Chapter 12 - Rain

Mabigat ang patak ng ulan sa mga balikat ko. Nangangatog na rin ako dahil sa malamig na bugso ng hangin, pero balewala 'yon sa akin. Patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan habang patuloy din akong tumatakbo. Pigtal ang tatlong butones ng blouse ko. Pilit kong hinahawakan ang damit ko, dahil natatakot akong baka liparin 'yon ng hangin at tuluyan akong mahubaran.

Ilang beses akong nadapa kanina na nag-iwan ng mga gasgas sa tuhod at sa binti ko, ngunit kahit mahapdi ang mga 'yon, dahil basa na sa ulan—hindi pa rin ako humihinto sa pagtakbo. Ilang beses ko na ring pinunasan ang mukha ko, pero nalalasahan ko pa rin ang alat dahil sa walang humpay na pagtulo ng mga luha ko.

My wrist was bruised because of his firm grip. My neck was hurting because he tried to strangle the life out of me. But I did it... I escaped. I added one more scar to his face. One more scar from the girl he broke.

Patakbo akong tumawid ng kabilang kalsada. Hindi iniinda ang masakit kong talampakan. Alam kong puro putik na ang mga paa ko, pero ayokong yumuko o huminto para punasan ang mga ito. Diresto lang ako sa pagtakbo hanggang sa pigilan ako ng nakakasilaw na ilaw mula sa isang paparating na sasakyan.

Napahinto ako sa gitna ng kalsada, nakapako ang mga paa ko 'ron. Hindi ako makagalaw habang palaki nang palaki ang kotse sa paningin ko.

Mamatay na ba ko?

Napapikit ako. Tuluyang nasilaw sa ilaw. Tuluyang nagpatalo sa lamig ng malakas na bugso ng hangin. Tuluyang nagpadala sa mabibigat na patak ng ulan. Pumatak sa labi ko ang ulan, pagkatapos dumulas ang luha ko. Nakapikit pa rin ako, pero nang malasahan ko na ang alat, nagmulat ako ng mga mata.

Wala na ako sa kalsada.

Nasa loob na ako ng sasakyang akala ko ay tatapos na sa buhay ko kani-kanina lang. Basang-basa ako ng ulan, pero hindi na ako nilalamig. Nakakumot sa akin ang isang pulang jacket. Pamilyar ang amoy ng jacket sa akin.

"T-Thank you," nauutal kong sabi sa driver.

I could see his side profile from the back seat. Maganda ang hugis ng panga niya. Nakasuot siya ng uniform kagaya ng uniform ng mga lalaki sa pinapasukan kong school. Schoolmate ko siya, pero mukhang ahead siya sa akin ng ilang taon.

"Thank you..." mabagal kong inulit ang pagpapasalamat ko, dahil parang hindi niya ako narinig noong unang beses.

Mabagal din niya akong liningon.

"What the fuck!" malakas na mura ko.

Wala siyang mukha. Blanko. Walang mata. Walang ilong. Walang bibig.

Tuloy-tuloy ang pagsigaw ko, pero hindi ko naririnig ang boses ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pagbagsak ko—ang masakit at nakakagising kong pagbagsak sa sahig.

"Arayyy!!!"

Napahawak ako sa balakang ko at saka marahang minasa-masahe ito. Pahupa pa lang ang pamamaga ng kaliwang paa ko dahil sa pagkatapilok ko, may bago na naman akong sakit ng katawan.

Umupo ako at itinukod ko ang palad ko sa sahig. Mabagal kong itinayo ang sarili ko hanggang sa maabot ng puwit ko ang gilid ng kama.

"Wala ka pa ring mukha! Ilang taon na kitang napapanaginipan... wala ka pa ring mukha?!"

Sinuntok-suntok ko ang unan ko. Kulay pula ang punda nito, pinasadya ko. That red jacket that comforted me that night is its pillowcase. It's the only reminder of that night... that the rain won't last long and even if it does... someone will save me.

