Chapter 16 - Sky

"K-Kuya Spence, ano'ng ginagawa niyo rito?" pautal-utal kong tanong kasabay ng paglabas ko sa elevator.

Mabilis ko lang siyang sinulyapan at yumuko rin agad ako. Hindi ko siya kayang titigan pagkatapos niyang makita ang halikan namin ni Gabriel kanina. Mas lalong hindi ko kayang tignan man lang si Jasper na tahimik na nakatayo sa gilid ni Kuya. Nakatikom ang bibig niya at nakakuyom ang kaliwang kamay.

"Akala ko nahimatay ka, Mei-mei?! That's what he texted me." Nilingon ni Kuya si Gabriel na nasa likuran ko. "Tapos makikita ko kayong dalawa na nag—"

"Kanina!" mabilis kong sagot. Hindi ko na hinintay pang matapos ni Kuya ang sasabihin niya.

"Nahimatay ako kanina, Kuya... pero okay na ako ngayon," dagdag ko.

"Obvious nga!" nakangising komento ni Kuya.

"Okay ka na, Ma'am Steph?"

Nagulat ako sa baritonong boses ni Jasper. Mahina lang ang tanong niya, pero lahat kami ay napalingon sa kaniya. I looked at his black, rounded eyes, and I noticed that his pupils were dilated. He was shocked. Sino ba namang hindi magugulat do'n?

"Y-Yes, Jasper, okay na ako," tipid kong sagot.

"Buti naman," mabagal niyang tugon.

Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa mukha niya. Walang nakalabas ang mga dimples na madalas bumibida kapag nakangiti siya. Dahan-dahan siyang tumalikod at saka naglakad palayo sa amin.

Should I follow him? Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatiling nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. 

May dapat ba akong sabihin sa kaniya? Should I say sorry?

"Follow him." Napasinghap ako nang marinig ang utos ni Gabriel.

"Ayokong isipin niya na ginusto mo 'yong nangyari kanina," bulong niya. I gave him a quick glance and saw guilt in his eyes. Parang sising-sisi siya na tinanggap niya ang halik ko kanina.

"Hindi mo gusto 'yong kanina... hindi ko rin gusto 'yon," seryosong saad niya.

I felt a pang on my chest. Hindi niya gusto? What the fuck?! Parang biglang namawis ang mga palad ko at biglang nanuyo ang lalamunan ko. Nang mga sandaling 'yon, parang gusto ko na lang lamunin ng elevator dahil sa kahihiyan.

Tumakbo ako para habulin si Jasper na papasok na sa fire exit. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Kuya at hindi ko na rin nilingon pa si Gabriel.

***

Akala ko hindi ko na maaabutan si Jasper dahil bukod sa mahaba ang mga biyas niya, mabilis din ang paglakad niya kanina.

"Jas-per!" hinihingal kong tawag sa kaniya.

Napahinto siya bago pa siya tumapak  sa pangalawang baitang ng hagdan. Inabot ko ng kaliwang kamay ko ang braso niya, habang ang kanan ko naman ay napahawak sa dibdib ko para pigilan ang pagtaas-baba nito. Napatingin ang mga namimilog niyang mata sa braso niyang mahigpit ang pagkakahawak ko.

"Steph... uuwi na ako." Nanginginig nang kaunti ang boses niya at nag-iwas siya ng tingin sa akin. Halatang ayaw niya akong kausapin. "Okay ka na 'di ba? Uuwi na ako." Mabilis niya akong sinulyapan at saka marahang tinanggal ang kamay ko sa braso niya.

"Sorry. S-Sorry sa nakita mo kanina, Jasper." Inalis ko ang kamay ko sa dibdib ko kasabay ng malalim na pagbuntong-hininga.

He ruffled his hair and smiled bitterly. Mukha siyang pinagbagsakan ng langit. Pinipilit niyang ngumiti pero alam kong nasaktan ko siya. Dahan-dahan siyang umupo sa baitang ng hagdan. Umupo rin ako sa tabi niya, pero hinayaan ko ang ilang dangkal na puwang sa pagitan naming dalawa.

