Chapter 4

CHAPTER 4

TILA napaso ang aking buong katawan nang marinig ko ang boses ni Papa kaya't mabilis akong kumalas sa pagkakayakap kay Hugh. Halos marinig ko na ang malakas at mabilis na pagkalabog ng aking puso. Nagkatinginan kami ni Divina at parehong nanlalaki ang mga mata.

"Patay," mahinang bulong niya.

"Pa..." 

I could barely hear my voice because of fear.

"Ano, Zia Lynn? Hindi mo pa rin ba hinihiwalayan ang lalaking ito? Ang tigas ng ulo mo!"

Hindi ko nagawang sumagot. Hindi ko lubos maisip na agad-agad na mangyayari ang kinatatakutan ko.

"Tito Rosendo—"

"Wala kang karapatang tawagin akong Tito, dahil una sa lahat, hindi ko pinahintulutan ang pakikipagrelasyon mo sa anak ko, lalaki!"

Napapiksi ako sa lakas ng boses ni Papa. Nangangatog na rin ang aking mga tuhod. Sinulyapan ko si Hugh at pasimple siyang sinenyasan na umalis na ngunit walang bahid ng takot ang kanyang mukhang hinarap si Papa. Taliwas sa nararamdaman ko.

"Pagpasensyahan n'yo na ho ang kapangahasan ko. Sadyang mahal na mahal ko lang si Zia Lynn." Hugh glanced at me with intense degree of determination in his eyes. Lalo akong sinilaban ng takot sa kanyang pinagsasabi.

Patuya siyang tinawanan ni Papa. Napatungo ako. Ramdam ko rin ang mahinang pagsiko sa akin ni Divina.

"Mahal?" Dumura si Papa sa gilid. "Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo, lalaki? Sa tingin mo ba mabubuhay ng pagmamahal mo ang anak ko? Ano'ng ipapakain mo sa kanya? Bato at semento? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? May pinag-aralan ang anak ko at hindi ang isang katulad mo ang nababagay sa kanya!"

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Kahit sobrang lakas ng tibok ng aking puso ay pinilit kong ihakbang ang aking mga paa palapit kay Papa.

"Pa, t—tara na ho."

Tumalikod ako sa direksyon ni Hugh. I can't bear to see the emotion in his eyes. I can't bear to see the pain I've caused him.

"Handa ho akong magbanat ng buto, maibigay lang ang magandang buhay kay Zia Lynn pagdating ng tamang panahon na puwede na kaming magsama."

"At sa tingin mo ba papayagan kitang makatuluyan ang anak ko? Napakataas ng pangarap mo, lalaki. Puwes, simula ngayon, itanim mo riyan sa kukote mo na hindi ka nababagay sa anak ko. Simula ngayon hiwalay na kayo."

Halos mapugto ang aking hininga sa kapipigil ng hikbing bumibikig sa aking lalamunan. Mahabang katahimikan ang namayani. I inhaled deeply to catch my breath. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan, ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko ang marahas na pagsinghap ni Hugh.

"Mawalang-galang na ho, pero nagmamahalan kami ni Zia Lynn," malumanay ngunit may diin niyang bigkas.

"Puwes, kalimutan mo na ang anak ko. Hindi ang kagaya mo ang pinangarap kong mapangasawa niya. Kung may natitira ka pang dignidad, umalis ka na at hayaan mo na si Zia Lynn. Inuulit ko, simula sa araw na ito ay hindi mo na siya maaaring lapitan dahil kapag sa susunod na makita kita, tinitiyak ko sa 'yong pagsisisihan mo."

Tahimik na bumagsak ang masaganang luha sa aking mga mata. Nanlalabo na aking paningin.

"Papa, tara na ho."

I held Papa's arm.

"Zia Lynn!" Hugh called out. Nanigas ako. May pagmamakaawa sa kanyang boses. Sinenyasan ko na lamang si Divina na mauuna akong umuwi. Maging siya ay walang nagawa.

