Chapter 11 - Start

Pagkatapos kong maligo, lumapit agad ako sa likod ng pinto ng kuwarto ko. Hindi pa ako nakakapagbihis at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan. Idinikit ko ang tainga ko sa pinto, pilit pinapakinggan kung ano ang pinag-uusapan nila Jasper at Gabriel sa labas.

I know that they're talking, I can hear both Jasper's baritone voice and Gabriel's raspy voice. Sobrang magkaiba ng mga boses nila, pero parehong masarap pakinggan.

"Badtrip! Wala akong maintindihan!"

Naririnig kong nagsasalita silang dalawa, pero wala akong ma-gets ni isa sa mga sinasabi nila. Ilang segundo pa ako nanatiling gano'n. Buong pisngi ko na nga yata ang nakadikit sa pinto, pero wala pa rin akong maintindihan. Tumutulo ang mga patak ng tubig mula sa aking buhok pababa sa sahig. Dinidilaan ni Coco ang paa ko, pero hindi ko siya pinapansin. Hanggang sa narinig ko ang pag-iyak niya.

"Why Coco? You wanna go outside? Natatae ka na 'no?"

Tumigil ito sa pag-iyak at saka nagpaikot-ikot, hinahabol ang sariling buntot. 

Naku! mukhang natatae na nga ang asong 'to.

"Okay... sige na lalabas na tayo. Magbibihis lang ako."

Tumagilid ang ulo nito at biglang tumalon paakyat sa kama ko. Sinundan ko siya agad ng tingin. Napasinghap ako ng dahan-dahan itong umupo na parang handa nang magkalat ng lagim sa ibabaw ng kama ko.

"Shit! Coco! Huwag ka jumebs diyan!"

Kasabay ng malakas kong saway kay Coco ang pagtakbo ko papunta sa kama, pero hindi ako umabot. Parang nagbuhol ang mga paa ko. Natapilok ako at pumalakda ako sa malamig na sahig.

"Aghhh! Shit!"

Hindi naituloy ni Coco ang balak niyang pagdumi sa kama ko. Tumalon siya pababa at malambing na dinilaan ang mukha kong halos kaaangat pa lang sa sahig. Dahan-dahan akong tumihaya, napahawak ako sa dibdib ko. 

Ang sakit ni Susie at Susan! Naipit noong bumagsak ako.

"Steph! Okay ka lang?!" Natataranta ang boses ni Jasper.

"Stephanie? Ano 'yong kumalabog?!" tanong ni Gabriel.

"I'm fine!" pagaralgal kong sagot, halatang may iniindang sakit.

Ayokong pumasok sila sa kuwarto ko na ganito ang itsura ko. Sabog ang buhok, nakangiwi dahil sa natapilok kong paa at nakatapis lang ng tuwalya.

Pinilit kong umupo. Bukod sa dibdib ko, tanging kaliwang paa ko lang naman ang masakit. Infairness sa towel ko, nakadikit pa rin sa katawan ko kahit na para akong palaka kanina.

"Papasok ako...You don't sound fine!"

Sabay silang nagsalita at parehong-pareho rin ang sinabi nila.

"No! Don't! I'm—"

Nalaglag ang panga ko nang biglang bumukas ang pinto dahil sa malakas na pagsipa ni Gabriel. Tumabingi ang doorknob at parang bumigay din ang isa sa dalawang bisagra sa hamba.

"Gago ka ba? Sinira mo 'yong pinto!" singhal ni Jasper kay Gabriel.

Hindi pinansin ni Gabriel si Jasper at dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin. Humigpit ang hawak ko sa tapis ko. Tumakbo rin papalapit sa akin si Jasper pero natigilan siya nang bigla siyang tahulin ni Coco.

"Coco! Bad!" saway niya sa aso ko, pero mas lalo pang lumakas ang tahol nito.

Hindi kagaya kanina, hindi na nagpasindak sa gigil na tahol ni Coco si Jasper. Dumaan siya sa gilid ng aso habang nakikipagtitigan siya nang masama rito hanggang sa makalapit din siya sa akin.

"Stephanie, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gabriel habang nakaluhod siya sa harap ko.

Nakatingin lang siya sa mga mata ko kaya alam kong hindi niya napapansin na nag-uumpisa nang mamaga ang paa ko.

"O-Oo! Okay lang! Natapilok lang ako tapos bumagsak sa sahig... but I'm fine!" isang pilit na ngiti ang idinagdag ko sa kasinungalingan ko. Makirot na ang kaliwang paa ko at mukhang masama talaga ang pagkakatapilok ko.

