Chapter 31
CHAPTER 31
"MA? PA? Ano'ng ginagawa ninyo rito?"
Napatakip ako ng aking bibig. Kumurap-kurap pa ako nang ilang beses para siguraduhin hindi nagkakamali ang aking paningin, ngunit totoo sila!
"Zabelle! Zac!"
Kandatakbo ako at sinalubong ng yakap si Mama. Hindi ko napigilang mapaluha.
"Ginulat n'yo naman ako. Bakit hindi n'yo man lang ako sinabihan na pupunta pala kayo rito? Kaya pala hindi kayo sumasagot sa mga tawag ko, ha!"
Tumawa si Mama saka pinisil ang aking kamay. Bumaling ako kay Papa saka nagmano.
"E 'di hindi na iyon surprise kung sinabi namin sa 'yo, Ate," bulalas ni Zac. Napatawa ako.
"Grabe! Ang laki-laki naman ng bahay ni Kuya Timothy! Parang palasyo!" namamanghang untag ni Zabelle sabay libot ng kanyang paningin.
"Teka, paano kayo nakarating dito, Ma?"
Nasagot ang aking tanong nang bumaling si Papa sa may bungad ng foyer. Ngumiti siya sa akin saka kumindat.
"Pinasundo kami ni Timothy sa bahay. At saka bago naman kayo umalis noong pagkatapos ng Pasko kinausap na kami ng nobyo mo na kung puwede dito na kami magbabagong taon."
"Grabe! Pati ang sahig kumikinang, Ate!" untag naman ni Zac. Manghang-mangha sila ni Zabelle sa loob ng bahay.
I mouthed thank you to him. Agad siyang lumapit sa amin saka iginiya ang aking pamilya.
Sinulyapan ko si Papa. Inililibot niya lang ang kanyang paningin ngunit wala siyang ibang namutawi.Naubusan siya ng salita?
"Please feel at home," nakamuwestrang untag ni Timothy. Napanganga lang ako sapagkat wala akong kaide-ideyang papupuntahin niya rito ang pamilya ko.
"Wow! Ang lambot-lambot ng sofa!"
"Zac, huwag kang tumalon-talon diyan!"
Nataranta ako't tinakbo si Zac saka hinila paibaba ng sofa. Susmaryosep itong kapatid ko! Nang lingunin ko si Zabelle ay hinaplos-haplos nito ang mga malalaking vase.
"Zabelle, baka mahulog 'yan! Wala tayong pambayad!" Pinanlakihan ko siya. Agad naman siyang lumayo roon.
"Grabe! Ang laki-laki naman ng Christmas tree ninyo rito. Muntik nang umabot na sa kisame!" Si Mama. Parang bata rin siyang manghang-mangha. Napangiwi ako't napakamot ng ulo.
"Pati ang TV ninyo ang laki-laki! Grabe!" Pumalakpak si Zac. Nahihiyang ngumiti ako kay Timothy. Bagong bili lang ang TV noong bumalik kami rito.
"Love, chill."
Naramdaman kong inakbayan ako ni Timothy ngunit agad din niyang tinanggal ang kanyang kamay nang bumaling sa amin si Papa. Nagpatay-malisya na lamang ako.
"Ay, nandito na pala ang ating mga bisita!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Magkasunod na pumasok sa sala si Nanay Sol at ang tatlong Maria.
"Hello! Welcome to Bustamante Residence!" nakadipang bati ni Milagros. Lumapit siya kay Mama at feeling close na nakipagbeso rito.
"Hello po!" Zabelle waved her hand.
"Ay, ito na ba ang nakababata mong kapatid! Ang ganda-ganda!" untag ni Milagros.
"Siyempre, kanino pa ba 'yan magmamana, e 'di sa Mama nila. Tingnan mo naman." Iminostra ni Susana ang kabuuan ni Mama. Natawa kami pati si Mama.
"Siya nga pala, Mama, Papa, sila ang mga kasamahan ko rito. Ito si Susana, ito naman si Dionesa, at itong pinakamadaldal ay si Milagros." Isa-isa ko silang ipinakilala.
Lumabi si Milagros dahil sa aking sinabi. "Hindi naman ako madaldal, marami lang talaga akong kuwento."
"Sa wakas, nakilala ko na rin kayo! Nakakainggit ang lahi ninyo!" untag ni Susana. Sinundan iyon ng tawa ni Mama.
"Kayo rin naman ang gaganda ninyo," nakangiting tugon ni Mama. Niyakap niya rin nang bahagya ang tatlo.
"Mabuti naman at pumayag kayong dito na kayo magbabagong taon. Para naman mas masaya tayo kapag marami," singit ni Nanay Sol.
