Chapter 14 - Perfect
Kahihigop ko pa lang ng kapeng tinimpla para sa akin ni Jasper. Nakaupo ako sa tabi ng lamesa sa kitchen at nakatulala. These past two weeks were the hardest days for me. Halos walang customer ang Café Amor. Palaging maraming tirang pastries, napipilitan na nga lang kaming ibenta nang palugi ang iba. Kapag may tira pa rin, pinapamigay ni Jasper sa mga batang namamalimos sa kalye tuwing hapon.
Dalawang linggo pa lang wala si Li, pero parang pabagsak na agad ang negosyo namin. Ayokong i-report sa kaniya 'yon, dahil alam kong busy siya sa pagma-manage ng kompanya ng daddy niya. Mula nang mabaril si Tito Alejandro, si Li na ang naging temporary CEO ng Alvarez Hospitality Group. Two and a half months lang naman si Li na uupo bilang CEO ng AHG. Two and a half months lang din akong magiging manager ng Café Amor, pero two weeks in pa lang—sablay na agad ako.
"Ma'am Steph, ang lalim ng iniisip natin diyan ha?" bati ni Gail pagpasok niya sa kitchen. Dumiretso siya sa lababo para maghugas ng kamay. Pagkatapos sinuot niya ang bandana niya sa ibabaw ng nakatirintas niyang mahabang buhok.
Bumuntong-hininga ako. "Nakakahiya kasi kay Li, baka pagbalik niya dito sa café, ma-disappoint siya sa akin," malungkot kong sagot.
Muli akong uminom sa kape ko na medyo maligamgam na. Ipinunas ni Gail ang kamay niya sa apron niya at saka humarap sa akin.
"Ma'am Steph, hindi ipagkakatiwala sa'yo ni Ma'am Lia ang Café Amor kung hindi ka magaling!" Bahagyang namilog ang mga mata niya. "Don't worry too much, Ma'am Steph..." dadag pa niya habang nakangiti sa akin.
"Na-edit ko na rin 'yong pictures nila Ma'am Lia at Sir Andrew, a-upload ko na mamaya. For sure, makakatulong 'yon sa atin." Halata sa boses niya na pinapalakas lang niya ang loob ko.
That photoshoot for our rebranding and marketing strategy is our last resort. Ginawa na namin lahat, kahit ang 50% off one hour before closing. Last week, nag 'buy -two-get-one-free' na rin kami sa lahat ng coffee based drinks, pero hindi pa rin napataas ang benta namin.
"Salamat, Gail!" nakangiting sagot ko. "Kaya natin 'to, laban lang!" Itinaas ko ang kamao ko at mas pinalawak ko pa ang ngiti ko.
Marami akong insecurities sa buhay ko kaya wala akong tiwala sa sarili kong kakayahan. Hindi ako nag-college dahil hindi na ako kayang pag-aralin pa nila Mama. Pinag-aral ko ang sarili ko sa pinakamurang culinary school na nahanap ko. Pagkatapos, kumuha ako ng certification sa TESDA para maging barista. Ilang taong nagpatalon-talon sa kung saan-saang coffee shop bago ako idinamay ng bestfriend kong si Li sa pangarap niya—ang muling buhayin ang café ni Tita Amor.
I'm glad she did. I'm glad that she believed in me when no one else did.
Wala pang limang minuto mula nang lumabas si Gail ng kitchen, pumasok naman ang pawis na pawis na si Jasper. Saktong kauubos ko pa lang ng kapeng tinimpla niya at katatapos ko pa lang din hugasan ang mug.
"O, saan ka nag-marathon?" pabirong tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot, nakangiwi ang bibig niya—mukhang nag i-LBM.
"M-Masakit ba tiyan mo? Natatae ka?" natatarantang tanong ko.
Napakamot siya ng ulo at biglang hinablot ang basa ko pang kamay.
