Chapter 19 - Thunder
Warning: This chapter contains references to sexual harassment, violence and self-harm. Reader discretion is advised.
Nararamdaman ko sa likod ko ang lamig ng pader na sinasandalan ko at ang hanging may dalang ulan na pinapatuloy ng bukas na bintana. Galit na galit ang madilim na langit, malakas ang buhos ng ulan na sinamahan pa ng dumadagundong na kulog. Inilibot ko ang mga nanlalabo kong mata sa malaking salang hindi pamilyar sa akin. Sarado ang pinto na gawa sa kahoy at may kahoy ding hagdan paakyat sa second floor.
Walang ibang gamit maliban sa isang lumang itim na sofa. Hindi ako sigurado kung itim nga talaga ito, dahil ang tanging liwanag lang ay galing sa kandilang malapit sa paanan ko at sa cellphone kong parang sadyang itinapon sa marmol na sahig. Paulit-ulit itong nag-va-vibrate dahil sa tawag na gustong-gusto kong sagutin pero hindi ko magawa. Mahigpit ang packing tape na nakapulupot sa paa ko at sa mga kamay ko. Gustong-gusto kong sumigaw pero may nakabusal na tela sa bibig ko.
"You're awake, Stephanie..."
Napahikbi ako nang marinig ko ang boses niya—si Scarface. Gumapang ang takot sa buong katawan ko at kahit pa naka-tape ang mga kamay ko, ramdam na ramdam ko ang pangidnginig ng mga daliri ko.
I can hear his heavy footsteps as he descended from the wooden stairs. My tears started to fall as I saw a sinister grin on his face. His upper teeth were showing.
Nauunat ang peklat sa kaliwang pisngi niya dahil sa malapad na ngiti niya. Nanlalaki ang mga itim na itim niyang mga mata, habang unti-unti ring lumalaki ang mga hakbang niya papalapit sa akin.
Marahas niyang inalis ang takip sa bibig ko habang nakangisi. Umalog ang ulo ko sa lakas ng paghila niya sa tela.
"Fuck you!" I yelled in his face.
Piniga niya ang panga ko at mabilis na inangat ang baba ko. He slowly sniffed my neck and then he let out a soft chuckle.
"Hmmm..." Muli siyang suminghot malapit sa leeg ko. "You're a woman now Stephanie. Eighteen ka na 'di ba? Birthday mo kahapon?" bulong niya sa akin. Naaamoy ko ang alak sa hininga niya. I wanted to slap him. I wanted to push him away, if only I could use my hands.
"Help! Heeelp!!!" Buong lakas kong sigaw. Hindi ko pinapansin ang nalalasahan kong alat ng mga luha ko. Tumuwid ang likod niya at saka humalakhak.
"Walang makakarinig sa'yo dito! Kahit buong gabi ka pang sumigaw!" pagbabanta niya. Dumukot siya sa bulsa niya. He unfolded a sharp Swiss knife close to my face.
"I'll be fair, Stephanie..." He sliced the tape in between my wrist. I gasped as the knife almost touched my skin. "Papakawalan kita, para naman hindi ka mahirapan mamaya sa gagawin natin." He smirked before freeing my legs too.
Kayang-kayang ko na sanang tumakbo pero nangingimay ang mga paa ko. Hindi ko sila mapagalaw! Paulit-ulit kong sinusuntok ang mga nakatupi kong binti habang patuloy na humahagulgol.
"Move! Please, fucking move!" I desperately cried.
He grabbed my left wrist and his eyes widened as he saw the red ruby on my ring finger. Hinila niya ang kamay ko papalapit sa mukha niya.
"Ano 'to ha? Kanino galing 'to?!" Kitang-kitang ko ang panginginig ng mga maitim niyang labi habang humihigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko.
"I'm engaged. Magpapakasal na kami ng boyfriend ko!" Matapang kong sagot sa kaniya.
Pakiramdam ko kapag nalaman niyang kahit kailan ay hinding-hindi ako magiging sa kaniya, masasaktan ko siya. Kahit paano, nakakabawi ako sa halos dalawang taon niyang pananakot sa akin. Kahit paano, makakaganti ako sa mga bangungot na itinanim niya sa utak ko.
"Sino'ng boyfriend ha?!" Pilit niyang hinubad ang singsing sa daliri ko at saka siya tumayo.
Nagulat ako nang mapatayo rin ako. Finally, my feet answered my plea!