"Tara na, Zia Lynn!" Papa held me this. Sinamaan niya ng tingin ang bitbit kong tatlong rosas. Ibinigay ito ni Hugh kanina.

"Itapon mo ang basurang 'yan, Zia Lynn!" banta niya.

"Zia Lynn, lingunin mo naman ako!" dinig ko mula sa likod. Parang may pako sa ilalim ng aking talampakan. Habang humahakbang ako papalayo sa lalaking mahal ko'y lalo akong nahihirapan.

"Zia Lynn!" Hugh called once more.

"Umuwi na tayo, Zia Lynn! Dahil may pag-uusapan tayo pagkarating sa bahay."

Base sa tono ng boses ni Papa ay nakatitiyak akong hindi-hamak na sermon na naman ang aanihin ko mamaya. Ngunit hindi na ako natatakot doon. Nananaig sa puso ko ang takot at sakit. Takot para sa relasyon namin ni Hugh. Hindi ko kayang maghiwalay kami.

"Ang sabi ko itapon mo na ang basurang 'yan!" madiing utos ni Papa. Wala na akong pakialam sa mga taong pinagtitinginan kami.

Patuloy pa rin sa pagtawag si Hugh kahit lagpas isang metro na ang layo ko sa kanya. Binitiwan ko ang tatlong rosas at walang lingun-lingong sumunod kay Papa papalayo. Tila umaalingawngaw sa puso't isipan ko ang bawat paghakbang ng aking mga paa. Nakakabingi. At tanging naririnig ko lamang ay ang nagmamakaawang boses na paulit-ulit na tinatawag ang aking pangalan.

"Zia Lynn!"

Nakatitiyak akong nakita ni Hugh ang aking ginawa kaya parang binibiyak ang aking puso. Gustuhin ko man siyang lingunin ay lalo akong natatakot.

Sumakay kami ng tricycle habang tahimik akong nagpapahid ng mantikang tumutulo mula sa aking mga mata.

Pagkarating sa bahay ay pabagsa na isinara ni Papa ang pinto ng bahay. Nagulat si Mama at biglang lumabas mula sa kusina. Mabuti na lamang at nasa eskuwelahan pa ang mga kapatid ko.

"Rosendo, ano naman ang ikinainit ng ulo mo?"

Napayuko ako at napahigpit ang paghawak ko sa strap ng aking sling bag. Napatingin sa akin si Mama.

"Iyang anak mo, Veronica, hindi na nagtanda! Kung hindi pa ako napadaan sa eskuwelahan nila hindi pa malalaman na sinasaksak pa rin pala niya tayo sa likod."

Dinuro ako ni Papa. Agad naman akong nilapitan ni Mama saka hinawakan.

"Ano'ng sinasabi mo, Rosendo?"

"Nakikipagkita pa rin siya sa construction worker na iyon!"

Napasinghap si Mama habang nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin. Napabitaw siya sa braso ko. Gusto kong sumagot kay Papa ngunit alam kong maling ipangatwiran ko ang aking sarili. Kahit na tutol ako sa kagustuhan niya'y mataas ang aking respeto sa kanya.

"Totoo ba iyon, Zia Lynn?"

Tanging iyak lang aking naitugon bago nag-iwas ng tingin kay Mama.

"Hindi ko na alam kung anong klase ng paliwanag ang gagawin ko sa 'yo para maintindihan mo ang ibig kong sabihin. Kita mo na ang natututunan mo sa lalaking iyon, Zia Lynn? Sinuway mo kami ng Mama mo dahil lang sa kanya! Hindi ka na tinubuan ng hiya sa sarili mo! Kaya simula sa araw na ito, bawal ka nang lumabas sa loob ng isang lingo!"

Nahintakutan ako't napatakip ng bibig. Napailing si Mama at dismayadong napailing. Maging siya ay hindi nagustuhan ang aking ginawa.