"Kayo na ba?" diretsong tanong niya habang nakatulala sa pader.

"Hindi pa... Hindi!" natataranta kong sagot.

"Gusto mo na siya?"

Nagtambol ang puso ko. Mabilis kong tinanggal ang butones ng blazer ko dahil parang bigla akong nainitan sa tanong ni Jasper. Kinapa ko pa ang leeg ko kung may pawis na ito, pero wala naman.

"I told you before, Jasper. Hindi ako naniniwala sa love," I said with conviction, staring at him. Alam kong alam niyang nakapako ang mga mata ko sa kaniya, pero binabalewala niya lang iyon. At gets ko naman kung bakit, hindi ko lang maintindihan ang sarili ko kung ano itong kaunting sakit sa dibdib ko.

"Ang labo mo, Steph..." Napailing siya at napahawak sa sentido niya. "Naghahalikan kayo kanina. Nakahawak siya sa baywang mo. Ano 'yon?" Inilipat niya ang tingin niya sa akin ngunit naduwag akong salubungin ang mga mata niya.

"It was just a kiss... nothing more," nakayuko kong sagot.

"Okay! Noted, Ma'am Steph," he sarcastically answered before standing up and walking away.

Hindi ko na siya sinundan pa. Natatakot akong lumalim ang kaunting sakit na nararamdaman ko.

***

Unti-unting umangat ang sales ng Café Amor nang mga sumunod na linggo. Tama nga sila Gail at Jasper, kailangan namin ng rebranding. Malaki ang naitulong ng photoshoot nila Li at Andrew sa pagdami ng customers ng café. Ayon nga lang, habang umuusad ang Café Amor, lumalawak naman ang distansiya sa pagitan namin ni Jasper. 

Naging normal na magkatrabaho na lang kami. Wala ng special brewed coffee tuwing umaga at wala na ring pares tuwing sahod.

"Ma'am Steph! Dali! Nakita mo na ba 'to?!" malakas na sigaw ni Gail pagkalabas ng kusina.

Pauwi na kami ng gabing 'yon. Nagbibilang na lang ako ng change fund sa POS at si Jasper naman ay katatapos lang magtapon ng basura. 

Lumapit si Gail sa likuran ko at inabot sa akin ang cellphone niya. "Tingnan mo Ma'am Steph..."

"Tang ina! Si Andrew 'yan?!" bulalas ko.

Tatlong pictures ang nakita ko kung saan nakahalik si Bianca Mercado sa labi ni Andrew. Nakadilat si Andrew sa lahat ng kuha, halatang gulat na gulat sa ginawa ng ex niyang babaeng labanos. Sa pinakahuling larawan, hagip sa likod ang kaibigan ko—si Li na parang naluluha na.

"Paniguradong umiiyak ngayon 'to si Li..."

Ibinalik ko ang cellphone ni Gail. Hinubad ko ang apron ko at ipinatong 'yon sa counter. Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko at mabilis kong idi-nial ang number ni Li. Out of coverage area. I tried calling her thrice, pero wala talaga.

"Ano 'yan, Gail?" tanong ni Jasper. Nginuso niya ang cellphone ni Gail. Kalalabas lang niya ng banyo at bagong palit ng pang-uwing damit. 

"Si Sir Andrew, hinalikan ng ex niya sa harap pa ni Ma'am Lia!" Itinapat ni Gail ang cellphone niya kay Jasper. 

"Nakakainis 'yong Bianca!" dugtong pa ni Gail.

Pinatunog ni Jasper ang dila niya at saka bumuga ng hangin.

"It's just a kiss... nothing more," pagpaparinig ni Jasper sa akin.

Inilayo ko ang cellphone ko sa tainga ko at tinignan ko siya. Matalim ang mga mata niya. Nakangisi siya na tila nang-aasar at alam kong para sa akin ang komento niyang 'yon. Sinalubong ko ang tingin niya at ilang segundong binalot ng katahimikan ang Café Amor.

"Ah, s-sa kusina lang ako!" paalam ni Gail na bumasag sa katahimikan.