"S-Sino ka ba talaga?" bulong ko sa sarili.

Palagi na lang natatapos sa gano'n ang panaginip ko. Darating siya, pero hindi magpapakilala. 

Mahigpit kong niyakap ang unan ko. Kahit matagal na, parang naaamoy ko pa rin ang pabango niya. May mga gabing sapat ang unan na 'to para pakalmahin at patulugin ako, pero madalas ding hindi. Kaya ilang taon kong hinanap sa alak, long drive, at sa sleeping pills ang antok, pero madalas—bigo pa rin ako.

***

May tatlong minuto rin siguro akong nakatulala sa sira kong pintuan. Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang nangyari kaninang madaling araw at kung paano 'yon sinipa ni Gabriel.

"Shit! Umaga na wala pa si Kitkat?!"

Bigla akong napatayo, nakalimutan kong injured nga pala ang kaliwang paa ko.

"Fuckkk!!!"

Napangiwi ako sa sakit habang unti-unting umuupo ulit sa gilid ng kama. Inangat ko ang kaliwang paa ko. Habang naka de-kwatro ay marahan kong minamasahe ang namamaga kong paa. Napahinto ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Muli kong inihiga ang katawan ko sa kama para abutin ang cellphone ko na nasa kabilang dulo nito.

Napasinghap ako nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin—si Li.

"Pucha! May pasok nga pala ako ngayon!"

Paano ako papasok kung ganito ang paa ko? Paano ako papasok kung wala pa si Kitkat? Asan na ba kasi 'yong chinitong mokong na 'yon?!

"Morning, Li. Hindi ako makakapa—"

"I know. Sinabi ni Jasper," she cut me off. "Magpahinga ka muna riyan..."

Narinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya. "Ano ba kasing pinaggagawa mo at natapilok ka?" usisa niya.

"Wala! Hinabol ko lang si Coco."

"Coco?"

"Aso ko... b-bigay ni Kuya," pagsisinungaling ko.

Narinig kong kumalansing ang wind chime sa Café Amor. 'Welcome to Café Amor' – magiliw na boses ni Jasper.

I instantly smile when I heard his voice.

"O, sige na Steph. May mga customer na..."

"Thank you, Li. Bukas, okay na ako... papasok na ako, don't worry!" I said with my cheerful tone.

"Ano ka ba? Don't rush, Steph. Magpahinga ka muna..." malambing na paalala niya bago patayin ang tawag.

Dumiretso ako sa kusina nang maramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Wala nang hila-hilamos. One-way sakit lang ang kaya kong indahin ngayong umaga—mula lang sa bedroom hanggang kusina. Mamaya na lang ulit ang iba, para isang sakitan na lang ang lakad papuntang banyo para maligo at mag-toothbrush.

Isusubo ko na sana ang tinapay na may palamang chicken spread nang biglang tumunog ang buzzer ko. Itinukod ko ang kamay ko sa dining table para makatayo. Mabagal akong lumakad papunta sa pinto. Para akong zombie na isang paa lang ang humahakbang tapos kinakaladkad lang ang isa. Nakakatawa na nakakaawa.

Nakasunod sa akin si Coco na katatapos lang mag almusal ng dog food. Yumuko ako para kargahin siya.

"Good morning, Stephanie!" masayang na bati ni Gabriel pagbukas ko ng pinto.

His eyes look so sleepy but he's smiling. May bitbit siyang dalawang bag sa magkabilang kamay. Sa kanan ay may tatak ng Aid Hardware at ang isa naman ay galing sa diner sa Tower 2 na nag-se-serve ng all day breakfast.

"Si Kitkat?" tanong ko.

He pouted. "Wala man lang, Goodmorning Gabriel?"

"Wala!" Masungit kong sagot. "Nasa'n 'yong kotse ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Imbis na mainis siya sa pagsusungit ko, napabungisngis pa siya.

