papayag na makalimutan niya ulit ako. Not after I kissed her again, not after I hugged her and made love to her again... hindi ako papayag!

Nakakulong sa nakakuyom kong palad ang cellphone ko habang tumatakbo ako pabalik ng chopper. Nabasa ko ang sagot ni Maxine kay Amber... sa kasinungalingan ni Amber. Imposibleng mabuntis ko ang babaeng 'yon! We never had sex! Panigurado akong alam niyang magkasama kami ni Maxine kaya gumagawa siya ng iskandalo.

"Sir, delikado po kung magpapalipad kayo. Medyo malakas pa rin ang ulan," panay ang awat sa akin ni Jaime. Kulang na lang ay kumapit siya sa pajamang suot ko para pigilan ang pagsampa ko sa chopper.

"Kaya ko Jaime!" sigaw ko sa kaniya nang makapasok na sa cockpit ng chopper ko. "Hindi sana ako nakagraduate sa flight school kung hindi ko kayang paliparin 'to sa ganyang ulan!" singhal ko.

"Eh, Sir, kumikidlat po!"

Ang mukhang berdugong si Jaime ay parang batang hinihigit ang madulas na manggas ng pajamang suot ko. Gusto kong matawa pero nangingibaw ang inis ko kay Amber at ang pag-aalala ko kay Maxine.

Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa manggas ko.

"Tamaan na ng lintik kung tatamaan! Basta uuwi ako ng Maynila ngayong gabi!" Napababa siya sa chopper ng malakas kong bulyaw sa kaniya.

***

I made it to Manila in one piece—wearing my royal blue silk pajamas, barefooted. Nakangisi si Hunter nang salubungin niya ako. At kahit gusto ko siyang sapakin dahil sa nakakabanas niyang ngiti, tinitigan ko na lang siya nang masama.

"Ano'ng nangyari sa'yo, Gabriel?" Pinasadahan niya ng tingin ang itsura ko habang nagmamaneho at saka impit na humagikgik.

"Subukan mo lang ibuga 'yang tawa mo, manghihiram ka talaga ng mukha sa aso!" pagbabanta ko sa kaniya.

"Grabe! After all my efforts." Napakamot siya sa kilay niyang may hiwa. "I let you park your chopper on my lot, booked you the presidential suite at my hotel—"

"Hindi mo 'yon hotel! Sa mga magulang mo, gago!"

Panay ang hampas ni Hunter sa manibela dahil sa hindi niya maubos-ubos na tawa.

Hindi ko na yata kayang magtimpi sa pinsan kong 'to! Sinubukan kong agawin ang manibela sa kaniya. Gumewang ang sasakyan.

Napamura siya sa gulat at kaba.

"Tang ina, Gabriel! Mamamatay tayo sa ginagawa mo eh!"

I exhaled sharply to calm myself. Sumandal ako sa passenger seat at saka paulit-ulit na minasahe ang noo ko.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Hindi ba kayo nag-usap ni Maxine... ang ganda ng pina-set up ko do'n ha!"

Hindi na ako sumagot sa tanong niya. Itinuon ko ang pansin ko sa pagpapakalma ng sarili ko. Naka-focus si Hunter sa kalsada pero nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko ang nakakabadtrip na ngiti sa mukha niya.

"So... hindi kayo nag-usap?" May bahid ng pang-aasar ang tono niya.

"Nag-usap!"

"Usap lang?"

Uminit ang mukha ko sa malisyosong tanong ni Hunter. Suddenly images of Maxine's lips kissing mine flashed my mind. Napapikit ako nang parang bigla kong narinig ang halinghing ni Maxine. I swallowed hard to stop the train of memories.

Tumikhim ako. "Okay na sana Hunter eh... panira lang talaga si Amber." Napailing na lang ako habang paulit-ulit na tinatapik ni Hunter ang kaliwang balikat ko. That was probably his way to comfort me.

***

Pero hindi lang naman si Amber ang problema ko. Nang dumating ako sa unit ni Maxine, mag-a-alas-dos ng madaling araw, si Raphael ang nagbukas ng pinto para sa akin—my younger brother who fell head over heels in love with my Maxine.

Tang ina! Ano'ng ginagawa ng kulot na 'yan dito?

"Nasa'n si Maxine? Kailangan ko siya makausap?"

Itinukod ni Raphael ang palad niya sa hamba ng pinto, halatang ayaw akong papasukin.

"Maxine?" Salubong ang mga kilay niya at naningkit ang mga bilugang matang nakuha niya sa tatay niya. 'Yon yata ang unang beses na narinig niya akong tinawag ko si Stephanie sa second name niya.