"Sasama ako!" Wala sa sa sariling kong binanggit.

***

Sabado na ng umaga nang makausap ko si Li. Nabunutan ako ng tinik nang malaman kung ligtas siya. Ine-expect kong hahagulgol siya sa tawag dahil sa ginawa ng ex ng asawa niya, pero mukhang masayang-masaya pa siya. Kampante na akong malaman na kasama niya si Andrew at mukhang matutupad na ang wish kong inaanak next year.

Bising-busy ako sa paggawa ng buttercream icing nang biglang pumasok si Gail sa kusina. Muntikan ko nang maibuhos ang buong bote ng pulang food coloring dahil sa pagkagulat sa kaniya. Mabuti na lang at hindi ako pasmado.

"May naghahanap sa inyo sa labas, Ma'am Steph! Ang guwapo, chinito... kaso sinusungitan ni Jasper." Humaba ang nguso niya.

Si Gabriel? Ano namang ginagawa ng chinitong mokong na 'yon dito?

"Susunod ako Gail, tapusin ko lang 'to."

Tinakpan ko ng cling wrap ang mixing bowl na may icing at itinabi ito sa gilid ng lamesa. Mabilis akong naghugas ng kamay sa lababo at agad ko ring tinuyo 'yon ng paper towel. Inayos ko ang bandana ko at hinigpitan ko ang buhol ng apron ko sa likod.

Nakaupo si Gabriel si Table 3, inaalog ang iced coffee niya habang naka-de-kwatro. Nag-ipon ako ng hangin sa baga ko at mabagal ko iyong binuga saka ako lumakad papalapit sa kaniya. Ramdam ko sa likod ko ang pagsunod ng tingin ni Jasper sa akin na nasa checkout counter. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil alam kong pinapanood niya ako.

Nang makarating ako sa tapat ng lamesa ni Gabriel, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at diretsahan ko siyang tinanong.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Sumipsip siya sa iced coffee niya at nilapag ito sa lamesa. "Puwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong niya.

I crossed my arms and scoffed at him. "About?"

"Us," mabilis niyang sagot. Binagsak niya ang balikat niya kasabay ng malalim na buntong-hininga. He looked up at me and stared at me intently.

Napalunok ako nang salubungin ko ang mga singkit niyang mata na kasing dilim ng langit kapag gabi. Biglang kumabog ang dibdib ko at parang nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita kahit na maraming tanong ang biglang nagsulputan sa isip ko.

Us? What about us? After what happened at the party, ito lang ang sasabihin niya?

"Stephanie... may kailangan akong sabihin sa'yo. Can you come with me?" he said almost pleading with his raspy voice. Nakapako pa rin ang mga mata niya sa akin.

"May trabaho ako Gabriel. Wala akong time makipaglokohan sa—"

"Babayaran ko ang benta niyo ngayong araw. Double it! I will pay... basta sumama ka lang sa akin."

Nanlaki ang mga mata ko sa alok niya. He's willing to pay for our daily sales in exchange for my time? No. Hindi dapat ako magpauto sa mokong na 'to.

"No, hindi puwede 'yon. Paano ko i-re-record 'yon? Donation?" taas-kilay kong tanong sa kaniya.

Napakamot siya sa kilay niya at napangisi. "Ten orders each of your coffee-based drinks, hot and iced... tapos ipamigay niyo na lang sa labas. How about that?" He softly bit his lower lip and then he grinned.

"Twenty. Twenty orders each!" paghahamon ko.

"Deal!" nakangiti niyang sagot.

***

Huminto ang BMW ni Gabriel sa tapat ng isang bakanteng lote. Pagbaba namin, sinalubong agad kami ng dalawang matangkad na lalaking nakasuot ng asul na polo barong. Alam kong mayaman sila Gabriel dahil nagawa nilang pautangin sila Mama at Papa ng thirty million, pero hindi ko akalaing ganito sila kayaman na mayroon silang mga tauhan at bodyguard. Inabot niya ang susi ng sasakyan niya sa isa habang ang isa naman ay may kausap sa earpiece niya.