"Ha? Hindi ah!" tanggi niya. "Kailangan ka sa labas, may customer na naghahanap ng manager," kinakabahang sagot niya.
Ano na naman kayang kamalasan ang mayroon ngayong araw?
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Jasper. Mabilis kong inayos ang bandana ko at ang pagkaka-ribbon ng apron ko sa likod. Pinapanood lang ako ni Jasper na butil-butil na ang pawis sa noo. Pumilas ako ng isang paper towel at inabot 'yon sa kaniya.
"Punasan mo nga 'yang pawis mo, dapat maayos pa rin tayo tignan kahit na kumukulo na ang dugo sa atin ng customer," seryosong sabi ko.
Isang tipid na bungisngis ang binalik niya kasabay ng pagtanggap sa paper towel.
"Ibang breed 'yong babae sa labas, Ma'am Steph." Napailing-iling si Jasper matapos punasan ang noo.
***
Nakakaisang hakbang pa lang ako palayo sa pinto ng kusina, pero rinig na rinig ko na ang paulit-ulit na paghingi ng sorry ni Gail sa babaeng nakaupo sa Table 1. Maiksi ang buhok ng babae na siguro nasa mid 40s na ang edad. Pinandidilatan niya ng mata ang nakayukong si Gail. Kumakalansing ang gold bangles niya habang dinuduro-duro pa niya ang barista namin.
"Ang bobo mo!"
Nagpantig ang tainga ko nang marinig ang sigaw ng babae. Naging takbo ang lakad ko para makalapit agad sa kanila. Walang ibang customer sa café, kaya siguro malakas din ang loob ng babaeng bulyawan si Gail.
"Good morning po, Ma'am" mahinahon kong bati sa kaniya. Sinenyasan ko na si Gail na umatras at tumabi na lang kay Jasper na nakatayo sa bandang likuran ko.
"Ikaw ang manager dito?" taas-kilay niyang tanong. Sumandal siya sa upuan at mabilis na pinasadahan ng mga nanlalaki niyang mata ang suot ko—mula ulo hanggang paa.
"Yes, Ma'am... may concern po ba kayo?" pinilit kong lagyan ng hinhin ang boses ko kagaya ng boses ni Li.
"Concern?" she scoffed mockingly. "I have a problem. A big PROBLEM with your barista!" she glared at Gail.
"B-Bakit po, Ma'am?"
"I ordered for a decaf black coffee... this is not decaf!" iritadong reklamo niya. Tinabig pa niya ang coffee cup sa lamesa kaya tumalsik ang lamang kape ng baso.
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa harapan ko.
"Ma'am, papalitan na lang po namin." Dinagdagan ko pa ng ngiti ang alok ko.
"NO! THAT'S NOT WHAT I WANT!" Nanggagalaiting sigaw niya. Lumabas pa ang ugat sa leeg niya.
"Po?" kinakabahan kong tanong. "Then what do you want, Ma'am? We can give your money back or give you discount coupons or—"
Itinaas niya ang kamay niya para awatin ako.
"I haven't slept since last night. I went here because I just wanted to drink a hot cup of coffee and sleep soundly after." Mariin niya akong tinitigan. Napansin ko ang maitim niyang eyebags. Baka nga wala pang tulog kaya mainit ang ulo.
"Tapos 'yong bobo niyong barista bibigyan ako ng caffeinated black coffee when I specifically ordered for decaf!" Inilipat niya ang tingin niya kay Gail na nakayuko pa rin at halatang nanliliit na sa sinasabi ng babae.
"Mawalang galang na po, Ma'am." I cleared my thoat. "Hindi naman po tamang sabihan niyo ng ganiyan ang barista namin. That's so inapproriate Ma'am. Lahat po kami rito, trained and certified. We're not stupid." Nakipagtitigan din ako sa mga nanlalaki niyang mata.
Kinagat niya ang labi niya. Namumula na ang leeg niya. Unti-unting umaakyat ang pamumula sa pisngi niya. Napailing na lang ako. Parang bulkan na siyang malapit mag-alburoto.