Aalayan na sana akong tumayo ni Gabriel ngunit napahinto siya nang biglang ibalot sa akin ni Jasper ang puting kumot ko na hinila niya mula sa kama.

"B-Baka giniginaw ka na, Steph," bulong niya sa akin habang isinisampay niya sa balikat ko ang kumot.

Giniginaw? Siya 'tong hanggang ngayon ay basa pa rin ang suot dahil naulanan kami sa Antipolo kanina. 

Napatitig ako sa labi niya, sumaglit sa isip ko kung paano niya ako maingat na hinalikan ilang oras pa lang ang nakakalipas. Nag-uumpisa nang magkulay ube ang mga labi niya habang ang ilong niya ay medyo mapula na rin. Hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko dahil sa nasabi ko kanina sa elevator.

"S-Salamat... Jasper." Nagsalubong ang mga mata namin, pero nauna siyang yumuko.

Fuck! I hurt him so bad!

"Please m-magbihis ka na. Nasa taas ng closet ko 'yong damit ni Kuya. Magbihis ka na b-baka magkasakit ka niyan..." bahagyang nanginginig ang boses ko dahil na rin sa lamig at sa kaunting pagsisisi.

Hindi ko dapat itinanggi si Jasper kay Gabriel. Sumagot ako sa kaniya kanina sa Antipolo—sinabi kong mahal ko rin siya. Dapat pinanindigan ko 'yon!

Isang tipid na ngiti ang ibinalik niya sa akin, pagkatapos lumakad na siya papunta sa closet ko. Hindi na siya tinahol ni Coco, ngunit bawat galaw niya, sinusundan siya ng matalim na tingin nito.

Inalalayan ako ni Gabriel hanggang sa makaupo ako sa gilid ng kama.

"Kaliwa o kanan?" Nginuso niya ang mga nakalabas kong daliri sa paa.

"K-Kaliwa..." sagot ko.

"Patingin nga..." Nakapameywang siya at nakatitig sa paanan ko. Hinihintay na ilabas ko mula sa laylayan ng kumot na itinaklob sa akin ni Jasper kanina ang kaliwang paa ko.

Hinila ko pataas ang parte ng kumot na tumatakip sa kaliwang paa ko.

"Tang ina!"

Napatakbo papalapit sa amin si Jasper dahil sa malakas na mura ni Gabriel. Napatitig din siya sa kaliwang paa ko sabay napailing-iling.

"Tsk! Namamaga na Stephanie." Napabuntong-hininga si Gabriel.

"Kukuha ako ng yelo!" sabay nilang nasambit.

Nagkatinginan silang dalawa. Saglit na palitan ng mga matatalas na tingin, pero para sa akin—ang tagal ng tagpong 'yon.

"Ako na kukuha, Raphael. Maligo ka na at magbihis," utos ni Gabriel kay Jasper.

Raphael?  Ngayon ko lang yata narinig na may tumawag kay Jasper sa first name niya. Nakakapanibago. Nakakapagtaka rin. Paano nalaman ni Gabriel 'yon? Eh, Jasper lang ang pakilala ko kay Jasper. Siguro nag-get-to-know sila kanina sa labas habang naliligo ako.

"Kapag nagkasakit ka, si Stephanie rin ang mahihirapan sa Café Amor," dagdag pa ni Gabriel.

Hindi na rin niya hinintay ang pagsang-ayon ni Jasper, lumabas na siya agad ng kuwarto para kumuha ng yelo.

Tumalikod na rin si Jasper para maligo na at makapagpalit ng tuyong damit pero may kung ano'ng kanina pang nakabara sa lalamunan ko na parang mawawala lang kapag nasabi ko na kay Jasper ang kanina ko pa gustong sabihin.

"S-Sorry!"

Agad siyang napaharap sa akin. Marahan niyang ginulo ang basang buhok niya.

"Sorry para saan, Steph?" tanong niya. Humakbang siya papalapit sa akin.

Lumunok ako. "S-Sa kanina... sa sagot ko kay Gabriel kanina sa elevator."

Isang tipid na ngiti ang binalik niya sa akin. One small smile, but I can clearly see his dimples.

"Ah, okay lang 'yon. Hindi pa naman talaga tayo official 'di ba? For sure, nadala ka lang sa ganda ng view sa Cloud 9..." Binasa niya ang pang-ibabang labi niya. 