"Pa..."

"Subukan mo akong suwayin ulit, Zia Lynn. Sa susunod na makita pa kitang nakikipagkita sa lalaking 'yon, palalayasin kita sa pamamahay na ito. Naintindihan mo?"

Kagat-kagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko na itinago ang masagang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata.

"Naintindihan mo ba?!"

Napakislot ako, maging si Mama.

"O...po. Opo, Pa."

"Rosendo, kumalma ka nga. Baka tumaas na naman ang dugo," mahinahong saway ni Mama. Isa rin iyon sa pinakainiiwasan ko, ang magalit nang husto si Papa sa akin. Ayaw kong maging dahilan para atakehin siya ng hypertension.

"Ang anak mo ang pagsabihan mo, Veronica!" asik ni Papa. Kahit hindi ako nakaharap sa kanya ay ramdam ko ang matatalim niyang tingin sa akin.

"Pero enrolment na nila simula Lunes. Hindi puwedeng ikulong mo 'yan dito sa bahay."

"Puwes, samahan mo siyang mag-enrol! O 'di kaya ikaw na lang ang mag-enrol sa kanya."

Bumuntonghininga si Mama at tila nalulugi habang pinagmamasdan ako.

Nanghina ako't napayakap sa aking sarili. Muling lumabas ng bahay si Papa. Ngunit katulad kanina'y pabalang niyang isinara ang pinto.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ni Mama pagkaalis ni Papa. Tiyak na sa dagat na naman iyon pupunta.

"Nakita mo na ang epekto pagsuway mo sa Papa mo, Zia Lynn? Sana naman huli na ito. Huwag mo na sanang paabutin sa puntong mawalan ng katiting na tiwala sa 'yo ang Papa mo, baka biglang magbago ang isip niya't patigilin ka niya sa pag-aaral."

Naghahalo-halo sa utak ko ang mga bagay-bagay.

"Pasensya ka na, Ma. Nadamay ka na naman sa galit ni Papa nang dahil sa 'kin." Niyakap ko siya. Pakiramdam ko'y nasa loob ako ng kristal na walang lagusan. At ang tanging paraan lang para makalabas ako'y kung babasagin ko. Ngunit kailangan kong sanggahin ang bawat bubog .

"Sa totoo lang, Zia Lynn, may tiwala naman ako sa 'yo. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo dahil napagdaanan ko rin iyan noong kaedaran kita."

Hinaplos ni Mama ang aking likod. "Pero sana, anak, maintindihan mo kung saan nanggagaling ang Papa mo. Bata ka pa. Marami ka pang pagdadaanan para maintindihan mo ang totoong kahulugan ng buhay. Huwag mong paliitin ang mundo mo. Marami ka pang makikilalang lalaki, sa tamang panahon. Sa ngayon ay pagtuunan mo muna ng atensyon ang pag-aaral mo."

Tumango-tango ako kay Mama kahit na labag ang puso ko sa kanyang sinasabi. Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Mama. Pero paano kung mapagod si Hugh sa paghihintay sa akin? Paano kung isang araw mapagtanto niyang hindi pala ako niya mahal?

Natatakot ako.

Ngunit kailangan kong magtiwala sa aming dalawa.

Pilit kong nginitian si Mama pagkatapos naming magyakapan. Kahit papaano'y gumaan ang aking loob. Nagpaalam akong pumasok na sa kuwarto para magpalit ng damit.

Agad kong hinanap ang cellphone sa aking pinagtaguan. Ngunit nawindang ako nang hindi ko na ito matagpuan.

Inilabas ko lahat ng mga nakatuping damit mula sa aparador saka nilagay sa ibabaw ng papag ngunit hindi ko pa rin makita.

Nasaan na iyon?

Kailangan ko pa namang kausapin si Hugh. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya na kailangan muna naming magpalamig pansamantala. Na kailangan muna naming layuan ang isa't isa...pansamantala.