"Nasa baba na po, Ma'am. Safe and sound," nakangising sagot niya.

Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng unit ko at saka inilapag sa lamesa ang paper bag ng Daybreak Diner. Gano'n pa rin ang suot niya kagaya kaninang madaling araw. Wala na ngang tulog, wala pang ligo. But he smells good... amoy baby!

Shit! Ayan ka na naman, Stephanie.

Ibinaba ko agad si Coco pagkasarado ko ng pinto. Agad nitong dinamba ang tuhod ni Gabriel na nakaupo na sa dining chair. Panay ang kiwil ng buntot ni Coco habang hinihimas ni Gabriel ang likod nito.

"Kumain ka na ba?" Nakangiti siya at patuloy pa rin sa paglalambing sa aso.

"Oo, ng dog food!" mabilis kong sagot.

Napahagalpak ng tawa si Gabriel. "Kumakain ka ng dog food, Stephanie?" tanong niya habang nakahawak sa tagiliran.

"Gago! Hindi siyempre! Akala ko 'yong aso 'yong tinatanong mo!" iritado kong protesta. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa pagkapikon ko sa kaniya.

Pinilit kong bilisan ang lakad ko para makalapit agad sa lamesa. Wala na akong pakialam kahit pa lumala ang sprain ko. Gustong-gusto ko siyang sapakin!

"Careful!" sigaw niya. Namilog ang mga singkit niyang mata. Napatayo siya at agad tumakbo para salubungin ako.

Hahawakan niya na sana ang braso ko para alalayan ako, pero tuloy-tuloy lang akong lumakad nang mabilis. Hinayaan kong mabunggo ng kanang balikat ko ang kaliwang balikat niya. Umawang ang labi niya. Halatang nagulat at napahiya sa ginawa ko.

"Hindi maganda ang gising ko, Gabriel! Save your lame jokes for another day!" I scoffed.

Nang makarating ako sa dining area, agad akong umupo para ituloy ang pag-aalmusal ko at hindi ko na siya liningon pa.

Umupo rin si Gabriel sa upuan sa tapat ko. Hindi siya nagsasalita. Dahan-dahan niyang itinulak papunta sa akin ang paper bag na nakapatong sa lamesa.

"Sorry," he whispered.

"Kumain ka ng kanin... Tapsilog 'yan. Favorite mo 'yan 'di ba?" Naramdaman kong dumikit sa braso kong nakapatong sa lamesa ang paper bag na itinulak niya. Hindi ko pinansin 'yon at inubos ko sa dalawang kagat ang sandwich ko.

"Pares ang paborito ko!" mataray kong pagtatama sa kaniya. Matalim kong tinitigan ang mga puyat niyang mata.

Napakamot siya ng ulo. "Tsk! Parehas lang 'yon sa tapa. May sabaw lang 'yong pares," nakangisi niyang sagot.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. Badtrip ako sa kaniya kanina! Kailangang mapanindigan ko 'yon! Bawal akong matawa!

"Masama magpigil ng tawa, Stephanie... baka mautot ka niyan!"

"Ano?!"

Napansin niya pala ang impit kong hagikgik? Binalewala ko na lang ang sinabi niya. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa tapsilog na ipinagmamalaki niya.

Sumalubong agad ang amoy ng siningang pagbukas ko ng lagayan. Nakakatakam ang amoy. Dalawang order ang binili niya at marahan kong inabot sa kaniya ang isa.

"Thanks..." sambit niya kasabay ng pagtitig sa mukha ko.

Bigla akong na-conscious sa itsura ko. Hindi pa nga pala ako naghihilamos, ni hindi man lang ako nakapagsuklay. Nakakahiya naman sa kaniya na kahit walang paligo ay mukha pa ring bagong ligo at amoy bagong ligo.