"Baka... baka nabigla ka lang, Steph." May kakaiba sa baritonong boses niya nang sinabi niya 'yon. He sounded sad and hopeful at the same time. Lumikot din ang mga mata niya.

Am I? Nabigla nga lang ba 'ko kanina?

Napahawak ako sa sentido ko dahil biglang pinasakit ng tanong ko sa isip ko ang ulo ko.

"O? Okay ka lang?"

Napansin agad ni Jasper ang pagbabago sa mukha ko. Napansin niya agad ang pagbusangot ng mukha ko. Napansin niya agad na hindi ako okay.

"Nauntog ba 'yong ulo mo kanina?"

Umiling-iling ako. "Hindi, Jasper. Si Susie at Susan lang!" Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ko.

Lumiit naman ang mga mata niya.

"Susie at Susan? Sino 'yon?" nagtatakang tanong niya.

"Ah... 'yung... 'yung hinaharap ko," nahihiyang sagot ko. "Pero okay na sila. Don't worry!" I gave him an awkward smile.

Natawa siya sa sagot ko, lalo pang lumalim ang mga dimples sa pisngi niya. Siguro ilang segundo lang napuno ang kuwarto ko ng nakakahawang tawa ni Jasper. Mabilis ding naputol 'yon nang muling magseryoso ang mukha niya.

"Take your time, Steph..."

"H-Ha?" nag-aalangang sambit ko.

"Take your time. Hindi mo ako kailangang sagutin ngayon. I'm willing to wait. I'm willing to start again... umpisahan ulit natin sa umpisa." His eyes darkened. I could sense the sincerity in his voice and the way he stares at me.

"H-Hindi mo nga lang ulit matitikman 'to..." Ngumuso siya sa akin. "Sayang, masarap pa naman!"

Napahagalpak ako sa tawa. Tuluyan nang nawala ang kanina pang nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano'ng sagot sa tanong ni Jasper kanina. Baka nabigla lang daw ako? Baka nga... baka nga nabigla lang ako pero hindi pa malalim. Baka 'yong nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya ay hindi pa malalim... hindi pa nakakalunod. Hindi pa kayang lunurin ang lahat ng takot sa puso ko. Hindi pa kayang lunurin ang lahat ng bangungot ko. Pero sa ngayon, hahayaan ko munang bumalik kami sa umpisa.

"Wala kang ice bag?" Nagulat kami pareho ni Jasper sa biglang pagsilip ni Gabriel sa tabingi kong pinto.

"Binuksan ko na lahat ng drawer mo sa kitchen, walang ice bag," dugtong pa niya.

"W-Wala nga yata... t-tinapon ko na yata," sagot ko kasabay ng mabilis na pagsulyap sa kaniya.

Bumalik ulit si Gabriel sa kusina. Nang marinig ko nang humina ang mga yabag niya, muli akong humarap kay Jasper. 'Yon nga lang wala na siya. Bukas na ang ilaw sa banyo ko at rinig na rinig ko na rin ang patak ng tubig galing sa shower ko.

Nakabalot sa kulay asul na panyo ang mga ice cubes na kinuha ni Gabriel. Marahan niyang idinadampi 'yon sa namamaga kong paa.

"Huwag kang mag-alala, hindi pa gamit ang panyo kong 'to. Nasa bulsa ko lang buong araw," paliwanag niya habang nakatitig sa paa ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo at natapilok ka?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Hindi ko naman puwedeng aminin na nagmamarites ako kanina habang hinahabol 'yong asong iniregalo niya kaya ako natapilok.

"Wala... aksidente lang talaga," sagot ko habang nakatingin kay Coco na nagkakamot ng tainga sa tabi ko.

Ayokong salubungin ang mga nag-aalalang singkit na mata ni Gabriel, baka mahalata niyang nagsisisnungaling ako.

"Bakit ka ba pumunta rito, akala ko bukas pa tayo mag-uusap?" Iniba ko na ang usapan.

"12:15 AM ko na kayo nakita sa elevator. 'Yon na ang bukas!" pamimilosopo niya.

I scoffed. Ibang klase rin talaga ang humor ng chinitong mokong na ito. Nakakabanas!

"Ano 'yong sinasabi mong totohanin mo na ang panliligaw mo sa akin?" seryosong tanong ko.

"Iniinis mo lang ba si Jasper?" Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya. Sinalubong ko ang mga singkit niyang mata.

Bahagyang tumaas ang gilid ng mga labi niya. "Bakit? Ayaw mo bang totohanin ko na?"

"You're fucking engaged!" I exclaimed. Hindi ko na naitago ang inis dahil sa pilyong ngiti at tanong niya.