"Kinakampihan mo pa talaga ang bobo na 'yan!"
Sobrang lakas ng sigaw niya na umalingawngaw sa buong café. Napangiwi ako. I inhaled deeply trying to control my temper, but I failed.
"Kanina ka pa eh!" Nagulat ako sa sinabi ko pero hindi ko na mapahinto ang bibig ko sa inis. "Isang sabi mo pa niyan, makikita mo talaga ang sungay ko!"
Narinig ko ang mahinang pag-awat sa akin ni Jasper, pero hindi ko siya pinansin.
"Oh my God! Puro bobo at walang modo pala kayo rito!" She rolled her big eyes at me.
"No wonder wala kayong customer!" nangungutyang hiyaw niya.
Tumayo siya at inangat ang coffee cup sa harap niya.
Alam ko na ang susunod na gagawin niya. Alam kong isasaboy niya sa akin ang kape niya at saka mag-wa-walk-out.
I will let her do that, and then I will sue her. We will sue her.
Pumikit ako, handa nang tanggapin ang mainit na kape. Itinaas ko ang mga braso ko para takpan ang mukha ko. Mahapdi lang 'yan saglit, pero hindi masusunog ang balat ko dahil kanina pa kami nagtatalo... paniguradong hindi na ganoon kainit ang kape.
Narinig ko ang langitngit ng upuan niya sa sahig. Huminga ako nang malalim, ilang saglit na lang mapapaso na ako.
Para sa Café Amor, hindi ko papatulan ang mahaderang babae na 'to!
"Tita Lani!"
Isang pamilyar na boses ang nagpamulat sa akin.
"L-Leo?" gulat na gulat na usal ng babae. Mabilis niyang ibinaba ang hawak niyang baso.
Lumingon ako sa likod ko at nakita kong papalapit sa akin si Gabriel. Nakasuot siya ng pulang polo shirt at maong na pantalon.
Nang makalapit na sa akin, inakbayan niya agad ako. Nanlaki ang mga mata ko. Gusto ko siyang sikuhin, pero parang na-estatwa ako.
"Tita Lani, what are you doing here?" nakangiting tanong niya sa babae.
"Ah, just having my morning coffee. Kaya lang nasira na, eh!" Muling sinulyapan ng babae si Gail at saka inilipat ang tingin sa amin ni Gabriel.
"You know her, Leo?"
"Yes, Tita... she's my girlfriend," sagot ni Gabriel. Ibinaba niya ang kamay niya sa baywang ko at hinapit pa ako papalapit sa kaniya.
Parang may kung ano'ng gumapang sa batok ko nang sabihin ni Gabriel 'yon. Parang may kumiliti rin sa sikmura ko.
Ako? Girlfriend niya?
"Oh? Really? Alam ba 'to ng amiga ko?" paghahamon ng babae. Muli niya akong pinasadahan ng mapanghusgang tingin.
Gabriel chuckled softly. I can't help but quickly glanced at his face.
May kakaibang kislap ang mga mata niya. May kakaibang ngiti rin sa mga labi niya. Binasa niya ang pang-ibabang labi niya bago sumagot sa babae.
"Yes, Tita. Mom knows about her."
"I see... I just didn't expect na kagaya niya ang ipapalit mo kay Amber."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi ng babae. Parang gusto ko siyang lapitan at kaladkarin palabas ng Café Amor. Naramdaman siguro ni Gabriel ang pagpipigil ko, mas hinigpitan pa niya ang hawak sa baywang ko.
"Actually, ako rin Tita, hindi ko ine-expect na papatulan ako ni Stephanie." Ipinako ni Gabriel ang mga nangungusap niyang mata sa akin. Sinalubong ko 'yon at parang bulang nawala ang inis ko sa babae. Napalitan 'yon ng kilig... kilig at kaba.
"Stephanie's just too perfect for me," he declared with his raspy voice.