Kung gano'n ako lang ang hindi nakakaalam na dito sila magbabagong taon? Nakakaloka na talaga ang mga desisyon ni Bustamante sa buhay. Hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Lahat instant.
"Nay Sol, can you please show them their rooms upstairs?"
"Aba'y, oo naman. Halina kayo sa itaas, ihahatid ko kayo sa guest room."
"Talaga po?" manghang untag ni Zac. Ginulo ko ang kanyang buhok. "Sige na, sumama ka na."
"Yes!" napasuntok siya sa ere.
Sinundan ko sila ng tingin habang papanhik ng hagdan. Kasunod nila ang tatlong Maria. Naglikha pa ng ingay ang bawat paghakbang nila paakyat.
Nang mawala sila sa paningin ko'y agad kong hinarap ang Senyorito ng mansyon. Napakamot ako ng ulo.
"Bakit hindi mo man lang sinabi na papupuntahin mo sila rito?"
He grinned at me. "Because that was a surprise?" he responded with his brows raised playfully.
"Timothy naman! Hindi ba kakausap lang natin na ayaw kong gumagastos ka sa—"
"Love, please? I just want you to be with your family during special occasions. Didn't you like it?"
Mabilis akong umiling. "Hindi naman sa gano'n. Siyempre gusto ko silang makasama pero marami ka nang nagastos para sa pamilya ko. Hindi ko na alam kung paano kita mababayaran."
Saglit na dumilim ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi. He let out a sigh. "I don't want to argue about this anymore."
Nagkibit na lamang ako ng balikat nang mag-walk out siya. Napatitig ako sa hagdan bago naisipang sundan sila Mama sa itaas.
Hanggang sa kinagabihan ay hindi na ako kinausap ni Timothy. Hindi siya sumama sa amin noong nagsimba kami bago maghapunan.
Sa laki ng mansyon ay halos hindi na kami magkita-kita. Hindi ko alam kung bakit hindi na niya ako kinausap gayong siya nga ang matigas ang ulo. Siya na nga itong madesisyon sa pamilya ko, siya pa ang galit.
Pero galit nga kaya siya?
I shove those thoughts off. Marami pa namang tao sa labas ng mansyon. Kumakain ang mga trabahador ng hacienda roon. Mabuti at hindi ko na nakita ang mukha ni Raquel. Pero gusto ko rin namang makaharap siya ulit dahil gusto kong humingi ng dispensa sa nagawa ko sa kanya noong nakaraan. Mabilis lang talagang uminit ang ulo ko kapag may dalaw ako. Kaya't hindi ko nakontrol ang aking sarili.
"Zia Lynn!"
"Ay, biga mo aswang!"
Napakurap ako nang biglang pumitik sa harapan ko si Milagros. Hindi ko napansing napatulala na pala ako habang pinapaikot ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa.
"Kanina ka pa namin kita kinakusap, natulala ka na. Diyos ko, Senyorita! Ano'ng nangyayari sa 'yo?"
Nasa akin ang atensyon nilang apat. Ang tatlong Maria at si Nanay Sol. Katulad ko ay nakasuot din sila ng polka dots na dress. Ang pinagkaiba lang ay ang kulay.
"Inaantok ka na ba? Puwede ka naman na pumanhik muna at matulog. Apat na oras pa naman bago mag-alas dose," untag ni Nanay Sol. Umiling ako.
"May naalala lang ako, Nay. Nga ho pala, nakita n'yo ho ba sina Mama?"
"Nasa lawn sila, nakikihalubilo sa mga trabahador ng hacienda. Sina Zac at Zabelle naman nasa sala nanonood ng TV." Si Dionesa ang sumagot.
"Gano'n ba? Sige, mauna na muna ako sa inyo."
Tumayo ako ngunit nakakunot ang kanilang mga noo sa akin. Tila nahihiwagaan sa aking galaw. Hindi ko naman kasi sila masisisi.
"Si Senyorito Timothy ba hindi mo itatanong sa amin kung nasaan siya?" nanunuksong untag ni Susana. Lumunok ako't umiwas ng tingin.
"Nandiyan lang siguro 'yon," untag ko't tumalikod.
"Sus, kunwari ka pa. Kanina hindi sumama sa atin si Senyorito. Ayusin n'yo kaya ang problema ninyo. Magpapalit ng taon pero hindi kayo bati." Si Milagros.
Umirap lang ako't nagtuloy-tuloy sa dining area saka dumiretso sa sala. Naabutan ko ngang nanonood ng TV sina Zabelle at Zac. Sinusulit talaga nila dahil walang malaking TV sa bahay namin. Maliban sa kaunting channel lang ang nakukuha ng TV ay black and white pa dahil ilang taon na rin. Buti nga gumagana pa kahit na madalas pinupukpok sa likod ni Zabelle para lang may lumabas sa screen.