Itinapon niya ang singsing ko sa sahig. Tinapak-tapakan niya ito hanggang sa magtalsikan ang pira-piraso nitong mga bato.
"No! Please, stop!" I begged as I tried to pick up the scattered pieces of my engagement ring.
Pumapatak sa marmol na sahig ang mga luha ko. Huminto lang ang pagpatak ng mga ito nang hablutin niya ang ang buhok dahilan para mapaangat ang mukha ko.
"Akin ka lang!" Halos lumuwa na ang mga mata niya sa galit. Labas na rin ang ugat sa leeg niya. "Akin ka lang! Stephanie! Naiintindihan mo?!"
Hinila niya ako patayo habang mahigpit pa ring nakasabunot sa buhok ko. Napasigaw ako sa sakit. Kinaladkad niya ako at saka itinulak sa sofa.
"Akin ka lang! Akin ka lang!"
He let go of my hair as I whimpered in pain. He swiftly unbuckled his belt. Rinig na rinig ko ang kalansing ng bakal nito sa sahig.
"No... please, Coach. P-Please, don't..." Basag na basag na ang boses ko dahil sa pagmamakaawa.
Mas lalong nanlisik ang mga mata niya. Hinawakan niya ang kuwelyo ng uniform ko at marahas niyang binuksan ang blouse ko. Tumalsik sa sahig ang ilang butones.
Wala akong ibang magawa nang mga sandaling 'yon kung hindi ang magdasal. Tinatawag ko ang Diyos at si Gabriel sa isip ko.
"G-Gabriel... s-save me," I cried softly. Paulit-ulit kong binubulong ang pangalan niya. Nagbabakasakaling sa bawat pag-usal ko nito ay marinig niya ako o ng guardian angel ko.
Umakyat si Scarface sa sofa at ipinuwesto niya ang sarili niya sa ibabaw ko. Lalo pang lumakas ang iyak ko nang unti-unti niyang inilapit ang bibig niya sa leeg ko. Hanggang sa isang pamilyar na tinig ang nagpahinto sa mga hikbi ko.
"Hayop kang tang ina ka!" Gabriel's voice thundered.
He struck a punch on the devil's face. Hindi ito nakailag sa malakas na suntok ni Gabriel. Tumama pa ang noo nito sa kahoy na arm rest ng sofa bago ito mapadapa sa sahig.
Inilipat ni Gabriel ang tingin niya sa akin. Basang-basa siya ng ulan pero nag-aapoy ang mga mata niya sa galit.
"Maxine..." Nanginginig ang boses niya. Hindi ko alam kung dahil sa ginaw o dahil sa akin.
Bumaba ang tingin niya sa bukas kong blouse at kitang-kita ko ang paggusot ng mukha niya. Kinagat niya ang labi niya at napailing-iling. Mabilis niya akong itinayo at ikinulong sa mga bisig niya. Mainit ang yakap ni Gabriel kahit na basa ang uniporme niya. Taas-baba ang malapad niyang dibdib dahil sa mabilis niyang paghinga.
"Please... please tell me I'm not late," parang mapuputulan siya ng hininga sa pagaralgal niyang bulong.
"No... no you're not..." I weakly answered.
I felt his hand on the back of my head as I cried on his chest. I could hear his sobs as he caressed my hair tenderly... so careful, as if one wrong move of his finger would shatter me.
"She's mine!" Umalingawngaw ang nakapanginginig na sigaw ni Scarface.
Gabriel exhaled sharply as he slowly pushed me away from him. Nakatayo na sa likuran niya si Scarface.
"Run, Maxine! My car is outside!"
Hindi ako makagalaw. Gusto ko mang abutin ang kamay ni Gabriel para sabay kaming tumakbo palabas, hindi ko magawa. My body is betraying me. Tinawag ko si Gabriel para bumalik sa tabi ko, pero parang hindi niya ako naririnig. Patuloy siyang lumakad papalapit kay Scarface.
Nakita kong kinuwelyuhan ni Scarface si Gabriel bago niya ito malutong na sinampal. Narinig ko ang lagapak ng palad niya sa pisngi ni Gabriel, pero hindi ang mga murang nababasa ko lang sa bibig niya. Tumabingi ang mukha ni Gabriel dahil sa malutong na sampal. Isang malakas na suntok naman ang iginanti niya. Napaatras si Scarface. Sinapak ulit siya ni Gabriel habang pilit niyang ibinabalik ang balanse niya. Napahiga si Scarface sa sahig. Rinig na rinig ko ang lagatok ng bungo niya sa marmol. Sabog na ang labi niya dahil sa dalawang magkasunod na suntok ni Gabriel.