Dumami ang mga paru-parong kumikiliti sa sikmura ko. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at siguro, kung hindi mahigpit ang hawak ni Gabriel sa baywang ko ay baka nalanta na ako.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Jasper sa likuran ko. Baka pikon na pikon na siya sa eksenang ginagawa ni Gabriel.
***
Natapos ang lahat nang lumabas na ang babae sa café. Masaya pa nga itong nagpaalam kay Gabriel at hindi na tinanggap ang refund at coupon na inalok namin sa kaniya. Natapos na ang lahat pero nakahawak pa rin sa baywang ko si Gabriel.
"Tanggalin mo na nga 'yang kamay mo, wala na 'yong impakta!" singhal ni Jasper. Matalim ang tingin niya sa aming dalawa ni Gabriel.
Ako na mismo ang nag-alis ng kamay ni Gabriel sa baywang ko. Nilapitan ko ang nabakanteng lamesa ng impakta... ng babae kanina at inumpisahang linisin iyon.
"Kitchen lang ako, Ma'am Steph," nakangiting paalam ni Gail. Alam kong may ibig sabihin ang ngiti niya pero binalewala ko lang 'yon. Tinanguan ko lang siya.
Tumunog ang wind chime ng Café. Tatlong college students na masayang nagtatawanan ang pumasok ng Café Amor. Nagmamadaling tumakbo papuntang checkout counter si Jasper para kunin ang order ng mga bagong dating na customers.
"Welcome to Café Amor!" magiliw na bati niya sa tatlo.
Ipinagpatuloy ko ang paglilinis ng lamesa na naiwan ng babae kanina. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Gabriel habang inilalagay sa tray ang coffee cup at ang balat ng pakete ng asukal.
"Gabriel, kung wala kang sasabihin o wala kang o-orderin... you're free to go," diretsong sabi ko sa kaniya.
His lips curved into a smirk then he exhaled sharply.
"Call me kapag sinungitan pa kayo ni Tita Lani... hindi niyo gugustuhing makaaway ang babae na 'yon," babala ni Gabriel.
"Okay, 'yan lang ba sasabihin mo?"
Itinago niya ang kaliwang kamay niya sa bulsa ng maong niya. Mabagal na sinuklay ng kanang kamay niya ang buhok niya.
"Imbitahan sana kita next Sunday... sa birthday ni Tito Royce," mabagal niyang saad.
"Tito mo?"
"No. Stepdad ko... Gusto kong ipakilala ka sa kaniya at kay Mom, officially." I saw him gulp when he said the last word.
"Officially as?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. Inilapag ko ulit ang tray na kanina ay bitbit ko na para dalhin sa kusina. I focused my attention on him.
"As the woman I'm courting to be my wife."
Ako naman ang napalunok sa sinabi niya. Napaubo pa ako nang masamid sa sarili kong laway.
Wife? I will never be someone's wife.
***
Ala-singko ng hapon ng linggo, nakikipagtitigan ako sa sarili ko sa salamin. Ilang beses kong tinanggihan ang imbitasyon ni Gabriel, kaya hindi ko alam kung bakit nakapustura ako ngayon. Blinow-dry ko ang maiksi kong buhok, may kaunting blush-on ang pisngi ko at may light red lipstick naman ang mga labi ko. I decided to wear my white pantsuit paired with my blush pink oversized blazer. I put on some accessories too, a simple gold necklace and a watch.
"Kapag hindi siya tumawag by 5:15 PM, magbibihis na ako ng pambahay," paulit-ulit kong paalala sa sarili ko.
Nag-alarm pa talaga ako para roon, si-net ko nga lang ng 5:20 ang alarm ko, may tawad pang limang minuto.
Mag-a-ala-sais na pero wala ni isang text o tawag galing kay Gabriel. Mag-a-ala-sais na pero hindi pa rin ako nakabihis ng pambahay and I hate myself for that. Naiinis ako at naaawa sa sarili ko habang nakatulala sa kisame. Hindi ko alam bakit pagdating sa kaniya ang haba-haba ng pisi ko.
