Chapter 15 - Dark
"I think that's too much of a trigger for her, Leo..."
Narinig kong binanggit ng isang lalaki. Kaboses niya si Andrew. Gusto kong imulat ang mga mata ko, pero hindi ko magawa. Hindi ko rin magalaw kahit ang mga daliri ko.
"Hindi ko rin alam bakit nasabi ko 'yon, pre..." pagaralgal na sagot ni Gabriel.
"Bakit ka ba kasi nagmamadali, pre?"
"Ayoko lang mawala ulit siya sa akin." Suminghot si Gabriel.
Umiiyak ba siya? Bakit?
"You won't... just take it easy, Leo."
"Salamat, pre... " Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Gabriel.
"Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ni Aliyah."
Tama ako. Si Andrew nga talaga ang kausap niya.
Sinubukan ko ulit imulat ang mga mata ko, pero parang mas lalong bumigat ang mga ito. At ang kaunting liwanag na naaaninag ko kanina habang naririnig ang mga boses nila Andrew at Gabriel ay tuluyan nang nilamon ng dilim.
***
Hindi ko alam kung ilang minuto o ilang oras akong nakatulog, pero paggising ko—wala na ang sakit ng ulo ko.
Agad kong inilibot ang paningin ko sa kuwartong kinalalagyan ko. It's a hotel room with gold and wood furnishings. I saw the keycard on the bedside table. Nakasulat dito ang pangalan ng hotel—El Pacifico Hotel. Nasa venue pa rin pala kami ng party ng stepdad ni Gabriel. Nakita ko rin ang blazer ko na naka-hanger sa bukas na closet sa gilid ng kama. Hindi ako nilalamig kahit na naka-sleeveless na lang ako. The room was warm enough for me. It was illuminated by the two lamp shades at each side of the bed.
Marahan kong minasahe ang noo ko. Ano bang nangyari sa akin kanina?
Ang huling naaalala ko ay ang pagtawag sa akin ni Gabriel ng Maxine.
"Gising ka na pala!"
Tumuwid ang pagkakaupo ko sa kama nang marinig ko ang tila paos na boses ni Gabriel. Hindi ko agad napansin na nakaupo pala siya sa lounge chair na nasa sulok ng kuwarto.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Gusto mo bang pumunta ng ospital?" Bakas ko ang pag-aalala sa boses niya.
Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil medyo madilim sa sulok na kinauupuan niya. Pero nang tumayo siya at naglakad papunta sa akin, tumambad ang mga nanunubig niyang mata na malambot ang pagkakatitig sa akin.
"G-Gabriel..."
"Stephanie, ano? Gusto mong pumunta tayo sa ospital?" Mabilis niyang kinusot ang mga mata niya.
"Ha? Hindi na!" natatarantang sagot ko. Ayoko nang abalahin pa siya.
Nagmamadali kong sinuklay ang buhok ko nang halos isang hakbang na lang ay makakarating na siya sa gilid ng kama.
"Bumalik na lang tayo sa party, nakakahiya sa stepdad mo... hindi ko man lang siya nabati ng happy birthday." I smiled at him shyly.
Pabagsak siyang umupo sa may paanan ng kama.
"Okay ka na ba talaga, Stephanie?" halos pabulong niyang tanong. Parang hindi kumukurap ang mga mata niya at inaabangan ang sagot ko.
"Of course," I answered, lying.
Hindi na masakit ang ulo ko pero maraming katanungan pa rin ang bumabagabag sa akin. Pangalawang beses na itong nangyari nang magkasama kami ni Gabriel. Iyong una ay 'yong pagkatapos naming maghalikan, that rainy day. At ngayon naman, pagkatapos ng eksena kanina sa stage. Is that what Andrew is talking about? Trigger? Too much trigger?
***
Bumaba kami sa ballroom ng hotel kung saan idinaraos ang 60th birthday party ng stepdad ni Gabriel. Hindi kagaya kanina kaunti na lang ang mga bisita. Ang iba ay nasa dance floor at sumasayaw sa saliw ng jazz music. Ang iba naman ay nasa mobile bar, nag-iinuman at nagkukuwentuhan. Mukhang tapos na ang program, after-party na lang ang naabutan namin.