"Ate? Ano'ng hinahanap mo? Bakit nakalabas lahat ng damit sa aparador?"

Napalingon ako sa pintuan. Dumating na si Zabelle.

"Nakita mo ba ang cellphone ko? Iniwan ko lang iyon kanina rito."

"Iyon ba, Ate? Kinuha ni Papa, eh."

Natutop ko ang aking bibig.

Hindi kaya iyon ang dahilan kaya pinuntahan ako ni Papa sa eskuwelahan?

"Nakita mo ba kung saan niya inilagay?" kinabahang tanong ko.

Umiling ang aking kapatid. "Hindi ko alam, ate. Pasensya na."

Nanghihina akong tumango. Walang buhay kong ibinalik ang mga nakatuping damit sa loob ng aparador.

Ngayong hawak na ni Papa ang cellphone ko tiyak na wala na akong ibang paraan para makausap siya. Ayaw ko rin namang magkita pa kami ulit at baka mangyari na naman ang nangyari kanina.

"Nakita ko, pagkatapos niyang mabasa ang pumasok na text sa cellphone mo, tinanggal niya ang SIM Card nito saka pinutol, Ate," biglang sabat ni Zac na kapapasok lang. Nagkatinginan kami ni Zabelle saka sabay na bumuntonghininga nang malalim. Ngunit may kaakibat na kaba ang aking nararamdaman.

Marahil ay nanggaling kay Hugh ang mensahe kaya nagalit si Papa. Nagsisisi akong iniwan ko pa ito kaninang umaga.

Kinagabihan ay hindi ako mapakali sa aking higaan. Kung sana'y hawak ko ang aking cellphone, makakausap ko sana si Divina kahit sa text lang para makahingi ako ng payo. At para na rin makibalita kung ano'ng nangyari kay Hugh pagkatapos ng tagpo namin kanina.

"Ate, magpatulog ka naman," reklamo ni Zabelle.

"Pasensya na."

Bumaling ako sa kaliwa saka pilit na ipinikit ang aking mga mata. Kanina pa ako pabaling-baling at batid kong nararamdaman iyon ng kapatid ko. Wala akong nagawa kundi ang itulog ang sakit na gusto kong iiyak.

Nagising ako kinabukasan na maingay sa labas. May nagtatawanan, ang alam kong boses ni Papa ang isa sa mga tumatawag.

"Ate, bumangon ka na diyan. Kanina ka pa pinapagising ni Papa dahil may bisita tayo. Nakakahiya na bubungangaan ka diyan nang umagang-umaga," mahinang bulong ni Zabelle. Napamulat ako nang tuluyan.

Pagkabangon ko'y bigla akong napahawak sa aking ulo.

"Ayan kasi, kung anong oras ka na natulog. Kaya masakit ang ulo mo," bulalas ng kapatid ko. Hindi na lamang ako umimik dahil totoo naman ang kanyang mga sinabi.

Palakas nang palakas ang mga boses. Nagsuklay na lamang ako ng buhok saka nagsuot ng bra. Madalas kasing hindi ako nagsusuot nito sa tuwing natutulog dahil nahihirapan akong huminga.

"Sino ba'ng bisita natin? Ang aga-aga," mahinang bulong ko rin kay Zabelle. Inginuso niya na lamang ang pinto. Umiling ako't lumabas na lamang.

"Mabuti't gising ka na, Zia Lynn. Magtatanghali na," seryosong komento ni Papa. Sumisimsim ito sa kanyang kape. Si Mama naman ay nasa kusina.

"Sino bang—" Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ang bisitang kausap ni Papa.

"Magandang umaga, Zia. Kumusta ka na?"

"Patrick?" mahinang bulalas ko.

"Ako nga. Grabe, lalo kang gumanda, ah."