Ilang ulit ko nang ini-snooze ang alarm ko just to give him more time.
Bakit pagdating kay Gabriel ang rupok ko?
Napabalikwas ako nang sabay tumunog ang buzzer ko at ang huling snooze ng alarm ko. Pinatay ko ang alarm at nagmamadaling inayos ang buhok ko. I quickly put on my nude mules at tumakbo ako palabas ng kuwarto.
Napangiti ako nang makita ko sa peephole si Gabriel. Kahit na hirap na hirap akong silipin ang kabuuan ng suot niya, pinilit ko pa rin. He looks so dashing in his light pink blazer and white chinos.
"Shit! Terno pa kami!"
Pagbukas ko ng pinto, bigla na lang lumuhod si Gabriel sa harap ko. Napatakip ako ng bibig sa gulat.
Nakayuko lang siya at nakatulala sa sahig.
"Stephanie, alam kong ilang beses na kitang kinukulit at alam kong nakukulitan ka na. Pero sana pagbigyan mo ako ngayon, kahit ngayon lang. Please come with me, gustong-gusto talaga kitang makasama ngayong gabi."
Tuloy-tuloy ang litanya niya. Seryoso ang boses niya na medyo nanginginig pa, siguro dahil sa kaba at hingal sa mahaba niyang sinambit.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa itsura niya. He's on his knees begging for me to come with him on his stepdad's birthday party. Ang OA!
"Gabriel..."
"Stephanie..." Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang pagkinang at bahagyang paglaki ng mga singkit niyang mata.
Nagmamadali siyang tumayo at agad pinagpagan ang tuhod niya.
"N-Nakabihis ka na pala?" nauutal niyang tanong.
"Kanina pa." Inubo ako sa pag-amin ko, pero hindi ko na lang pinansin.
Napabungisngis siya sa sagot ko at mas lalong naningkit ang mga mata niya.
"Si Coco pala pinasyal ni Kuya," wala sa sarili kong banggit.
Hindi naman niya hinahanap si Coco. Hindi ko alam bakit bigla ko na lang nasabi. Siguro para na lang din i-distract ang sarili ko sa guwapong pagtawa niya.
"Ah, kaya pala..." wala sa sarili rin niyang sagot.
Pareho kaming tahimik nang makasakay na sa elevator kahit ang dami kong gustong itanong sa kaniya.
"L-Leo ba ang itatawag ko sa'yo pagdating natin sa party?"
Sa wakas, may nasabi rin ako. Ang babaw nga lang, pero naiisip ko rin talaga 'yon minsan. Bakit Leo ang tawag sa kaniya ni Amber? Kahit 'yong kumare ng nanay niya na nakaaway ko sa café, Leo rin ang tawag sa kaniya.
"No, Gabriel ang itawag mo sa 'kin. Gabriel ang tawag sa akin ng pamilya ko."
Pamilya? Gabriel kapag pamilya, Leo kapag hindi? Gano'n ba 'yon?
Natameme ako sa sagot niya. Parang ang tagal din naming nakasakay sa elevator kahit na sa 10th floor lang naman kami galing. Paglabas naman namin, pinagtitinginan kami ng mga tao sa lobby. Siguro dahil sa ternong suot namin.
Tahimik pa rin ako pagsakay sa BMW niya. Halos hindi ko makabit ang seatbelt ko dahil sa kung ano'ng nararamdaman ko. Nanlalamig ang mga palad ko at nagtatambol ang puso ko.
Hindi ko rin alam kung saan ako titingin habang nagmamaneho siya, kung sa kalsada ba sa harap o sa bintana sa gilid ko... o kay Gabriel na mukhang model ng mamahaling sasakyan habang nagmamaneho.
"May dumi ba ako sa mukha?"
Pucha! Napansin niya yata ang pagtitig ko sa kaniya.