Hindi ko makilala ang mga nagliliyab na mata ni Gabriel. They were haunting, dark as the night and frightening like the thunder. In between gritting his teeth, he would shout something at Scarface. Something muted in my memory.
This is it. This is the part that I can't remember. The words that they're shouting at each other were like thunder on that stormy night, piercing my heart with pain. So painful that I forced myself to forget them.
Hindi ko alam kung bakit pinilit ko ang sarili kong kalimutan ang mga salitang narinig ko nang gabi na 'yon. I was frozen in that moment—watching Scarface groaned as Gabriel sliced his face with the Swiss knife.
I didn't save myself that night. It was Gabriel who saved me. He was there that night, fighting the urge to kill that devil who broke my soul.
Mariin akong pumikit habang sinusukuan ang mga ala-alang paulit-ulit kong nakikita, pero hindi ko naririnig. Sasampalin ni Scarface si Gabriel, gaganti ng dalawang suntok si Gabriel, susugatan niya ang mukha ni Scarface. Paulit-ulit pero tahimik ang mga murahan nila, tahimik ang mga sigawan nila.
Bakit? Ano'ng hindi mo kayang tanggapin Stephanie kaya kinalimutan mo na lang? Bakit mo pilit kinalimutan si Gabriel?
I opened my eyes and then I was sitting on Gabriel's car. Nakasuot sa akin ang pulang jacket niya. Basang-basa kami pareho ng ulan at kitang-kita ko ang pangangatal ng mga labi niya. Mabilis siyang nagmamaneho hanggang sa bigla niyang hinampas ang manibela at inapakan ang break. Mula sa madilim na kalsada, inilipat niya sa akin ang titig niya.
"Babalikan ko siya!" He was grinding his teeth. His lips turning into purple. His eyes raging with anger.
"No... no, let's just go home. Ihatid mo ako kay Kuya Spence," I begged. Touching his bloody knuckles.
Binuksan niya ang compartment sa harap ng passenger seat. Tumambad sa akin ang isang itim na baril. Dadamputin na sana ni Gabriel, pero mabilis kong nakuha 'yon.
"Maxine, give that to me!"
"No! You're not gonna ruin your life for me!" I shouted back.
Ikinulong niya ang pisngi ko sa malamig niyang mga palad. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Humagulgol siya na parang bata. Parang tinutusok ang puso ko sa bawat paghikbi niya.
"B-Bakit hindi mo sinabi sa akin Maxine... b-bakit hindi mo sinabi ang mga kagaguhang ginagawa niya sa'yo?"
Umiling-iling lang ako at hindi sinagot ang tanong niya.
"I will kill him! I promise I will kill him! Hindi man ngayong gabi pero papatayin ko siya! Igaganti kita Maxine... igaganti kita!"
He gently kissed my forehead. It was warm even though his lips were wet. It was so warm that it finally woke me.
***
Naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at mabilis kong iginala ang mga ito. Kulay puti ang buong paligid. Kumbinsido akong nasa ospital ako. Inangat ko ang kaliwang kamay ko at napansin ko agad ang dextrose na nakakabit sa likod ng palad ko. Nakaupo si Mama sa paanan ng kama, nakahawak sa balikat niya si Papa. Si Kuya Spence naman ay nasa kanan ng kama, nakahawak sa braso ko.
"Thank God, you're awake! More than ten hours ka nang tulog! Pinag-alala mo ang Kuya, Mei-Mei!"
Itinukod ko ang kanang braso ko sa kama at mabagal na umupo. Tinulungan ako ni Kuya hanggang sa mailapat ko ang likod ko sa headboard.
"I'll call Dr. Ruiz," nakangiting saad ni Papa bago siya lumapit sa akin at halikan ang noo ko.
Napasulyap ako kay Mama na nakabusangot at matalim ang tingin sa akin. She will scold me or maybe, accused me of something crazy.
"Buntis ka ba?!"
Natawa na lang ako sa tanong niya. Maging si Kuya Spence ay napahagikik din. Si Papa naman ay natigilan. Palabas na sana siya ng kuwarto, pero tumakbo siya pabalik sa akin.
"B-Buntis ka, Steph?" Nanlalaki ang mga mata Papa.
"Ma... Pa..." salitan ko silang tinitigan. "I'm not pregnant, okay?" I chuckled uncomfortably.