Tinanggal ko ang pagkakakapit ko sa braso ni Gabriel kahit na binunundol ng kaba ang dibdib ko. Nanunuyo ang lalamunan ko kahit na ilang beses na akong lumunok. Namamawis ang mga palad ko at parang sobrang init kahit na fully airconditioned naman ang buong bulwagan.
Sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kanina. Amber claiming Gabriel as her fiancé, Gabriel denying it, and declaring that he'll marry no other woman but me. Nakakagulat ang mga tagpong 'yon, pero pakiramdam ko nangyari na 'yon dati.
I quickly scanned the room for Amber, she's the last person I wanted to see. Panigurado akong kumukulo ang dugo niya sa akin dahil napahiya siya kanina. I sighed in relief when I didn't see her there. Ni isang babaeng nakasuot ng pulang gown ay wala rin.
"Gab!" malakas na tawag ng isang lalaki.
Napalingon agad si Gabriel sa gilid niya. Nakangiti sa amin ang isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo, marami ng puti ang maiksi niyang buhok, nakasalamin siya at nakahawak sa baywang ng isang babaeng kamukhang-kamukha ni Gabriel.
The woman was wearing a black shimmering evening gown. Mukha siyang beauty-queen.
"There's the man of the hour!" Gabriel exclaimed cheerfully.
Hinawakan ako niya ako sa baywang at sabay kaming naglakad papunta sa kanila. Mabilis na sinulyapan ng babae ang suot ko. I smiled at her, but she didn't smile back at me. May kung ano'ng bumara sa lalamunan ko.
"Happy birthday, Tito Royce!" Gabriel removed his hands on my waist and quickly hugged his stepdad.
"Good evening, Mom." He tenderly kissed the cheeks of the woman in front of us.
Ibinalik niya ang kamay niya sa baywang ko at mabilis akong sinulyapan.
"Mom, Tito... this is—"
"Stephanie, right? Monica and Steve's daughter?" dugtong ng nanay ni Gabriel. Nakaangat nang kaunti ang gilid ng mga labi niya. Bahagya ring nanlaki ang mga singkit niyang mata at kitang-kita ko ang paggalaw ng mga pilik-mata niya nang muling pasadahan ang suot ko.
"Y-Yes po, tita, " I said politely and nodded at her.
"Teka, okay ka na ba iha?" tanong ng stepdad ni Gabriel sa akin.
"Ah... opo," nakangiting sagot ko.
"Kayo na ni Gabriel?" Nagulat ako sa tanong ng nanay niya.
Nadagdagan pa ang kaninang nakabara sa lalamunan ko. I swallowed hard but I could still feel the lump on my throat. Napatingin si Tito Royce sa kaniya at may binulong dito.
"Not yet Mom... nililigawan ko pa po si Stephanie," sagot ni Gabriel.
Gumusot ang mukha niya sa sinabi ni Gabriel.
She crossed her arms and scoffed.
"Nililigawan mo pa lang pala, why did you have to say that earlier?" Tumaas ang kilay niya at mabilis niya akong sinulyapan.
"Laila," malambing na saway ni Tito Royce sa kaniya. Nilipat niya ang kamay niya mula sa baywang ng asawa papunta sa balikat nito.
"What, Royce?!" iritableng tanong niya. "Poor Amber, napahiya pa tuloy kanina!"
"Mom!" protesta ni Gabriel. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa nakabusangot na mukha ng nanay niya.
Kitang kita ko ang pagkainis niya—nag-iigting ang panga niya at parang mas humigpit pa ang hawak niya sa baywang ko.
Gusto ko na sanang sabihin na okay lang sa akin 'yon, na kahit halata kong ayaw sa akin ng nanay niya—okay lang. Ayoko rin naman sa nanay niya.
Pero naunahan ako ng kaba at naunahan din ako ng walang prenong bibig ng nanay niya.
"I don't like her, Gabriel. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa!"