Dali-dali akong yumuko at agad sumubo ng sinangag at tapa. Malambot at malasa ang karne kaya hindi mahirap lunukin.

"B-Bakit ka nga pala inumaga? Malapit lang naman 'yong pinag-iwanan ko kay Kitkat ha?" tanong ko pagkatapos kong sumubo ng isa pa.

Ibinaba niya ang kutsarang nakatapat na sa bibig niya. "Ah... dinala ko pa sa casa 'yong Vios mo. Pinapalitan ko ng battery. Tapos... pinaayos ko na rin 'yong aircon," sagot niya, bago itinuloy ang pagkain niya.

"You don't have to do that, Gabriel."

"Ginagamit mo araw-araw 'yong kotse mo, tapos hindi mo ina-alagaan?"

The corner of his lips curved into a smirk. He stared at me intently.

"Mas okay nang alam kong walang toyo 'yong kotse mo... para alam kong safe ka," seryosong paliwanag niya.

I gulped. May kakaiba sa boses niya nang sabihin niya 'yon.

"Saka mas okay na 'yong driver lang ang may toyo, huwag lang 'yong kotse!" asar niya.

Naibato ko tuloy sa mukha niya ang pakete ng chili sauce. Tinawanan niya lang 'yon at hindi ininda.

Hindi ko mapigilang panoorin siya habang tumatawa. Halos nakapikit na siya, nawawala ang mga singkit niyang mata. Tumataas-baba ang dibdib niya at bahagyang sumasayaw ang buhok niyang naka-brushed up.

Bahagya ring bumibilis ang tibok ng puso ko.

Shit! Ang guwapo niya tumawa.

I cleared my throat to stop myself from day-dreaming and to stop his laughter. Itinuro ko ang shopping bag na may tatak ng hardware store na nasa sulok ng lamesa.

"Para saan 'yan?"

"Emergency lights!" Mabilis niya akong nginitian bago lapitan ang bag na tinutukoy ko.

Inilabas niya ang dalawang box na laman noon at ipinatong sa dining table.

"I-Install ko na lang 'to mamaya. Isa dito sa kusina." Tumingala siya, parang hinahanap kung saang sulok puwedeng ilagay ang emergency light na hawak niya.

"Yong isa sa kuwarto mo..." Ibinalik niya ang tingin niya sa akin.

Gumusot ang mukha ko at nagsalubong ang mga kilay. Naguguluhan ako sa sinabi niya.

"B-Bakit? Hindi ko naman kailangan 'yan," saad ko habang mabilis na sinusuklay ng palad ko ang maiksi kong buhok. 

"Kailangan mo 'to. Para kapag biglang nag-brown out, automatic na sisindi 'to... hindi ka na matatakot sa dilim," mabagal niyang sagot na halatang sinadya niya para mas matagal din niya akong matitigan habang nagpapaliwag.

Pero siya ang unang umiwas ng tingin.

Mas lalo akong tinablan ng hiya dahil doon. Napapunas ako ng mata. Baka may muta pa ako? O baka naman hindi lang talaga ako maganda kapag bagong gising?

"O-Okay na ba sa'yo 'tong dalawa... o bibili pa ako ng isa?" nakayukong tanong niya. Kunwaring binabasa ang detalye sa likod ng box.

"O-Okay na 'yan!" I stuterred. "Magkano lahat? Pati 'yong kay Kitkat... pati 'tong tapsilog?" nahihiya kong tanong.

Muli akong sumubo ng almusal habang hinihintay ang pagsagot niya. Ibinalik niya sa bag ang mga emergency light at muli siyang umupo sa tapat ko. Muli rin niyang ipinako ang mga mata niya sa akin.

"Bayad na, Stephanie."

Hindi kagaya ng mariin niyang pagtitig kanina, malambot siyang nakatingin sa akin. Namumungay ang mga mata at may pausbong na ngiti sa mapupulang mga labi.