"Zabelle, Zac, matulog na muna kaya kayo? Mahigit apat na oras pa bago mag-alas dose. Baka antukin kayo mamaya," paalala ko.
"Hindi kami inaantok, Ate. Mahaba kaya tulog namin kaninang tanghali," mabilis na salungat ni Zac. Napailing ako. Halata nga. Ang taas ng energy nilang dalawa.
Nilagpasan ko na lamang sila para tingnan sila Mama sa lawn ng mansyon. Mula pa kaninang hapon dito ang mga trabahador. Kaya siguro hindi na rin sumama sa amin si Timothy dahil gusto nag-asikaso siya ng mga bisita.
Sa bungad na ako nang main door nang muntik akong matumba. Mabuti na lamang at nasambot ako sa baywang ng taong nakabunggo ko.
"Ikaw?"
Nanlaki ang aking mga mata at agad na kumawala sa kanyang pagkayapos.
"Kumusta ka, Zia? Ang akala ko'y hindi na ulit kita makikita." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Lalong kang gumanda sa suot mo."
"Uhm, s—Salamat, Victor." I smiled awkwardly.
"Sige, ha? Mauna na ako." Itinuro ko ang lawn gamit ang aking hinlalaki.
"Sandali, Zia."
Napatigil ako sa akmang paghakbang saka binalingan siya. Nakatingin ito sa akin nang mariin. "Puwede ko bang mahingi ang numero mo? Hindi kasi ibinigay sa akin ni Raquel," aniya.
Tila bumara ang aking lalamunan. Naitago ko ang sariling cellphone sa aking likod. "Ah, sa susunod na lang. Hindi ko kasi kabisado ang numero ko. Lowbat na kasi ako." Pasimple kong ini-off ang cellphone ko bago itinaas.
Bumagsak ang kanyang balikat dahil sa sinabi ko. "Sayang."
"S—sige, ha."
"Teka, sandal lang, Zia Lynn."
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong hinawakan sa siko saka pinaharap sa kanya.
"Victor, ang siko ko."
Nahintakutan ako sa klase ng kanyang titig sa akin. "Bakit ka ba nagmamadali? Gusto lang namann kitang makausap," aniya.
Napalingon ako kina Zac, maingay ang TV at malayo ang distansya nila sa akin kaya't hindi nila ako napapansin.
"Ano ba'ng pag-uusapan natin? Victor bitiwan mo ako." Pinatigas ko ang aking boses. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kaba.
Tumaw siya, dahilan upang kilabutan ako. "Zia Lynn naman, ang arte mo. Hindi ka naman siguro ipinanganak kahapon para hindi mo maintindihan ang intensyon ko sa 'yo. Gusto kita!"
Nanlaki ang aking mga mata kaya't buong lakas ko siyang itinulak saka umatras. Maingay pa naman ang tugtog din sa labas kaya't walang nakaririnig sa amin.
"Ano'ng pinagsasabi mo, Victor?"
"Ang sabi ko, gusto kita."
Muli akong napahakbang paatras. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"P—pasensya na, Victor. Pero hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. May mahal na akong iba."
Napapikit siya nang mariin dahil sa sinabi ko. Ngunit agad din siyang dumilat at napahawak sa kanyang baba.
"At sino namang mahal mo, ha?"
Napasinghap ako nang muli niya akong hinawakan. Sa pagkakataong ito'y sininop niya ang aking magkabilang braso.
"Nababaliw ako sa'yo, Zia Lynn. Alam mo na magmula nang makita kita lagi ka nang laman ng isip ko. Kaya kitang mahalin nang higit pa sa inaakala mo. Kaya sa akin ka na lang. Sa akin ka na lang, Zia Lynn."
"Victor, bitiwan mo ako, ano ba?"
Ngumisi siya. "Huwag ka nang mag-inarte, Zia Lynn. Katulong ka lang naman dito."
Nanginig ang aking mga tuhod dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. "Victor, nakikiusap ako. Bitiwan mo ako."
"Kung gano'n akin ka na lang. Akin ka lang dahil baliw na baliw ako sa 'yo—"
Napatili ako nang biglang bumulagta si Victor sa sahig. Agad na dumugo ang kanyang ibabang labi nang pumutok ito gawa ng suntok.
"Timothy, tama na!"
Tarantang inawat ko si Timothy nang hindi pa siya nakuntento. Pinaulanan niya ng suntok si Victor sa mukha!
Napatili na rin si Zabelle nang maagaw namin ang kanilang atensyon ni Zac.
"You fcking son of a bitch!" malakas na mura ni Timothy. Pinagsisipa pa niya si Victor na ngayon ay nakabulagta na sa sahig.
Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya sa baywang. Nawalan na rin ako ng lakas sa sobrang panginginig ng aking mga tuhod.