"Sir, ready na po ang chopper," direktang sabi nito kay Gabriel.

Chopper? Wala sa usapan ang pagsakay sa chopper?

Tumango lang si Gabriel sa bodyguard niya at saka marahan niyang inilagay ang kamay niya sa baywang ko. Hindi na ako nagulat, hindi kagaya noong naramdaman ko sa party ng Stepdad niya. Halos hindi pa kami nakakalayo sa kalsada, tanaw ko na ang chopper na sinasabi ng lalaki kanina. Bumaba mula sa loob nito ang isang lakaking kulay pula ang buhok. Nang makalapit na kami sa chopper, isang malaking ngiti ang iginawad sa akin ng estranghero.

"Hi, Maxine! Long time no see!" bati niya. Lumiit ang mga mata ko sa pagtataka.

Maxine? Kilala ko ba siya? Long time no see... so nagkita na kami dati?

"Hunter!" Gabriel's voice thundered.

Itinaas ng lalaki ang dalawang kamay niya. "Oops! Sorry, hindi pa pala niya alam?" sarkastikong tanong niya.

"Go home, Hunter." Gabriel said with voice full of authority.

Inalalayan ako ni Gabriel sa pag-akyat sa chopper. Mula sa passenger seat, kitang-kita ko ang malapad na ngisi ni Hunter habang nakatingin sa akin at kumakaway. Pero agad ding naagaw ang atensyon ko nang umupo si Gabriel sa pilot seat.

"I-Ikaw magpapalipad nito?" gulat na gulat kong tanong habang pinapanood siyang nagsusuot ng seatbelt at headset.

"Yes, Stephanie. Don't worry I'm certified to fly this," he answered with a wide grin on his face.

"Don't worry love, soon I'll be certified to fly. Ikaw ang unang isasakay ko."

I heard that before. Sigurado ako roon, pero saan at kanino? Napahawak ako sa sentido ko dahil sa naaalala ko. Napakurap-kurap ako dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko. 

"Okay ka lang?" Nawala ang mayabang na ngiti sa mukha ni Gabriel at napalitan 'yon ng pag-aalala.

"Y-Yes, okay lang ako," I gulped. "Saan ba tayo pupunta? Sabi mo mag-uusap lang tayo?"

Isang ngiti ang muling sumibol sa mukha niya. "Mag-uusap tayo paglapag natin."

Sumandal ako sa malambot na cushion ng passenger seat at saka itinuon ang pansin ko sa bughaw na langit. Pinagmamasdan ko ang iba't-ibang hugis ng mga ulap, may kakaibang saya at gaan akong naramdaman sa puso ko. Nawala ang bigat na dala nang madalas na pagbisita ng mga panaganip at ala-alang hindi ko alam kung gawa-gawa lang ba ng utak ko o hindi.

Maybe, after today... everything will clear out just like the sky.

***

"Stephanie... nandito na tayo," bulong ni Gabriel. Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Kanina lang ay pinapanood ko ang langit, hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa biyahe.

Lumipat kami sa isang van pagbaba ng chopper. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero pamilyar sa akin ang kalsada. Pamilyar ang pakiramdam. Pamilyar ang nagkukulay kahel na langit dahil pahapon na.

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Gabriel na katabi ko habang salitan kong tinititigan ang kalsada at ang langit.

"Iloilo," sagot niya.

"What?! Ano'ng gagawin natin dito?" Napalingon ako sa kaniya. "Wala akong dalang extrang damit, kahit panty wala?!" tuloy-tuloy kong pagrereklamo. Natawa ang driver na naka asul na polo barong, malamang ay tauhan din ng pamilya niya.

"Babalik din tayong Manila, mamaya." Nginisian niya ako. "Pupunta lang tayo saglit sa langit," dugtong niya.

Namilog ang mga mata ko at ang bibig ko. Wala sa sariling nahampas ko ang braso niya.
"A-Ano'ng langit ang sinasabi mo! Ibaba mo ako! Babalik na ako sa Café Amor!" singhal ko. Bahagyang nanginig ang boses ko sa inis at muntik pa akong pumiyok.

