Chapter 1 - Angel

Halos hindi ko malunok ang french fries na inorder ko. Kanina lang, gutom na gutom ako, pero ngayon, parang nakalimutan na ng utak ko kung paano ngumuya. Uminom ako ng softdrinks, nagbabakasakaling bumaba ang kung ano'ng nakabara sa lalamunan ko.

Did I really sleep with him?

Mariin akong pumikit. Pinipilit kong alalahanin ang lahat ng nangyari that night, two weeks ago. All I could remember was being carried by a man that smells like him. Tapos, black out na! Then... nagising na ako sa kuwarto ko, safe and sound... buong-buo.

So, ano 'yong sinasabi niya na may nangyari sa'min? Gano'n ba ako kagaling umarte kanina at dalang-dala siya sa eksena?

I could see his side profile from the other side of the glass wall. Ang tangos ng ilong! Ang hot ng jawline!

Shit! Stephanie! Ikalma mo!

Kausap niya sa labas ang dalawang enforcer na sumita sa akin kanina. Ang ganda ng ngiti sa kaniya ng enforcer na malaki ang tiyan. Napakasungit no'n sa akin, pero sa kaniya ang bait-bait! May ibinulong siya rito tapos sabay silang lumingon sa akin. Nginitian ako ng enforcer. Nginitian ko rin siya... pero ngiting aso nga lang. Nakipagkamayan ang dalawang enforcer sa instant boyfriend ko tapos sumakay na sila sa motor nila.

Instant din akong nakahinga nang maluwag pagharurot ng motor nila. Abswelto na ako sa reckless driving ko. Siguro naman makakain na ako ng fries.

Lumingon ang lalaki sa direksyon ko, saktong pagnganga ko para kumain ng fries. Mabilis kong isinubo ang apat na piraso at napayuko ako. Yukong-yuko, na nagawa kong isuot ang ulo ko sa ilalim ng lamesa.

Hindi ko alam kung bakit parang tanga akong nagtatago sa lamesa. Sure naman akong walang nangyari sa amin. Una, imposibleng malasing ako. Kahit isang bote pa ng tequila ang laklakin ko kaya ko pa ring maglakad ng diretso! Pangalawa, imposibleng i-give up ko sa kaniya si Pearl. That's a big no!

Oo, aaminin ko... naakit ako sa kaniya kanina. He's hot and he's my type. Pero ngayon na alam kong posible ngang may nangyari sa amin... parang gusto ko na lang mag-evaporate.

"I'm still a virgin!" I exclaimed.

"Sino'ng virgin?" he asked in his deep raspy voice.

Napabalikwas ako. Wala sa sariling nag-angat ako ng ulo. Nakalimutan ko ang lamesang ilang pulgada lang ang layo sa bunbunan ko.

"Shit! Aray!"

Napahawak ako sa ulo ko sa sakit ng pagkakauntog nito. Nagulat na lang ako nang makita kong nakaupo na ang chinitong estranghero sa harap ko at pinagmamasdan ako. Nakaangat nang kaunti ang gilid ng mga labi niya.

"Okay ka lang... b a b e?" Sinadya niyang i-prolong ang bigkas sa babe na para bang nang-aasar pa siya.

Inirapan ko siya. "Okay na! Cut na!" singhal ko sa kaniya.

"Huwag mo na ako tawaging babe! Wala na 'yong mga enforcer 'di ba? Hindi mo na kailangan mag-pretend na boyfriend ko!" masungit na sagot ko.

Tumuwid ako ng pagkakaupo at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ipinatong niya ang mga siko niya sa lamesa. Then he slouched a bit and leaned closer.

"So... hindi ka totoong buntis, Stephanie?"

Hindi ko alam kung bakit parang ASMR ang dating sa akin tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. Parang may extrang 'S' at 'H' ang pronunciation niya. I felt shivers. Hindi ko sure kung kinikilabutan ba ako... o kinikilig.

"Gago ka ba? S'yempre hindi! Acting lang 'yon!" Muli ko siyang inirapan.

He smiled and licked his lower lip. He seemed so amused by my reaction.

"Sstephhanie..." Nanindig na naman ang balahibo ko. "Wala bang ibang alam gawin 'yang mga mata mo kung 'di ang irapan ako? That night... hindi naman sila ganyan sa akin..."

Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Agad kong dinampot ang straw malapit sa baso ng softdrinks.

"Eh, kung tusukin ko 'yang mata mo!" pagbabanta ko habang nakatutok sa mukha niya ang straw.

Pinitik niya ang dulo nito dahilan para tumalsik ito sa sahig.