She smirked at me, as if telling me to back off. I did. Napahakbang ako paatras dahil sa pagkagulat sa sinabi niya.
Gabriel chuckled softly. Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang bungisngis niya.
Seryoso ba siyang tinatawanan lang nanay niya?
"Sorry Mom. Bad news for you. I like her... a lot," he firmly declared.
Lumuwag ang kapit niya sa baywang ko at kahit na nakatitig ang mga mata niya sa nanay niya, mabilis niyang nahanap ang kanang kamay ko. Nanlamig ako nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay na mahigpit na ikinulong ang palad ko.
"G-Gabriel, nakakahiya sa—"
Hindi ko na natapos ang dapat sasabihin ko. He dragged me away from his mom and we sprinted until we reached the elevator outside the ballroom. Binitawan niya lang ang kamay ko nang sumarado na ang pinto ng elevator. Sabay kaming bumuga ng hangin. Nagkatinginan kaming dalawa at kahit kinagat ko na ang labi ko para pigilan ang sariling tumawa, nabigo pa rin ako. Sabay kaming napahagalpak ng tawa ni Gabriel.
"Pasensiya ka na kay Mom ha?" nakangiting sabi niya nang maubos na ang tawa niya.
"Wala 'yon!" nakangiti ko ring sagot.
Nakatingin lang ako sa led display sa gilid ng elevator. Pinapanood ang pagbabago ng mga numero, habang paakyat kami.
"Pero alam mo, may point 'yong mama mo," malumanay kong sambit.
Mabilis ko siyang sinulyapan. Nakapako ang tingin niya sa akin at mukhang kanina niya pa ako tinititigan.
"H-Hindi mo dapat sinabi kanina 'yong "this woman is the only one I wanted to marry" Hindi pa nga kita boyfriend!" Pinilit kong gayahin ang papaos niyang boses.
Napangiti siya sa ginawa ko. He tilted his head and he licked his lower lip.
Humakbang siya papalapit sa akin. I gulped.
"Advance lang ako mag-isip Sstephhanie," he whispered teasingly.
Kinilabutan na naman ako sa kung paano niya binigkas ang pangalan ko. Bigla ring uminit ang pisngi ko.
"Advance mo mukha mo!" Tinulak ko siya nang mahina at sinadya niyang magpadala roon kahit na parang kalabit lang naman 'yon.
"Wala akong balak mag-aasawa kahit manigas ka pa diyan!" singhal ko sa kaniya.
"G-Gusto mo?" natatawa niyang tanong sa akin.
"What? Ang bastos mo!" Pinandilatan ko siya ng mata at pinaghahampas ko ang braso niya. Patuloy lang siya sa pagtawa hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator at salubungin kami nang malamig na simoy ng hangin.
***
Gawa sa salamin ang dingding ng maliit na lounge area. Nakabukas ang pinto palabas sa roof deck kaya ramdam na ramdam ko ang pagpasok ng malamig na hangin. Hindi ko alam kung bakit dito kami pumunta ni Gabriel at hindi na lang kami bumaba sa parking lot para makauwi na.
"May fireworks display mamaya. This is the best spot." Nakatingin siya sa madilim na langit sa labas. Malapad ang ngiti, parang hindi tinatablan ng ginaw.
Tahimik kaming umupo sa wooden bench malapit sa railings ng roof deck. Kaunti lang ang bituin sa langit at walang buwan. Madilim pero hindi ako natatakot, mas nangingibabaw ang lamig na nararamdaman ko. Ilang segundo pa kaming nanatiling tahimik bago ko tuluyang basagin 'yon.
"K-Kanina bago ako mawalan ng malay, tinawag mo ba akong Maxine?" mahinang tanong ko. Nag-aalangan ako dahil natatakot ako na sumagot siya ng 'Oo'.
Kung sakaling totoo nga ang narinig ko, hindi na naman ako papatulugin ng pag-iisip ko kung bakit Maxine ang tawag niya kagaya ng lalaki sa panaginip ko.