May balak pa yata akong kidnapin ng lalaki na 'to!

Sakto namang huminto ang van at hindi na ako nagdalawang isip pa, nagmamadali akong bumaba. Nagkanda-untog-untog pa ako sa bubong ng van dahil sa pagkataranta, pero hindi ko 'yon ininda. Agad kong binuksan ang pinto. Tatakbo na sana ako pagtapak ng paa ko sa lupa pero isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. 

"Welcome back to Garin Farm, Sir Leo, Ma'a Maxine," nakangiting bati ng isang morenang babae.

Napalingon ako sa likod namin at nakita ko ang nakasulat sa arko ng lugar na hinintuan namin—Garin Farm.

"W-What's this place, Gabriel? Bakit tayo nandito?" Punong-puno ng kalituhan ang isip ko, pero may kakaibang pakiramdam ang puso ko. Deep inside me, I'm feeling something so familiar, that it almost feels like a memory... like I've been here before. 

"This is heaven on earth, Maxine," he said smiling. I saw how his eyes widened a bit as he uttered my second name.

"Maxine? Tinawag mo akong Maxine?" bulong ko.

Sinulyapan niya lang ako, mabilis na pagsulyap pero kitang-kita ko ang kakaibang kinang sa mga singkit niyang mata. Mabilis niya ring hinawakan ang kaliwang kamay ko at hinayaan ko siyang igiya ako papasok ng Garin Farm. 

Mula sa entrance, tanaw ko ang trellis walkway na may mga nakalambitin na puting bulaklak. Ang iba ay nahulog na sa sementadong walkway. May golf cart rin na nakaabang sa amin. Kagaya ng morenang babae kanina, malapad ang ngiti sa akin ng driver ng cart.

"Sir Leo!" Kinawayan nito si Gabriel.

Nilingon ako ni Gabriel, nangniningning pa rin ang mga mata niya at may kakaibang ngiti sa mukha niya. "Let's go, Maxine."

Inalalayan niya ako sa pag-akyat ng golf cart. Habang nakasakay sa cart, hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa mga nakikitang iba't ibang atraksiyon ng farm—mga halaman, mga bibe at manok, isang maliit na bahay-kubo at fish pond. Huminto saglit ang cart sa tapat ng isa na namang arkong gawa sa bato. Nakasulat doon ang mga katagang 'Garin Farm Pilgrimage'.

"Mag-stairway to heaven kamo, Sir?" tanong ng driver. [Mag-stairway to heaven kayo, Sir?]

"Hindi na, Mark. Diretso na tayo sa taas," sagot ni Gabriel.

Yumuko ako nang bahagya para silipin kung ano ang stairway to heaven na tinutukoy ng driver. Nakita ko ang daan-daang baitang paakyat sa isang malaking krus. Tinitignan ko pa lang, parang hinihingal na agad ako.

Muling nagmaneho ang driver hanggang sa huminto kami malapit sa dulo ng stairway to heaven. Pagkababa namin ng cart, dumukot si Gabriel ng limang daan mula sa maong niya at inabot 'yon sa driver ng golf cart.

"Pang-kape niyo, Mark!"

"Salamat gid, Sir!" nakangiting sagot nito.

Dumadampi sa pisngi ko ang malamig na simoy ng hangin habang tahimik kaming umaakyat ni Gabriel ng hagdan. Hindi kagaya ng daan-daang baitang na nakita ko kanina, iilang baitang lang ang inakyat namin bago kami huminto sa entrance ng tila isang tunnel.

"Dark Me-di-ta-tion?" Mabagal kong binasa ang nakasulat sa entrance ng tunnel. 

"Ano'ng gagawin natin dito, Gabriel... akala ko ba may sasabihin ka lang sa akin?" kinakabahan kong tanong. Naramdaman ko ang unti-unting pamamawis ng mga palad ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Sasabihin ko lahat sa'yo pag nakarating na tayo sa dulo ng tunnel," malumanay niyang sagot.