I always call her that. I used to call her that.

Kaya siguro hindi rin komportable si Maxine tuwing tinatawag ko siyang Stephanie because deep in her mind, she knows that I used to call her Maxine, not Stephanie.

"Raphael, please. Kailangan ko siyang makausap." Humakbang ako papalapit sa kaniya.

"Bawal." Tipid niyang sagot. Mas dumiin ang palad niya sa hamba ng pinto. Akala niya siguro mapipigilan ako ng malambot niyang braso.

Ano'ng karapatan niyang pagbawalan ako na kausapin ang fiancée ko?

Yumuko ako at lumusot sa ilalim ng braso niya. Hinabol niya pa ako, nahawakan niya ang kuwelyo ko pero dumulas lang ang palad niya sa tela ng suot kong pajamas. Dire-diretso akong nakapasok sa loob. Hindi ko na pinansin ang protesta niya.

"Umuwi ka na, Gabriel. Alas dos na!" Yon agad ang bungad sa akin ni Maxine nang makita niya ako. Ni hindi man lang niya ako magawang tignan sa mukha. Nakahawak sa baywang niya si Raphael na matalim ang tingin sa akin.

"No, hindi ako uuwi hangga't hindi tayo nag-uusap nang maayos." My voice was shaking. Nakaka-frustrate na hindi niya muna ako kinausap sa hotel at iniwan niya na lang agad ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin.

"Wala na tayong dapat pag-usapan. Umuwi ka na." Yumuko siya at mabilis na sinulyapan ang mga paa ko.

Tang ina! Bigla akong nahiya sa itsura ko. Putikan ang paa. Mukhang sawing-sawi!

"Umuwi ka na raw sabi ni Steph," sabat ng kapatid ko.

Hindi ko mapigilang mainsulto sa sinabi ni Raphael. I scoffed and then I looked at him.

"Hindi ako uuwi Raphael hangga't hindi kami nag-uusap ng fiancée ko," direktang sagot ko sa kaniya.

"Fiancée? Gago ka ba?" Ngumisi siya at pinatunog ang dila niya. "Girlfriend ko si Steph, pa'no mo siya magiging fiancée?"

Girlfriend? Kailan pa? Kaya pala may pahawak-baywang na.

Hindi puwede, I can't lose her again. Kahit sino tataluhin ko, kahit pa ang kapatid ko, para sa babaeng mahal ko.

Ngumiti ako kay Raphael habang namimilog ang mga mata ko. Ramdam kong pinapanood ako ni Maxine. Ramdam kong gusto-gusto niya akong pigilan sa sasabihin ko, pero ayaw magpa-awat ng bibig ko.

I wanted my little brother to know that the woman he's claiming as his girlfriend is mine.

"Raphael, hindi mo ba alam na magkasama kami ng 'girlfriend' mo sa isang hotel room making lo—"

Pinatahimik ako ng kamao ni Raphael. Nalasahan ko ang lasang-kalawang kong dugo.

"Tang ina! Wala kang karapatang bastusin si Steph!"

Naririnig ko ang pag-awat ni Maxine sa kaniya, pero balewala 'yon sa nagliliyab na mga mata ng kapatid ko.

Iisa pa 'to. Sasapakin pa ulit ako nito... at hahayaan ko siya. Deserve ko ang galit ni Raphael kaya tatanggapin ko ang suntok niya. Pero hindi deserve ni Maxine ang mga salitang binitawan ko.

My little brother struck one more punch straight to my face. Napaupo ako sa lakas no'n.

"Hindi ganiyan si Steph, Kuya!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kay Raphael. Tinawag niya akong kuya sa harap ni Maxine!

Fuck! Now she knows.

"A-Ano'ng tinawag mo sa kaniya?" Maxine's voice was trembling. She weakly sat on the couch, touching her head.

"Magkapatid kami sa ina, Maxine..." halos pabulong kong sagot sa kaniya. Sinulyapan niya ako, namumungay ang mga mata niyang sumalubong sa mga nanunubig kong mata.

"Sorry," I mouthed just before she collapsed again... for the third time. All of them—because of me.

***

Nakatulala ako habang pinapahiran ng nurse ang putok kong labi ng gel sa emergency room. Pabalik-balik na nagmamartsa si Raphael sa harapan ko. That was the first time he saw Maxine having an episode of vasovagal syncope. Ayon daw ang tawag sa nangyayari kay Maxine sabi ng doktor niya noon. Nag-ma-malfunction ang parte ng nervous system niya na may kontrol sa heart rate at blood pressure niya, kaya siya nahihimatay. Sa iba—simple lang ang triggers; a sight of blood, too much heat exposure, or even just by seeing needles. Pero kay Maxine—anything that would cause her extreme emotional distress. Kahit ano'ng magpapaalala sa kaniya kung sino ako. Kahit ano'ng magpapaalala sa kaniya ng gabi na 'yon. 'Yong gabing muntik na siyang gahasain ng hayop na 'yon!