"And if I'm not? Okay lang sayo, gano'n ba?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Nagulat din yata ang kamay ko at naibato ko sa mukha niya ang unan sa likuran ko.

Napaupo siya sa sahig at nabitawan niya ang improvised ice bag na ginawa niya. Tumapon ang ice cubes sa sahig.

Imbis na mainis siya sa ginawa ko, napahalaklak pa siya. Pinagpag niya ang mga palad niya at saka tumayo.

"I'm not engaged, Stephanie..." he said raspily.

Tumingala ako para tignan kung nagsisinungaling ba ang mga mata niya, pero hindi. He's softly staring at me. Parang nagsasabi siya ng totoo.

"Hindi ko pa lang nasasabi sa mga magulang ni Amber na hindi na tuloy ang engagement namin, kaya siguro ini-insist niyang engaged pa rin kami." He let out a deep sigh and stared at me deeply.

"Sorry, Sstephhanie..."

Ayan na naman! Parang may kakaiba na namang kuryenteng gumapang sa likod ko nang binanggit niya ang pangalan ko.

"Gabriel... ayokong makipaglokohan. Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo, huwag mo nang ituloy ang panliligaw mo kung laro lang ang hanap mo!" Nilakasan ko ang boses ko. Mariin ko siyang tinitigan at mas tinapangan ko pa ang mga mata ko.

"Hindi laro ang hanap ko—asawa."

I swallowed hard. Para akong nabingi sa sinabi niya. Gusto kong tumawa. Gusto kong barahin ang sinabi niya pero hindi ko mahanap ang boses ko.

"Sakto sa akin damit ng Kuya mo!"

Napabalikwas ako nang marinig ko si Jasper. Suot niya ang pink shirt ni Kuya Spence at ang navy blue board shorts nito.

Perfect timing, Jasper! Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko kay Gabriel sa huling sinabi niya. 

"L-Let's go outside, Raphael... p-para makapagbihis na si Stephanie." Nagulat ako nang biglang akbayan ni Gabriel si Jasper na para bang walang naging tensyon sa kanila kanina.

***

Hirap na hirap akong magsuot ng pajamas dahil hindi ko maiangat nang husto ang kaliwang paa ko. Makirot pa rin ang sprain ko. 

Hindi kagaya kanina, wala akong naririnig na nagsasalita o kahit nagbubulungan sa labas habang nagbibihis ako. Tahimik lang silang dalawa. Pero hindi rin kagaya kanina, mas mabilis ang tibok ng puso ko ngayon. Mas nakakakaba pala kapag tahimik sila.

Iika-ika akong naglakad papunta sa sala. Nakaupo silang dalawa sa magkabilang dulo ng couch, parehong tikom ang bibig. Nakahalukipkip si Gabriel at nakapikit. Si Jasper naman ay nakayuko at magkasalikop ang mga kamay. Sinilip ko ang mukha niya. Nakapikit na rin.

Tulog na pala! Kaya tahimik na.

Ilang segundo ko silang tinitigan. There's something about them... they seem so different yet, in a way, the same. Kung ano'ng pinagkaiba at pinagkapareho nila—hindi ko pa alam.

I cleared my throat to wake them up. Sabay silang nagmulat.

"Kunin na natin si Kitkat, Jasper," nginitian ko si Jasper na katatapos lang magkusot-kusot ng mata.

"Ah..." mabagal na usal niya kasabay ng mabagal din niyang paglingon kay Gabriel.

"Ako na kukuha ng kotse mo, Stephanie... dito ka na lang," papaos na saad ni Gabriel.

Bahagya siyang umubo.

"H-Ha? P-Paano 'yong sasakyan mo?" I stuttered.

Tumayo si Jasper at dinampot ang helmet niyang nakapatong sa coffee table.

"Aangkas siya sa akin, Steph. Iiwan niya ang kotse niya rito," malumanay na sabi ni Jasper. Malayong-malayo sa mapang-asar niyang tono kanina sa elevator.

Napangiti ako bigla. Hindi ko mapigilang ma-imagine ang itsura ni Gabriel na nakayapos sa likod ni Jasper.

Puwede naman palang magkasundo ang dalawang ito. Pinapasakit pa ang ulo ko!

Biglang tumunog ang buzzer ko at napalingon agad ako sa pinto. I slowly turned towards the door. Hahakbang na sana ako, ngunit natigilan ako nang sabay na naman silang nagsalita.

"Ako na!"