"Ha? Wala!" nagpapanic kong sagot. "You look good," nahihiyang dugtong ko.
He grinned and then he softly bit his lips.
"Ikaw din, Stephanie. You look perfect," mabagal niyang saad kasabay ng mabilis na pagsulyap sa akin.
Lalong bumilis ang pagtatambol ng puso ko nang magtama ang paningin namin. Buti na lang at nagmamaneho siya, agad din niyang ibinalik ang titig niya sa kalsada.
***
Pinagtitinginan kami ng mga bisita pagpasok namin. Hindi ko mabilang kung ilang pares ng mata ang tinititigan ako mula ulo hanggang paa habang lumalakad papasok ng malaking bulwagan. Ayoko ng ganitong pakiramdam... para akong hinuhubaran. Bigla akong nanlamig kahit na naka-blazer naman ako. Napansin marahil ni Gabriel na hindi ako komportable, hinawakan niya ang kamay ko. Narinig ko ang ilang pagsinghap ng mga bisita. Marami rin ang nagbulong-bulungan.
"Stephanie, okay ka lang?"
"O-Oo... nahihiya lang ako."
"Don't be. Ikaw kaya ang pinakamaganda rito," nakangiting saad ni Gabriel habang mahigpit na hawak ang kamay ko.
Ipinako niya ang tingin niya sa akin, may kakaiba sa mga mata niya ngayong gabi. Pakiramdam ko ilang beses ko nang natitigan ang mga mata niya. Pakiramdam ko kilala ko ang mga mata niya. Pakiramdam ko nakita ko nang umiyak ang mga niya.
Naputol ang mga iniisip ko nang biglang may nagsalita sa harap ng entablado.
"Perfect! My fiancé is here!"
Hawak ni Amber ang mikropono, nakasuot siya ng pulang evening gown na bagay na bagay sa bawat kurba ng katawan niya. She gave Gabriel a sultry smile.
Pilit kong binawi ang kamay kong hawak-hawak ni Gabriel. I wiggled my fingers just to free my hand from his tight grip, but he stopped me.
"Huwag, Stephanie... huwag mo akong bitawan."
Nanlambot ang puso ko sa sinabi niya. Nang mga sandaling 'yon alam kong mas maraming bisita na ang nakatitig sa amin. Ginawa ko ang utos ni Gabriel, hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kamay niya.
Sabay kaming lumakad papunta sa stage. Sa malapitan, kitang-kita ko ang ganda ni Amber at ang paggusot ng mukha niya nang biglang kunin ni Gabriel sa kaniya ang mikropono.
"Please, don't make a scene, Amber..." bulong ni Gabriel sa kaniya.
"You're the one who's making one!" matapang na sagot ni Amber. Ibinaling niya ang mga kulay asul niyang mata sa akin at saka ako inirapan.
Bumuntong-hininga si Gabriel at marahang itinapat sa bibig niya ang mikropono.
"Good evening, everyone!" He cleared his throat. "I would just like to clarify some things... I am not engaged." He chuckled softly. "Not yet..."
Naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin at kusang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatitig lang ako sa magkahawak naming kamay.
He gently brushed my knuckles with his thumb.
"But this perfect woman I'm holding hands with is the only person I wanted to marry."
I heard gasps and sighs from the strangers watching us. I heard my own heart beating so loud.
Shit! Paano ko ba papakalmahin ang puso ko?
Matapang kong sinalubong ang mga mata ni Gabriel at sa unang pagkakataon, pagkatapos ng maraming taon, bumalik sa akin ang alaala ng lalaking kapareho ng mga mata ni Gabriel.
My first...
"Love?" I stuttered.
"Maxine..."
Iyon ang huling narinig ko kay Gabriel bago biglang sumakit ang ulo ko.
A sharp sudden pain that muted all the noise around me. A sharp sudden pain that shut my body.
"Maxine!" Gabriel cried.
***
MsLynLuna ☽
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top