"Baka buntis ka nga talaga! Ang init ng ulo mo sa akin, eh!" pang-aasar pa niya.

"Hindi nga ako buntis! Ang kulit mo... I'm still a VIRGIN!" sigaw ko sa mukha niya.

Napatuwid siya ng upo sa gulat. Napatingin sa amin ang dalawang babaeng crew na halos katatapos lang humikab. Nawala yata ang antok nila dahil sa iskandaloso kong sigaw.

I exhaled sharply and then I glared at him.

"Mister... I had 15 boyfriends in my 24 years of existence. Walang naka-second base ni-isa sa kanila. I never gave up Pearl! Kahit pa kay Terrence na kulang na lang ibigay ang hacienda nila sa akin at pakasalan ako. So, what makes you think na bibigay ako sa kagaya mo... a complete stranger? Sino ka ba?" I ended my statement with a scoff.

"Sino si Pearl?" nakakainis na tanong niya.

Gumusot nang kaunti ang mukha niya. Nagsalubong ang mga kilay niya at lalong naningkit ang mga mata niya.

I grunted. "Ugh! Pearl? Perlas? Hiyas?"

Umiling-iling siya. Hindi niya pa rin gets ang clues ko.

"Pearl! P-P!" mariing sagot ko. Lumalabas na nga yata ang ugat sa leeg ko sa gigil ko.

"P! P! PP!"

Umiling ulit siya. This man is really testing my patience!

"Tanga ka ba talaga o nagtatanga-tangahan ka lang?!" iritadong tanong ko nang maubos na ang pisi ko sa kaniya.

Humagalpak siya ng tawa. Muling napatingin sa amin ang dalawang babaeng crew na sigurado akong gising na gising na talaga ngayon. Gwapong-gwapo ang mga gaga sa chinitong mokong na 'to.

"Okay, Stephanie... kung 'yan ang naaalala mo. Pero... gusto mo bang malaman kung ano talagang nangyari sa'yo... sa'tin... two weeks ago," he slowly said, tempting me with all of his pauses.

I crossed my arms in front me. Sumandal ako sa upuan at saka bumuntong-hininga.

"Alam ko ang nangyari... I went to the club para magparty at uminom... tapos umuwi akong mag-isa sa unit ko—"

"Hinatid kita sa unit mo... Tower 1, may laundry shop sa baba, 10th floor" mabilis niyang sagot.

Napalunok ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

"S-Stalker ka 'no?" bintang ko sa kaniya kasabay ng pagtaas ng kilay ko.

He just smirked.

"Stalker!" Nilakihan ko ang mata ko at nilakasan ko ang boses ko. "K-Kaya mo alam ang full name ko at ang address ko dahil stalker ka! Ini-stalk mo ko?!"

Isang tipid na tawa ang pinakawalan niya.

"Hindi ako stalker... hinatid kita sa unit mo after..." Napatigil siya saglit. "After we slept together..." he slowly said as if he's making sure na naririnig ko talaga ang bawat salita sa sinasabi niya.

"Hoy ikaw!" I pointed my finger at him. Na-conscious na lang ako bigla nang mapansin ko ang ketchup sa dulo ng hintuturo ko.

I exhaled slowly. Ibinaba ko ang kamay ko at ang boses ko.

"I-Ikaw... stop this nonsense, please! Imposibleng hindi ko maalala ang lahat ng ginawa ko nang gabing 'yon dahil hindi naman ako lasing no'n! Never pa ako nalasing sa buong buhay ko!" Napalunok ako ng laway sa kasinungalingan ko.

"Tama ka... you were not drunk that night."

"See! Sa'yo na mismo nanggaling..." Napapalakpak ako. "Hindi ako lasing. I'm sober. Meaning, I didn't sleep with you!"

"Yes, you did!" Ipinako niya ang mga singkit niyang mata sa akin. Inurong niya ang upuan niya papalapit sa lamesa.

Sapakin ko na kaya 'to?

"Ako 'yong lasing na lasing nang gabi na 'yon, Stephanie. You were groggy. I suspected you were... drugged. I saved you that night... "

Napalunok ako sa seryosong sinabi niya. Bigla akong kinilabutan at bigla ring nanlamig ang mga palad ko.

"W-What?! Nino? W-Wala akong naaalala na may kinausap ako t-that night," nauutal kong tanong.

Napa-iling siya. "Hindi ko alam, hindi ko matandaan 'yong mukha nila. As I've said... lasing ako no'n. Pero nang makita kitang nagsasasayaw na parang wala sa sarili mo sa dance floor tapos nakangisi 'yong dalawang lalaking malapit sa'yo... alam kong kailangan kitang alisin do'n."