"Sir, open your mouth po," mahinang utos ng nurse.

Hindi ko namalayan na nag-iiting na pala ang panga ko. Kung bakit ba kasi sumagi na naman sa isip ko ang hayop na 'yon!

Gamit ang cotton swab, nilagyan rin ng nurse ang gilagid ko ng gel.

Noong unang beses na nahimatay si Maxine, it was our torrid kissing that triggered her. She even requested for that kiss. Naduwag ako pagkatapos no'n. Natakot ako na baka may mangyaring masama sa kaniya kapag pinilit ko pang ipaalala sa kaniya kung sino ako. That's why I ghosted her. Ilang buwan akong hindi nagparamdam sa kaniya.

Baka mas kailangan niya pa ng mahabang oras para maghilom. Baka hindi pa sapat ang anim na taong lumayo ako sa kaniya noon. I have already prepared myself for a few more years of waiting... a few more years of just watching over her. A few more years of stalking.

Pero isang tawag ang nag-udyok sa akin para subukan ulit ipaalala kay Maxine ang nakaraan namin.

"Mom... alam mo ba kung ano'ng oras na? It's fuckin' 3:00 in the mor—"

"Language! Leonard Gabriel!"

Nahimasmasan ako sa saway ni Mom at marahan akong napaupo sa kama.

"He's back, Gabriel. That monster is back..."

I felt shivers on my spine. My mom's voice was shaking. She's probably terrified. I am not.

Poot ang naramdaman ko pagkatapos ng tawag na 'yon. Nabuhay ang galit ko sa hayop na 'yon. Hindi na ako nakabalik pa sa pagtulog. I tired myself out on a ten-kilometer jog while thinking of numerous ways on how to kill that monster.

***

The second time that Maxine collapsed was during Tito Royce's birthday party. Mabusisi kong plinano ang bawat detalye ng gabi na 'yon kasama si Mom at si Tito Royce. Unlike Maxine's parents who have no idea what happened to their own daughter during those dark years, my parents knew everything. They loved Maxine like their own.

"Mom, let's rehearse your line, please?" Nakaupo ako sa unahan ng SUV, katabi ng driver. Nasa likod naman sila Tito Royce at si Mom, magkaholding hands.

"Gabriel, am I really harsh to Maxine no'ng unang beses kaming nagkita?" I glanced at my mother whose eyes mirror mine. Maitim na singkit na mga mata na may matapang na mga kilay.

"Yes, Mom. Sabi mo sa kanya—"

"I don't like you for my son?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

Napangisi ako sa itsura niya. She looked so guilty; her red lips pursed. Tito Royce softly chuckled while caressing my mom's fingers.

"But I like her Gabriel. I even bought that ruby engagement ring, remember?" My mother's eyes widened as she waited for my confirmation.

"I bought it Mom. Ikaw lang ang pumili," natatawa kong sagot sa kaniya.

She never hated Maxine except when she first met her. That's what I wanted to happen that night. That entire party was scripted. Pinilit kong maging kagaya 'yon ng unang beses kong pinakilala si Maxine sa mga magulang ko. Birthday din ni Tito Royce no'n. That's why we threw a fake birthday party as a trigger. Baka maalala niya ang pamilya ko and eventually... maalala niya na rin ako.

Everything that night from the guests to the place. From the food up to the fireworks... they were all directed by me. Except for one thing—Amber.

Hindi ko alam kung kanino niya nalaman ang tungkol sa fake party ng Stepdad ko. But her appearance, forced me to say something out of script.

"This perfect woman I'm holding hands with is the only person I wanted to marry..."

Shit! Hindi ako makapaniwalang sinabi ko 'yon sa harap ng mga paid actors and actresses na kinontrata ko. Hunter was at the buffet table giving me a thumbs up. Katabi niya si Andrew na panay ang iling. My mother was giggling while hiding at the floor length window curtains.

It would have been a perfect confession kung hindi lang peke ang gabi na 'yon. It would have been a perfect confession kung hindi lang sana nahimatay si Maxine.

The first two attacks were short—wala pang isang oras, nagigising na siya. Pero itong pangatlo—mahigit walong oras na siyang walang malay at wala akong magawa kung hindi pagsisihan ang lahat habang nakaupo sa waiting room ng ospital.