Napangiwi ako nang tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Salamat. Nakababa ka na pala ng barko." Pinilit kong magpakita ng sinserong ngiti dahil nasa harapan kami ni Papa. Si Patrick ay anak ng may-ari ng lambat at bangka na ginagamit ni Papa sa pangingisda. Mas matanda siya sa akin ng apat na taon kaya't nauna siyang nakapagtapos. Kaedad siya ni Hugh.

"Oo, noong isang araw pa ako nakauwi. Hindi lang ako kaagad nakapunta rito. Nagpahinga pa kasi ako."

Hindi ka naman required pumunta rito. Gusto ko sanang ipamukha sa kanya, ngunit pinili ko na lamang ngumiti.

"Gano'n ba? Ayos lang, Mabuti naman at nakababa ka na ng barko. Atleast makapagpahinga ka," namutawi ko. Nakatingin lamang si Papa sa main. Tila nasisiyahan siya sa kanyang nakikita.

"May dala akong mga imported chocolates para sa 'yo. Dinamihan ko talaga dahil alam kong hindi pa kayo nakakatikim ng mga mamahaling tsokolate."

Muli akong napangiwi. Mabait naman at masipag ang pagkakakilala ko kay Patrick ngunit may pagkamayabang siya.

"Salamat, Patrick."

Kumuha na rin ako ng baso at nagtimpla ng sarili kong kape. Ngunti ramdam kong nakasunod sa akin ang mga mata ni Patrick. Si Zac naman ay nakita kong nag-e-enjoy sa mga chocolates na bigay nito.

"Natutuwa ako na naisipan mo kaming dalawin dito, Patrick. Dati pa naman talaga alam ko nang malayo ang mararating mo. Tingnan mo nga naman, malapit ka na rin pala daw ma-promote sa mas mataas na posisyon sa barko," pagpaparinig ni Papa. Ramdam ko ring tinapunan niya ako ng tingin.

"Alam mo naman ako, Tito Rosendo. Marami akong pangarap sa buhay at sa pamilya ko. Kaya nga sinisigurado ko talagang matataas ang marka ko sa mga training. Sipag at tiyaga lang talaga. Sa katunayan nga niyan may naipon na akong pampatayo ng bahay namin ng magiging asawa ko."

Naasiwa ako sa kanilang pinag-uusapan kaya't nagkukunwari na lamang akong abala sa pagtitimpla ng kape. Si Mama kasi ay nagpiprito ng itlog na ulam namin.

"Talaga? Aba'y nakakatuwa ka naman dahil marami ka nang naipundar sa gano'ng edad. Mukhang handang-handa ka nang mag-asawa, ah..." komento ni Papa.

"Kaya nga, Tito. Hinihintay ko lang naman si Zia Lynn. Hindi ba po sabi ninyo dati kapag nakapagtapos ako nagkaroon ng magandang trabaho, puwede ko nang ituloy ang panliligaw ko kay Zia?"

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Maging si Mama ay napatigil sa pagpisa ng panibagong itlog.

Humalakhak si Papa.

"Nakakatuwa ka talagang bata ka. Hindi mo pa pala nakalilimutan iyon."

"Paano ko naman makakalimutan, Tito, eh kahit yata saan ako dalhin ng barko, walang makatutulad sa kagandahan ni Zia Lynn. Matagal ko na siyang gusto. Hindi naman iyon lihim sa inyo, hindi ba?"

Gustong-gusto kong sumabat at ipamukha sa kanya na kahit kailan ay hinging-hindi ako magkakagusto sa kanya ngunit ayaw kong maging simula ulit iyon ng panibagong galit na ibubuga ni Papa.

"Aba'y, wala namang rason para pagbawalan kitang ligawan ang panganay ko. Basta ba ipangako mong hihintayin mo muna siyang maka-graduate bago mo pakasalan."

Napasinghap ako si itinugon ni Papa. Pagkabaling ko sa mukha ni Patrick ay abot-tenga ang ngiti nito, na animo'y nanalo sa lotto.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top