"Ano'ng mayroon sa dulo?" 

"Langit, Maxine..." halos pabulong niyang sambit.

Napatingin ako sa kaniya, malambot na nakatitig sa akin ang mga mata niya. "Langit at tayo... kung ano man ang tayo."  Biglang nanubig ang mga mata niya. Hindi ko namalayan na hinawakan ko na pala ang kamay niya.

I am confused, and at the same time, I am content. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at nang mga sandaling 'yon... gusto ko na lang makarating sa dulo.

Huminga ako nang malalim at inihanda ang sarili ko. Sa pagkakaintindi ko sa nabasa ko sa entrance ng tunnel, madilim sa loob nito. Hindi nga ako nagkamali. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Gabriel dahil sa takot na sumalubong sa akin pagpasok namin sa loob.

Wala akong makita dahil sa dilim. Walang pinagkaiba kung dumilat man ako o pumikit. It was pitch black.

"Gabriel... can we go back?" naiiyak kong tanong sa kaniya dahil sa kaba.

"No. You can do this again. Nalagpasan mo na 'to ng dalawang beses..."

Napalunok ako sa sinabi niya at tila umatras ang mga luha ko. Nakapunta na ako rito dati? Pangatlong beses na ito?

"Nagsinungaling ako no'ng sinabi ko na si Amber ang first love ko, it was you—Maxine," pagpapatuloy niya.

Napatigil ako sa paglakad dahil sa pag-amin niya.

"You were my first girlfriend at ako rin ang first boyfriend mo." His voice was quivering. I could sense vulnerability on it.

"Hindi ko maintindihan Gabriel... b-bakit hindi kita maalala kung gano'n?"

"Because of an accident."

Nagpatuloy ako sa paglalakad. "W-What accident?"

"That rainy night."

Biglang nanlambot ang mga tuhod ko dahil alam ko ang tinutukoy niyang maulang gabi. 'Yon ang gabing parang galit na galit sa akin ang langit. Bumilis ang lakad ko dahil parang unti-unti nang nanginginig ang kamay ko at ang katawan ko nang sumagi sa isip ko ang gabing 'yon.

"The day before that night, galing tayo dito sa Garin..."

Nakarating kami sa dulo ng tunnel at sinalubong kami ng langit. Nakasisilaw ang kulay puting paligid—lahat ay kulay puti. Puno ng mga estatwang kawangis ng mga anghel ang magkabilang gilid nito. Ang iba ay may hawak pang trumpeta. Sa gitna ay may malaking krus at sa ilalim no'n, ay tila imahe ng Diyos na nakaupo sa mga ulap.  Nakakakilabot ang ganda ng lugar. Hindi ko maipaliwanag ang gaang nararamdaman ko sa dibdib ko. Saglit kong iginala ang paningin ko, pero muling naagaw ni Gabriel ang atensyon ko nang akayin niya ako sa gitna ng langit.

"That day before that night was your 18th birthday... and I was so crazy in love back then that I proposed here, on this very spot, Maxine."

Tumulo ang mga luha niya sa pisngi niya at parang biglang may kumirot sa dibdib ko. Ayokong makita siyang ganito. Masakit sa akin na makita siyang ganito at pakiramdam ko matagal ko nang alam 'yon, pero hindi ko maalala kung bakit ako nasasaktan para sa kaniya.

"And you said Yes..." his voice broke.

Kulay kahel na ang langit. Papalubog na ang araw at kagaya ng pagkalat ng kahel sa langit, unti-unting nagkakulay ang ilang ala-ala ko.

Cecilia ang pangalan ng morenang babae kanina. Nobyo niya si Mark na driver ng golf cart. Noong unang beses na pumunta kami rito ni Gabriel, inatake siya ng hika at hindi namin natapos ang 480-steps to the cross. Pinsan ni Gabriel si Hunter at kasama namin siya noong huli kaming pumunta rito. Siya ang kumuha ng mga pictures namin pagkatapos mag-propose ni Gabriel sa akin.

Bumuhos ang maraming ala-ala kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko at ng luha ng langit.

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top