"Sigurado ka? Eh, sabi ng Kuya mo, pangatlong beses ka na raw nahihimatay." Nakahalukipkip si Mama, kahit paano ay nararamdaman ko naman ang pag-aalala sa boses niya.
"Ganiyan ako no'ng buntis ako sa'yo eh!" dagdag pa niya habang nginunguso ang tiyan ko.
"Ma, hindi talaga! Gusto niyo magpa-pregnancy test pa ako rito? Total nasa ospital na rin naman tayo," I smirked at her.
She stood up and she gracefully walked towards me. "Pero Steph, if ever you wanted to start a family... kung magpapabuntis ka na lang din naman, kay Architect na ha?" Nakangiting sabi niya habang malambing na hinahaplos ang buhok ko.
"Mayaman 'yon eh! Kayang-kaya kang buhayin no'n pati ang business natin!" she exclaimed happily.
"Mama!" iritadong saway ni Kuya Spence.
I laughed sarcastically. I ignored how my father looked at me with painful eyes. I ignored how my mother looked so confused, I know she didn't expect this reaction.
Hindi siguro maiintindihan ng mukhang perang kagaya niya na sa likod ng mga pekeng halakhak ko, nakatago ang madilim na nakaraang kahit kailan hindi ko ikinuwento sa kanila. They have no idea how much I suffered just to unburden them financially. Tapos ngayon, usapang pera na naman!
I laughed until I tasted my tears. Mahigpit akong niyakap ni Kuya Spence.
"Shhh, Mei-Mei... tahan na," paulit-ulit na bulong niya sa akin. Sinenyasan niya si Papa at kahit litong-lito ito sa mga nangyayari, sumunod ito kay Kuya. Papa grabbed Mama's hand and dragged her out of the room.
***
Matagal-tagal rin bago ko napatahan ang sarili ko. Kuya waited for it patiently, he just hugged me. Wala siyang pakialam kahit na mabasa ng luha ko ang paborito niyang Beyoncé merch shirt na binili niya pa abroad.
"Parang nakapikit ka na tuloy... magang-maga na ang mata mo!" pang-aasar ni Kuya. He was looking at my swollen eyes with his weary Asian brown eyes.
Mahina akong napabungisngis bago muling nagseryoso ang mukha. "Thanks for being here, Kuya."
"This is the least I could do... you've been through a lot." He smiled back at me.
Alam ni Kuya ang lahat ng nangyari sa akin. He was the one who found me on my unit as I tried to overdose myself with sleeping pills. He was the one who found me inside my car with my wrist—bleeding. Alam niya ang lahat ng mga laban na pinilit kong ipanalo... maliban sa isa. Hindi ko kayang ikuwento sa kaniya ang tungkol kay Scarface.
Ayokong sisihin niya ulit ang sarili niya kagaya noong kinidnap ako ng sindikato sa Tondo. He blamed himself too much that he declared he'll be a man—a straight man so that he can protect me! His childhood was rough because he pretended to be someone else, just to protect me.
Ang hindi niya alam mas lalaki pa siya kay Papa na sunod-sunuran lang kay Mama. Mas naprotektahan niya pa ako kaysa kay Mama. He was man enough for me.
"Kuya, naaksidente ba ako dati? Car crash... or something like that?" I gulped as I waited for his answer. Binabalatan niya ang orange at kumakalat ang amoy no'n sa buong kuwarto.
"Car crash?" Tumaas ang kilay niya. "Wala ah!" He sounded so sure. Hindi siya nagsisinungaling.
My theory was right then. Walang aksidente. Walang car crash. It was all because of my mind.
Mabagal kong minasahe ang sentido ko.
It was all because of my mind. I forced my mind to forget Gabriel. I tampered my own memory.
But why? Why would I forget someone that I love? Unless I don't love him anymore... just a day after getting engaged to him?
"Imposible 'yon!" I choked out.
"Ang alin?" tanong ni Kuya.
"W-Wala kuya..." I stuttered in denial. I exhaled slowly.
Nagpatuloy lang si Kuya sa pagbabalat ng orange. "S-Sila Gabriel at Jasper pala, Kuya?" wala sa sarili kong tanong.
"Si Architect pogi, umalis na. 'Yong cutie pie na kulot naman, nando'n sa labas." His lips curved into a teasing smile. Halatang may malisya. "Should I call him?" He asked in a singsong.