Sana pala nakuntento na lang akong pinagmamasdan siya sa malayo. Sana pala nakuntento na lang ako sa unang beses na nakita ko siya ulit nang malapitan.

***

"Boss last na 'to!" Ipinatong ng bartender sa harapan ko ang shot glass na may lamang alak. Hindi ko na alam kung ano'ng alak dahil sa kalasingan.
"Hubog ka na Sir Leo!" [Lasing ka na Sir Leo!]

Si Adan ang shift ngayon sa bar, tropang bartender ko sa The Twilight Lounge, kababayan ni Mom, taga-Kalibo. Madalas ako rito dahil madalas ko ring makita rito ang ex-fiancée ko—si Maxine. Stephanie Maxine Co—the one that got away.

"Dan, isa pa!" Pinadulas ko ang shotglass sa bar papunta kay Adan. Napailing siya at hindi ako pinagbigyan.

"Sir Leo, ayos lang kaya 'yong ex mo?" Nginuso niya ang dance floor.

Nandito si Maxine? Hindi ko namalayan na nandito pala siya. Gusto ko lang talagang mag-inom nang gabi na 'yon dahil nag-away na naman kami ni Amber. Desidido na akong hiwalayan siya. Ayoko nang harap-harapan niya akong gaguhin. She's been cheating on me with her gym instructor! Ayoko na rin namang lokohin pa ang sarili ko. I am still in love with Maxine, my first love.

Nilingon ko ang dance floor. Naghihiyawan ang mga tao. Parang nag-chi-cheer sila. Bumaba ako sa barstool para makiusyoso. There she was, wearing a red leather jacket, black pants and boots. My ex-fiancée is dancing seductively in the middle of the crowd. Ginugusot-gusot niya ang maiksi niyang buhok na para bang nang-aakit.

Tang ina! Bakit siya gumigiling nang ganiyan. Hindi siya 'to! That is not my Maxine.

May dalawang lalaki malapit sa kaniya. Parehong mukhang manyakis. Ang isa ay may hawak na pilsner glass. Inabot niya 'yon kay Maxine. She giggled before drinking it—bottoms up!

Napahawak si Maxine sa sentido niya at umekis pa ang paa, pero nang mabawi niya ang balanse niya, nagsisisayaw ulit siya. Nagbubulungan ang dalawang lalaki habang tinititigan ang kumekembot na baywang ni Maxine.

"Tang inang mga gago 'to!"

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Nakipagsiksikan ako sa mga tao hanggang sa makalapit ako kay Maxine.

"Let's go!" sigaw ko sa namumula niyang mukha. Hindi siya amoy alak pero mainit ang palapulsuhan niya. Mabilis din ang pulso niya.

They drugged her! Viagra or something like that! She's flushing and palpitating.

"S-Sino ka?" she managed to ask with her eyes almost squinting.

Hindi pa rin pala niya ako naaalala. Fuck! Gano'n ba talaga kasuklam-suklam ang pagkatao ko Maxine at hindi mo pa rin ako maalala?

I didn't answer her. Binuhat ko siya and hindi siya nagprotesta. Isinampay niya ang kanang kamay niya sa leeg ko habang ang kaliwang kamay naman niya ay paulit-ulit pinipisil ang ilong ko.

Paulit-ulit din akong minumura ng dalawang lalaki. Hindi ko sila pinansin, binilisan ko ang lakad ko kahit pasuray-suray ako dahil sa dami nang nainom ko.

Hindi ko alam kung pa'no ako nakauwi at kung pa'no ko nauwi si Maxine.

"Stephanie Maxine Co. Tower 1 may laundry shop sa baba, 10th floor, unit 8..."

Naririnig kong paulit-ulit niyang sinasabi habang nakahiga siya sa kama ko. Nirerecite niya ang address niya. Alam ko kung saan siya nakatira—kabisado ko 'yon.

"Call Kuya Spence..." she whispered with her eyes closed. I put my comforter over her.

"Lights on! Ayoko nang madilim, please! Baka dumating si coach... si Scarface!" sigaw niya. Nakapikit pa rin ang mga singkit niyang mata.

I gritted my teeth as I sat on the floor.

"Takot ka pa rin sa kaniya? Sorry Maxine... hindi ko pa natutupad 'yong pinangako ko sa'yo." I whispered as I brushed her short hair.

Namimiss ko ang mahaba niyang buhok. She cut it when she transferred to my university. Last year na niya sa senior highschool no'n, ako naman, second year college na. Hindi pa siya nagtatransfer sa school, kilala ko na siya. I always watched her volleyball games. She was good at it. Palaging MVP! Palaging nilalampaso ang team ng school namin!