Pinatunog ni Gabriel ang dila niya. "Tsk! Pasikat!"

"Hmmm... pabibo!" ganti ni Jasper.

Pucha! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Mukhang hindi  talaga sila magkakasundo.

Naunang makarating sa pinto si Jasper. Nakaipit sa kili-kili niya ang helmet niya, pero hindi naging hadlang 'yon para una niyang mahawakan ang doorknob. He grinned as he opened the door slowly. Akala mo batang nanalo sa karera. Napailing-iling na lang si Gabriel kasabay ng pagmasahe sa noo niya.

"Sir, motor niyo po ba 'yong Yamaha FZ sa baba? Makikisuyo lang po sana kasi may aatras," magalang na tanong ni Mang Ben—ang nightshift guard sa Tower 1.

"Okay Chief, sunod ako sa baba!" sagot ni Jasper.

"Salamat, Sir!" nakangiting sambit ni Mang Ben.

Mabagal na isinara ni Jasper ang pinto. Lumapit siya sa akin at nginitian ako. He slowly brushed his damp curly hair with his left hand. 

"Paano Steph, una na ako sa baba... te-text kita kapag nakauwi na ako. Dahan-dahan ka lang sa pagkilos dito ha?"

"Salamat Jasper ha? Ingat ka." I absentmindedly licked my lips before smiling at him. "I-Ingat kayo ni Gabriel," pahabol ko.

"Ingat siya sa akin," he said, smirking. Inilipat niya ang tingin niya kay Gabriel.

"Sumunod ka agad sa parking, baka maiwan kita," pang-aasar niya sa tahimik na si Gabriel.

Kinagat ko ang labi ko. Pilit kong pinipigilan ang pagbuga ng tawa.

Hindi pinansin ni Gabriel ang pang-aalaska ni Jasper, pero kitang-kita ko sa mukha niya ang nakakaloko niyang ngisi. Tinalikuran niya si Jasper para damputin si Coco na nagbabalak tumakbo palabas ng unit ko.

Isinarado ko agad ang pinto pagbaba ni Jasper, natatakot na baka tuluyang makalabas pa si Coco. Saktong paglagitik ng lock, tumalon si Coco pababa at dumiretso agad sa couch para humiga.

"Susi pala ng kotse ko..." Inabot ko kay Gabriel ang susi ni Kitkat. 

"Okay, Stephanie. Ako nang bahala." He flashed his white-teeth smile at me. Mas sumingkit pa ang mga niya.

Bigla akong napayuko. Ito na naman ako, tumitiklop sa ngiti niya.

"T-Thank you nga pala... k-kay Coco, sa flowers, saka sa pagkuha kay Kitkat," nakayuko kong sagot sa kaniya.

"You're welcome! Malakas ka sakin eh!" He softly chuckled.

Kinuha niya na ang iniwang helmet ni Jasper sa lamesa at saka mabagal na hinaplos ang ulo ni Coco. Hawak-hawak niya na ang doorknob nang bigla siyang natigilan. Muli niya akong nilingon.

"Stephanie, can I ask you something?"

Manghihingi na naman ba ng selfie 'to kagaya noong nakaraan?

I crossed my arms in front of me. "Kung selfie 'yan, huwag na! Baka sugurin na naman ako ni Amber!" mataray kong sagot.

Bumingisngis siya. "Hindi selfie, Stephanie."

Ipinako niya ang tingin niya sa akin kasabay ng unti-unting paglapit niya. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko nang magkatitigan kami.

Kalahating hakbang ang layo namin sa isa't-isa.

"Stephanie... b-bakit mo itinanggi si Jasper?"

"W-What?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

"Narinig ko kayo kanina... you've k-kissed?" Ramdam ko ang kaunting pait sa sinabi niya.

Nahihiya akong tumango. Napahilamos ng mukha si Gabriel.

"Magiging kabit ba ako, Stephanie?"

Hindi ko mapigilang mapahagikgik sa tanong niya. 

"Gago 'to! Hindi kami ni Jasper. W-We decided to start again... back at step one," sagot ko.

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang banggitin 'yon kay Gabriel, pero napangiti siya sa sinabi ko.

"Good! Kasi, ako... tayo... ayokong bumalik sa umpisa. Ituloy na lang natin 'to." Mas lumawak ang ngiti sa labi niya.

"Mahuhulog ka rin sa akin... future Mrs. Del Rosario," he declared. Mas dumiin ang titig niya sa akin na parang kaunting-kaunti na lang maabot na nito ang puso ko.

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top