"H-Hindi..." diretsong sagot niya. Liningon ko siya para tignan kung nagsisinungaling ba ang mga mata niya, pero agad siyang yumuko.
Shit! He's definitely lying.
Inilipat ko ang atensyon ko sa madilim na langit bago muling nagtanong sa kaniya.
"Inimbitahan mo rin ba si Andrew? Parang narinig ko kasing magkausap kayo kanina sa eh..."
Nakatitig lang ako sa langit dahil kahit hindi ko tignan ang mukha niya, alam ko kung nagsisinungaling siya o hindi.
"Hindi, busy 'yon sa pagbabantay kay Aliyah." He sounded so sure. Malakas ang boses niya. Proud sa pagsisinungaling niya.
Napayuko ako. Gusto kong malaman kung bakit siya nagsisinungaling. Pinuno ko ng hangin ang baga ko handa na sanang magtanong, pero natigilan ako nang kumulay sa langit ang pulang fireworks. Sinundan pa 'yon ng iba't ibang kulay... iba't ibang disensyo... iba't ibang liwanag.
"Ang ganda!" Wala na akong nasabi kung hindi ang mga salitang 'yon.
Bawat pagputok ng fireworks ay parang sumasabay sa malakas na kabog ng dibdib ko. Bigla kong naalala ang mga bagong taon na sinalubong namin noon sa Binondo nila Kuya Spence, nila Mama at Papa noong kasama ko pa sila sa iisang bahay... noong pamilya pa kami.
"Sobrang ganda..." bulong ni Gabriel.
Naramdaman ko ang hininga niya sa may kaliwang pisngi ko.
Sa akin niya ba 'yon ibinulong?
Ayokong lumingon, ayokong malaman ang sagot sa tanong ko. Pinili ko na lang panoorin ang fireworks. Hindi ko na naramdaman ang lamig ng hangin. Pinapatalon ng bawat kulay sa langit ang puso ko dahil pinapaalala no'n na minsan sa Binondo, nagkaroon ako ng pamilya at nakasama ko sila bago pa dumilim ang lahat.
"Okay ka lang, Stephanie?"
Napabalik ako sa realidad ng tanong ni Gabriel. Napalingon ako sa kaniya at napansin ko ang paglikot ng mga singkit niyang mata.
"Ha? Oo naman!" mabilis kong sagot.
"Parang ang lalim kasi ng iniisip mo..."
"Hindi ah, nagagandahan lang ako sa fireworks. Ngayon na lang kasi ulit ako nakanood niyan." Muli kong liningon ang langit.
Patapos na ang fireworks display. Dumilim na ulit ang langit. Lumamig na ulit ang hangin. Tumayo na ako para ayain na si Gabriel na umuwi. Nakaupo pa rin siya sa bench at parang pinapanood lang ako habang inaayos ko ang collar ng blazer ko.
"Stephanie puwede ba akong magtanong?" halos pabulong na sambit ni Gabriel
Nakaupo pa rin siya sa bench, magkasalikop ang mga kamay at nakapatong ang mga braso sa hita.
"Oo naman!" nakangising sagot ko.
He heaved out a deep sigh and then he looked up at me.
"Bakit takot ka sa dilim?"
Biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga gabing umiiyak ako sa loob ng maliit na stock room sa gym ng school. Madilim, walang kahit ano'ng ilaw. Amoy goma rin doon dahil imbakan 'yon ng mga bola ng volleyball.
"Coach please... pauuwiin mo na ako." Umiiyak ako at ilang beses ko nang kinakatok ang naka-lock na pinto.
"Not until you do what I want!"
"I'm sorry, Stephanie... sorry hindi ko dapat tinanong 'yon..." nag-aalalang saad ni Gabriel. Nasa tabi ko na siya, wala na siya sa bench na inuupuan niya kanina.
Napasinghap ako nang maingat niyang idinampi ang kamay niya sa pisngi ko.
"Stop crying... please," he begged with his shaking voice.
Umiiyak ako? Hindi ko maalala kung kailan tumulo ang mga luha ko. Hindi ko rin maalala na tumayo si Gabriel at lumapit sa akin.