Napangisi ako at mabagal na tumango. Nagmamadali kong sinuklay ang buhok ko. I licked my lips to moisten them. Kumuha ako ng isang pirasong orange at mabilis na nginuya 'yon. Napangiwi ako dahil sa asim nito. Idinura ko ang buto sa palad ko at saka ibinalot sa tissue. Malakas ko itong ibinato, inasinta ang trashcan malapit sa pintuan pero sa iba ito tumama.
Sapul ang mukha ni Jasper!
"Gising ka na nga talaga." He let out a heavy sigh as he picked up the tissue on the floor.
"S-Sorry!" Nauutal kong sambit at saka nahihiyang napayuko.
Ang totoo ay hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kaniya. Should I tell him we're over dahil ginawa ko lang siyang panakip-butas sa nararamdaman ko sa kuya niya.
Right! Magkapatid sila ni Gabriel... that's the last thing I remember before collapsing.
Dapat ba akong magalit sa kanila dahil itinago nila 'yon sa akin? May karapatan ba akong magalit?
Napatigil ang isip ko sa pagtatanong nang maramdaman ko ang pag-uga ng kama. Umupo si Jasper sa gilid ng kutson. Malambot na nakatitig sa akin ang mga bilugan niyang mata. Nag-iwas ako ng tingin.
I looked at the setting sun as I inhaled and exhaled softly. Trying to compose my thoughts.
"Jasper, I'm sorry..." Mukhang ayon lang yata ang kaya kong sabihin sa kaniya.
"Sorry saan Steph?"
Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. Nakangiti siya na parang balewala ang lahat ng narinig niya kanina kay Gabriel... sa kuya niya. He shyly ruffled his curly hair.
"Kung na-gi-guilty ka dahil sa kanina... huwag mo nang isipin 'yon!" Pinatunog niya ang dila niya. "Okay na 'yon, Steph!" He smiled again. His dimples are now showing.
"Jasper... sorry kung ginawa kitang—"
"Panakip-butas?"
I clutched the hospital blanket and bit my lower lip after hearing that word from him. Jasper's face looked so relaxed. His eyes staring deeply at me. His smile faded but he didn't look mad at all.
Mas lalo akong nahiya sa mga kagagahang ginawa ko simula pa kahapon. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at muling yumuko.
"Jasper, I was so hurt yesterday... I-I..." Lumunok ako nang maraming beses para maituloy ko ang gusto kong sabihin, pero nanunuyo pa rin ang lalamunan ko. Pakiramdam ko pipiyok ako kapag tinuloy ko ang pagpapaliwanag ko, dahil sa kaba at guilt na bumabalot sa dibdib ko.
"Sinabi na ni Kuya lahat." He said in a neutral tone. "Ex mo siya 'di ba? Fiancée ka raw niya..."
"Pero nabuntis niya si Amber! Magkaka-anak na sila..."
Fuck shit! I sounded so desperate.
"Pero mahal mo si Kuya?" Nagulat ako sa direstong tanong niya dahilan para muli akong mag-angat ng tingin sa kaniya.
"Hindi ko alam," I answered without hesitation. That's what I really feel right now... like in a limbo. Nakalutang lang. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko kay Gabriel.
"If I do love him, bakit pinilit ko siyang kalimutan?" I whispered.
"Pinilit?" Kunot-noong tanong ni Jasper.
I nodded my head slowly. "I forced myself to forget him. I cheated my mind..." My voice is shaking for whatever reason. Pain or regret? I don't know.
"Ako? Mahal mo ba ako?" Bahagyang nabasag ang boses ni Jasper. Namungay ang mga mata niya at tuluyang binalot ng lungkot ang mukha niya. Wala na ang bakas ng pilit niyang ngiti kanina.
I hurt him and he was so good at hiding that... until he asked that question.
"You're my peace, Jasper. Your presence comforts me." I answered, staring at his drowsy eyes.
He tilted his head and sighed. "Pero, mahal mo ba ako?"
"H-Hindi pa."
"Pa?" Mahina siyang bumungisngis at inihilamos ang palad niya sa mukha niya. "Thanks for being honest, Steph. Basta, dito lang ako..." Halos pabulong niyang sabi. Lumikot ang mga bilugan niyang mata.
"Kahit tira-tirang pagmamahal lang ang kaya mong ibigay sa akin, dito lang ako." He fixed his eyes on me. Umusod siya para mas makalapit pa sa akin. He reached for my right hand, and I let him touch it.
"Mahal kita, Steph. At hindi 'yon kayang baguhin ng nakaraan mo."
His words and his assurance were like thunderbolts, striking me through the heart.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top