"Tama na, please."
Agad naman siyang napatigil saka hinawakan ang aking kamay na nakayapos sa kanyang baywang. Hinila niya ako paikot para mapunta sa kanyang gilid. He wrapped his arm around me possessively.
"Ano'ng nangyayari?"
Biglang dumating si Mama. Kasunod niya si Papa at ang dalawang guwardiya na sina Ismael at Kuya Ramon.
"Diyos ko! Ano'ng nangyari dito?" bulalas ni Nanay Sol. Kasunod niya sina Milagros.
Napayakap na rin si Zabelle kay Mama dahil sa takot.
Dahil nakayapos sa akin si Timothy ay ramdam ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib.
"Drag this asshole out of here, Ismael!" His voice thundered. Napapiksi kaming lahat.
"Ano ba'ng nangyari?" Si Mama.
Umiling lang ako. Hindi ko nagawang sumagot dahil nanginginig pa rin ako sa takot. I felt Timothy's lips on the top of my head.
"Shh... You're safe now, Love."
At ngayon ko lang din napagtantong umiiyak pala ako. Nagpatianod na lamang ako nang inakay niya ako papuntang sala. Bago kami tuluyang umakyat sa hagdan ay nagbilin pa siya kay Milagros na magdala ng tubig sa itaas.
"Ano ba'ng nangyari, Zabelle?" dinig kong tanong ni Papa habang papakyat kami ng hagdan.
Narinig ko pa ang pagsisimula ni Zabelle ng kuwento bago tuluyang nawala ang kanilang boses dahil nasa itaas na kami.
Dinala niya ako sa kanyang kuwarto saka pinaupo sa kama.
"It's okay now, Love. I'm sorry."
Naupo siya sa tabi ko kaya't lumundo ang kama. Hinigit niya ako patagilid saka niyakap.
"I'm sorry din."
Lalo akong naiyak saka yumakap sa kanya pabalik. "Shh, wala kang kasalanan. I will make sure he will pay for what he did."
Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Napapikit ako nang bumalik sa isip ko ang nangyari sa akin isang taon na ang nakalipas. Patrick also tried to do the same thing.
"Huwag na siguro, Timothy. Nabugbog mo na siya. H—hindi naman na siguro mangyayari ulit iyon."
"That wasn't enough, Love. You don't understand how I feel right now. I wanted to bury him alive!"
Hindi na ako sumagot pa dahil nanghihina pa rin ang aking mga tuhod. Mahihinang katok ang nagpahiwalay sa aming yakapan.
"Stay here," he softly whispered.
Tumayo siya't naglakad para pagbuksan ang kumatok. Agad niya rin itong isinara nang makuha ang isang baso ng tubig galing kay Milagros.
Inalalayan niya akong uminom ng tubig. Pagkatapos niyon ay hinaplos-haplos niya ang aking likod para pakalmahin ako. That helped somehow, dahil medyo kumalma ang pagtahip ng aking dibdib.
"It's almost 4 hours before 12. Matulog ka muna. Babantayan kita," malambing niyang sabi saka inalalayan ako pahiga.
"Sa kuwarto ko na lang kaya—"
"Love, please?" pagsusumamo niya. Tumango na lamang ako. Lagi ko na lang kasi tinutuligsa ang mga desisyon niya kaya't naisipan ko na lamang tumahimik.
"Baka kung ano'ng isipin nila Papa kasi," mahinang bulong ko. He chuckled.
"Don't worry, nakapagpaalam ako." Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Hinampas ko siya. Tumawa siya ulit. Kanina lang parang sasabog siya sa galit, ngayon ang aliwalas na ng kanyang mukha.
"I will never do anything against your will, Love. Calm down and sleep."
Saktong pagkasabi niya niyon ay napahikab ako. Wala naman na talaga akong masyadong tulog mula pa kagabi dahil sa kaiisip sa nangyari kay Divina. Tapos ang aga ko pang nagising kaninang umaga para tumtulong sa paghahanda sa kusina. At buong araw din akong tumulong samga gawain dahil nakakahiya naman kasi kina Nanay Sol kung sila pa ang mag-aabala para sa pamilya ko.
Bumigat ang talukap ng aking mga mata.
Ang huling naramdaman ko'y ang paghalik niya sa akin sa noo bago kinain ng dilim ang aking ulirat.
Nagising ako nang saktong sampung minutos na lamang bago mag-alas dose. Wala nang anino ni Timothy sa kuwarto. Agad akong bumangon saka lumabas.
Maingay pa rin ang tugtog. Nasa gitna na ako ng hagdan nang makita kong akmang aakyat si Timothy.
"You're awake," aniya.
Natawa ako sa itsura niya. Paano'y naka-polka dots din siyang damit. Pink pa, katulad sa akin.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top