"Labo! Ano'ng bayad na?" naguguluhan kong tanong.

"Binayaran mo na..." He moistened his lips before smiling at me. "Binayaran mo na nito." Sumandal siya sa upuan niya at itinuro ng palad niya ang lamesa.

"ANO?!" Kunot-noo kong tanong.

"Stephanie... ngayon lang ako may nakasabay mag-almusal, buong buhay ko." He chuckled bitterly. "Tapos kasing ganda mo pa nakasabay ko... sobra-sobrang bayad na 'yon."

He flashed his perfect smile at me. "Thank you, Stephanie," he said raspily. Slowly.

I felt shivers. Hindi dahil sa kung paano niya bigkasin ang pangalan ko, kung hindi dahil sa kung paano niya ako pagmasdan na parang bang matagal niyang hinintay 'to—ang makasabay ako mag-almusal.

"Y-You're welcome?"

Natawa siya sa patanong na sagot ko.

***

Pagkatapos namin mag-almusal, dumiretso na ako sa banyo para maligo. Si Gabriel naman ay inumpisahan nang i-install ang mga emergency lights na binili niya.

Habang naliligo, hindi ko mapigilang mapangiti. Ngayon na lang din yata ako may nakasabay mag-almusal. Ang huling beses ay 'yong bago pa ako lumayas sa bahay, two years ago.

Pinatay ko ang aircon sa kuwarto ko. Nag-umpisa na kasing bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Bigla na namang sumaglit sa isip ko ang panaginip ko kaninang umaga. Parati kong naaalala ang tagpong 'yon tuwing umuulan. Kung paano ako nakatakas ng gabi na 'yon at kung paano ako sinagip ng lalaking hanggang ngayon ay hindi ko parin maalala ang mukha.

Sinuklay ko ang buhok ko, pero hindi ko na blinow-dry. Nilingon ko muna sa salamin ang OOTD ko; white t-shirt at denim capri shorts.

Hindi na tabingi ang pinto ng kuwarto. Maayos na rin ang bisagra.

Not bad, Gabriel!  Wala sa sariling napangiti ako.

Paika-ika pa rin akong naglakad palabas ng kuwarto ko, pero hindi na ako mukhang Zombie. Bukod sa mabango at nakaligo na, hindi ko na kinakaladkad ang kaliwa kong paa. Nabawasan na rin ang kirot nito.

Naabutan ko si Gabriel na nakaupo na sa couch at kinikiliti si Coco.

"Ang baho mo na... papaliguan kita mamaya." Pinaliit niya ang boses niya.

Napahagikgik ako. Gano'n pala siya makipag-usap sa aso. Nahuli ako ni Gabriel na pinapanood sila ni Coco. Agad siyang napatayo.

"Na-install ko na 'yong dito sa labas. Mamaya na lang 'yong sa kuwarto mo ha?" nagmamadaling sambit niya.

"Wag na, ako na lang do'n. Nakakahiya baka may pasok ka pa..." Dahan-dahan akong lumapit sa couch na inuupuan niya.

"Naka-off ako today, nagpaalam naman ako kay Andrew eh!"

"A-Andrew?" nauutal kong tanong.

Isinandal niya ang puwit niya sa armrest ng couch ko at saka humalukipkip. "Oo, si Andrew. Business partner ko slash tropa," nakangiting sabi niya. "Yong asawa ng kaibigan mo? Asawa ni Aliyah?"

Napatakip ako ng bibig sa sinabi niya. Kaibigan siya ni Andrew na asawa ng bestfriend ko? Alam niya rin kaya ang deal ng dalawang 'yon?

"Bakit gulat na gulat ka? Hindi ba nababanggit ni Aliyah ang poging si Leo?"

"Hindi!" mabilis kong sagot.

He smirked. "Akalain mo 'yon? Siya pala 'yong bf Li na sinabi mo noong gabi na 'yon—si Aliyah pala! Akalain mong asawa pala niya 'yong bestfriend kong si Andrew! Small world, Stephanie. Small world..." He chuckled teasingly.