Bakas ko sa boses niya na nagsasabi siya ng totoo. I even saw how he clenched his fist as he tried to recall what happened.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko napansin na kinakagat ko na pala ang kuko ng hinlalaki ko. Nagulat na lang ako nang marahan niyang ilayo ang kamay ko sa bibig ko.

"O-Okay ka lang? Gusto mo pa bang malaman kung ano'ng sunod na nangyari?"

"Ha? May k-kasunod pa pala?" wala sa sarili kong tanong. Akala ko tapos na sa sinave niya ako at hinatid niya ako sa condo.

He shook his head again and then he gulped. "Isinama kita sa bahay... tapos nakatulog tayo sa kama ko—"

"Okay, so literal na 'we slept together' pala," sabat ko.

I chuckled uncomfortably and he did too.

"Actually... Stephanie. Hindi ko alam..."

"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" nanginginig nang kaunti ang boses ko dahil sa kaba.

"Hindi ko rin naaalala lahat..." He smiled nervously.

"Ang huli kong naalala bago tayo makatulog, sinabi mo sa akin ang full name at address mo. Itinype ko pa nga 'yon sa cellphone ko, eh!"

Inilabas niya ang cellphone niya at ipinakita niya sa akin ang notes niya, dated two Saturdays ago.

Stephanie Maxine Co, Tower 1, may laundry shop sa baba, 10th floor, unit 8. Call kuya Spence or BF Li. Lights on!

Napatakip ako ng bibig ko habang binabasa ko ang notes niya.

Akong-akong 'to. Ako nga 'to!

"Sinabi ko lahat 'yan sa'yo?" nakayuko kong tanong sa kaniya. Nahiya ako nang kaunti sa mga nalaman niya.

"Oo... pero hindi ko natawagan ang kuya Spence mo or 'yong boyfriend mong si Li... hindi ko rin pinatay ang ilaw... sabi mo kasi takot ka sa dilim," nakangising sagot niya.

I laughed softly. "H-Hindi ko boyfriend si Li, bestfriend ko siya... and she's a girl."

He gently massaged his forehead. Then he looked down. Nakita kong lumikot ang mga mata niya bago siya yumuko.

"Tapos nagising na tayo? And then hinatid mo na ako sa unit ko? Right?" usisa ko, pero hindi siya sumagot. Yumuko ako para silipin ang mga mata niya.

Nag-angat siya ng tingin nang mapansin niyang tila hinahanap ko ang mga mata niya.

"No."

Nanuyo ang lalamunan ko sa tipid niyang sagot.

"P'wede bang tapusin mo na 'yong kuwento mo... naguguluhan na ako! Namamawis na 'yong kili-kili ko sa kaba!" I said as I tried to compose myself.

Tumawa siya. Flashing his white teeth. Nawawala nang kaunti ang mga mata niya.

Shit! Ang pogi ng tawa niya. Nakakabuwiset!

"Okay... 'wag ka na lang din muna sumabat," pabirong sagot niya.

"Fine!"

"Nagising ako... Nakayapos ka sa akin..."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ano? That's impo—"

Pinandilatan niya ako ng mata. As if telling me to shut up.

"Nakayapos ka sa akin... at pareho tayong nakahubad."

"Tanginaaa!" sigaw ko. Magkahalo ang gulat at inis sa sarili ko.

Napatakip ako ng mukha sa kahihiyan. Gusto ko na lang lamunin ng lupa ng mga sandali na 'yon. I inhaled and exhaled several times to calm myself.

"Shit! Shit! Shit! Shit!" Nakatakip pa rin ang dalawang palad ko sa mukha ko habang paulit-ulit akong nagmumura.

"Uy, Stephanie... hayaan mo na 'yon. Kung sigurado kang walang nangyari... eh, 'di walang nangyari..." I could sense that he's trying to comfort me.

He slowly removed my hands away from my face.

"Uy, kalimutan mo na 'yon... wala lang 'yon. Baka nainitan lang tayo kaya gano'n..."

Malikot ang mga mata niya. Alam kong sinasabi niya lang 'yon para gumaan ang loob ko, pero siya mismo hindi naniniwala sa rason niya.

Muli akong bumuntong hininga. "Ikaw ba... gaano mo kakilala ang sarili mo... when it comes to that?" seryosong tanong ko.

He moistened his lower lip. Marahan niyang kinamot ang kanang kilay niya. Then he looked at me intently.