Paulit-ulit akong suminghot para pigilan ang pagbagsak ng mga bagong luha. Huminga ako nang malalim at sinubukang ngumiti.
"O-Okay na ako, G-Gabriel..." natataranta kong usal habang pinupunasan pa rin niya ang pisngi ko.
Mabagal siyang umatras at muling umupo sa bench. I could sense guilt in his eyes. Ilang ulit din niyang kinamot ang kilay niya.
"Sorry, that was so insensitive... sorry talaga Stephanie." Bahagya niyang ginulo ang buhok niya.
"Okay na ako Gabriel," sumandal ako sa railing ng roof deck at muling sinulyupan ang iilang bituin sa langit. "Isa pa... medyo nababawasan na rin naman ang takot ko sa dilim." Naramdaman ko ang pagkapako ng tingin niya sa akin.
"Lately, I've been exposing myself to it... sa Twilight Lounge. Kaya ako madalas napunta roon. It's dark but the music makes it... light."
"Music huh?" He softly chuckled.
"Hmmn. It calms me," I said smiling.
***
Pagkapasok namin sa elevator, parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapansin kong kanina pa wala sa bulsa ko ang cellphone ko.
"Shit!" Napatingin sa akin si Gabriel "'Yong phone ko, naiwan ko yata sa kuwarto kanina..."
Pinindot niya ang number three sa panel. "Balikan na lang natin sa third floor."
Kagaya kanina, nakatitig lang ako sa led display ng elevator at hindi umiimik. Malapit na kami sa third floor nang biglang huminto ang elevator. Bahagya itong umuga. Napakapit ako sa handrails. Namatay ang mga ilaw sa loob. Napatili ako. Naramdaman ko ang paghawak ni Gabriel sa baywang ko.
"I'm here, Stephanie" he whispered in his raspy voice. "Shit naman! Bakit walang emergency light dito?" he groaned frustratingly.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
Sana saglit lang 'to. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Tumikhim si Gabriel. Then, he started singing.
"Ang mga ibon na lumilipad... ay mahal ng Diyos, hindi kumukupas..."
"G-Gabriel w-what are you doing?" nauutal kong tanong.
"Making music. Sorry wala akong ibang alam na kanta. Pagtyagaan mo na ito, Stephanie." Bakas ko sa boses niya na nahihiya siya.
Napabungisngis ako habang patuloy pa ring kumakanta si Gabriel.
"Huwag ka nang malungkot. Oh, praise the Lord..."
Hindi ko na napigilan pa ang pagtawa ko. Wala kasi siya sa tono, para siyang tumutula.
"Please, huwag mo akong tawanan, Stephanie." Nanginginig ang boses niya, halatang natatawa.
Nagmulat ako nang mga mata nang marinig ko rin ang pagtawa niya. Alam kong madilim pa rin, pero gusto kong maaninag ang mukha niya. Kahit kaunti lang, gusto kong maaninag ang guwapo niyang pagtawa.
Hindi ako nabigo. Pagmulat ko, ilang pulgada lang ang layo ng maaliwalas na mukha ni Gabriel sa akin. Aninag ko ang ngiti niya habang kumakanta. Nakatitig lang ako sa mga labi niya... hindi na ako natatawa. Naakit na ako.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Natatakot ako, pero hindi dahil sa dilim kung hindi dahil sa inuutos ng isip ko... na malugod kong sinunod.
Inilapat ko ang mga labi ko sa mga labi niya. Maingat. Dahan-dahan. Tinugon niya ang halik ko hanggang sa muling nagliwanag.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng elevator, pero pareho naming hindi pinansin 'yon.
"My eyes! My eyes!"
Agad akong napabalikwas nang marinig 'yon. Napalingon ako sa labas ng elevator. Si Kuya Spence! Nakatakip ang kamay niya sa bibig. Gulat na gulat sa nakita niya. At sa gilid niya, nakatayong parang estatwa si Jasper.
"Raphael..." bulong ni Gabriel.
"J-Jasper... " bulong ko sa sarili ko.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top