"Mukhang pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana!" mayabang niyang komento.

Pinatunog ko ang dila ko. Lumapit ako sa kaniya para barahin sana ang pag-iilusyong tumatakbo na naman sa isip niya. Sa sobrang inis ko, hindi ko napansin ang laruang hotdog ni Coco. Narinig ko ang pagpiyok nito dahil sa pagtapak ko rito. Naramdaman ko ang muling pagbuhol ng mga papa ko kasabay ng natatarantang sigaw ni Gabriel para saluhin ako.

He did. Nasalo niya ako. Nakayapos sa baywang ko ang braso niya. Nakakapit ako sa balikat niya. Magkadikit ang noo naming dalawa. Hindi lang ang noo namin ang magkadikit. Lapat na lapat ang mainit niyang labi sa mga labi ko.

Nagmulat agad ako ng mata at itinulak ko siya.

"Sorry!" usal niya. "Hindi ko sinasadya... I was about to break your fall. Aksidente lang sumakto 'yong..."

Napahawak ako sa labi ko. Tuloy-tuloy pa rin ang paghingi ng sorry ni Gabriel at ang pagpapaliwanag niya, pero wala akong maintindihan doon. I could see guilt on his eyes, but I was drawn to his lips.

Bakit? Bakit pamilyar ang pakiramdam na 'yon. Bakit parang kilala ko ang mga labi ni Gabriel. Bakit halos lumundag na palabas ng dibdib ko ang puso ko ngayon?

"Stephanie, sorry ulit." Marahan niyang hinawakan ang braso ko.

"G-Gabriel... p-puwede bang i-isa pa?" nauutal kong sambit. Hindi ako makapaniwalang nanggaling sa akin ang tanong na 'yon.

Nanlaki ang mga singkit niyang mata, halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Shit!" Malutong na mura niya bago niya sinunggaban ang nakaawang kong labi.

Malalim niya akong hinalikan. His tongue explored my mouth deeply. I can't help but do the same too. Parang parehong nag-uunahan ang mga labi at dila namin na kilalanin ang isa't-isa. Parang muli naming kinikilala ang isa't-isa.

Ang bawat pagdampi ng labi niya sa labi ko ay mainit kong tinutugon. Parang pareho kaming ayaw magpaawat. Parang pareho kaming nasabik sa tagpong ito. 

Nakayakap sa baywang ko ang mga bisig niya. Madiin ang pagkahawak niya roon na para bang pinipigilan niyang maglakbay ang mga kamay niya sa kung saan. Nakasampay naman sa batok niya ang mga nanlalambot kong braso. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nanghihina ang mga tuhod ko sa halik niya.

Naririnig ko ang malakas na ulan sa labas. Sa wakas! Iba na ang maalala ko tuwing umuulan. Ito na ang bagong hindi magpapatulog sa akin sa gabi. Bakit ang mga labing kahalikan ko ngayon ay pamilyar sa akin? Bakit iba ang init ng halik na 'to? Bakit iba ang kabog ng dibdib ko?

Napahinto siya sa paghalik nang marinig niya ang halinghing ko. He softly cursed. Pagkatapos, pinadulas niya paakyat sa noo ko ang mga labi niya.

"Stephanie... miss na miss na kita," bulong niya bago niya halikan ang noo ko.

Basag ang boses niya, pero punong-puno 'yon ng pananabik. Ramdam ko ang iniwang init ng hininga niya sa mukha ko bago siya mabagal na lumayo sa akin.

Matapang akong nag-angat ng tingin para salubungin ang mga mata niya kahit na alam kong pulang-pula ako dahil sa halikan namin.

"S-Sino ka ba talaga, Gabriel?" tanong ko sa mga namumungay at namamasa niyang mga mata.

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top