"I won't touch you. Niligtas nga kita sa mga manyak na 'yon, eh! Kahit gaano ka pa ka-ganda at ka-sexy, Stephanie, I won't touch you... especially you..." His last two words almost sounded like a whisper.

Ano'ng ibig niyang sabihin do'n?

Pero gumaan ang dibdib ko sa sinabi niya. I'm okay! Pearl is still okay. Hindi siya manyak. Baka nga mas green-flag pa siya kay Terrence. Niligtas niya ako nang gabi na 'yon. Hindi siya masamang tao. Walang nangyari sa amin. Hindi siya manyak. You're okay, Stephanie. You're okay.

You're okay. I reminded myself that.

"I'm okay!" I exclaimed.

"H-Ha?" he asked confusedly.

"Okay na ako... Alam ko na kung ano'ng nangyari that night," I declared. Nilagok ko ang natitirang laman ng baso ko.

He leaned backwards. "So... naaalala mo na?"

"No... pero gusto ko na lang alalahanin ang gabi na 'yon nang ganito... na parang ganito," I smiled at him.

Kumunot ang noo niya na parang gulong-gulo sa sinabi ko.

"Parang ganito... dumating ka, niligtas mo ako. Wala nang ibang nangyari except those two facts. Dumating ka. Niligtas mo ako... just like tonight!"

Unti-unting nawala ang kunot sa noo niya. Napangiti siya at napansin ko ang unti-unti ring pamumula ng pisngi niya.

"Shit! Kinikilig ka?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya.

He scoffed. Napahilamos siya ng mukha.

"Sstephhanie..." ayan na naman ang ASMR voice niya.

Pucha! Ako 'yong kinilig!

"Sinigang lang ng lola ko ang makakapagpakilig sa akin!" dugtong niya.

"T-Thank you... for saving me that night... and tonight," Kahit nahihiya akong tumingin sa kaniya... I did.

Alam kong namumula na rin ang pisngi ko at parang nagbubuhol-buhol na ang bituka ko sa tiyan ko. Sa totoo lang, hindi ko mai-describe nang maayos ang nararamdaman ko that exact moment. Basta ang alam ko... ngayon, ko lang naramdaman 'yon.

Ngumiti siya sa akin. "Walang anuman, Stephanie..." Nakangiti rin ang mga mata niya.

"A-Ano pa la'ng pangalan mo?" mahinang tanong ko.

Singkit na mga mata na may matapang na mga kilay. Matangos ang ilong. He looked like a 'Hunter' to me... p'wede ring 'Axel' or 'Orion' ang bagay na pangalan sa kaniya.

Tumuwid siya ng upo niya at mariin niya akong tinitigan.

"Gabriel," he softly said.

"Gabriel? Like the angel, Gabriel?" nakangising komento ko.

He let out a soft chuckle.

"Oo, like your angel... Gabriel."

Napalunok ako sa sagot niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko na kung ano'ng nangyayari sa akin at alam kung hindi p'wede 'to.

This is not happening. Hindi p'wede 'tong nararamdaman mo, Stephanie. Malabo 'to! Itigil mo 'to!

Hinawakan ko ang dibdib ko at huminga ako nang malalim. Naramdaman ko ang muling pagkapako ng mga mata niya sa akin.

"Gusto mo ng tubig?" may bahid ng pag-aalala sa boses niya.

"Hindi, okay lang ako," mabilis kong sagot. Pero tumayo pa rin siya para humingi ng tubig.

Napaangat din ako nang kaunti sa upuan ko. Hinabol ko ang kamay niya. I held his wrist.

"G-Gabriel..."

"Yes... Stephanie?"

Humarap siya sa akin at mabilis kong binitawan ang palapulsuhan niya. Umayos ako ng upo at umupo rin ulit siya.

"Gabriel... sana ito na ang huling pagkikita natin," nanginginig ang boses ko, pero hindi dahil sa kaba.

"Ouch naman!" Napahawak siya sa dibdib niya. Ngumisi siya. Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ko, na para bang kinakabisado niya ang itsura ko. Tapos biglang naging seryoso ang mukha niya.

I remained silent. He gulped and licked his lower lip.

"Pero sige... kung makikita lang kita everytime you need saving... sana nga hindi na tayo magkita ulit... may you never need my saving again, Stephanie."

Ngumiti siya sa akin, pero hindi ako makangiti sa kaniya. Not after what he said. Tumayo siya at tuluyan nang lumayo sa lamesa. Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kaniya.

I could see his side profile from the other side of the glass wall... looking like an angel as he walks slowly towards his car.

"Gabriel... see you never," bulong ko.

***

MsLynLuna ☽

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top