"I'm here, love. Walang puwedeng manakit sa'yo."

"Honey nga, ayoko ng love!"

Nagulat ako sa sinagot niya. I smiled to myself.

Naaalala niya na ako?

Her half-asleep protest reminded me of our young relationship back then. Gusto niya 'Honey' ang tawagan namin, pero ayoko... nakokornihan ako. I called her love. She called me by my name or Honey kapag nagpapalambing sa akin.

The last thing I remember was sitting on the floor, holding her hand tightly. Ayokong makinig sa binubulong ng puso ko that night. Hindi ako nagpatukso sa bulong na yakapin siya o halikan siya. Kontento na akong nahahawakan ang palad niya. Kaya laking gulat ko nang magising ako kinabukasan na kayakap si Maxine. My left arm snaking her waist, her right hand resting on my naked chest.

"Fuck!"

Ayon agad ang unang lumabas sa bibig ko nang makita kong pareho kaming hubo't hubad ni Maxine.

"Tang ina, Gabriel, ano'ng ginawa mo?!" I frustratedly groaned. Kilala ko ang sarili ko at kilalang-kilala ko si Maxine. Hindi ko 'yon magagawa sa kaniya.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano'ng nangyari sa amin nang gabi na 'yon. Malinis ang bedsheets ko, walang bahid ng kahit ano'ng milagro. Inamoy ko pa nga para makasigurado, pero wala talaga. Amoy pabango ko lang, walang bakas ng pawis. My suspicion was... I was just too drunk, and she was just too horny because of whatever those two fuckers put in her drink, but we didn't have sex. Naghubad lang kaming dalawa. That's it!

I wish I froze time in that moment. Lying beside her, naked... vulnerable. Embracing her and listening to her soft wishful whispers—I miss you, honey.

***

Nakatayo ako sa labas ng kuwarto ni Maxine, hinihintay pa rin ang paggising niya. My little brother looked like a puppy guarding the door, waiting for his master's return. Kanina pa siya hindi mapakali.

"Raphael, can we talk?"

Napahinto siya sa pabalik-balik na paglalakad sa tapat ng pinto. Nakasimangot siyang lumapit sa tabi ko.

"Bigyan mo ako ng rason para hindi ko ulit paduguin 'yang bibig mo!"

I gave out a small chuckle because of his warning.

"Aim for my nose next time," bulong ko.

"Gago ka ba? eh 'di hilo ka no'n!" Siya naman ang napabungisngis.

"Sorry. Sorry sa mga kagaguhang nasabi ko kanina. Masyado lang akong... desperado," Wala sa sarili kong nabanggit. Napakamot na lang ako ng ulo.

"So... hindi mo totoong fiancée si Steph, Kuya?"

"Totoo. Dati. Ngayon... mukhang hindi na." I cleared my throat to stop my voice from shaking.

"Bakit?" Diretsong tanong niya. Naramdaman kong lumingon siya sa akin tapos inilipat niya ulit ang tingin niya sa pader.

"Ayaw ng utak niyang maalala ako eh. Because of her traumatic past... because of Scar—"

"Scarface? Bakit ano'ng kinalaman mo kay Scarface?"

I clicked my tongue. He knows her well. He knows her fears.

Mukhang mahihirapan yata akong ipanalo ang laban na 'to, Maxine.

"I-I saved Maxine that night no'ng muntik na siyang halayin ng hayop na 'yon..." I clenched my fist and gritted my teeth. "Baka sa kagustuhan niyang makalimutan 'yon, pati ako binura niya sa isip niya."

"Buhay pa ba 'yong gago na 'yon, Kuya?"

Napalunok ako sa tanong ni Raphael. Sinulyapan ko siya at nakita kong nakakuyom na din ang palad niya.

"Buhay pa. Kababalik lang dito sa Pilipinas," mariin kong sagot. Sumandal ako sa malamig na pader.

He exhaled sharply and then he remained silent. Napatingin ako sa kaniya... his pupils were dilated.

"Raphael, I need you to take care of Maxine while I'm gone," my raspy voice broke.

"H-Ha? Aalis ka?" Napakurap-kurap siya bago siya tumingin sa akin.

"Susukuan mo na siya, Kuya? Ayokong piliin niya ako dahil ayaw mo na sa kaniya. Gusto kong piliin niya ako dahil gusto niya ako." Kung gaano kabuo ang boses niya, mukhang gano'n din siya kadesididong tuluyang mapa-oo si Maxine.

Nginitian ko lang siya at magaang tinapik ang balikat niya.

"Hinding-hinding ko siya susukuan, Raphael. May kailangan lang akong tapusin."

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top